You are on page 1of 15

11

KOMUNIKASYON AT
PANANALIKSIK
SA WIKA AT
KULTURANG PILIPINO
Unang Markahan – Modyul 1:
Ang Mabisang Komunikasyon
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa para sa baiting 11. Nilalaman ng aklat na ito ang mga
aralim tungkol sa kalikasan, katangian, pag-unalad at paggamit ng wikang Filipino
sa mga sitwasyong komunikatibo at kultural sa lipunang Pilipino na may mga
pananaliksik sa bawat aralin, tungo sa paggawa ng sariling pananaliksik nang
komprehensibo.
Ang modyul na ito ay nahahati sa mga sumusunod na paksa:

• Introduksyon sa Wika
• Wikang Pambansa
• Wikang Panturo
• Wikang Opisyal

Pagkatapos nito ay inaasahan sa ‘yo bilang mag-aaral ang sumusunod:


Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika F11PT-
la-85

1. Naiisa-isa ang kahalagahan at kuhulugan ng kaligirang kasaysayan


ng wika;
2. Natutukoy ang gamit ng wikang pambansa;
3. Nakapagbibigay ng halimbawang sitwasyon ukol sa wikang panturo;
4. Nakapagbibigay ng halimbawang sitwasyon ukol sa wikang opisyal; at
5. Napupunan ang mga patlang sa mga pahayag kaugnay sa mga
konseptong pangwikang tinalakay

1
Subukin
Panuto: Piliin ang pinakatamang sagot sa mga pagpipilian. Isulat
lamang sa papel ang letra ng pinakatamang sagot.

1. Ginagamit ang Wikang Filipino upang magkaintindihan


ang mga Pilipinong may iba’t ibang Unang wikang
kinagisnan. Ang Filipino rito ay ginagamit bilang .
a. Wikang Pambansa b. Wikang Opisyal
c. Lingua Franca d. Wikang Panturo

________2. Ito ang wikang pinagtibay ng pambansang pamahalaan na


ginagamit sa pamamahala at pakikipag-ugnayan sa
mamamayang kanyang sakop.
a. Lingua franca b. Wikang Pambansa
c. Wikang Opisyal d. Wikang Panturo

3. Ayon sa kanya, ang wika ay isang sistema ng mga tunog


na isinaayos sa paraang arbitraryo.
a. Paz Hernandez b. Henry Gleason
c. Charles Darwin d. Lope K. Santos

_4.Ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas


bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong
grupo.
a. Filipino b. Ilokano
c. Bisaya d.Waray

_5.Ayon kay _, ang wika ay sistema ng tunog o


sagisag na ginagamit ng mga tao sa komunikasyon.
a. Sapiro b. Hemphill
c. Gleason d. Hutch

_6. Ipinapahayag sa Sek.7 artikulo bilang ng Saligang


batas ng 1987 na ang Wikang Opisyal sa Pilipinas ay
Filipino hangga’t walang ibang itinatadhana ang
batas,gagamitin din ang Wikang Ingles.
a. XV b. XII
c. XIV d.XVI
_7.Ano ang ating wikang Pambansa?
a. Ingles b. Ilocano
c. Tagalog d. Filipino

2
_8. Ayon kay _________, ang wika ay ang pinakamahalagang
kasangkapan ng tao sa pakikipagtalastasan.
a. Gleason b. Erlinda Mangahis
c. Quezon d. Hemphill

