You are on page 1of 8

Ayon naman sa kanya, ang wika ay parang hininga, sa bawat sandali ng buhay

natin ay nariyan ito. Palatandaan itong buhay tayo at may kakayahang


umugnay sa kapwa nating gumagamit nito.
A. Archibal Hill B. Bienvenido Lumbrera C. Henry Gleason D. Webster
Sa Teoryang ito, sinasabi na nagkaroon ng wika ang tao dahil noong umpisa’y
ginagaya nila ang tunog na nililikha ng mga hayop gaya ng tahol ng aso, tilaok
ng manok at huni ng ibon.
A.Bow- Wow B. Ding-dong C. La-la D. Tore ni Babel
Ginagamit ito sa pakikipag-usap sa pang-araw-araw na hinalaw sa pormal na
mga salita.
A. Balbal B. Lalawiganin C. Kolokyal D. Pampanitikan
Ano itong gamit ng wika sa paghimok at pag-impluwensya sa iba sa
pamamagitan ng pag-utos at pakiusap?
A. conative B. informative C. labeling D. phatic
Ano naman itong gamit ng wika kapag nagbibigay tayo ng bagong tawag o
pangalan sa isang tao, lugar o bagay?
A. conative B. informative C. labeling D. phatic
Ano itong tungkulin ng wika na ginagamit ng tao sa pagpapanatili at
pagpapatatag ng relasyong sosyal sa kapwa tao?
A. heuristic B. instrumentalC. interaksyunal D. reguratori
Ano itong tungkulin ng wika kung saan ginagamit ito ng tao upang matuto at
matamo ng mga tiyak na kaalaman tungkol sa mundo, sa mga akademiko at/o
propesyunal na sitwasyon.
A. heuristic B. instrumental C. personal D. reguratori
Tungkulin ng wika kung saan ginagamit sa pagpapahayag ng sariling
damdamin ng isang indibidwal.
A. heuristic B. instrumental C. personal D. reguratori
Tungkulin ng wika kung saan gumagamit ng mga tayutay sa pagsulat ng
malikhaing komposisyon.
A. instrumental B. imahinatibo C. instrumental D. reguratori
“Hindi man tayo magsalita, sa ating mga kilos, galaw, kumpas at anyo, hindi
man sinasadya ay nakapagdadala tayo ng mensahe”. Ano ang ibig sabihin ng
pahayag na ito?
A. Nangangahulugang ang komunikasyon ay isang proseso.
B. Nangangahulugang ang komunikasyon ay komplikado
C. Nangangahulugang ang komunikasyon ay dinamiko
D. Hindi tayo maaaring umiwas sa komunikasyon
Bakit sinasabing, “ Ang wika ay isang masistemang balangkas?
A. Dahil ito ay binubuo ng mga makabuluhang tunog na kapag pinagsama- sama
sa makabuluhang sikwens ay makakalikha ng mga salita.
B. Dahil ang mga salita na nabuo at naging pangungusap ay bumabagay sa iba
pang salita sa iba pang pangungusap.
C. Dahil humihiram ang wika ng ponema at morpema mula sa iba pang wika kaya’t
ito’y patuloy na umuunlad.
D. Dahil nakakalikha ng tunog sa nangmula sa bugso ng damdamin.
Ano ang layunin ng wika kung bakit sinasabing, ito ay pinipili at isinasaayos?
A. Layunin ng wikang magkaroon ng epektibong komunikasyon na may malinaw
na mensahe.
B. Layunin nitong ekslusibong pag- aari ng mga tao na sila rin ang lumikha at
gumamit nito.
C. Layunin nitong bumuo ng mga tunog tungo sa pagkakaunawaan.
D. Layunin nitong bumuo ng walang katapusang pangungusap.
Napakaingay ng klase nang pumasok ka. Sumunod na pumasok ang guro pero
patuloy pa rin ang iyong mga kaklase sa pag- iingay.Hindi nagsasalita ang
guro, pero nakaupo siya’t tahimik na tinitingnan ang lahat. Ano ang nais
nitong iparating?
