You are on page 1of 16

1.

Sino sa mga sumusunod na manunulat ang nagsabi na ang wika ay isang sining
tulad ng paggawa ng serbesa o pagbe-bake ng cake at hindi tunay na likas?

A. Bienvenido Lumbera

B. Charles Darwin

C. Henry Allan Gleason

Jr

D. Paz, Hernandez at

Peneyra

2. Batay sa kahulugan ni Henry Allan Gleason Jr., ang wika ay sinasalitang


tunog. Maikakategorya ba natin na ang "Sign Language" ay wika?

A. Oo, sapagkat ito ay ginagamit sa komunikasyon

B. Oo, sapagkat ito ay may sinisimbolong mga

letra

C. Hindi, sapagkat ito ay walang tunog

D. Hindi, sapagkat kakaunti lamang ang gumagamit

nito

3. Sila ang mga propesor mula sa Unibersidad ng Pilipinas na nagsabing ang wika ay
tulay na ginagamit para maipahayag at mangyari ang anumang minimithi o
pangangailangan natin. Kaninong pagpapakahulugan ito?

A. Bienvenido Lumbera

B. Charles Darwin

C. Henry Allan Gleason

Jr

D. Paz, Hernandez at

Peneyra
4. Bakit itinuturing na haka-haka o kuro-kuro lamang ang isang teorya?

A. Sapagkat ito ay pekeng impormasyon

lamang

B. Sapagkat ito ay wala pang sapat na

ebidensiya

C. Sapagkat ito ay hindi totoo


D. Lahat ng nabanggit
5. Ginaya ng bata ang tahol ng aso na “arf-arf” habang ito ay nakikipag-usap sa
kaniyang ina. Anong Teorya ng wika ang ipinapakita ng sitwasyon?

A. Ding-Dong
B. Bow-wow
C. Ta-ra-ra-boom-de-ay
D. Pooh-Pooh

6. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng teorya ng wika na ding-


dong?
A. Naglalaro si Ben ng kaniyang kotse-kotsehan ay ginaya niya ang “busina”
ng kotse na napapakinggan niya sa radyo at telebisyon
B. Umalulong na parang lobo si Ana para sa kanilang proyektong role-play
C. Ang mga spartan ay nagsagawa muna ng "battle cry" na "awoo-awoo"
bago makipagdigma
D. Napasigaw ng "aray!" si Leni matapos mabagsakan ng bato ang kaniyang
paa

7. Sumabay sa saliw ng tugtugin ng "money dance" ang mga bisita nila Neil at
Leah sa kanilang kasal. Anong teorya ng wika ang ipinapakita ng sitwasyon?

A. Ding-Dong
B. Bow-wow
C. Ta-ra-ra-boom-de-ay
D. Pooh-Pooh

8.Bakit ang mga lingguwista o mga eksperto sa wika ay sinasabing ang lahat ng
wika ay pantay-pantay?

A. Sapagkat ang wika ay dinamiko


B. Sapagkat ang wika ay natatangi
C. Sapagkat ang wika ay sinasalitang tunog
D. Wala sa nabanggit
9.Kung ikaw ay gagawa ng wika, alin sa mga sumusunod ang dapat mong piliin na
katangian ng wika upang ito ay makasunod sa pagbabago?

A. Ang wika ay dinamiko


B. Ang wika ay natatangi
C. Ang wika ay sinasalitang tunog
D. Wala sa nabanggit

10.Alin sa mga sumusunod ang isa sa dahilan sa pagkakapili sa tagalog bilang


batayan ng wilkang pambansa?

A. Ito ay ang pinakamaraming dakilang akdang pampanitikan na nasusulat at


naiintindihan ng nakararami
B. Ito ang wikang katutubo ni Manuel L. Quezon na marami ring nagsasalita
sa gobyerno
C. Ito ang wikang opisyal sa panahon ni Emilio Aguinaldo kaya ito ang pinili
ni Quezon na batayan ng wikang pambansa
D. Lahat ng nabanggit

11. Bakit itinuturing na Ama ng Wikang Pambansa si Manuel Quezon?


A. Sapagkat sa kaniyang panunungkulan ay nagkaroon ng kauna-unahang wikang
pambansa ang pilipinas
B. Sapagkat siya ang nagrekomenda sa tagalog bilang wikang pambansa
C. Sapagkat siya ang nagsagawa ng pag-aaral hinggil sa balarilang tagalog
D. Sapagkat siya ang nagsagawa ng pag-aaral na batayan kung bakit tagalog ang
napiling wikang pambansa

12. Naging malaki ba ang naitulong ng Surian ng wikang pambansa upang makapili ang
Pilipinas ng wikang pambansa sa panahon ng komonwelt?