_9. Anong wikang ginagamit bilang wikang panturo sa mga


paaralang Pang- sekundarya?
a. Tagalog at Bisaya b. Maranao at Bisaya
c. Ingles at Filipino d. Ingles at Kastila
_10. Ang tawag sa wikang opisyal na wikang ginagamit sa
pormal na edukasyon.
a. Wikang Panturo c. Wikang Pambansa
b. Wikang Opisyal d.Wikang Pandaigdig
_11. Ayon kay Dell Hymes, ang wika ay isang kasanayang
makatao at __________.
a. makakalikasan c. panlipunan
b. makapilipino d. pambansa
_12. Sa anong taon iniatas na gawing batayan ang tagalog
sa pagpili ng wikang pambansa.
a. 1995 c. 1959
b. 1937 d. 1935
_13. Kautusang Pangkagawaran ukol sa institusyonalisasyon
ng Mother Tongue-Based Multilinggual Education.
a. Kautusang Pangkagawaran Blg.25,s.1947
b. Kautusang Pangkagawaran Blg.52s.1987
c. Kautusang Pangkagawaran Blg.26,s.1947
d. Kautusang Pangkagawaran Blg.74,s.1947
_14. Sa anong taon iniatas na gawing Pilipino ang opisyal
na tawag sa wikang pambansa.
a. 1995 c. 1959
b. 1937 d. 1935
_15. Nag-aatas sa lahat ng mga kagawaran, kawanihan,
opisina, ahensya na gamitin ang Filipino sa mga
transaksyon, komunikasyon at korespondensiya nito.
a. Kautusang Pangkagawaran Blg.25,s.1947
b. Atas Tagapagpaganap Blg. 312
c. Kautusang Pangkagawaran Blg.26,s.1947
d. Atas Tagapagpaganap Blg. 335

3
Modyul Aralin 1 (Unang Linggo):
1 Mga Konseptong Pangwika

Wika ang namamagitan upang maunawaan ang sarili, karanasan, kapwa-tao, paligid
mundo, obhetibong realidad, panlipunang realidad, political, ekonomik at kultural.

Para sa kabuuang aralin na ito, bilang mag-aaral, narito ang mga inaasahan sa iyo:

1. Naiisa-isa ang kahalagahan at kuhulugan ng kaligirang kasaysayan


ng wika;
2. Natutukoy ang gamit ng wikang pambansa;
3. Nakapagbibigay ng halimbawang sitwasyon ukol sa wikang panturo;
4. Nakapagbibigay ng halimbawang sitwasyon ukol sa wikang opisyal; at
5. Napupunan ang mga patlang sa mga pahayag kaugnay sa mga
konseptong pangwikang tinalakay

Balikan

Naiisip mo ba ang mundo nang walang salita? Magkakaunawaan kaya


nang lubos ang mga tao kung walang gagawin ang bawat isa sa atin upang
makipagtalastasan sa kapwa?
Sa pamamagitan ng isang maikling sanaysay ay ipaliwanag ang
kahalagahan ng wika sa kasulukuyang sitwasyong kinakaharap mo bilang
mag-aaral at mamayan.

4
Tuklasin

Panuto: Sa pamamagitan ng graphic organizer sa ibaba


magbigay ng sariling pagpapakahulugan ng salitang
nakasulat sa loob ng bilohaba. Isulat ang iyong sagot
sa hiwalay na papel o kuwaderno.

WIKA

Suriin

Ang kahulugan ng Wika ayon sa ilang mga dalubhasa…

Henry Gleason (1988) Dell Hymes (1972) Dr. Erlinda Mangahis


(2005)

Ang wika ay Ayon sa kaniya, ang wika Ayon sa kaniya, ang wika
masistemang balangkas ay nangangahulugan ng ang pinakamahalagang
ng sinasalitang tunog na isang buhay at bukas sa kasangkapan ng tao sa
isinaayos sa paraang sistema ng nakikipag- pakikipagtalastasan.
arbitraryo upang interaksyon. Ang mga
magamit ng mga taong taong kabilang sa isang
kabilang sa kultura. kultura ng gumagamit
ang nababago nito.
Makatao at panlipunan
ang kasanayang ito

5
Konseptong Pangwika

Wikang Pambansa
Sinasabing wikang pinagtibay ng pambansang pamahalaan ang wikang
pambansa na ginagamit sa pamamahala at pakikipag-ugnayan sa
mamamayang kanyang sakop. At kung ang bansa ay multilinggwal katulad ng
Pilipinas, dapat lamang asahan na ang wikang pambansa ang magiging tulay
na wika sa pag-uugnayan ng iba’t ibang pangkat sa kapuluan na may kani-
kanilang wikang ginagamit.