A.Nais ng guro na may isang kukuha ng walis at maglilinis
B.Nais ng guro na magkaroon ng biglaang pagsubok
C.Nais ng guro na ipagpatuloy ang kaingayan
D.Nais ng guro na tumahimik sila
Ito ay proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng
simbolikong cues na maaaring berbal o di-berbal.
A. Komunikasyon B. Kultura C.Salita D. Wika
Ito ay proseso ng komunikasyon na kung saan nagbabago ito dahil sa
impluwensya ng lugar, oras, mga pangyayari at mga taong sangkot.
A. Dinamiko B. Fidbak C. Komplikado D. Tsanel
Tumutukoy ito sa tao o pangkat ng mga taong pinagmumulan ng mensahe o ang
mag- eencode ng mensahe.
A. Daluyan B. Fidbak C. Resiber D. Sender.
Ayon sa kanya, ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na
pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo na ginagamit sa komunikasyon ng mga
tao sa lipunang may natatanging kultura.
A. Archibal Hill B. Bienvenido Lumbrera C. Henry Gleason D. Webster
“Ang wika ang nagbabandila sa isang lugar.” Ano ang tinutukoy ng pahayag?
A.May sariling republika ang isang lugar sa isang bansa.
B.Mahalaga ang isang lugar sa isang bansa.
C.Maganda ang pamumuno sa isang bansa.
D.Mayroong kalayaan ang isang bansa.
“Madaling araw nung kami ay namalengke ng aking manong.” Anong antas ng
wika kabilang ang salitang may salungguhit?
A. Balbal B. Kolokyal C. Lalawiganin D. Pambansa
Anong antas ng wika ang nakapaloob sa pahayag na ito,“OMG, ngayon ang
birthday mo?”
A. Balbal B. Kolokyal C. Lalawiganin D. Pambansa
“Ang aming gurong si G. Lunas ay mahusay magturo gamit ang dalawang
wika-Filipino at Ingles.” Anong terminong pangwika angtinutukoy ng pahayag?
A.Bernakular B. Bilingguwalismo C. Multilingguwalismo D. Wikang Pambansa
Kung ang Surfing Capital of the North ay sa San Juan La Union, saan naman
sa La Union ang Home of Original Basi?
A. Bauang B. Naguilian C. Agoo D. Rosario
Kung ang Unkabogable Star ay si Vice Ganda, Sino naman ang may bansag na
Superstar?
A. Sharon Cuneta B. Nora Aunor C. Vilma Santos-Recto D. Lorna Tolentino
Kung ang Spoken Word Poetry ay imahinatibong tugkulin ng wika, anong
tungkulin naman ng wika nakapaloob ang pag-anyaya sa pagkain
A. instrumental B. imahinatibo C. instrumental D. reguratori
Alin sa mga sumusunod ang isa sa mga dahilan kung bakit Tagalog ang
napiling pagbatayan ng Wikang Pambansa?
A. Ito ang wikang napili ng karamihang Pilipino
B. Madali itong matutunan kumpara sa ibang wika
C. Ito ang wikang napili ni Pangulong Manuel L. Quezon
D. Itinalaga itong isa sa wikang opisyal kasama ng wikang Ingles
Natapos na ang huling klase. Uwian na. Agad kang sinalubong ng iyong
kaklase at iniabot ang kumpol ng mga rosas. Ano ang nais nitong ipakahulugan?
A.Manliligaw siya
B.May nagpapabigay
C.Nais niyang pakopyahin mo siya bukas
D.wala siyang pamasahe pauwi kaya bebentahan ka niya
Mahalagang malaman ng isang indibidwal ang paksa ng usapan bago siya
makisali sa naturang talastasan.
A. Mas makabubuting umalis na lang.
B. Ibahagi ang narinig mula sa kapitbahay.
C. Upang hangaan ng kausap, sumali sa usapan kahit hindi alam ang pinag-
uusapan.
D. Minsan, mas mabuting itikom ang bibig kung hindi maka-relate sa usapan
