You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division of Bulacan
Baliwag South District
Baliwag South Central School

Teacher : CHERRY MAE R. JIAO Grade : FIVE


Date : JANUARY 15, 2020 Subject : FILIPINO
Quarter : FOURTH

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

I. Layunin
a. Tukuyin ang mga salitang nabasa na nagpapahiwatig o nagbababala
b. Pag – uuri ng mga pangungusap ayon sa gamit at kayarian
c. Gamitan ng iba’t ibang bantas ang mga pangungusap

II. Paksa at Aralin

A. Paksa : Pagkilala sa iba’t ibang uri ng pangungusap ayon sa gamit at


kayarian nito

B. Sanggunian : Alab Filipino 5 pp. 172 – 173

C. Kagamitan : laptop, tarppapel, flash card

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

1. Balik – Aral
 Magpapakita ang guro ng iba’t ibang uri ng pangungusap sa
pisara.

1. Namangha si Rene nang mabasa ang nakapaskil sa harap


ng kanilang tahanan.
2. Anu – ano ang mga bagay na itinitinda ni Andres?
3. Magpaalam muna kayo sa inyong tatay at nanay.
4. Ang galing naman niya!

2. Pag – ganyak
 Sasagutin ng mag – aaral ang palaisipan sa pisara.

A I O U P T R L N NG S K D M
1 9 17 23 18 22 20 12 14 16 21 11 4 13

18 1 22 23 20 17 12

1. ________________________
18 1 22 1 14 17 14 16

2. ________________________

18 1 23 22 17 21

3. ________________________

B. Panlinang na Gawain
 Tatalakayin ng guro ang iba’t ibang uri ng pangungusap ayon
sa gamit at kayarian.

1. Pasalaysay – nagsasalaysay ng pangyayari o katotohanan.


Ito ay nagtatapos sa tuldok.
2. Patanong – nag-uusisa o nagtatanong tungkol sa tao, bagay,
lugar, at pangyayari. Ito ay nagtatapos sa tandang
pananong.

3. Pautos – ito ay mga pangungusap na nag – uutos o


nakikiusap. Nagtatapos ito sa tuldok.

4. Padamdam – nagsasaad ito ng matinding damdamin tulad


ng tuwa, lungkot, pagkagulat at iba pa. Nagtatapos ito sa
tandang padamdam.

C. Pangwakas na Gawain
 Tutukuyin ng mag – aaral kung ano ang inilalarawan ng guro
at susulat ang mga ito ng halimbawa ng bawat pangungusap.

1. Nagbibigay ito ng impormasyon o kaalaman


2. Nagtatanong ito o humihingi ng kasagutan
3. Nag-uutos o nakikiusap
4. Nagsasaad ito ng matinding damdamin

IV. Pagtataya

A. Tukuyin ang pangungusap ayon sa gamit. Isulat kung ito ay PASALAYSAY,


PATANONG, PAUTOS o PADAMDAM sa patlang bago ang numero.

______________1. Matiyaga silang mag – aral.


______________2. Sino ang batang nagkamit ng pinakamataas na
karangalan?
______________3. Makinig ka sa guro.
______________4. Naku ! Kawawa naman pala si Ryza!
______________5. Si Lapu – Lapu ang unang bayaning Pilipino.
B. Isulat ang uri ng sumusunod na pangungusap ayon sa gamit at bantasan din
nang tama ang hulihan ng mga ito.

_____1. Mag – aral kang mabuti ___


_____2. Maaari mo ba akong tulungan __
_____3. Ay ___ Mahirap pala ang ginawa ni Pule ___
_____4. Nagtatagumpay ang batang masikap ___
_____5. Sundin natin ang mga tuntunin sa paaralan __

V. Takadang – Aralin
Gumawa ng tig 2 halimbawa ng pangungusap gamit ang apat na uri
ng pangungusap ayon sa gamit.

Inihanda ni :

CHERRY MAE JIAO


Guro I

Binigyang pansin ni

______________________
Punongguro
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division of Bulacan
Baliwag South District
Baliwag South Central School

Teacher : CHERRY MAE R. JIAO Grade : FIVE


Date : JANUARY 15, 2020 Subject : EPP
Quarter : FOURTH

BANGHAY ARALIN SA EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN

I. Layunin

1. Natutukoy ang mga oportunidad na maaaring mapagkakitaan ( products


and services ) sa tahanan at pamayanan
1.1 Spotting opportunities for products and services

2. Napapahalagahan ang wastong paggamit ng pera o kinita

II. Paksang Aralin

Paksa : Pagtukoy sa mga oportunidad na maaaring pagkakitaan ( products and


services sa tahanan at pamayanan

Sanggunian : K to 12 – EPP5IE- a-1, TG dd. ____ LM. dd. _____

Kagamitan : larawan ng mga matagumpay na entrepreneur at mga tingiang


tindahan, tsart, tarppapel, pentel pen, manila paper

III. Pamamaraan

a. Balik – aral

Alam mo ba ang mga kasanayan at kaalaman na dapat taglayin upang


maging matagumpay na entrepreneur?

Ano – ano ang maaaring pagkakitaan kahit nasa tahanan o pamayanan?

b. Pagganyak

Itanong sa mga bata kung ano ang pinagkakakitaan ng kanilang mga


magulang.

c. Paglalahad

Pagmasdang mabuti ang mga larawan. Piliin kung alin sa mga larawan ang
mga pwedeng pagkakitaan sa tahanan o pamayanan.
Piliin ang larawan at sabihin kung bakit ito ang napili na pwedeng
pagkakitaan

d. Pagpapalalim ng Kaalaman ( Group Activity )

( Tignan sa LM) Tukuyin at suriin ang mga negosyo o pinagkakakitaan.


Isulat ang mga kasanayan o kaalaman na dapat isagawa upang maging
matagumpay na entrepreneur.

e. Paglalahat

Ano – ano ang mga oportunidad na maaaring mapagkakitaan sa tahanan at


pamayanan? Paabo kaya ito magtatagumpay? Ano ang dapat gawin sa mga
kita o kinita?

IV. Pagtataya

a. Masdan ang mga larawan sa ibaba. Tukuyin ang mga larawan na


maaaring pagkakitaan. Lagyan ng tsek.

b.Pumili ng isang pagkakakitaan at sabihin ang mga kaalaman at


kasanayan upang maging matagumpay na entrepreneur.
V. Takdang Aralin

Magmasid sa inyong barangay. Kapanayamin ang isang entrepreneur kung


paano nila napagyaman at napagtagumpayan ang kanilang tingiang tindahan.
Iulat ito sa klase.

Inihanda ni :

CHERRY MAE JIAO


Guro I

Binigyang pansin ni

______________________
Punongguro

You might also like