You are on page 1of 3

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
REHIYON VIII – SILANGANG VISAYAS
PAARALANG DIBISYON NG SILANGANG SAMAR
DISTRITO NG TAFT

DAHON NG PAGPAPATIBAY
Ang Badyet ng mga Aralin at mga Sanayang Papel na nakalakip para sa
Unang Kwarter (Linggo 1-6) sa Filipino 7. Binuo ni EUBE SHELDON C.
BATLANGAO, Teacher II ng Mataas na Paaralang Pambansa ng Taft ay sinuri,
patunay na binasa at iwinasto ng mga sumusunod na nakalagda.

AURORA J. ACHAY PRESCILA B. CEBREROS


Tagasuri ng Nilalaman Tagasuri ng Nilalaman

________________________ _________________________
Petsang Nilagdaan Petsang Nilagdaan

DORA G. BANDILLA TERESITA A. BALDONIDO


Editor Tagabasa
________________________ _________________________
Petsang Nilagdaan Petsang Nilagdaan

Tinanggap at inaprubahan ang Badyet ng mga Aralin at mga Sanayang


Papel sa Filipino 7 (Linggo 1-6).

Inirerekomenda ang Pag-apruba:

EMIL E. ADENA
Principal - I

Inaprubahan:

SYLVIA A. DOLIO
Principal-In-Charge
Distrito ng Taft
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
REHIYON VIII – SILANGANG VISAYAS
PAARALANG DIBISYON NG SILANGANG SAMAR
DISTRITO NG TAFT

PAUNANG SALITA

Ang Sanayang Papel sa Filipino sa Piling Larang – Akademik ay isang


makabuluhang tugon para sa pagsasakatuparan ng Most Essential Learning
Competencies (MELCs). Layon ng bagong programa ng edukasyon na makahubog
ng mga mag-aaral na may kakayahan at kasanayang nakaaagapay sa
pamantayang pandaigdig sa ika-21 siglo, nakapag-iisip ng malaya at mapanuri, at
may malalim na pagkilala at matatag na pagpapahalaga sa sariling wika at
kultura.
Layon ng sanayang papel na maipaunawa ang kalikasan, layunin, at paraan
ng pagsulat sa iba’t ibang anyo ng akademikong sulatin na ginagamit sa pag-aaral
sa iba’t ibang larangan (Akademik). Tinutugunan ng sanayang papel na ito ang
mga kahinginan ng kurrikulum na inilatag ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd).
Upang maisagawa ito, ang sanayang papel ay hinati sa iba’t ibang bahagi:

Mga Bahagi ng Sanayang Papel.


Ginagabayan ng sanayang papel na ito ang mga mag-aaral sa isang
makabuluhang paglalakbay – mula sa isang lugar patungo sa dako pa roon, kung
saan matatagpuan ang hantungan ng kanilang mga pagsisikap.
Bawat bahagi ng sanayang papel ay katumbas ng isang hakbang ng
paglalakbay upang makarating sa patutunguhan. Ang mga ito ay ang mga
sumusunod:
1. Simulan Mo! – Ang paglusong ay unang patikim o unang pagpasok sa isang
gawain. Ang bahaging ito ay humihikayat sa mag-aaral na pumalaot kung
saan siya dadalhin ng aralin. Nagmumungkahi rito ng malikhaing mga
gawaing lalo pang gigising sa interes ng mga mag-aaral sa paksa ng aralin.
2. Alam Mo Ba? – Gumagaod ang mga manlalakbay upang kumilos ang
sasakyan at makarating sa patutunguhan. Sa bahaging ito inilalahad ang
mismong aralin, ginagalugad dito ang mga ideyang magkikintal ng
maghahalagang kaisipan.
3. Magtulungan Tayo! – Patuloy ang paglalakbay nang may layag na hinihipan
ng hangin upang makarating sa malalayong lugar na walang hangganan. Sa
bahaging ito, may mga gawaing sumusubok sa pagkakaunawa ng mga mag-
aaral sa aralin. Sinasalok ng lambat ang produktong dagat upang maiuwi at
mapakinabangan. Nakapagsasagawa ang mga mag-aaral ng mga gawaing
magpapatotoo ng kanilang natutuhan.
4. Magagawa Mo! – May mga pagsusulit dito at mga gawaing magagawa nang
isahan sa loob ng tahanan. Katumbas ito ng pagtitipon ng mga natamong
kaalaman upang mailapat sa tunay na buhay. Matapos ang paglalakbay,
dadaong na ang mga mag-aaral. Sa bahaging ito, ang mga gawain ay
hahamon sa kanila na mag-isip kung paano mailalapat ang mga natutuhan
upang magtamo ng mga kasanayang mapapakinabangan bilang
makabuluhang mamamayan hindi lamang sa loob ng paaralan kundi
hanggang sa paglabas nila sa malawak na daigdig.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

 Sanggunian - Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o


paglinang ng sanayang papel na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng sanayang papel na ito:


1. Gamitin ang sanayang papel na ito nang may pag-iingat. Isulat ang iyong
sagot sa mga nakalaang sagutang papel.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Simulan Mo bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa sanayang papel.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
5. Pakibalik ang sanayang papel na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung
tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa sanayang


papel na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o
tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa
nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas
nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa. Umaasa
kami, sa pamamagitan ng sanayang papel na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito.

You might also like