Narito ang maikling kasaysayan ng wikang pambansa:

Kasaysayan ng Wikang Filipino


Mahalagang maintindihan ang kasaysayan ng Wikang Pambansa –
kung paano ito nagsimula bilang Tagalog (kung saan umalma ang mga
Bisaya), naging Pilipino, at ngayon nga ay Filipino na. Isang arkipelago ang
Filipinas kung kaya nagkaroon ito ng maraming katutubong wika. Ang
maganda sa penomenong ito ay nagkaroon din ng kaniya-kaniyang literatura
ang bawat etnolingguwistikong grupo. Dahil dito, maraming mulat na mga
kritiko katulad ni Isagani R. Cruz ang nagsasabing “isa sa pinakamayamang
literatura sa mundo ay ang literatura ng Filipinas." Noon pa mang sinulat ang
1935 Konstitusyon, nabanggit na ang pagkakaroon ng wikang pambansa.
Nakasaad sa Artikulo 14 Seksiyon 3 na, “Ang Konggreso ay gagawa ng mga
hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa
na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika." (Art. 14, Sek. 3) Noong
1936, itinatag ni Pangulong Manuel Quezon ang Surian upang mamuno sa
pag-aaral at pagpili sa wikang pambansa. Tungkulin ng Surian na
magsagawa ng pananaliksik, gabay at alituntunin na magiging batayan sa
pagpili ng wikang pambansa ng Filipinas. Si Jaime de Veyra ang naging
tagapangulo ng komite na nagsagawa ng pag-aaral, at napili nito ang Tagalog
bilang batayan ng “Wikang Pambansa." Ipinalabas ni Pangulong Quezon
noong 1937 ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na nag-aatas na
Tagalog ang batayan ng wikang gagamitin sa pagbubuo ng wikang pambansa.
Dahil sa pagsusumikap ni Pangulong Quezon na magkaroon tayo ng wikang
pagkakalilanlan, hinirang siyang “Ama ng Wikang Pambansa." Noong 1940
ipinalabas ni Pangulong Quezon ang Kautusang Tagapaganap Blg. 203 na
nagpapahintulot sa pagpapalimbag ng Talatinigang Tagalog-Ingles at Balarila
sa Wikang Pambansa. Pinasimulan din nito ang pagtuturo ng Wikang
Pambansa sa lahat ng mga paaralan sa buong bansa. Noong 1959 nagpalabas
si Kagawaran ng Edukasyon Kalihim Jose Romero ng Kautusang Blg. 7 na
nagsasaad na Pilipino ang opisyal na tawag sa wikang pambansa. Sa 1973
Konstitusyon noong kapanahunan ng diktador na si Pangulong Ferdinand
Marcos, nakasaad sa Artikulo 15 Seksiyon 2 at 3 na “ang Batasang Pambansa
ay magsasagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na
paggamit ng pambansang wikang Pilipino. Hangga’t hindi binabago ang
batas, ang Ingles at Pilipino ang mananatiling mga wikang opisyal ng
Pilipinas." Noong panahon naman ng Rebolusyonaryong Gobyerno sa ilalim

6
ni Pangulong Corazon C. Aquino muling binago ang Konstitusyon noong 1987
kung saan nakasaad sa Artikulo 14 Seksiyon 6 na: “Ang wikang pambansa
ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at
pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika."
Mahalaga ang papel ng mga wikang katutubo sa pagpapayaman ng Filipino,
na sa ngayon ay nagbabago ang anyo. Idinagdag sa alfabetong galing sa
Tagalog ang mga letra na f, j, q, v, at z
Wikang Panturo
Gamit ang wikang panturo upang magtamo ng mataas na antas ng edukasyon.
Ang wikang mapipili bilang wikang pambansa ay magagamit bilang wikang panturo
hanggang sa unibersidad.
Gaya ng nakasaad sa Probisyong Pangwika ng Artikulo XIV ng Saligang batas ng
1987, Sek.6 kaugnay ng wikang panturo na:
Sek.6 – Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay
dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa mga umiiral na wika sa Pilipinas at iba
pang mga wika. Dapat magsagawa ng hakbangin ang pamahalaan upang ilunsad at
puspusang itaguyod ang Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang
wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.

