You are on page 1of 6

TEST 1.

MULTIPLE CHOICE
Direksyon:
1. Basahin at unawain ang mga sumusunod na tanong, at piliin ang tamang sagot.
2. ALL CAPITAL LETTERS
3. Kabuohang aytems: 15 aytems

1. Sa tungkulin ng wika na ito, ang wika ay nagiging behikulo upang maipahayag


ang kagustuhan at pangangailangan ng isang tao.
A. Regoratori
B. Interaksiyonal
C. Instrumental
D. Heuristiko

2. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng bigkas na pagganap ng tungkuling


instrumental. Maliban sa?
A. Panghihikayat
B. Pagmumungkahi
C. Pangungumusta
D. Pakikiusap

3. Ang tungkulin ng wika na ____ ay nagpapakita kung papaano nagagamit ang


wika bilang pang-impluwensya sa pagkilos, pag-iisip at pag-uugali ng taong
kausap.
A. Regoratori
B. Interaksiyonal
C. Instrumental
D. Heuristiko

4. Kapag ang layunin sa paggamit ng wika ay mas mapalakas ang relasyon sa


pakikipag-ugnayan, ang tungkuling pangwika na ginagamit rito ay ang ___.
A. Personal
B. Impormatibo
C. Interaksiyonal
D. Instrumental

5. Kapag ginagamit ang wika sa pag-aaral at pagtuklas upang makapagtamo ng


kaalaman, ang tungkulin ng wika ay nagiging ____?
A. Impormatibo
B. Interaksiyonal
C. Instrumental
D. Heuristiko

6. Ito ay kinikilala bilang tungkulin ng wika na ginagamit upang maipahayag ang


opinyon, saloobin at mga pananaw hinggil sa paksang pinag-uusapan.
A. Personal
B. Impormatibo
C. Interaksiyonal
D. Instrumental

7. Sino ang kauna-unahang Espanol na nanakop sa kapuluan ng pilipinas?


A. Ferdinand Magellan
B. Miguel Lopez De Legaspi
C. Villalobos
D. Haring Felipe II

8. Ito ay ang mga katutubong dayuhan na pinaniniwalaang ikalawang nakarating sa


lupain ng Pilipinas, kungsaan sila ay sakay-sakay ng balangay.
A. Indonesyo
B. Malay
C. Igorots
D. Negritos

9. Ito ay isang pederal na batas ng Estados Unidos na nagtatadhana ng


nagsasariling pamahalaan ng Pilipinas at ng kalayaan nito.
A. Batas Tydongs McDuffie
B. Batas Tydings McDuffie
C. Batas Tydings Mcpuffie
D. Batas Tydings McDummie

10. Sa anong Kautusan ipinoklama ng dating pangulong Manuel Quezon na ipasok


na rin sa mga kurikulum ang pagtuturo ng tagalog?
A. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187
B. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134
C. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96
D. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 89
11. Anong kautusan noong 1959 ang ipinatupad ni Jose Romero na nagsasaad na
ang wikang Pambansa ay Pilipino?
A. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96
B. Kautusang Pangkagawaran Blg. 25
C. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187
D. Kautusang Pangkagawaran Blg 7

12. Ito ay tinagurian bilang lingua franca ng Pilipinas kungsaan lahat ay nakaka-
intindi, nakakaunawa, at lahat ay gumagamit nito.
A. Tagalog
B. Pilipino
C. Filipino
D. Tagala

13. Ito ay maituturing bilang pinakang makapangyarihang anyo ng midya sa


kasalukuyan.
A. Sosyal midya
B. Radyo
C. Telebisyon
D. Diyaryo

14. Ito ay isang uri ng pagtatalo ng dalawang magkaibang panig ukol sa isang paksa
kungsaan ang mga pananalita ay may dugma sa huli.
A. Flip-top
B. Sabayang pagbigkas
C. Balagtasan
D. Bugtong

15. Ano ang tawag sa wikang bitbit ng mga indonesyo nang sila ay nakarating sa
lupain ng Pilipinas?
A. Malay
B. Bahasa
C. Tagala
D. Tagalog
TEST ll. TAMA o MALI
Direksyon:
1. Basahin at unawain ng mabuti ang pangungusap. I-type ang TAMA sa ibaba ng
tanong na naka-ALL CAPITAL LETTERS kung ang isinasaad sa pangungusap
ay wasto. Isulat ang MALI kapag hindi wasto.
2. Kabuohang aytems: 15 aytems
3. Maging maingat sa spacing, sapagkat naka-case-sensitive text ang pagsusulit.

1. TAMA O MALI: Kailangang gamitin ng mabisa ang reguratori na tungkulin ng


wika sa pamamagitan ng paglilinaw at pagtitiyak ng pangangailangan, naiisip o
nararamdaman.

