You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
Bonga Menor Elementary School
(School)

WEEKLY HOME LEARNING PLAN – GRADE 1

Learning Area: FILIPINO Module No: 6 Week: 6 Date: April 26-30, 2021
MELCs:
 Pagtukoy sa Kasarian ng Pangngalan. (F1WG-II-I 2.2)

Layunin:
1. Nakikilala ang pangngalang ginamit sa pangungusap;
2. Natutukoy ang kasarian ng mga pangngalan;
3. Natutukoy ang tamang pangngalan n bubuo sa diwa; at
4. Nagagamit ang akmang kasarian ng pangngalan sa pagbuo ng pangungusap.

Araw at Oras LEARNING TASKS (GAWAING PAMPAGKATUTO)


 Paggising, pagsasaayos ng higaan, pagkain ng almusal at paghahanda para sa isang makabuluhang
araw.
 Magkaroon ng oras para ikondisyon ang katawan sa pamamagitan ng ehersisyo kasama ang miyembro
ng ating pamilya.
PANIMULANG GAWAIN
 Sa pasimula ng aralin, hayaan munang magkuwento tungkol sa karanasan nila sa pagsasagot sa
nakaraang modyul.
 Matapos ang maikling kuwentuhan, ibigay sa bata ang modyul at ang inihandang sagutang papel na
kanilang gagamitin sa pagsagot sa mga inihandang pagsasanay.
SUBUKIN
 Pasagutan sa bata ang paunang pagsusulit sa pahina 2.
Tandaan: Basahin at unawaing mabuti ang panuto.
BALIKAN
 Sa bahaging ito ng modyul, may pagsasanay na kailangang sagutan ng mag-aaral bilang pagbabalik-
aral sa kanyang kaalamang natutuhan na. Gabayan ang mga bata sa gagawin na nasa pahina 3.
Tandaan: Hayaan ang bata na kilalanin ang damdaming ipinahahayag ng mga tuwirang sinasabi ng
mga tauhan. Bigyan ng pagkakataon na mag-isip ang bata at alalahanin niya ang araling kaniyang
napag-aralan o natalakay na noon.
TUKLASIN
 Basahin ang mga pangungusap sa pahina 3. Matapos nito ay may pamprosesong mga tanong na
sasagutin ang iyong anak tungkol sa mga nabasang pangungusap.
Tandaan: Ang tanong ay masasagot nang tama kung uunawaing mabuti ang mga pangungusap.
SURIIN
 Sa bahaging ito, kinakailangan mong maglaan ng sapat na oras sapagkat tatalakayin nito ang
nilalaman ng aralin. Suriing mabuti ang konsepto ng aralin sa pahina 4.
Tandaan: Tiyaking nabasang mabuti at nauunawaan ang konsepto para sa malinaw na pagkaunawa sa
araling ito. Magkaroon ng maganda at kawili-wiling talakayan kasama ang iyong anak.
PAGYAMANIN
 Sa parteng ito masusukat mo kung lubos bang naunawaan ng bata ang konsepto ng aralin. Mayroong
pagsasanay na dapat niyang sagutan mula sa pahina 5-6.
Tandaan: Siguraduhing maayos na masasagot ng iyong anak ang mga inihandang pagsasanay. Sundin
nang tama ang panuto na makikita sa pagsasanay.
ISAISIP
 Sa bahaging ito maibubuod ang konsepto ng aralin gamit ang inihandang gawain sa pahina 6.
Kinakailangan nilang punan ng tamang salita ang patlang upang mabuo ang diwa nito.
Tandaan: Bigyang patnubay ang mag-aaral kung lahat ng aytem ay nasagutan. ISAGAWA
 Sundin ang nakasaad na gawain na matatagpuan sa pahina 7.
Tandaan: Sa bahaging ito ay susukatin ang natutuhan ng mag-aaral tungkol sa kasarian ng
pangnaglan na makakatulong sa kaniyang sariling karanasan at pang-araw-araw na pamumuhay.
Bigyang patnubay ang mag-aaral kung lahat ng aytem ay nasagutan.
TAYAHIN
 Dito mo lubos na masusukat kung naunawaan ba ng bata ang tamang konsepto ng aralin na nasa pahina
7.
Tandaan: Muli ay gabayan ang anak habang ginagawa at sinasagutan ang bahagi ng pagtataya subalit
napakahalaga na ang sagot ay magmumula mismo sa sariling pag-iisip ng bata.
KARAGDAGANG GAWAIN
 Sa bahaging ito ay sasagutan ng mag-aaral ang karagdagang gawain na tiyak na susukat pa rin sa
kaalamang natamo niya. Makikita ito sa pahina 8 ng modyul at ang sagot ay isusulat sa sagutang papel.

Tandaan: Sa pagtatapos ng aralin,batiin mo ang iyong anak ng buong ngiti at may pagmamalaki.
Bigyan siya ng mga papuri upang lalo siyang magsumikap sa mga susunod pang mga aralin

Mode of Delivery / Paraan ng Pagsusumite ng Awtput:


 Personal na isasauli ng mga magulang ang natapos na modyul at sagutang papel o awtput sa gurong tagapayo sa
itinakdang araw na pagbabalik nito.

Inihanda ni: Binigyang Pansin ni:

EDNA H. DE LEON DULCE VILMA R. GALANG


Guro Punong Guro I

You might also like