You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OFFICE I PANGASINAN
BANAOANG NATIONAL HIGH SCHOOL

WEEKLY HOME LEARNING PLAN – FILIPINO 11

Learning Area: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Week: 1 Date: ________
MELCs:
 Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika.
Layunin:
1. Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napakinggang sitwasyong pangkomunikasyon.
2. Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya sa pag-unawa sa mga konseptongn pangwika.
3. Nabibigyang kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika sa lipunan.
4. Natutukoy ang mga pinagdaanang pangyayari/kaganapan tungo sa pagkabuo at pag-unlad ng Wikang Pambansa.
5. Natitiyak ang mga sanhi at bunga ng mga pangyayaring may kaugnayan sa pag-unlad ng Wikang Pambansa.
Araw at Oras LEARNING TASKS (GAWAING PAMPAGKATUTO)

 Paggising, pagsasaayos ng higaan, pagkain ng almusal at paghahanda para sa isang makabuluhang araw.

 Magkaroon ng oras para ikondisyon ang katawan sa pamamagitan ng ehersisyo kasama ang miyembro ng ating pamilya.

PANIMULANG GAWAIN
 Sa pasimula ng aralin, hayaan munang magkuwento o maglahad ng ilang pangyayari na kanilang naranasan sa
nakalipas na linggo.
 Matapos ang maikling kuwentuhan. Ibigay sa bata ang modyul at ang inihandang sagutang papel na kanilang gagamitin
sa pagsagot sa mga inihandang pagsasanay.
SUBUKIN
 Pasagutan sa bata ang paunang pagtataya sa pahina 2-4.
Tandaan: Basahin at unawaing mabuti ang panuto. Maaari mong basahin ang mga tanong gayundin ang mga
pamimiliang sagot, gamitin ang sagutang papel na inihanda ng iyong guro.
BALIKAN
 Sa bahaging ito ng modyul, may pagsasanay na kailangang sagutan ng mag-aaral bilang pagbabalik-aral sa kanyang
kaalamang natutuhan na noong nakaraang baitang. Gabayan ang mga bata sa pagsagot ng mga katanungan. Maaari mong
ipabasa ang mga salita na nasa pahina 5.
Tandaan: Hayaang magbigay ang bata ng kaniyang sariling pagpapakahulugan batay sa kanyang pagkaunawa sa gamit
ng mga piling salita. Bigyan ng pagkakataon na mag-isip ang bata at alalahanin niya ang araling kaniyang napag-aralan o
natalakay na noon.
TUKLASIN
 Sa bahaging ito ng modyul, gabayan ang bata sa pagtuklas ng bagong kaalaman sa pamamagitan ng pagbasa ng
kahulugan ng wika at kabuluhan ng wika sa Wikang Pambnasa, Wikang Opisyal at Wikang Panturo.
Tandaan: Ang mga tanong sa mga susunod na gawain ay masasagot nang tama kung uunawaing mabuti ang nilalaman
ng bawat talata. Habang binabasa ang mga talata ay maaari ka nang magtanong sa bata upang masiguradong nauunawaan
niya ang kanyang binabasa.
SURIIN
 Sa bahaging ito, kinakailangan mong maglaan ng sapat na oras upang tukuyin ang kahulugan at kahalagahan ng
konseptong pangwika ayon sa wikang panturo at wikang opisyal. Magiging gabay ang mga impormasyon at kaalamang
natamo mula sa naunang gawain. Gabayan ang mga bata sa pagsagot ng mga katanungan na nasa pahina 7.
Tandaan: Tiyaking maayos na masusuri ng iyong anak ang kahulugan at kahalagahan ng konseptong pangwika ayon sa
wikang panturo at wikang opisyal. Basahin at unawaing mabuti ang panuto. Maaari mong basahin ang mga tanong
gayundin ang mga pamimiliang sagot, gamitin ang sagutang papel na inihanda ng iyong guro.
PAGYAMANIN
 Ito ay gawaing magpapatibay sa iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Gamit ang mga kaalamang natutuhan
sa mga naunang aralin, basahin at unawain ang talata at punan ang mga patlang ng angkop at tamang salita na nasa pahina
8.
Tandaan: Siguraduhing naunawaan ng iyong anak ang konsepto ng wika upang maibigay ang angkop at tamang salitang
kinakailangan sa talata. Gamitin ang sagutang papel na inihanda ng iyong guro.
ISAISIP
 Sa bahaging ito maibubuod ang konsepto ng aralin gamit ang inihandang gawain sa pahina 8. Pagtapat-tapatin,
kinakailangang tukuyin ang kahulugan ng konseptong pangwika na makikita sa Hanay B.
Tandaan: Bigyang patnubay ang mag-aaral kung ang lahat ng aytem ay nasagutan.
ISAGAWA
 Gawin ang pagsasanay na nasa pahina 9 bilang aplikasyon ng iyong natutuhan sa buong aralin.
Tandaan: Sa bahaging ito ay susukatin ang natutuhan ng mag-aaral sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong batay sa
sariling karanasan at pang-araw-araw na pamumuhay niya. Maaaring gumamit ng hiwalay na papel sa pagsasagot.
TAYAHIN
 Dito mo lubos na masusukat kung naunawaan ba ng mag-aaral ang tamang konsepto ng aralin na nasa pahina 9-11.
Tandaan: Muli ay gabayan ang anak habang sinasagutan ang bahagi ng pagtataya subalit napakahalaga na ang sagot ay
magmumula mismo sa sariling pag-iisip ng mag-aaral.
KARAGDAGANG GAWAIN
Sa bahaging ito ay sasagutan ng mag-aaral ang karagdagang gawain na tiyak na susukat pa rin sa kaalamang natamo
niya. Makikita ito sa pahina 11 ng modyul at ang sagot ay isusulat sa sagutang papel at maaaring gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsasagot kung kinakailangan.
Tandaan: Sa pagtatapos ng aralin, batiin mo ang iyong anak nang buong ngiti at may pagmamalaki. Bigyan siya ng mga
papuri upang lalo siyang magsumikap sa mga susunod pang mga aralin.

Mode of Delivery / Paraan ng Pagsusumite ng Awtput:


 Personal na isasauli ng mga magulang ang natapos na modyul at sagutang papel o awtput sa gurong tagapayo sa itinakdang araw na
pagbabalik nito.

Inihanda ni: Binigyang Puna ni: Sinang ayunan ni:

DAISY MARIE M. ALBA ELVIRA C. HONRADO NICK A. MENDOZA, Ed.D


T-II HT-III Principal IV

You might also like