You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Schools Division of Imus City
ALAPAN 1 ELEMENTARY SCHOOL
Alapan 1-B Imus City, Cavite
Lesson Exemplar in HEALTH Using the IDEA Instructional Process
Learning Area EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Learning Delivery Modality Online Synchronous Distance Modality

School Alapan 1 Elementary Grade Level


LESSON III
School
EXEMPLA
R Name of Teacher Learning Area ESP

Teaching Date and Quarter


Week 1-2 1ST Quarter
Time

I. LAYUNIN Sa araling ito, ang mga mag- aaral ay inaasahang:

a. Nakatutukoy ng mga natatanging kakayahan ng may pagtitiwala


sa sarili,

b. Nakapagpapakita ng mga natatanging kakayahan ng

may pagtititwala sa sarili.

A. Pamantayang Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng sariling kakayahan,


Pangnilalaman pagkakaroon ng tiwala,
pangangalaga at pagiingat sa sarili tungo sa kabutihan at kaayusan ng
pamilya at pamayanan

B. Pamantayan sa Naipakikita ang natatanging kakayahan sa iba’t ibang pamamaraan


Pagganap nang may tiwala, katapatan at katatagan ng loob

C. Pinakamahalagang Nakapagpapakita ang mga natatanging kakayahan nang may


Kasanayan sa pagtitiwala sa sarili
Pagkatuto (MELC)
D. Pagpapaganang
Kasanayan
II. NILALAMAN Pagpapahalaga sa Sarili (self-esteem)

Pagtitiwala sa Sarili ( confidence)


III. KAGAMITAN
PANTURO
A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa
Gabay ng Guro

b. Mga Pahina sa MELC EsP G3 Q2, PIVOT BOW R4QUBE, Curriculum Guide: (p. 65)
Kagamitang Patnubay ng Guro, pp. 2-3, PIVOT4A Learner’s Materials ESP Grade 3
Pangmag-aaral pahina 6-13

c. Mga Pahina sa
Teksbuk

d. Karagdagang
Kagamitan
mula sa Portal
ng Learning
Resource

B. Listahan ng mga Slide deck


Kagamitang Video Presentation
Panturo para sa
mga Gawain sa
Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan

IV. PAMAMARAAN

A. Panimula Mga Layunin


● Sasabihin ng guro ang mga layunin para sa pagkaunawa ng mga
mag aaral.
a. Nakatutukoy at nakapagpapakita ng mga natatanging
kakayahan ng may pagtitiwala sa sarili,
b. Nakapagpapakita ng mga natatanging kakayahan ng
may pagtititwala sa sarili.

● Ang guro ay magpapakita ng ilang larawan sa mga mag-aaral.

Tingnan ang mga sumusunod na larawan.

1. Anu-ano ginagawa ng mga bata?


2. Anu-ano kayang kakayahan ang kanilang ipinapakita?
3. Kayo ba ang may mga kakayahan din katulad nila?
4. Paano po kaya natin mapapaunlad ang mga kakayahang meron
tayo?

● Bago ipagpatuloy pagtalakay sa aralin ay pasagutan muna ang


paunang pagsususlit.
● Pasasagutan ng guro /magulang ang Pre-test upang malaman ang
antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa bagong aralin na
tatalakayin.

Pre-test

Panuto: Iguhit ang nakangiting mukha 😊 kung ito ba ay paraan ng


pagpapakita ng kakayahan nang may pagtitiwala sa sarili, malungkot
na mukha naman kung hindi

______1. Nahihiya kang ipakita ang talent mo sa iba.

______2. Sumali ka sa mga patimpalak o paligsahan sa paaralan

______3. Kusang-loob kang sumasali sa mga paligsahan.

______4. Napipilitan ka lang sumali sa mga programa para hindi

mapagalitan ng guro.

______5. Ipinakikita mo ang mga kakayahan sa maraming tao

upang lalong mapaunlad ito.

B. Pagpapaunlad Kilalanin kung anong katangian ang ipinamalas ng bata sa kwento.


Unawaing mabuti ito upang masagot ang sumusunod na katanungan.

Magaling kumanta si Alice kaya isinali siya ng kanyang guro


sa paligsahan sa pag-awit. Habang umaakyat si Alice sa
entablado nakaramdam siya ng kaba at takot. Parang ayaw na
niyang kumanta!
Ngunit ng makita niya ang kanyang guro at mga kamag-
aral na nakangiti sa kanya ay nilakasan niya ang kanyang loob
at kumanta nang buong husay.

Mga Tanong:
1. Ano ang nadama o naramdaman ni Alice nang siya ay
umaakyat ng entablado?
2. Kung ikaw si Alice gagawin mo rin ba ang ginawa niya? Bakit?

