You are on page 1of 23

K OM UN I K ASYON AT PAN AN ALI K SI K

SA W I K A AT KULTUR AN G PI LI P I N O
(K OM P AN )
Ano ang
wika?

KOMPAN Pamukaw Sigla 2


ARALIN 1. Mga Batayang
Kaalaman sa Wika

Inihanda ni G. Jhon Paul T. Pojas


Ang mga M ag-aaral ay inaasahang:
• Natutukoy ang kahulugan, kahalagahan at kapangyarihan ng
wika;
• Nakikilala ang mga pananaw ng iba't-ibang dalubwika ukol sa
kahalagahan ng wika;
• Nakapagbibigay ng pansariling kahulugan sa wika na nabatay sa
kahalagahan at kapangyarihan ng wika bilang instrumento sa
komunikasyon.

20XX Aralin 1. Mga Batayang Kaalaman sa Wika 4


M ga Nilalaman ng Aralin:
• Kahulugan ng wika
• Ang wika para sa mga dalubwika
• Kahalagahan ng Wika sa Sarili, Kapwa at Lipunan.
• Kapangyarihan ng Wika.

20XX Aralin 1. Mga Batayang Kaalaman sa Wika 5


PI LI P I N AS

KOMPAN Aralin 1. Mga Batayang Kaalaman sa Wika 6


AN O AN G W I K A?
• Ang wika ay isang paraan ng komunikasyon.
• Ang iba pang katawagan sa wika ay “lengguwahe”. Ito ay nagmula sa
salitang Latin na “lingua”, na mayroong literal na nangangahulugang
“dila”.
• Ayon sa bibliya, ang wika ang pinakamagandang handog ng Diyos sa
sangkatauhan sapagakat ito ang pinakamahalagang kasangkapan ng tao
sa kanyang pakikisalamuha sa pang-araw araw na pakikipag-ugnayan.

KOMPAN Aralin 1. Mga Batayang Kaalaman sa Wika 6


AN O AN G W I K A?
• Ang wika ay ang kalipunan ang wika ay ating ginagamit sa dalawang anyo
ng komunikasyon at ito ay maaaring nasa anyong pasulat o pasalita.
• Sa masistemang pagkakahulugan, ang wika ay isang sistematikong
balangkas ng mga isinatinig na mga makabuluhang tunog, pinili at
isinaayos sa pamamaraang paarbitraryo upang lubusang maunawaan at
magamit ng mga taong nabibilang sa isang lipunang may natatanging
kultura.

KOMPAN Aralin 1. Mga Batayang Kaalaman sa Wika 8


AN G W I K A PAR A SA M GA DALUBW I K A...
• Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at
isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang
sa isang kultura. (G leason,1999)

M asistemang balangkas:
• Lingwistika
• Ortograpiya
• Ponolohiya
• Morpolohiya
• Sintaks
• Semantika atbp.

KOMPAN Aralin 1. Mga Batayang Kaalaman sa Wika 9


AN G W I K A PAR A SA M GA DALUBW I K A...
• Sa aklat nina Bernales et al. (2002), mababasa ang kahulugan ng wika
bilang proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa
pamamagitan ng simbolikong cues na maaring berbal o di-berbal.

• Sa aklat naman nina Mangahis et al. (2005), binanggit na mahalagang


papel na ginagampanan ang wika sa pakikipagtalastasan. Ito ang midyum
na ginagamit sa maayos na paghahatid at pagtanggap ng mensahe na susi
sa pagkakaunawaan.

KOMPAN Aralin 1. Mga Batayang Kaalaman sa Wika 10


AN G W I K A PAR A SA M GA DALUBW I K A...
• U P Diksiyonaryong Filipino (2001), ang wika ay lawas ng mga salita at
sistema ng paggamit ng mga ito na laganap sa isang sambayanan na may
iisang tradisyong pangkultura at pook na tinatahanan.

KOMPAN Aralin 1. Mga Batayang Kaalaman sa Wika 11


AN G W I K A PAR A SA M GA DALUBW I K A...
• Pamela C. Constantino at Galileo S. Zafra (2000), ang wika ay isang
kalipunan ng mga salita at ang pamamaraan ng pagsasama-sama ng mga
ito para magkaunawaan o makapag-usap ang isang grupo ng mga tao.
• Bienvenido Lumbera (2007), na parang hininga ang wika. Gumagamit tayo
ng wika upang kamtin ang bawat pangangailangan natin.
• Alfonso O. Santiago (2003), wika ang sumasalamin sa mga mithiin,
lunggati, pangarap, damdamin, kaisipan o saloobin, pilosopiya, kaalaman
at karunungan, moralidad, paniniwala, at mga kaugalian ng tao sa Lipunan.

