You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
_____________________ ________________________
(School)

WEEKLY HOME LEARNING PLAN – FILIPINO 11


(Modyul 4)

Learning Area: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Week: 4-5

Date: Nobyembre 9-13, 2020 at Disyembre 7-11 , 2020

MELCs:Natutukoy ang iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng napanood na palabas sa telebisyon at
pelikula. ( F11PD – Id – 87)

Layunin:
1. Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika.
2. Nabibigyang kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika sa lipunan.
3. Natutukoy ang mga pinagdaanang pangyayari/kaganapan tungo sa pagkabuo at pag-unlad ng Wikang
Pambansa.
4. Natitiyak ang mga sanhi at bunga ng mga pangyayaring may kaugnayan sa pag-unlad ng Wikang Pambansa.
5.
LEARNING TASKS (GAWAING PAMPAGKATUTO)
Araw at Oras
 Paggising, pagsasaayos ng higaan, pagkain ng almusal at paghahanda para sa isang makabuluhang
araw.
 Magkaroon ng oras para ikondisyon ang katawan sa pamamagitan ng ehersisyo kasama ang miyembro
ng ating pamilya.
PANIMULANG GAWAIN
 Sa pasimula ng aralin, hayaan munang magkuwento o maglahad ng ilang kaalamang natutuhan mula
sa nakaraang aralin.
 Matapos ang maikling kuwentuhan. Ibigay sa bata ang modyul at ang inihandang sagutang papel na
kanilang gagamitin sa pagsagot sa mga inihandang pagsasanay.
SUBUKIN
 Pasagutan sa mag-aaral ang paunang pagsusulit sa pahina 3-5. Pag-aralan at gamiting gabay ang
ilustrasyon sa pahina 3. Bilang karagdagang sa panimulang gawain, bigyang – pansin ang gawain sa
pahinga 6. Gayundin, basahin at unawain ang maikling kwento sa pahina 7 upang mabigyang
kasagutan ang mga sumunod na katanungan.
Tandaan: Basahin at unawaing mabuti ang panuto. Maaari mong basahin ang mga tanong gayundin
ang mga pamimiliang sagot, gamitin ang sagutang papel na inihanda ng iyong guro.
BALIKAN
 Tama o Mali. Sa bahaging ito ng modyul, may pagsasanay na kailangang sagutan ng mag-aaral bilang
pagbabalik-aral sa kanyang kaalamang natutuhan na noong nakaraang linggo. Gabayan ang mga bata
sa pagsagot ng mga katanungan. Maaari mong ipabasa ang mga pangungusap na nasa pahina 11.
Tandaan: Bigyan ng pagkakataon na mag-isip ang bata at alalahanin niya ang araling kaniyang napag-
aralan o natalakay na noon.
TUKLASIN
 Sa bahaging ito, mabibigyan ng pagkakataon ang mag-aaral na maibahagi ang kanyang
pinaniniwalaan, opinyon at karanasan hinggil sa konseptong pangwika. Basahin at unawain ang
mga tanong mula sa pahina 3. Maaaring gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot.
Tandaan: Gabayan ang mag-aaral sa pagpapahayag ng kaniyang mga paniniwala, opinyon at mga
karanasan.
SURIIN
 Sa pamamagitan ng mga ibinigay na pangungusap sa pahina 13, tukuyin kung anong uri ng barayti
ng wika ang isinasaad ng mga pangungusap. Gamitin ang sagutang papel na inihanda ng iyong guro
Tandaan: Sa bahaging ito ay susukatin ang kakayahan ng mag-aaral na makapag-analisa ng
pangungusap.
PAGYAMANIN
 Gabayan ang mag-aaral sa isasagawang pag -uugnay ng konseptong pangwika sa kaniyang
kaisipan, pananaw at mga karanasan.
Tandaan: Siguraduhing naunawaan ng iyong anak ang nilalaman ng mga natapos na paksa at gawain
upang masagot ang mga tanong. Gamitin ang sagutang papel na inihanda ng iyong guro.
ISAISIP
 Tugunan ang hinihinging kasagutan sa pagsasanay na nasa pahina 15.
Tandaan: Hayaan ang mag-aaral na magbigay ng sariling pagpapaliwanag. Bigyang patnubay ang
mag-aaral kung lahat ng aytem ay nasagutan.
ISAGAWA
 Muli, tugunan ang hinihinging kasagutan sa pagsasanay na nasa pahina 15 bilang aplikasyon ng
iyong natutuhan sa buong aralin.
Tandaan: Sa bahaging ito ay susukatin ang natutuhan ng mag-aaral sa pamamagitan ng pagsagot sa
mga tanong batay sa sariling karanasan at pang-araw-araw na pamumuhay niya. Maaaring gumamit
ng hiwalay na papel sa pagsasagot.
TAYAHIN
 Dito mo lubos na masusukat kung naunawaan ba ng mag-aaral ang tamang konsepto ng aralin na
nasa pahina 16-18.
Tandaan: Muli ay gabayan ang anak habang sinasagutan ang bahagi ng Pagtataya subalit napakahalaga
na ang sagot ay magmumula mismo sa sariling pag-iisip ng mag-aaral.
KARAGDAGANG GAWAIN
Sa bahaging ito ay sasagutan ng mag-aaral ang karagdagang gawain na tiyak na susukat pa rin sa
kaalamang natamo niya. Makikita ito sa pahina 18 ng modyul at ang sagot ay isusulat sa sagutang
papel o maaaring gumamit ng hiwalay na papel sa pagsasagot kung kinakailangan .

Tandaan: Sa pagtatapos ng aralin, batiin mo ang iyong anak nang buong ngiti at may pagmamalaki.
Bigyan siya ng mga papuri upang lalo siyang magsumikap sa mga susunod pang mga aralin.

Mode of Delivery / Paraan ng Pagsusumite ng Awtput:


 Personal na isasauli ng mga magulang ang natapos na modyul at sagutang papel o awtput sa gurong tagapayo sa
itinakdang araw na pagbabalik nito. (o depende sa kasunduan ng magulang at guro)

You might also like