You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Bulacan State University


City of Malolos, Bulacan
Tel/Fax (044) 791-0153
Office of the Dean of Instruction

ARALING PILIPINO (101)


Unang Semestre, AY 2019-2020

PINAL NA PAGSUSULIT

PANGALAN: _______________________________________ISKOR:___________
KURSO / PANGKAT___________________________________PETSA: ________

I. PAGPIPILI
PANGKALAHATANG PANUTO: BILUGAN ANG TAMANG SAGOT.

1. Ayon sa kanyang panayam, ang wika ay isang masistemang balangkas,


sinasalitang tunog, pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit
ng mga taong kabilang sa isang kultura.

A. Sapir
B. Webster (1974)
C. Gleason (1988)
D. Borja (1999)

2. Ang teoryang ito ay nahalaw mula sa Banal na Kasulatan. Ayon sa


pagsasalaysay, noongumpisa’y iisa ang wika ng tao na biyaya ng Diyos. Dahil sa
nagkakaunawaan ang lahat,napag-isipang magtayo ng isang tore upang hindi na
magkawatak-watak at nangmahigitan ang Panginoon. Nang nabatid ito ng
Panginoon, bumaba Siya sa lupa at siniraang tore. Nang nawasak na ang tore,
nagkawatak-watak na ang tao dahil iba-iba na angwikang kanilang binibigkas
kaya nagkanya-kanya na sila at kumalat sa mundo.

A. Teoryang Ta-ta
B. Teoryang Yo-he-ho
C. Teoryang Babel
D. Teoryang Bow-bow

3. Ito ay isang proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mga mensahe.


A. Pakikipagtalastasan
B. Pakikipag-usap
C. Paglalarawan
D. Pagsasalaysay

4. Uri ng komunikasyong gumagamit ng wika sa paraang pasulat at pasalita.


A. Berbal
B. Di-Berbal
C. Senyas
D. Simbolo

5. Uri ng komunikasyong gumagamit ng kilos at galaw ng katawan o bahagi ng


katawan.
A. Berbal
B. Di-Berbal
Sining ng Pakikipagtalastasan |
C. Senyas
D. Simbolo

6. Sa panayam kay Janeth Napoles siya ay naglulubid ng buhangin. Ang pariralang


“naglulubid ng buhangin” ay nagsasaad ng _________________.

A. Nagsisinungalin
B. Nagmamaang-maangan
C. Nangangako
D. Nagsasaad ng katotohanan

7. Isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong mabigyang-linaw ang isang


konsepto o kaisipan, bagay o paninindigan upang lubos na maunawaan ng
nakikinig o bumabasa.

A. Nakikipagtalo
B. Nagsasalaysay
C. Naglalahad
D. Naglalarawan

8. Alin sa mga sumusunod na titik ng Alpabetong Filipino ay isang hiram?

A. Y
B. B
C. C
D. Ng

9. Ang unang alpabeto na alibata ay binubuo ng bilang na ito.

A. 30
B. 28
C. 20
D. 17

10. Alin sa mga sumusunod na makrong kasanayan ang unang nalilinang sa tao?
A. pagbasa
B. pagsulat
C. pakikinig
D. pasalita
E. panonood

11. Ang tawag sa pinakamaliit na yunit ng isang salita na nagtataglay ng kahulugan.

A. Sintaks
B. Ponema
C. Ponolohiya
D. Morpema

12. Ito ay ang pag-aaral ng makabuluhang tunog ng isang wika?

A. Palabuuan
B. Ponolohiya
C. Morpolohiya
D. Sintaks

Sining ng Pakikipagtalastasan |
13. Isang pag-aaral tungkol sa wika na tinatawag ding palabuuan, ay ang ______.

A. Wala sa nabanggit
B. Morpolohiya
C. Sintaks
D. Ponolohiya

14. Ang tawag sa alinmang dalawang magkasunod na magkaibang katinig sa isang


pantig.