A. Oo, dahil sila ang nag-utos kung ano ang magiging wikang pambansa ng
Pilipinas
B. Oo, dahil sila ang nagrekomenda kay Manuel Quezon kung ano ang magiging
wikang pambansa ng Pilipinas batay sa kanilang pag-aaral
C. Hindi, dahil hindi nila natapos ang kanilang pag-aaral sa mga wikain sa Pilipinas
D. Hindi, dahil kulang sila sa budget sa panahon ng komonwelt na pinamumunuan
ni Manuel Quezon

13.Kung ikaw ay kasapi ng surian ng wikang pambansa, sasang-ayon ka ba sa pagpili


sa tagalog bilang batayan ng wikang pambansa?

A. Oo, sapagkat ito ang kagustuhan ng mga opisyal sa surian


B. Oo, sapagkat ito ang ginagamit ng nakararaming Pilipino
C. Hindi, sapagkat malilimutan ang iba pang wikain sa Pilipinas
D. Hindi, sapagkat wala itong batayan

14. Ayon sa Artikulo 14 Seksiyon 6 ng konstitusyon ng 1987, ito ang wikang pambansa
ng Pilipinas hanggang sa kasalukuyan
A. Tagalog
B. Pilipino
C. Filipino
D. Wala sa nabanggit

15. Ano ang dahilan kung bakit itinuturing na ang Panahon ng mga Hapones ay ang
"Gintong panahon ng Panitikang Tagalog"?
A. Sapagkat sa panahong ito ay pinahalagahan ang mga nagsasalita ng tagalog
B. Sapagkat sa panahong ito naisulat ang mga dakilang akda na nakasulat sa
tagalog
C. Sapagkat itinuring na ang tagalog ay ang gagamiting wikang opisyal sa
panahong ito
D. Lahat ng nabanggit

16. Bakit ipinagbawal sa panahon ng mga hapon ang paggamit ng wikang Ingles?

A. Dahil itinuturing na pagsuporta sa mga amerikano ang paggamit nito


B. Dahil kinakailangan ipalaganap ang wika ng mga hapon
C. Dahil mas laganap na sa panahong ito ang tagalog
D. Wala sa nabanggit

17. Kung ikaw ay pupunta ng City Hall upang kumuha ng Cedula, anong kategorya ng
wika ang dapat mong gamitin?

A. Wikang Opisyal
B. Wikang Panturo
C. Wikang Pantahanan
D. Wikang Panlipunan

18. Kung ikaw ay magiging guro sa hinaharap, anong mga wika ang dapat mong
gamitin sa pagtuturo sa iyong mga mag-aaral?

A. Tagalog at Filipino
B. Filipino at Ingles
C. Tagalog at Ingles
D. Filipino at Espanyol
19. Kung kakausapin mo ang si Pangulong Duterte sa kaniyang tahanan, anong antas
ng wika ang dapat mong gamitin?

A. Wikang Opisyal
B. Wikang Panturo
C. Wikang Pambansa
D. Wikang Panlipunan

20. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga antas ng wika?

A. Pormal
B. Impormal
C. Pormalistiko
D. Lahat ng nabanggit

21. Ito ang antas ng wika na ginagamit ng mga manunulat at mga mang-aawit na
pinapakinggan sa radio at telebisyon.

A. Pambansa
B. Pabalbal
C. Panlalawigan
D. Pampanitikan

22. Bakit itinuturing na Di-pormal na antas ng wika ang mga salitang kalye tulad ng
omsim at petmalu?

A. Sapagkat maraming mga pilipino ang nakakaintindi nito


B. Sapagkat iilan at piling mga grupo lamang ang nakakaintindi nito
C. Sapagkat ito ang nakasaad sa ating saligang batas
D. Sapagkat ito ay ginagamit sa pormal na pakikipagtalastasan

23.Alin sa mga sumusunod ang uri ng wika na nakasaad sa ating saligang batas?

A. Pambansa
B. Pabalbal
C. Panlalawigan
D. Pampanitikan

24. Si Ana ay may kakayahang gumamit ng wikang Filipino at Ingles sa


pakikipagtalastasan sa iba. Anong uri ng indibidwal si Ana?
Mark only one oval.

A. Bilingguwal
B. Monolingguwal
C. Multilingguwal
D. Wala sa nabanggit
25. Si Jose Rizal ay sinasabing kayang magsalita ng 22 na wika. Anong uri ng
indibidwal maituturing si Rizal?

A. Bilingguwal
B. Monolingguwal
C. Multilingguwal
D. Wala sa nabanggit

26. Bakit tinatawag na "Mother Tongue" o Inang wika ang unang wika ng isang tao?

A. Sapagkat nanay ang nagtuturo nito sa isang tao


B. Sapagkat ang mga ina ang gumagawa ng unang wika
C. Sapagkat ito ang wikang kinagisnan ng isang tao
D. Lahat ng nabanggit

27. Bakit itinuturing na pangalawang wika ng nakararaming Pilipino ang wikang


Filipino?