kaysa magsimula ka pa ng kalituhan o kaguluhan.
Pumunta ka sa isang liblib na lugar upang isagawa ang iyong Pananaliksik
tungkol sa buhay ng mga Aeta. Ano ang iyong tamang gagawin?
A. Ituro sa kanila ang iba pang wika ng bansa.
B. Magdala ng mga teknolohiyang aagaw sa kanilang atensyon.
C. Para humanga ang mga tao dito, panay ang iyong pag- Ingles.
D. Mahalagang magkaroon ng pananaliksik hinggil sa wika ng pupuntahang
lugar.
May usapang nagsimula sa biruan, napunta sa asaran, humantong sa
pikunan at nauwi sa; anong sumunod na pangyayari?
A. awayan B. kampihan C. kasuhan D. kwentuhan
“Ang wikang nakamulatan ni Adrian ay Pangasinan, subalit siya’y
nakipagsapalaran sa ibang bansa kaya at inaral ang Wikang Korean.” Anong
termino ang tawag sa wika na inaral ni Adrian?
A. Katutubong B. Unang C. Pangalawang D. Wikang
Wika Wika Wika Pambansa
“Ang wikang nakamulatan ni Zeus mula pagkabata ay Iloko.” Anong termino
ang tawag sa nakamulatang wika ni Zeus?
A.Katutubong Wika B. Unang Wika
C.Pangalawang Wika D. Wikang Pambansa
Ang sumusunod ay mga dahilan kung bakit mahalaga ang pagkakaroon ng
Wikang Pambansa, MALIBAN sa;
A. Ang pagkakaroon ng pambansang wika ay nagdudulot ng estandasdisasyon
B. Ang pambansang wika ang nagdadala sa atin ng pambansang pagkakakilanlan
at pagbubuklod-buklod.
C. Ang pagkakaroon ng pambansang wika ang dahilan upang mas makilala sina
Quezon at iba pang opisyal ng KWF.
D. Ang pagkakaroon ng pambansang wika ay nagdudulot ng armonisasyon sa
lahat ng mga wikang katutubong umiiral sa bansa.
Tukuyin kung saang Gamit ng Wika napapabilang ang bawat pahayag. Pumili mula sa
mga pagpipilian na nasa ibaba.
A. Emotive B. Expressive C. Instrumental D. Phatic
“Napakasaya ko ngayong araw na ito.”
“Bes, kumusta ka na?”
“Sana ulan ka at lupa ako…Para kahit gaano kalakas ang patak mo, sa akin
pa rin ang bagsak mo.” Anong Tungkulin ng Wika ayon kay M.A.K. Halliday
napapabilang ang pahayag na binasa.
A. Imahinatibo B. Interaksyunal C. Personal D. Regulatori
Bakit ipinagdiriwang ang Linggo ng Wika sa Buwan ng Agosto?
A. Bilang pagbibigay-pugay kay Fransisco Baltazar
B. Ito ang araw na napili ang Tagalog bilang Pambansang Wika
C. Bilang pagpapahalaga kay Pangulong Manuel Luis M. Quezon
D. Ito ang araw ng Kalayaan ng pamahalaan mula sa mga mananakop
Ayon sa komunikasyong Di- berbal, ang mukha raw ang pinakamahalang
sangkap sa pakikipagtalastasan na hindi ginagamitan ng wika. Alin sa mga
sumusunod na pahayag ang ang HINDI kabilang?
A. Ang mata at bibig ay mahalaga sa pagpapadama ng damdamin, maaaring ang
mata ay nanlilisik, tanda ng galit o kaya ay malamlam, na nangangahulugan
namang nagmamakaawa o malungkot.
B. Ito’y repleksiyon ng mga salitang lumalabas sa bibig. Kung totoo ba o may halo
ng pagkukunwari.
C. May mga taong sadyang mahiyain kaya hindi maidiretso ang tingin sa kausap.
D. Dito mo makikita kung gaano kasinseridad ng taong kausap.
“Ito ay ang pagtanaw sa mga bagay na magkasalungat na paraan.” Anong
kapangyarihan ng wika ang tinutukoy ng pahayag?
A. Ang Wika ay humuhubog sa saloobin
B. Ang Wika ay nagdudulot ng polarisasyon