KOMPAN Aralin 1. Mga Batayang Kaalaman sa Wika 12


KAHALAGAHAN NG W I K A SA SAR I LI ,
SA KAP W A AT SA LI P UN AN
KAHALAGAHAN NG W I K A SA SAR I LI
• Ang totoong kahulugan ng isang rasyunal na nilalang ay nakasalalay sa
kaalamang pangwika nito.
• Mahalaga ang wika sa sarili dahil isa itong daan sa pag-unlad.
• Kapag bukas ang isang tao sa pagkatuto sa ibang tao, nakikinabang siya
sa kanilang mga karanasan at maaari niyang manahin ang kanilang
karunungan at mga nalalaman.
• Hindi lamang tayo nabubuhay para sa ating sarili, bagkus ay nakatuon
din ang ating oras sa ating kapwa. Sapagkat, hindi magiging
makabuluhan ang ating pamumuhay kapag hindi tayo makikipag-
ugnayan sa ibang tao.

KOMPAN Aralin 1. Mga Batayang Kaalaman sa Wika 14


KAHALAGAHAN NG W I K A SA KAP W A
• Ayon nga sa kasabihan na nawiwika sa Ingles, “No man is an
Island”.
• Ang wika ay nagiging tulay ng dalawang damdamin o dalawang
tao o higit pa. Kaya naman mahalaga ang wika sa kapwa dahil
ito ang nagsisilbing instrumento upang maipahayag ang
damdamin.
• Kung kaya’t kung walang wika, walang mabisang lunsaran ng
damdamin ang bawat isa at hindi magiging posible ang
pagpapahayag ng sarili. Walang palitan ng opinyon at wala ring
mangyayaring kaunlaran.

KOMPAN Aralin 1. Mga Batayang Kaalaman sa Wika 15


KAHALAGAHAN NG W I K A SA LI P UN AN
• Ang wika ay nagsisilbing kaluluwa ng kanilang
kultura.
• Nagkakaroon ng isang lipunan sa sandaling
magkaroon ng mabuting ugnayan ang mga tao sa
tiyak na pamayanan.
• Nagagawang pagbuklurin ang lahat ng mga taong
nakatira sa lipunan sa pamamagitan ng wikang
gagamitin upang magkaunawaan, magkaintindihan at
magkapalagayan dahil nakabatay ito sa kanilang
sariling Kultura.

KOMPAN Aralin 1. Mga Batayang Kaalaman sa Wika 16


KAP AN GYAR I HAN NG W I K A
KAP ANGYAR I HAN NG W I K A

• Ang wika ay maaaring makapagdulot ng ibang kahulugan. Nakasalalay


ito sa napagkasunduan ng mga taong nabibilang sa iba’t ibang
lipunan.

Langgam (Cebuano-
Langgam (Tagalog)
Bisaya)

KOMPAN Aralin 1. Mga Batayang Kaalaman sa Wika 18


KAP ANGYAR I HAN NG W I K A

2. Lumikha ng Saloobin. Anuman ang nararamdaman ng isang tao,


maluwag nitong naipapahayag ang kanyang saloobin sa pamamagitan ng
paggamit ng wika.

KOMPAN Aralin 1. Mga Batayang Kaalaman sa Wika 19


KAP ANGYAR I HAN NG W I K A

3. Humuhubog ng Tamang Pag-uugali ng Isang Tao. Sa positibong


pananaw, ang mga mabubuting pananalita ay nagbubunga ng mabubuting
resulta.

KOMPAN Aralin 1. Mga Batayang Kaalaman sa Wika 20


KAP ANGYAR I HAN NG W I K A
4. Kapangyarihan ng isang Kultura. Anumang pag-uugali o gawi,
karunungan o kapintasan, at positibo o negatibong pananaw sa buhay
mayroon ang isang lipunan, ito ay nakasalalay rin sa wikang taglay nito.

Ang wika ay hindi lamang simpleng paraan ng komunikasyon, kundi ito rin
ay isang sistema ng mga simbolo at tuntunin na nagpapahayag ng mga
kaisipan, paniniwala, tradisyon, at mga saloobin ng isang lipunan.

KOMPAN Aralin 1. Mga Batayang Kaalaman sa Wika 21


P AGBATI !
Palaging isaisip na ang pagiging mabuti at mahusay na mag-aaral ay hindi lamang
para sa ngayon, kundi para sa mas magandang bukas.
Sanggunian:
Taylan, D. R., Petras, J. D., & Geronimo, J. V. (2017). Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino (1st ed.). Rex Book Store, INC.
(RBSI).
Gonzalvo, R. P., Jr., M.A.F. (2016). KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA
WIKA AT KULTURANG PILIPINO (1st ed.). MINDSHAPERS CO., INC.

KOMPAN 23

You might also like