You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
BONGA MENOR ELEMENTARY SCHOOL
Purok 4 Bonga Menor Bustos Bulacan

LEARNING ACTIVITY SHEET in EsP

Name: ________________________________ Date: _________


Grade Level: ________________ Section: ______
Quarter: ____________________

Title: Pagkamalikhain, Linangin Natin

MELC with code: EsP5P – IIIb–24

Background Information for Learners:

Ang pagkamalikhain ay tumutukoy sa talento o kakayahan sa paglikha ng


isang bagay. Maraming mga paraan upang malinang o mapagyaman ang mga
talentong bigay sa atin ng Diyos.
1. Ipagpatuloy ang pagtukoy ng iba mo pang mga talentong namana mo sa
iyong mga magulang at natutuhan mo sa iyong mga guro at mga
nakasalamuha mo sa tahanan, paaralan, simbahan at pamayanan. Sikaping
gawin ang pagpapahayag ng mga talento hindi lamang para sa sariling
kapakanan kundi para sa kabutihan ng lahat.
2. Maging gawi ang pakikibahagi ng iyong mga talento sa mga proyektong
nakapagpapabuti sa kapuwa.
3. Lumahok sa mga paligsahang makatutulong upang lalong mahasa ang iyong
mga talento. Samantalahin din ang pagsali sa mga paligsahan upang
magkaroon ka ng mga bagong kaibigan.
4. Maging mapagkumbaba sa pagtanggap ng mga karangalan o mga papuri ng
ibang tao o samahan.
5. Higit sa lahat, maging responsable sa paggamit o pagpapakita ng iyong mga
talento.

Pre-test:

Panuto: Tukuyin kung ang tauhan sa bawat bilang ay nagpapakita ng


pagkamalikhain. Isulat sa papel kung Oo o Hindi.
_____1. mayamang negosyanteng nagbibigay ng bonus sa mga empleyadong
tapat sa kanilang tungkulin
_____2. labanderang ginagamit na panlinis ng banyo ang tubig na
pinagbanlawan ng labada
_____3. pari na hinahaluan ng masayang kuwento ang pagsesermon
_____4. dalawang magkapitbahay na pinagtsitsismisan ang kabuhayan ng
kanilang kapitbahay
_____5. nanay na itinatapon na lamang ang mga natirang pagkain.
Post-test:

Panuto: Isulat sa loob ng kahon ang A kung nagpapakita ng pagkamalikhain at


B kung kung hindi.

1.Ginagaya ko ang nakita kong sayaw sa telebisyon para lalo pang mahasa
ang aking talento.
2.Nakikilahok si Bryan sa gawaing pampaaralan katulad ng Collage
Making Contest.
3.Ginagamit pang muli ng aking ate ang mga lumang bote sa bahay para s
kaniyang proyekto.
4. Nagiging mayabang ako kapag may pumupuri sa akin.
5.Lalo ko pang hinahasa ang aking talento sa pamamagitan ng
pagsasanay nang mabuti.

References: EsP Module 2 3Q pp. 1-32

Answer Key:

Pre- Test:
1. Oo
2. Oo
3. Oo
4. Hindi
5. Hindi
Post Test
1. A
2. A
3. A
4. B
5. A

Prepared by:

ELENITA DV. GARCIA


Teacher III

Noted:

Dulce Vilma R. Galang


School Principal I

You might also like