C. Ang Wika ay maaaring magdulot ng ibang kahulugan
D. Ang Kapangyarihan ng Wika ay siya ring kapangyarihan ng kulturang
nakapaloob dito.
“Si Edison ay nakakapagsalita ng wikang Iloko,Filipino, Pangasinan at Ingles
na may pantay na kahusayan. Anong terminong pangwika ang tinutukoy ng
pangungusap?
A. Si Edison ay Bilingual
B. Si Edison ay Multilingual
C. Si Edison ay maalam sa bernakular na wika
D. Si Edison ay maalam sa mga wikang opisyal
Alin sa mga sumusunod na mga pahayag ang HINDI kabilang sa grupo bilang
gamit ng wika sa lipunan
I. “Nakatutuwang isipin na sa panahon ng pandemya ay lalong
nagbabayanihan ang mga tao”
II. “Natatakot ako na baka lumala pa ang madapuhan ng COVID sa ating
bansa”
III. “Sa tingin ko, matatalino ang makakasagot ng tama sa bilang na ito.”
IV. “Kinakabahan ako. Baka hindi ko makuha ang tamang sagot”
A. I,II at IV B. I,III at IV C. II,III at IV D. II, III at IV
Basahin ang dayalogo at tukuyin kung anong Tungkulin ng Wika ayon kay
Halliday ang nagamit.
Emmanuel: Nais ko sanang ipadama sa iyo kung gaano kita kamahal.
Tricia: Ganoon ba? Sige walang problema.
A. Instrumental B. Heuristik C. Personal D. Regulatori
Alin sa mga sumusunod na pahayag ayon sa Ethnologue: Language of the
World, ang TOTOO patungkol sap ag-usbong ng pambansang wika?
I. Ang ating bansa ay kabilang sa mga bansang may pinakamaraming wika sa
buong mundo
II. Mahigit pitong libong pulo ang bumubuo sa ating bansa
III. Mayroon tayong iba’t ibang dayalekto na humigit kumulang sa apat na raan
IV. Dahil sa dami ng dayalekto sa bansa nagkaroon ng mga suliranin ng di
pagkakaugnayan at pagkakaunawaan.
A. I,II at III B. I,III at IV C. I,II at IV D. I, II, III at IV
“Ang komunikasyon ay maaari ring simboliko” binubuo ng mga mensaheng
naibibigay ng mga bagay na ginagamit na nakapaglalarawan ng mga nakatagong
katangian at personalidad ng isang tao. Alin sa mga sumusunod ang HINDI
kabilang sa grupo?
A. Kulay na damit B. kasuotan o damit
C. alahas o palamuti sa katawan D. kaibigan
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagsasabi ng TOTOO patungkol sa
Kahalagahan ng Wika?
I. Ito ang midyum ng pakikipagtalastasan
II. Ang wika ay maaaring makapagdulot ng ibang kahulugan.
III. Sumasalamin ito sa kultura at panahong kaniyang kinabibilangan
IV. Ginagamit ito upang malinaw at epektibong maipahayag ang damdamin at
kaisipan ng tao.
A. I, III at IV B. I,II at IV C. I,II at III D. I,II,III at IV
Alin sa mga sumusunod na mga pahayag ang nagsasabi ng KATOTOHANAN
patungkol sa Wikang Pambansa ayon sa Konstitusyong 1987?
I. Filipino ang pambansang wika ng Pilipinas sa unang bahagi ng Artikulo
XIV, Seksyon 6 ng Konstitusyong 1987
II. Samantalang nililinang , ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa
umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang wika.
III. Tagalog ang sumisimbolo sa ating pambansang pagkakakilanlan
IV. Ang wikang Tagalog ang nagbabandila sa mundo na tayo ay hindi alipin ng
alinmang bansa
A. I,II at III B. I, II at IV C. I, III at IV D. I, II, III at IV
Basahin ang teksto na nasa ibaba pagkatapos ay sagutan ang sumusunod na tanog sa
ibabang bahagi.