A. Sapagkat ito ang unang wika na natutuhan nila


B. Sapagkat ito ang wika na makatutulong sa kanilang pangangailangan
C. Sapagkat ito ang wika na itinadhana ng batas
D. Sapagkat ito ay itinuturo sa mga paaralan pagkatapos ng kanilang unang
wika o mother tongue

28. Siya ang lingguwistang nagpanukala ng mga gamit ng wika sa lipunan


A. Roman Jakobson
B. Dell Hymes
C. Willam Peter Robinson
D. M.A.K Halliday

29. Kung ikaw ay isang mananaliksik na nangangailangan ng mgaimpormasyon


mula sa iba't ibang sanggunian, anong gamit ng wika ang nararapat mong gamitin?

A. Impormatibo
B. Regulatoryo
C. Heuristiko
D. Imahinatibo

30. Ikaw ay kasalukuyang naka-enroll sa taong panunurang 2020-2021, alin sa mga


sumusunod na gamit ng wika ang iyong gagamitin upang matuto sa iyong mga
paksang-aralin sa bawat asignatura?

A. Impormatibo
B. Regulatoryo
C. Heuristiko
D. Imahinatibo

31. Bakit mahalaga sa isang lider ang paggamit ng Regulatoryong gamit ng wika"

A. Upang mabigyan ng sapat na impormasyon ang kaniyang mga nasasakupan


B. Upang epektibo niyang mapasunod sa alituntunin ang kaniyang mga
nasasakupang
C. Upang makakuha siya ng mga impormasyon hinggil sa kalagayan ng
kaniyang mga
D. nasasakupan
E. Upang mapaunlad niya ang sariling kultura ng kaniyang nasasakupang sa
pamamagitan ng mga akdang pampanitikan

32. Alin sa mga sumusunod na gamit ng wika ang ginamit ni Dr. Jose Rizalupang
maisulat ang kaniyang mga nobelang El Filibusterismo at Noli Me Tangere?

A. Impormatibo
B. Regulatoryo
C. Heuristiko
D. Imahinatibo

33. Isa sa ipinagawang performance task na iyong guro ay magsulat ng isang


"editorial" batay sa inyong pananaw hinggil sa napapanahong isyu. Anong gamit ng
wika sa lipunan ang dapat mong gamitin?
Mark only one oval.

A. Personal
B. Inter-aksiyunal
C. Instrumental
D. Imahinatibo
34. May sakit ang iyong magulang at kinakailangan nito ng gamot, ikaw ay nagtungo
sa botika upang bumili ng pangangailangang gamot ng iyong magulang. Anong
gamit ng wika sa lipunan ang nararapat mong gamitin?

A. Personal
B. Inter-aksiyunal
C. Instrumental
D. Imahinatibo

35. Nais mong kausapin ang isang estranghero upang alamin kung tama
angdireksiyong tinatahak mo, anong gamit ng wika ang iyong gagamitin?

A. Personal
B. Inter-aksiyunal
C. Instrumental
D. Imahinatibo

36. Kung ikaw ay magsusulat ng isang akdang pampantikan, alin sa mga


sumusunod na tungkulin ng wika ang gagamitin mo?
Mark only one oval.

A. Estetiko
B. Ludic
C. Metalanguage
D. Pagtuturo
37. Si Mel Tiangco at Mike Enriquez ay gabi-gabing naghahatid sa atin ng mga
impormasyon hinggil sa napapanahong mga pangyayari. Alin sa mga sumusunod
ang tungkulin ng wika na kanilang ginagamit?
Mark only one oval.

A. Estetiko
B. Ludic
C. Metalanguage
D. Pagtuturo

38. Siya ang lingguwistang nagpanukala ng mga paraan ng paggamit ng wika 1


pointsa lipunan

A. Roman Jakobson
B. Dell Hymes
C. Willam Peter Robinson
D. M.A.K Halliday

39. Nagpaskil ng “rant” o reklamo si Carlo sa facebook hinggil sa hirap na dinaranas


niya sa online class. Anong paraan ng paggamit ng wika ang ginamit ni Carlo?

A. Emotive
B. Conative
C. Phatic
D. Referential
40. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng "conative" na paraan ng paggamit
ng wika?