2. TAMA O MALI: Ang bigkas na pagganap na ginagamit bilang pangtukoy sa mga


tungkuin ng wika ay maaari lamang makita sa paraang pasalita.

3. TAMA O MALI: Ang mga alitutunin sa batas na ipinapatupad ng gobyerno ay


nagpapakita ng tungkuling reguratori.

4. TAMA O MALI: Ayon sa mga Amerikano ang mga katutubong Pilipino ay nasa
kalagayang barbariko, di sibilisado o pagano.

5. TAMA O MALI: Sa panahon ng mga Espanyol, sinasabi na hindi naging madali


ang pagpapalaganap ng kristiyanismo sa mga ninunong Pilipino dahil sa
magkaibang wikang ginagamit ng mga Espanyol at katutubong Pilipino.

6. TAMA O MALI: Ang konstitusyon na biyak na bato ang gumawa upang maging
wikang opisyal ang tagalog at wikang Pambansa ng Pilipinas.

7. TAMA O MALI: Ayon sa pag-aaral ang radyo ang dahilan kung bakit 99% ng mga
mamamayang Pilipino ay nakakapagsalita ng wikang Filipino.

8. TAMA O MALI: Ang Frequency Modulation (FM) ay instasyon ng Radyo na


naghahatid ng mga balita at tumatalakay sa mga seryosong paksa sa lipunan,
dito rin ine-ere ang mga radio drama.
9. TAMA O MALI: Sa sitwasyon pangwika sa diyaryo, Wikang Filipino lamang ang
ginagamit rito bilang midyum ng komunikasyon.

10. TAMA O MALI: Wikang impormal ang pangkaraniwang ginagamit sa Tabloid.

11. TAMA O MALI: Ang target audience ng Tabloid ay mga propesyonal na tao
kagawa ng doktor, businessman at marami pang iba.

12 TAMA O MALI: Sa mga mall, palengke, kainan at iba pang sektor ng ekonomiya
ay madalas gumagamit ng wikang ingles.

13. TAMA O MALI: Ang hugot lines ay mga tanong na sinasagot na madalas
naiuugnay sa pag-ibig at iba pang aspeto sa buhay.

14. TAMA O MALI: Ingles ang kadalasang pamagat ng mga pelikulang Pilipino,
gayon din ang lingua franca o pangunahing wika na ginagamit ng mga
tagapagpaganap sa pelikula.

15. TAMA O MALI: Madalas na ginagamit ang Wikang Filipino sa mga usaping
pulitika ng mga mangangampanya tuwing sasapit ang halalan o eleksyon.

TEST lll. IDENTIPIKASYON


Direksyon:
1. Basahin at unawain ang sumusunod na pahayag o pangungusap. Alamin kung
ano ang tinutukoy sa mga pahayag. I-type ang sagot sa ibaba ng tanong.
2. ALL CAPITAL LETTERS
3. Kabuohang aytems: 10 aytems

1. Siya ay isang tanyag na linggwistika na nagpakilala ng mga tungkulin ng


wika sa lipunan. *Kompleto dapat ang pangalan.

2. Ito ay ginagamit bilang pangtukoy sa mga tungkulin ng wika na umiiral sa


lipunan?
3. Ito ay uri ng diyaryo na ginagamit ang ingles bilang midyum, madalas din
ang mga mambabasa dito ay mga propesyonal.

4. Ang ___ ay ang tinaguriang isa sa mga pangunahing wika ng daigdig na


pinaniniwalaang nagmula sa malawak na lupain na tinatawag na Malayo-
Polenesyo.

5. Ito ay ang tungkulin ng wika na ginagamit upang lumikha at magpanatili


ng mga ugnayang interpersonal at pakikipagkapwa tao.

6. Ito ay isa sa tatlong paglalarawan ng mga Espanyol noon sa ating mga


katutubo, na may ibigsabihin na walang sinasambang diyos, sa halip ay
sumasamba lamang sa mga anito.

7. Ano ang buong pangalan ng kauna-unahang pangulo ng kommonwelt ng


Pilipinas?

8. Ito ay ang palatitikang romano na ipinakilala ng Espanyol sa mga


katutubong Pilipino at ginamit sa pagpapalaganap ng Krisyanismo sa
Pilipinas.

9. Ayon sa kaniya ang sitwasyon pangwika ay makikita rin sa limang


kategorya: Ang sitwasyon pangwika sa text, social media, kalakalan,
edukasyon at pamahalaan.

10. Ito ay ang pinaniniwalaang naging malaking kontribusyon ng mga


Amerikano sa ating mga Pilipino?

You might also like