You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
District of San Ildefonso North
NABAONG GARLANG ELEMENTARY SCHOOL

WEEKLY HOME LEARNING PLAN – GRADE 6

Learning Area: Edukasyon sa Pagpapakatao Week: 1 Date:


MELCs:
Pagpapakita ng kahalagahan ng pagiging responsible sa kapwa
1. maipapakita ang kahalagahan ng pagtupad sa pangako o pinagkasunduan
2. mapanatili ang pagiging mabuting kabigan
3. makatutupad sa pangakong binitiwan o pagiging tapat.
Araw at Oras LEARNING TASKS (GAWAING PAMPAGKATUTO)
 Paggising, pagsasaayos ng higaan, pagkain ng almusal at paghahanda para sa isang makabuluhang
araw.
 Magkaroon ng oras para ikondisyon ang katawan sa pamamagitan ng ehersisyo kasama ang miyembro
ng ating pamilya.
PANIMULANG GAWAIN
 Sa pasimula ng aralin, hayaan munang magkuwento o maglahad ng ilang konseptong nalalaman mo
tungkol sa pagiging responsible mamamayan.
 Matapos ang maikling kuwentuhan. Ibigay sa bata ang modyul at ang inihandang sagutang papel na
kanilang gagamitin sa pagsagot sa mga inihandang pagsasanay.
SUBUKIN
 Pasagutan sa bata ang paunang pagsusulit sa pahina 7.
Tandaan: Basahin at unawaing mabuti ang panuto.

 Matapos nilang masagutan ang mga tanong ipabasa sa bata ang panimula ng aralin na makikita sa
pahina 8.
Tandaan: Maaari kang magtanong muli sa bata ng ilang katanungan batay sa kaniyang binasa.
BALIKAN
 Sa bahaging ito ng modyul, may pagsasanay na kailangang sagutan ng mag-aaral bilang
pagbabalik-aral sa kanyang kaalamang natutuhan na nakaraang aralin. Gabayan ang mga bata sa
pagsagot ng mga katanungan.
Tandaan: Bigyan ng pagkakataon na mag-isip ang bata at alalahanin niya ang araling kaniyang napag-
aralan o natalakay na.
TUKLASIN
 Isang kuwento tungkol sa paninindigan ang babasahin sa pahina 10-11.
Tandaan: Habang binabasa ang maikling kuwento ay maaari ka nang magtanong sa bata upang
masiguradong nauunawaan niya ang kanyang binabasa.
SURIIN
 Sa bahaging ito, kinakailangan mong maglaan ng sapat na oras sapagkat tatalakayin nito ang
nilalaman ng aralin. Matapos basahin ang kuwento sagutin ang mga sumusunod na tanong sa
pahina 11-12 ng inyong modyul.
Tandaan: Tiyaking maayos na masusuri ang kaalaman sa pagiging isang responsible sa kapwa.
Magkaroon ng maganda at kawili-wiling talakayan kasama ang iyong anak.
PAGYAMANIN
 Sa parteng ito masusukat mo kung lubos bang naunawaan ng bata ang konsepto ng aralin. Isulat ang
masayang mkha kung tama at malungkotkung mali ang ipinapahayag sa pangungusap sa pahina 12.
Tandaan: Siguraduhing maayos na masasagot ng iyong anak ang inihandang pagsasanay.
ISAISIP
 Sa bahaging ito maibubuod ang konsepto ng aralin gamit ang inihandang gawain sa pahina 18.
Kinakailangang nilang sumulat ng limang nararapat gawin upang mapanatili ang mabuting
pagkakaibigan.
Tandaan: Bigyang patnubay ang mag-aaral kung lahat ng aytem ay nasagutan.
ISAGAWA
 Sagutin ang gawain sa pahina 23-24. Isulat sa kahon ang mga nararapat mong gawin sa mga
sumusunod na sitwasyon.
Tandaan: Bigyang patnubay ang mag-aaral kung lahat ng aytem ay nasagutan.
TAYAHIN
 Dito mo lubos na masusukat kung naunawaan ba ng bata ang tamang konsepto ng aralin na nasa pahina
25-26.
Tandaan: Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon, piliin ang titik ng tamang sagot.
KARAGDAGANG GAWAIN
 Sa bahaging ito ay sasagutan ng mag-aaral ang karagdagang gawain na tiyak na susukat pa rin sa
kaalamang natamo niya. Makikita ito sa pahina 27 ng modyul at ang sagot ay isusulat sa sagutang
papel.

Tandaan: Sa pagtatapos ng aralin,batiin mo ang iyong anak ng buong ngiti at may pagmamalaki.
Bigyan siya ng mga papuri upang lalo siyang magsumikap sa mga susunod pang mga aralin

Mode of Delivery / Paraan ng Pagsusumite ng Awtput:


 Personal na isasauli ng mga magulang ang natapos na modyul at sagutang papel o awtput sa gurong tagapayo sa
itinakdang araw na pagbabalik nito.

Inihanda ni: Binigyang Pansin ni:


ROSEMARIE C. TOLEDO MYRNA
Guro III M. LEGASPI
Petsa: ______________ Pang Ulong Guro III
Petsa: ___________________

You might also like