Wikang Opisyal
Tinatawag na wikang opisyal ang prinsipal na wikang ginagamit sa
edukasyon, sa pamahalaan at sa politika, sa komersyo at industriya.
Ipinahayag naman sa Sek.7 ng Artikulo XIV ng Saligang -batas ng 1987
na: “Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang
opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang itinatadhana ang batas,
Ingles.”

Narito ang mga Kautusang Pangkagawaran na may kinalaman sa mga


konseptong pangwikang tinalakay sa itaas:
KAUTUSANG PANGKAGAWARAN BLG. 52, S. 1987
Atas Tagapagpaganap Blg. 335 na nag-aatas sa lahat ng mga kagawaran,
kawanihan opisina, ahensya, instrumentality ng pamahalaan na gamitin
ang Filipino sa opisyal na mga transaksyon, komunikasyon at
korespondensiya.
KAUTUSANG PANGKAGAWARAN BLG. 74, s. 2009
Institusyonalisasyon ng Mother Tongue-Based Multilinggwal na Edukasyon.

7
Pagyamanin

Isulat sa patlang ang O kung nagpapahayag ng opinyon ang pangungusap


sa bawat bilang, X naman kung hindi. Ipaliwanag kung paano nagging
opinyon o hindi ang mga kasagutan.
______1. Wika ang daluyan ng kaisipan at kamalayan ng isang lahi, lipi at
lipunan.
Paliwanag:_________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________.
______2. Sa palagay naman ni Hutch, isang Sistema ng mga tunog,
arbitraryo na ginagamit sa komunikasyong pantao ang wika.
Paliwanag:_________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
______3. Sa paniniwala ng mga dalubwika, ang wika ay sistema ng tunog o
sagisag na ginagamit ng tao sa komunikasyon.
Paliwanag:_________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
__________________.
______4. Wikang Panturo ang gamit upang magtamo ng mataas na antas ng
edukasyon.
Paliwanag:_________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
__________________.
______5. Si Juan ay isang bilinggwal dahil sa galing niyang gumamit ng
dalawang wika.
Paliwanag:_________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
__________________.

8
Isaisip

Panuto: Punan ang mga patlang na makikita sa bawat pangungusap. Piliin


sa loob ng kahon ang tamang sagot. Gumamit ng papel o kuwaderno
sa pagsagot.

Dr. Erlinda Mangahis Wikang Panturo

Wikang Pambansa Wikang Opisyal Pangulong Quezon

1. Ang wika ayon kay __________ ang siyang kasangkapan ng tao sa


pakikipagtalastasan.
2. Ang __________ ay ang wikang pinagtibay ng pambansang
pamahalaan.
3. Ang ________________ ay ginagamit upang magtamo ng mataas na
antas ng edukasyon.
4. Tinatawag na ____________ ang prinsipal na wikang ginagamit sa
edukasyon, sa pamahalaan at sa politika, sa komersyo at industriya.
5. Ipinalabas ni _____________ noong 1937 ang Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 134 na nag-aatas na Tagalog ang batayan ng
wikang gagamitin sa pagbubuo ng wikang pambansa.

Isagawa

• Sumaulat ng isang adbokasiyang sanaysay ukol sa


kahalagahan ng mga Konseptong Pangwikang tinalakay sa
iba’t ibang midyum na mayroon tayo sa kasalukuyan.

9
Tayahin

Panuto: Piliin ang pinakatamang sagot sa mga pagpipilian. Isulat


lamang sa papel ang letra ng pinakatamang sagot.

