You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
CALUMPIT NATIONAL HIGH SCHOOL

WEEKLY HOME LEARNING PLAN – FILIPINO 11

Learning Area : Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Week:12-13

Petsa: Pebrero 15 - 19. 2021

Paksa: Kasaysayan ng Wikang Pambansa (Pagpapatuloy…)

MELCs:
 Natutukoy ang mga pinagdaanang pangyayari/ kaganapan tungo sa pagbuo at pag-unlad ng wikang
pambansa.

Layunin:
1. Inaasahang matutukoy ng mga mag-aaral ang mahahalagang pangyayari sa wika mula sa
panahon ng Kastila hanggang sa kasalukuyan. Gayundin, ang mga Kautusan, Proklamasyong
pinaiiral sa pagpapaunlad ng Wikang Pambansa: Tagalog/Pilipino/Filipino. Maaari ring makilala
ang panahong kaganapan sa pagbuo at pag-unlad ng wikang pambansa. At panghuli,
mapahalagahan ang kasaysayan ng wikang pambansa sa pamamagitan ng pagbuo ng talata.

Araw at
LEARNING TASKS (GAWAING PAMPAGKATUTO)
Oras
 Paggising, pagsasaayos ng higaan, pagkain ng almusal at paghahanda para sa isang
makabuluhang araw.
 Magkaroon ng oras para ikondisyon ang katawan sa pamamagitan ng ehersisyo kasama ang
miyembro ng ating pamilya.

PANIMULANG GAWAIN
 Sa pasimula ng aralin, hayaan munang magkuwento o maglahad ng ilang kaalamang
natutuhan mula sa nakaraang aralin.
 Matapos ang maikling kuwentuhan. Ibigay sa bata ang modyul at ang inihandang sagutang
papel na kanilang gagamitin sa pagsagot sa mga inihandang pagsasanay.

SUBUKIN
 Pasagutan sa bata ang paunang pagsusulit sa pahina 2-4.
Tandaan: Basahin at unawaing mabuti ang panuto. Maaari mong basahin ang mga tanong
gayundin ang mga pamimiliang sagot, gamitin ang sagutang papel na inihanda ng iyong guro.

BALIKAN
 Sa bahaging ito ng modyul, may pagsasanay na kailangang sagutan ng mag-aaral
bilang pagbabalik-aral sa kanyang kaalamang natutuhan na mula sa nakaraang aralin.
Gabayan ang mga bata sa pagsagot ng mga katanungan sa pahina 5. Dito masusukat ang
kakayahang mangatwiran at magbigay ng paliwanag.
Tandaan: Hayaang magbigay ang bata ng kaniyang sariling tugon batay sa kanyang
pagkaunawa sa konsepto ng wikang pambansa. Bigyan ng pagkakataon na mag-isip ang bata
at alalahanin niya ang araling kaniyang napag-aralan o natalakay na noon.

TUKLASIN
 Ito ay gawaing magpapakita ng kahusayan sa pagtalakay sa ilang mga pangyayari na may
kaugnayan sa kasaysayan ng wikang Pambansa na nasa pahina 6.
Tandaan: Maaaring ibahagi sa mag-aaral ang iyong mga karanasan upang maging gabay
upang lubos na maunawaan ang kasaysayan.

SURIIN
 Sa bahaging ito ng modyul, gabayan ang bata sa pagtuklas ng bagong kaalaman sa
pamamagitan ng pagbasa ng mga paksang nakatala sa pahina 7-9.
Tandaan: Ang mga tanong sa mga susunod na gawain ay masasagot nang tama kung
uunawaing mabuti ang nilalaman ng bawat talata. Habang binabasa ang mga talata ay maaari
ka nang magtanong sa bata upang masiguradong nauunawaan niya ang kanyang binabasa.

PAGYAMANIN
 Ito ay gawaing magpapatibay sa iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Gamit ang
mga kaalamang natutuhan sa mga naunang aralin, basahin at unawain ang panuto sa bawat
gawain na nasa pahina 10-11. Ang mga gawain ay magpapakita ng pag-unlad ng kaalaman ng
mag-aaral tungkol sa paksa.
Tandaan: Tiyaking maisasagawa ng mag-aaral ang bawat gawain ng maayos at
komprehensibo.

ISAISIP
 Pasagutan sa bata ang pagsasanay sa pahina 12.
Tandaan: Bigyang patnubay ang mag-aaral kung ang lahat ng aytem ay nasagutan.

ISAGAWA
 Gawin ang pagsasanay na nasa pahina 12 bilang aplikasyon ng iyong natutuhan sa buong
aralin.
Tandaan: Sa bahaging ito ay susukatin ang natutuhan ng mag-aaral sa pamamagitan ng
pagsagot sa mga tanong at pagbuo ng sariling opinyong tungkol sa mga balakid na kinaharap
sa pagsusulong ng wikang Pambansa sa iba’t ibang panahon.

TAYAHIN
 Dito mo lubos na masusukat kung naunawaan ba ng mag-aaral ang tamang konsepto ng
aralin na nasa pahina 13-15.
Tandaan: Muli ay gabayan ang anak habang sinasagutan ang bahagi ng pagtataya subalit
napakahalaga na ang sagot ay magmumula mismo sa sariling pag-iisip ng mag-aaral.

KARAGDAGANG GAWAIN
Sa bahaging ito ay sasagutan ng mag-aaral ang karagdagang gawain na tiyak na susukat pa
rin sa kaalamang natamo niya. Makikita ito sa pahina 15 ng modyul. Maaaring gumamit ng
hiwalay na papel sa pagsasagot kung kinakailangan.
Tandaan: Sa pagtatapos ng aralin, batiin mo ang iyong anak nang buong ngiti at may
pagmamalaki. Bigyan siya ng mga papuri upang lalo siyang magsumikap sa mga susunod
pang mga aralin.

Mode of Delivery / Paraan ng Pagsusumite ng Awtput:


 Personal na isasauli ng mga magulang ang natapos na modyul at sagutang papel o awtput sa gurong
tagapayo sa itinakdang araw na pagbabalik nito. (o depende sa kasunduan ng magulang at guro)

You might also like