A. Diptonggo
B. Klaster
C. Pares minimal
D. Ponemang segmental

15. Ito ang mga salitang tumutukoy sa tao, bagay, hayop, lugar at pangyayari.
A. Panghalip
B. Pangngalan
C. Pang-abay
D. Pang-uri

16. Matalinong bata si Junjie dahil nag-aral siyang mabuti. Saan dito ang lantay na
kasidhian ng pang-uri?
A. Matalino
B. Junjie
C. nag-aaral
D. bata

17. Ito ay ang mga salitang humahalili o pamalit sa ngalan o pangngalan na nagamit
na sa parehong pangungusap o kasunod na pangungusap.

A. Panghalip
B. Pangngalan
C. Pang-abay
D. Pang-uri

18. Nagtipon-tipon ang mga Kapampangan, Cebuano, at Hiligaynon sa isang


pelikula. Anong barayti ng wika ito?

A. Idyolek
B. Sosyolek
C. Ekolek
D. Dayalekto

19. Ang “Hindi po namin kayo tatantanan” at “Dahil hindi natutulog ang balita 24
oras” ay mga tanyag na pahayag ni Mike Enriquez sa telebisyon. Sa anong barayti
ng wika ito nauuri?

A. Jargon
B. Dayalekto
C. Idyolek
D. Sosyolek

Sining ng Pakikipagtalastasan |
20. Ito ay isang bahagi ng pananalita na binabago ang isang pangngalan, karaniwang
sinasalarawan o inilalarawan nito o ginagawang mas partikular ito sa katangian.

A. Pang-abay
B. Pantukoy
C. Pang-abay
D. Pang-uri

21. Ito ay ang bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw ng simuno ng


pangungusap.
A. Pangatnig
B. Pantukoy
C. Pang-abay
D. Pandiwa

22. “Wow pare ang tindi ng tama ko! Heaven!” Ang salitang ito ay nakabatay sa mga
anong pangkat ng lipunan maaaring iangkop ang pangungusap na nabanggit.

A. Wika ng mga bakla


B. Wika ng mga Bikolano
C. Wika ng mga adik
D. Wika ng mga Kapampangan

23. Titser nasa itaas ang inyong yeso. Anong barayti ng wika nakapaloob ang
dalawang salita na nakasalungguhit?

A. Dayalekto
B. Register
C. Jargon
D. Sosyolek

24. Hindi magandang pakinggan ang tinig ng iyong kaibigan. Kailangan niyang
pagandahin ang ________ ng kaniyang tinig.
A. Tono B. Diin C. kalidad D. Punto

25. Mapapanood sa telebisyon na “Nakulong si Janette”. Ibigay ang ayos ng


pangungusap.

A. Payak
B. Karaniwan
C. Di-karaniwan
D. Tambalan

26. “Naku! Nabasag ang mamahaling pinggan”. Ano ang ginamit na bantas sa
salitang naku?

A. Tutuldok
B. Tandang pananong
C. Tandang padamdam
D. Kuwit

27. Anong bahagi ng pananalita na tumutukoy sa pangalan ng tao, bagay, hayop, at


pangyayari?

A. Pang-uri
B. Pangngalan

Sining ng Pakikipagtalastasan |
C. Pandiwa
D. Panghalip

28. Hayun ang mga bata na masayang naglalaro. Ang salitang “naglalaro” ay isang
________.

A. Panghalip
B. Pang-angkop
C. Pang-abay
D. Pandiwa

29. Pahalagahan ang pag-aaral _______ hindi malihis ang landas. Anong pangatnig
ang angkop sa pahayag na ito?

A. sakali
B. habang
C. kahit
D. upang
30. Ang salitang “Bana” na katumbas ng “Husband” sa wikang Ingles ay mula sa
anong lugar sa Pilipinas?

A. Etnikong wika
B. Katagalugan
C. Kabikulan
D. Kabisayaan

31. Piliin sa apat na pangungusap ang nasa karaniwang ayos ng pangungusap.

A. Nagsinungaling si Laila Batongbakal.


B. Si Laila Batongbakal ay nagsinungaling sa harap ng madla.
C. Si Jose ay pinakamahusay sa apat na magkakapatid.
D. Ang mga mag-aaral ay nagkakaroon ng maikling pagsusulit sa Filipino.