1. Tumutukoy sa konseptong pangwika na ginagamit sa mga industriya,


komersyo at kalakalan.
a. Wika
b. Wikang Opisyal
c. Wikang Panturo
d. Wikang Pambansa

2. Sino ang tagapangulo ng komite na pumili ng tagalog bilang batayan


ng wikang pambansa?
a. Jaime de Veyra
b. Manuel L. Quezon
c. Lope K. Santos
d. Francisco Balagtas

3. Nakasaad dito na “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.


Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa
salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika."
a. Artikulo 14, Seksyon 5 ng 1945 Konstitusyon
b. Artikulo 13, Seksyon 7 ng 1937 Konstitusyon
c. Artikulo 14, Seksyon 6 ng 1987 Konstitusyon
d. Artikulo 15, Seksyon 8 ng 1987 Konstitusyon

4. Ang pagpapalitang-koda mula waray at tagalog ay halimbawa ng anong


konseptong pangwika?
a. Decoding
b. Wikang Panturo
c. Bernakular
d. Bilinggwalismo

5. Sa anong taon tinawag na Filipino ang ating wikang pambansa?


a. 1937
b. 1959
c. 1987
d. 2001

6. Ang AMA NG WIKANG PAMBANSA.


a. Francisco Balagtas
b. Dr. Jose P. Rizal
c. Manuel L. Quezon
d. Lope K. Santos

10
7. Ano ang naging katawagan ng ating wikang Pambansa pagkatapos
itong tawaging tagalog?
a. Pilipino
b. Unang Wika
c. Waray
d. Filipino

8. Anong wika ang ginagamit sa pagtuturo mula kindergarten hanggang


sa ikatlong baiting sa kasalukayang kurikulum?
a. Filipino
b. Waray-waray
c. Unang Wika
d. Ingles
9. Anong wikang ginagamit bilang wikang panturo sa mga
paaralang Pang- sekundarya?
a. Tagalog at Bisaya
b. Maranao at Bisaya
c. Ingles at Filipino
d. Ingles at Kastila

10. Tumutukoy sa wikang ginagamit sa mga sulatin sa akademya.


a. Wikang Panturo
b. Wikang Pambansa
c. Wikang Opisyal
d. Wikang Pandaigdig

11. Ang wikang mapipili bilang wikang ______ ay magagamit bilang wikang
panturo hanggang sa unibersidad.
a. panturo
b. opisyal
c. pambansa
d. pang-etniko

11
12.Konseptong pangwikang tumutukoy sa wikang ginagamit sa buong
kapuluan ng bansa.
a. Wikang Panturo
b. Wikang Opisyal
c. Wikang Pambansa
d. Wikang Internasyonal

13.Ipinahayag sa Sek.7 ng Artikulo XIV ng Saligang-batas ng 1987 na:


“Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang
opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang itinatadhana ang
batas, _______.”
a. chavacano
b. latin
c. ingles
d. bisaya
14. Konseptong Pangwikang ginagamit sa lehislatibong sangay ng
gobyerno.
a. panturo
b. opisyal
c. pambansa
d. pang-etniko
15. Sa kasalukuyan, ang Filipino, Ingles at _______ ang siyang ginagamit
sa kasalukuyang kurukilum bilang wikang panturo.
a. unang wika
b. pangalawang wika
c. pangatlong wika
d. wikang pambansa

12
Karagdagang Gawain

• Ibigay ang inyong interpretasyon sa larawan sa itaas.


• Ano ang naging malaking gampanin ng wika sa kasalukuyang pandemya sa
inyong lugar? Isulat ito sa inyong sagutang papel o kwaderno.

13
14
1. A 1. X 1. B
2. B 2. O 2. A
3. B 3. O 3. C
4. A 4. X 4. D
5. C 5. X 5. C
6. C 6. C
7. D 7. A
8. B 8. C
9. C 9. C
10.A 10.A
11.C 11.C
12.B 12.C
13.D 13.C
14.C 14.B
15.D 15.A
Subukin Pagyamanin Tayahin
Susi sa Pagwawasto

You might also like