Isa ang panahon ng eleksyon sa maituturing na mahalagang panahon sa ating


bansa. Mahalaga ito sapagkat sa panahong ito tayo pumipili ng mga taong gusto nating
maglingkod sa atin. Huwag nating ipagkatiwala ang kinabukasan ng ating bayan sa mga
kandidatong hindi karapat-dapat na maglingkod sa atin. Dapat na maging matalino tayo sa
pagpili ng mga kandidatong iboboto natin. Huwag tayong basta maniwala sa kanilang mga
sinasabi at ipinapangako sa atin. Lagi nating isaisip ang tatlo hanggang anim na taong pag-
upo nila sa puwesto. Kapag nagkamali tayo sa pagpili sa kanila, hindi natin sila kaagad
mapapalitan.

Batay sa binasang teksto, alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng


hindi isang conative na gamit ng wika sa lipunan.
A. Ang eleksyon ay pagpili ng maglilingkod
B. Huwag nating ipagkatiwala ang kinabukasan ng ating bansa
C. Dapat maging matalino tayo
D. Piliin natin ang mga kandidatong maglilingkod sa atin
Basahin ang teksto na nasa ibaba pagkatapos ay sagutan ang sumusunod na tanong sa
ibabang bahagi

Ikaw ang kumpas 'pag naliligaw ,Ikaw ang kulay sa langit na bughaw
Sa bawat bagyo na dumadayo, Ikaw ang kanlungan na kailangan ko
Kahit hindi mo alam, lang beses mo akong niligtas
Ikaw ang hantungan at aking wakas
Gabay ang natutunan sa isa sa mga Tungkulin ng Wika sa Lipunan, sa
binasang teksto, ano ang ibig ipahiwatig nito sa mambabasa?
A. Mayroon kang mauutangan kapag nasa kagipitan
B. Mayroong tutulong at aagapay sa anumang pagsubok na darating sa buhay
C. Mayroong tumitingin sa tuwing tayo ay naliligaw at kung may bagyo na
dumarating
D. Mayroong yayakap tuwing nalulungkot at magpapasaya sa tuwing ikaw ay
nalulumbay.
Basahin ang teksto na nasa ibaba pagkatapos ay sagutin ang sumusunod na mga
katanungan.
Sampung Utos ng mga Anak ng Bayan
1. Ibigin mo ang Diyos nang buong puso.
2. Pakatandaang lagi na ang tunay na pag-ibig sa Diyos ay siya ring pag-ibig sa Tinubuan,
at iyan din ang pag-ibig sa kapwa.
3. Itanim sa iyong puso na ang tunay na kahalagahan ng puri’t kaginhawahan ay ang
ikaw ay mamatay dahil sa ikaliligtas ng Inang-Bayan.
4. Lahat ng iyong mabuting hangad ay magwawagi kapag ikaw’y may hinahon, tiyaga,
katwiran at pag-asa sa iyong inaasal at ginagawa.
5. Pag-ingatan mo, kapara ng pag-iingat sa sariling puri, ang mga pasiya at adhikain ng
K.K.K.
6. Katungkulan ng lahat na ang nabibingit sa malaking kapahamakan sa pagtupad ng
kanyang tungkulin ay iligtas sukdang ikapariwara ng sariling buhay at kayamanan.
7. Ang kaugalian natin sa ating sarili at sa pagtupad ng ating tungkulin ay siyang
kukunang halimbawa ng ating kapwa.
8. Bahaginan mo ng iyong makakya ang sino mang mahirap at kapuspalad.
9. Ang sipag sa paggawa na iyong ikabubuhay ay siyang tunay na sanhi ng pag-ibig,
pagmamahal sa sarili, sa inyong asawa’t mga anak sa iyong kapatid at mga kababayan.
10.Parusahan ang sino mang masamang tao’t taksil, at purihin ang mabubuting gawa.
Dapat mong paniwalaan na ang tinutungo ng K.K.K. ay mga biyaya ng Diyos; na
anupa’t ang ninanasa ng Inang-Bayan ay mga nasain din ng Diyos

Ano ang dapat pakaisipin mula sa ikalawang utos na binasa sa teksto?