Talakayan:
Isang biyaya namula sa Diyos ang kakayahang taglay ng bawat
isa sa atin. Ito ay dapat nating gamitin at paunlarin dahil ito ay
nakapagbibigay ng ating pagkakakilalnlan. Ito ay dapat na
pagyamanin at patuloy na ibahagi upang magkaroon ng tiwala sa
sarili.
Napakahalaga na ito’y gamitin hindi lamang sa pansariling
interes kundi maging para sa kapakanan din ng ibang tao.
Laging tatandaan na dapat ipinakikita ang ano mang
kakayahang tinataglay upang ito ay higit pang malinang at
mapaunlad bilang pasasalamat sa Panginoong nagbigay nito sa
atin.
C. Pakikipagpalihan Gawain 1:
Panuto: Basahin ang sumusunod na mga pahayag. Isulat ang TAMA
kung nagpapahayag ito ng pagtitiwala sa sariling kakayahan at
MALI naman kung hindi.

______1. Tunuturuan mo ang kaklase mo sa pagbibigkas ng tula


dahil may kakayahan ka dito.
______2. Magaling kang gumuhit kaya ibinabahagi mo ito sa iba sa
pamamagitan ng pagsali sa iba’t ibang paligsahan.

______3. Magkakaroon ng paligsahan sa pagsayaw sa inyong


paaralan ngunit nagdadalawang-isip ka na sumali dito
dahil sa iyong palagay mas magagaling ang ibang
kalahok.
______4. Alam mong mahusay ka sa pag-arte ngunit nahihiya kang
humarap sa mga tao kaya umatras ka sa isinasagawang
audition para dito.

Gawain 2:
Panuto: Kumpletuhin ang mga talata na nasa ibaba.

Ako po si ________________________________________________.
Ako ay nasa _________________________________________________

(baiting)

ng ___________________________________________________________

(paaralan)

Kaya kong ________________________________________.

Ibabahagi ko ang aking kakayahan sa tuwing may

___________________________________________________.
Gawain 3
Panuto: Itala ang iyong mga kakayahan maaari mong ibahagi sa iba.
1. _____________________________________________________________
2. _____________________________________________________________
3. _____________________________________________________________
4. _____________________________________________________________
5. _____________________________________________________________

D.Pagtataya Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na sitwasyon. Piliin


lamang ang titik ng tamang sagot.

1. Magkakaroon ng paligsahan sa pag-awit at nagkataon na magaling


kang umawit. Ano ang gagawin mo?

a. Huwag ipakita ang kakayahan.


b. Huwag sumali sa paligsahan.
c. Sumali ng buong husay.
d. Huwag na lang pansinin.

2. Si Mark ay batang pilay, subalit napakahusay niyang gumuhit. Kung


ikaw ang nasa kalagayan niya, sasali ka ba sa paligsahan sa pagguhit?

a. Hindi, dahil nahihiya ako.


b. Opo, dahil may talento akong dapat ipakita.
c. Opo, dahil takot ako sa guro.
d. Hindi, dahil baka matalo ako.

3. Magkakaroon ng paligsahan sa pagsayaw sa inyong paaralan, alam


mong magaling ka dito. Ano ang gagawin mo?
a. Mananahimik lang ako.
b. Sasali ako sa paligsahan dahil may tiwala ako sa kakayahan.
c. Hikayatin ang kamag-aral na siya na lang ang sumali.
d. Magtatago sa loob ng silid-aralan

4. Magkakaroon kang natatanging kakayahan sa pagsulat ng tula. Nais


mong sumali sa paligsahan. Ano ang dapat mong gawin?
a. Magsanay sa pagsulat ng tula.
b. Sasali ako nang hindi nagsasanay.
c. Huwag ng sumali.
d. Ipagwalang bahala ang nalaman sa paligsahan.
5. Mabilis kang tumakbo. May paligsahan sa takbuhan sa iyong
paaralan. Alin sa mga sumusunod ang dapat mong gawin?
a. Kakausapin ko ang aking guro na ako ay sasali at hihilinging sanayin
pa ako.
b. Hindi ko ipapaalam n amabilis akong tumakbo.
c. Ipagsigawan sa buong paaralan na sasali ka sa paligsahan.
d. Basta na lang ako sasali sa paligsahan nang walang pahintulot sa
guro.
V. Pagninilay Naunawaan ko na
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
Nabatid ko na
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Naipakita mo ang natatangi mong kakayahan. Binabati kita. Isiping muli


ang mga nagawa mo ukol sa kakayahang itinala at naipakita. Isaalang-
alang ang kayang-kaya mong magawa nang nag-iisa. Patuloy mo itong
paunlarin. Maari mo itong ibahagi sa kapuwa nang may tiwala sa sarili.

Sapagkat natapos mo nang may tiwala sa sarili ang araling ito, maari ka
nang tumuloy sa susunod na leksyon.

You might also like