You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OFFICE I PANGASINAN
BANAOANG NATIONAL HIGH SCHOOL

WEEKLY HOME LEARNING PLAN – FILIPINO 11

Learning Area: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Kwarter: 2 Ikalawang Linggo Petsa: Enero 18-22, 2021
MELCs:
 Naipaliliwanag nang pasalita ang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga halimbawa.
Layunin:
1. Natutukoy ang pasalitang paraan ng paggamit ng wika sa lipunan.
2. Nakabubuo ng pangungusap o pahayag na ginagamit sa pasalitang paraan ng gamit ng wika sa lipunan.
3. Naisasabuhay ang mga epektibong komunikasyon gamit ang pasalitang paraan sa araw-araw na pakikipagtalastasan.

Araw at Oras LEARNING TASKS (GAWAING PAMPAGKATUTO)


 Paggising, pagsasaayos ng higaan, pagkain ng almusal at paghahanda para sa isang makabuluhang
MARTES 7:00-7:30 araw.
 Magkaroon ng oras para ikondisyon ang katawan sa pamamagitan ng ehersisyo kasama ang miyembro
MARTES 7:30-8:00 ng ating pamilya.
PANIMULANG GAWAIN
MARTES 8:00-12:00  Sa pasimula ng aralin, hayaan munang magkuwento o maglahad ng ilang kaalamang natutuhan mula
sa nakaraang aralin.
 Matapos ang maikling kuwentuhan. Ibigay sa bata ang modyul at ang inihandang sagutang papel na
kanilang gagamitin sa pagsagot sa mga inihandang pagsasanay.
SUBUKIN
 Pasagutan sa mag-aaral ang paunang pagtataya sa pahina 2-4.
Tandaan: Basahin at unawaing mabuti ang panuto. Maaari mong basahin ang mga tanong gayundin
ang mga pamimiliang sagot, gamitin ang sagutang papel na inihanda ng iyong guro.
BALIKAN
 Sa bahaging ito maiuugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon. Sagutin ang mga tanong na
nasa pahina 5.
Tandaan: Bigyan ng pagkakataon na mag-isip ang bata at alalahanin niya ang araling kaniyang napag-
aralan o natalakay na noon.
TUKLASIN
 Sa bahaging ito, mabibigyan ng pagkakataon ang mag-aaral na mapalalim ang kanyang pag-unawa
sa konsepto ng wika partikular na ang mga paksa tulad ng gamit ng wika, paraan ng pagbabahagi
ng wika at kakayahang komunikatibo mula sa pahina 6-7.
Tandaan: Ang mga tanong sa mga susunod na gawain ay masasagot nang tama kung uunawaing
mabuti ang nilalaman ng bawat paksa. Maging handa sa mga susunod na gawain upang matamo ang
pagkatuto.

SURIIN
 Sa pamamagitan ng mga ibinigay na mga pangungusap sa pahina 8, malilinang ang kritikal na pag
– iisip ng mag – aaral sa tulong ng pag-aalisa ng mga cohesive devices na ginamit sa bawat
pangungusap.
Tandaan: Sa bahaging ito ay susukatin ang kakayahan ng mag-aaral na makapag-analisa ng
pangungusap.
PAGYAMANIN
 Gabayan ang mag-aaral sa isasagawang gawain sa pahina 9. Bigyan ng sapat na oras ang mag-aaral
na unawain at tapusin ang mga gawain.
Tandaan: Siguraduhing naunawaan ng iyong anak ang nilalaman ng mga natapos na paksa at gawain
upang masagot ang mga tanong. Gamitin ang sagutang papel na inihanda ng iyong guro.
ISAISIP
 Tugunan ang hinihinging aksyon sa talahanayan sa pahina 10.
Tandaan: Hayaan ang mag-aaral na makapag – isip at maghain ang sariling desisyon ngunit
kinakailangan pa rin ang patnubay at gabay ng magulang.
ISAGAWA
 Sa bahaging ito, samahan ang mag-aaral sa isang makabuluhang pakikipagtalasatan sa taong
kasama sa bahay. Magsawa ng obserbasyon sa mga salitang ginagamit sa pakikipag – usap at itala
ang mga ito. Bigyan – pansin ang mga gabay sa pahina 10.
Tandaan: Gabayan ang mag-aaral sa pakikipagtalastasan at maging mapili at mapanuri sa mga
salitang gagamitin.
TAYAHIN
 Dito mo lubos na masusukat kung naunawaan ba ng mag-aaral ang tamang konsepto ng aralin na
nasa pahina 11-13.
Tandaan: Muli ay gabayan ang anak habang sinasagutan ang bahagi ng pagtataya subalit napakahalaga
na ang sagot ay magmumula mismo sa sariling pag-iisip ng mag-aaral.
KARAGDAGANG GAWAIN
Sa bahaging ito ay sasagutan ng mag-aaral ang karagdagang gawain na tiyak na susukat pa rin sa
kaalamang natamo niya. Makikita ito sa pahina 13 ng modyul at ang sagot ay isusulat sa sagutang
papel o maaaring gumamit ng hiwalay na papel sa pagsasagot kung kinakailangan .

Tandaan: Sa pagtatapos ng aralin, batiin mo ang iyong anak nang buong ngiti at may pagmamalaki.
Bigyan siya ng mga papuri upang lalo siyang magsumikap sa mga susunod pang mga aralin.

Mode of Delivery / Paraan ng Pagsusumite ng Awtput:


 Personal na isasauli ng mga magulang ang natapos na modyul at sagutang papel o awtput sa gurong tagapayo sa itinakdang araw na pagbabalik
nito.

Inihanda ni: Iniwasto at Binigyang Puna ni: Sinang ayunan ni:

DAISY MARIE M. ALBA ELVIRA C. HONRADO ELLEN L. FERNANDEZ, Ed.D


T-II HT-III OIC Principal, PSDS

You might also like