A. Ang pagpapakita ng tunay na pag-ibig sa Diyos ay sa pamamagitan ng
paggawa ng mabuti sa kapwa.
B. Ang pagpapakita ng tunay na pag-ibig sa Diyos ay sa pamamagitan ng
pagtangkilik sa mga local na produkto
C. Ang pagpapakita ng tunay na pag-ibig sa Diyos ay sa pamamagitan ng
pagmamahal sa Pilipinas at maging sa mga Pilipino.
D. Ang pagpapakita ng tunay nap ag-ibig sa Diyos ay sa pamamagitan ng
pakikibahagi sa kilusang magpapabagsak sa pamahalaan.
Ayon sa ikatlong utos, “ang tunay na kahalagahan ng puri’t kaginhawaan ay ang ikaw
ay mamatay dahil sa ikaliligtas ng Inang Bayan.” Ano ang nais nitong sabihin?
A. Isang karangalan ang isilang at mamatay sa Pilipinas
B. Isang dangal ang ialay maging ang buhay para sa bayan
C. Isang pagkilala ang maisapamuhay ang kultura at pagkakakilanlan sa bayan
D. Isang kayamanang maitutulad kapag ang buhay ay magsisilbing sakripisyo
para sa kilusan.
Mula sa ikapitong utos tungkulin daw nating maging halimbawa ng ating kapwa.Sa
papaanong paraan kaya ito maipapakita?
A. Sa pamamagitan ng katapangan at pagbilang ng mga napatay sa digmaan
B. Sa pamamagitan ng pagsuot ng mga damit na yari sa telang hinabi ng mga
katutubo
C. Sa pamamagitan ng pakikipag-alyansa sa kaaway at pagtalikod sa
sinumpaang kulay at bandila.
D. Sa pamamagitan ng pagpapakita ng kahinahunan, tiyaga, katuwiran at pag-
asa para sa pagkamit ng inaasam na kalayaan.
Bilang estudyante, sumasang-ayon ka ba sa ipinalabas na CHED
Memorandum #20, Serye ng 2012?
A. Hindi, dahil pansariling interes lamang ang nais nitong ipakita
B. Hindi, dahil nararapat na ituro pa para maging mas maalam sa wika
C. Oo, dahil kung hindi ito tatanggalin sa kolehiyo magkakaroon ng pag-uulit sa
pinag-aaralan
D. Wala akong pakialam kung anuman ang sabihin at ipanukala, susunod ako
kung iyon ay para sa ikabubuti ko.
Ano ang masamang naidudulot ng Implementasyon ng MTB-MLE o Mother-
Tongue Based-Multilinggual Education?
A. Napapahina ang literasi ng mga mag-aaral mula Kinder hanggang Grade 3
B. Napapahina ang kasanayan sa Filipino sapagkat maituturing lamang na
asignatura ito
C. Napapahina ang pagkaunawa ng mga mag-aaral sa ibang mga wika na
namamayani sa bansa
D. Napapahina ang kaalamang intelektwal ng mga mag-aaral sa wikang
panglahat dahil nakapukos lamang sa iisang wika
Sa Batas Komonwelt Blg. 184, pinagtibay ng kongreso upang maitatag ang
Surian ng Wikang Pambansa(SWP). Alin sa mga sumusunod na mga pahayag
ang tungkulin ng SWP na nakasaad sa Seksyon 5?
I. Pag-aaral ng wika na ginagamit ng mas nakararaming mga Pilipino
II. Pag-aaral at pagtiyak sa ponetiko at ortograpiyang Pilipino
III. Paggawa ng komparatibong kritikal nap ag-aaral hinggil sa paglalapi ng
mga salitang Pilipino
IV. Pagpili ng isang katutubong wika na may pinakamayaman at
pinakamaunlad sa estruktura, mekanismo at panitikan na magiging
batayan ng wikang Pambansa
A. I,II at III B. I,III at IV C. II,III at IV D. I,II,III at IV
Itinuturing itong pinakamababang antas ng wika na karaniwang ginagamit sa
lansangan.
A. Balbal B. Lalawiganin C. Kolokyal D. Pampanitikan
Ang wikang ito ang nagbabandila sa mundo na hindi tayo alipin ng alinmang
bansa. Ito ang ating Wikang Pambansa.
A. Filipino B. Tagalog C. Pilipino D. Ingles
Hindi ito barayti ng wika tulad ng dayalek, kundi tinatawag itong katutubo o
wikang panrehiyon.
A. Bernakular na Wika B. Lingua Franca C. Wikang Panturo D. Wikang Opisyal
“Walang kaantasan ang wika.” Ano ang ibig ipahiwatig ng pahayag?
A. Limitado B. Nagkakaiba-iba depende sa sitwasyon
C. Iisa ang nais ipabatid D. Pormal ang antas ng wika
“Hindi kailanman magkakatulad ang anomang wika sa buong mundo.” Ano ang
terminong pangwika na tinutukoy sa pahayag?
A.Heterogenous B. Homogenous C. Lingua Franca D. Multiligguwalismo
Alin sa mga sumusunod na mga pangungusap ang TOTOO patungkol sa mga
terminong pangwika at Wikang Pambansa?
I. Ayon sa Artikulo XIV, Seksyon 6 ng Konstitusyong 1987, ang Pambansang
Wika ng Pilipinas ay Tagalog.
II. Ayon sa Artikulo XIV, Seksyon 7 ng Konstitusyong 1987, ang mga opisyal na
wika sa Pilipinas ay Filipino at Ingles.
III. Sa Kasalukuyan, kinikilala ang paggamit ng unang wika o “Mother Tongue”
bilang MOI mula Kindergarden hanggang Baitang 6.
IV. Sa Kasalukuyan, ang mga bansang maituturing na homogenous ay ang
North Korea at Japan.
A. I at II B. II at III C. III at IV D. II at IV
Bakit sinasabing sa kasalukuyan, wika ang pinakagamitin sa paghahatid ng
mensahe?
A. Ito ang pinakamabuti sapagkat maaaring gamitin sa paraang pasulat o
pasalita.
B. Ito ang nagsisilbing tulay upang iparating natin ang mensahe.
C. Ito ang paraan upang maipahayag natin ang ating saloobin.
D. Lahat ng nabanggit

You might also like