32. Ang aming aklat sa Filipino ay Pluma. Ang salitang Pluma ay maiaangkop sa
______.

A. Klaster
B. Pares minimal
C. Ponema
D. Diptonggo

33. Alin sa apat na salita ang may pares minimal?

A. Bala-Pula
B. Tela-Tila
C. Giliw-Sayaw
D. Pluma-Trono

34. Ubod ng ganda ang aking napanood na “Word of the Lourd”. Anong kaantasan
ng pang-uri ang bahaging nasusulat sa malaking titik?

A. Lantay
B. Pasukdol
C. Payak
D. Pahambing

Sining ng Pakikipagtalastasan |
35. Tumutukoy sa wikang natutuhan ng isang tao matapos matuto ng kaniyang
unang wika?

A. Mother Tongue
B. Wikang Banyaga
C. Pangalawang Wika
D. Wikang Panlipunan

36. Ano ang tawag sa taong may kakayahang gumamit at magsalita ng dalawang
wika?

A. Bilinggwalismo
B. Multilingguwalismo
C. MTB
D. Wikang Pambansa

37. Saang lugar sa Pilipinas pangunahing sinasalita ang Tagalog?

A. Mga lalawigan ng Cavite, Laguna, at Batangas.


B. Mga bayan ng National Capital Region.
C. Rizal, Quezon, Bulacan at iba
D. Lahat ng nabanggit.

38. Si Dr. Jose P. Rizal ay may alam na dalawampu’t dalawang wika, dahil siya ay
may kakayahang magsalita ng mga ito siya ay tinatawag na ____.

A. Dalubwika
B. Multilingguwalismo
C. Mahusay
D. Bilingguwalismo.

39. Isa itong proseso ng pagtanggap ng mensahe mula sa naririnig. Ito ay mula sa
tunog o salita na narinig, sa pamamagitan ng auditory nerve, mabilis na
dinadala
sa utak (brain) up ang bigyan ng pagpapakahulugan at pagsusuri (analyze)
kung
ano ang naririning. Ang utak ang siyang nagbibigay ng interpretasyon at
pag-unawa at doon nagkakaroon ng kahulugan ang naririnig.-

A. Pagsasalita
B. Pagbabasa
C. Pakikinig
D. Panonood

40. Ito ay ang pagbibigay, pagbabahagi ng kaisipan at mensahe sa pamamagitan ng


verbal na paraan na ginagamit ang wika na may wastong tunog, tamang
gramatika, upang malinaw na maipaliwanag ang damdamin at kaisipan.

A. Pagsasalita
B. Pagbabasa
C. Pakikinig
D. Panonood

41. Ito ay pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng pagtugon ng damdamin at


kaisipan sa mga simbolo (titik) na nakalimbag sa pahina.

Sining ng Pakikipagtalastasan |
A. Pagsasalita
B. Pagbabasa
C. Pakikinig
D. Panonood

42. Isang paraan ng pagpapahayag ng kaisipan ng tao sa pamamagitan ng mga


simbolo (titik) na inilalahad sa papel.

A. Pagsasalita
B. Pagsusulat
C. Pakikinig
D. Panonood

43. Ito ay isang uri ng pagpapahayag na ang hangarin ay mag-ulat ng mga


pangyayari sa isang maayos na pagkakahanay. Ito ay tinutugunan ang mga
tanong na sino, saan, kalian, at ano.

A. Nangangatwiran
B. Nagsasalaysay
C. Naglalahad
D. Naglalarawan

44. Ito ay isang uri ng pagpapahayag na ang hangarin ay makaakit sa mga sarili ar
dahilan ng mga bagay. Ito ay isang paraan ng pagdepensa sa sarili.

A. Naglalahad
B. Nagsasalaysay
C. Nangangatwiran
D. Naglalarawan

45.Nangangahulugan ito ng pagkakaroon ng mabisang tinig.

A. Mabisang pakikinig
B. Mabisang komunikasyong pasalita
C. Mabisang pag-iisip
D. Mabisang kakayahang pangmatematika

II. SANAYSAY: (46-50)

Ilahad ang inyong mga natutuhan o di malilmutang karanasan/kaalaman sa


asignaturang Sining ng Pakikipagtalastasan.

Sining ng Pakikipagtalastasan |
Sining ng Pakikipagtalastasan |

You might also like