A. Si Ben ay sinigawan ang kaniyang kapatid upang ipakita rito na siya ay galit
na.
B. Hinikayat ni Pangulong Duterte ang mga pilipino na sumunod sa mga
alituntunin ngayong pandemiya
C. Ang unang nagpakita ng interes sa pakikipag-usap ay ang guro upang
magkaroon ng magandang talakayan ang klase
D. Nagtungo si Ana sa Pambansang Aklatan upang maghanap ng mga
impormasyon ukol sa kaniyang pag-aaral

41. Bakit ang isang tao ay kinakailangan gumamit ng "phatic" na paraan ng


paggamit ng wika?

A. Upang ipakita ang kaniyang mga pananaw sa isang isyu


B. Upang maimpluwensiyahan niya ang mga tao na gumawa ng mabuting bagay
C. Upang makapagsimula ng isang maganda at makabuluhang usapan hinggil
sa isang bagay
D. Upang mabusisi nang lubusan ang mga impormasyon mula sa iba't ibang
batis ng kaalaman

42. Kung ikaw ay isang mananaliksik at nais mo na maghanap ng mga sanggunian


para sa isinasagawa mong pag-aaral, ito dapat ang paraan ng paggamit ng wika na
dapat mong gamitin
A. Emotive
B. Conative
C. Phatic
D. Referential

43. Bakit mahalaga ang paggamit ng wika na "emotive" sa mabuting relasyon ng


bawat isa?
A. Sapagkat sa pamamagitan nito ay nagkakaroon ka ng maraming kaibigan
B. Sapagkat sa pamamagitan nito ay nakakakuha ka ng maraming
impormasyon
C. Sapagkat sa pamamagitan nito ay naihahayag mo ang saloobin mo hinggil sa
isang bagay
D. Sapagkat sa pamamagitan nito ay nakakapagsulat ka ng mga akda na
tumatalakay sa isang isyu

44. Bakit ginamit ang wikang kastila sa pagtuturo noon sa mga paaralang
pambayan sa kanilang panunungkulan?

A. Sapagkat ito ang ginagamit noon ng nakararaming pilipino.


B. Sapagkat ito ang nais ng mga pilipino
C. Sapagkat ito ay ipinag-utos ng mga opisyales ng pamahalaang kastila
D. Sapagkat ito ay ang wikang gustong gamitin ng mga propagandista

45. Bakit sa panahon ng mga Espanyol ay naging dominanteng wika ang wikang
kastila?

A. Dahil sa panahong ito ay mas maraming pilipino ang gumagamit ng wikang


kastila
B. Dahil sa panahong ito ay ipinagbawal ang paggamit ng wikang katutubo
C. Dahil sa panahong ito ay ipinag-utos na gamitin bilang wikang panturo ang
wikang kastila
D. Wala sa nabanggit

46. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita na malaki ang naging ambag ng
wikang kastila sa pag-unlad ng wikang Filipino?

A. Maraming kastila ang nagsasalita ng wikang Filipino


B. Maraming Pilipino ang marunong magsalita ng wikang Kastila
C. Maraming mga salita sa kastila ang hiniram ng wikang Filipino
D. Maraming mga salita sa Filipino ang hiniram ng wikang kastila

47. Kung ikaw ay isang propagandista sa panahon ng mga kastila, anong wika 1
point ang nararapat mong gamitin sa pagsulat sa pahayagang La Solidaridad?
Mark only one oval.

A. Tagalog
B. Cebuano
C. Kastila
D. Ingles

48. Bakit isinulong ni Andres Bonifacio ang paggamit ng wikang tagalog upang
magsulat ng mga akdang pampanitikan

A. Upang maintindihan ng marami at magkaroon ng pagkakaisa ang mga


Pilipino
B. Upang mas mapadali ang pagsusulat ng iba’t ibang akdang pampanitikan
C. Upang makalaban nila nang lubusan ang mga kastila
D. Wala sa nabanggit

49. Bakit pinili ng KKK na ang wikang tagalog ang gamitin sa pagsulat ng kanilang
mga akda tulad ng tula, nobela at sanaysay

A. Upang maraming pilipino ang makaintindi ng kanilang sulatin


B. Upang hindi ito maintindihan ng mga kastila
C. Upang ito ang magiging wikang opisyal ng rebolusyon
D. Lahat ng nabanggit

50. Bakit itinuturing na ang paggawa ng konstitusyon ng biak na bato ay may


malaking gampanin upang magkaroon tayo ng wikang pambansa?
A. Dahil sa konstitusyong ito ay itinakwil ang wikang kastila
B. Dahil sa konstitusyong ito ay ipinakilala ang mga mahuhusay na eksperto sa
wika
C. Dahil sa konstitusyong ito ay ipinapahayag na ang lahat ng wikang katutubo
ay magiging pambansang wika
D. Dahil sa konstitusyong ito ay sa kauna-unahang pagkakataon ay ang isang
katutubong wika (tagalog) ang naging wikang opisyal.

You might also like