You are on page 1of 7

School HOYO ELEMENTARY Grade Level II-MASIPAG

SCHOOL
Teacher HELEN A. CASERIA Learning Area EDUKASYON
LESSON SA
EXEMPLA PAGPAPAKATA
R O
Teaching Date August 24-28, 2020 Quarter 1st Grading
Teaching Time No. of Days Week 1 (5days)

I. LAYUNIN Sa araling ito ang mga mag-aaral ay inaasahang:

 Natutukoy ang dahilan kung bakit dapat


ipakita ang sariling kakayahan sa iba.
 Nagagamit ang sariling kakayahan upang
makatulong sa iba.
 Naipapakita ang kooperasyon at mabuting
ugali gamit ang talento

A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan


ng pagkilala sa sarili at pagkakaroon ng disiplina
tungo sa pagkakabuklodbuklod o pagkakaisa ng
mga kasapi ng tahanan at Paaralan.
B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa nang buong husay ang anumang
kakayahan o potensyal at napaglalabanan ang
anumang kahinaan.
C. Pinakamahalagang Kasanayan sa 1. Naisakikilos ang sariling kakayahan sa iba’t ibang
Pagkatuto (MELC) (Kung mayroon, isulat pamamaraan:
ang pinakamahalagang kasanayan sa 1.1. pag-awit
pagkatuto o MELC 1.2. pagguhit
1.3. pagsayaw
1.4. pakikipagtalastasan
1.5. at iba pa
EsP2PKP- Ia-b – 2
D. Pagpapaganang Kasanayan
(Kung mayroon, isulat ang pagpapaganang
kasanayan.)
II. NILALAMAN Kakayahan Mo, Ipakita Mo!
III. KAGAMITAN PANTURO
A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng Guro Curriculum Guide p.26, MELC p. 76
b. Mga Pahina sa Kagamitang Pangmag- Modyul 1 Edukasyon sa Pagpapakatao
aaral
c. Mga Pahina sa Teksbuk Edukasyon sa Pagpapakato Kagamitan ng Mag-aaral
pp 2-6
d. Karagdagang Kagamitan mula sa https.//lrmds.deped.gov.ph/k_to_12
Portal ng Learning Resource
B. Listahan ng mga Kagamitang Panturo para
sa mga Gawain sa Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN
A. Introduction (Panimula) Alamin:

Bawat bata ay may kani-kaniyang potensiyal o


kakayahan. May mga batang may potensiyal sa
pagguhit, sa pag-awit, pagtula o pagsayaw. Hindi
dapat ikahiya ang sariling kakayahan bagkus dapat
itong ipakita paunlarin at gamitin upang makatulong
sa iba.
Lahat tayo ay may kani-kaniyang
kakayahan o potensiyal na maaari nating ibahagi sa
lipunan sa iba’t ibang paraan.

Suriin:

Pagmasdan ang mga larawan.

Tukuyin ang mga kakayahang ipinapakita sa mga


larawan.
Pumili ng isang kakayahan na kaya mong gawin.
Ipakita ito sa iyong mga magulang o kapatid
Pumili ng kakayahang gusto mong matutunan at
ipaliwanag kung bakit.
Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.

B. Development (Pagpapaunlad) Subukin:


Piliin ang kahulugan ng salitang may salungguhit
sa pangungusap.
1. Si Angelo ay mahusay magdrowing, may
potensiyal siya sa pagguhit.
A. yaman
B. malaman
C. kakayahan
2. Ang kakayahan mo ay dapat ibahagi sa iba
upang makatulong.
A. iparte
B. itago
C. ialay
3. Dapat kang tumulong sa lipunan.
A. mga nagtatrabaho
B. nangangailangan
C. mga mamamayan
4. Si Nena ay sasali sa isang kompetisyon sa
pag-awit
A. laro
B.paligsahan
C.pagsasanay
5. Lumahok sa isang patimpalak sa nayon ang
aking bunsong kapatid,
A. nakatatanda
B. nakababata
C. Kakambal

Tuklasin:
Basahin at Unawain

Ang Paligsahan
ni I. M. Gonzales

May paligsahan na gaganapin sa Paaralang


Elementarya ng San Andres. Ito‟y naglalayong
maipakita ang iba‟t ibang kakayahan ng mga mag-
aaral. Ibinalita ito ni G. Santos
sa kanyang mga mag-aaral at tuwang-tuwa sila.
Maipakikita nila ang kanilang kakayahan.
“Lalahok ako sa paligsahan ng sayaw,” wika ni
Pepay. “Sa pag-awit naman ako sasali,” ayon kay
Kaloy. Marami pang mag-aaral ang nagpahayag ng
kanilang kagustuhang lumahok.
Si Lita ay lalahok sa paligsahan sa pagtula, sina Obet
at Pam naman ay sasali sa pagguhit at sina Red at
Carla ay lalahok din sa poster making.
“Sana manalo tayo,” wika ni Kaloy.

Base sa iyong nabasa. Sagutan ang mga tanong at


isulat ang iyong sagot sa iyong kuwaderno.
1.Anong paligsahan ang gaganapin sa paaralan?
2.Sino-sino ang sasali sa paligsahan?
3. Ibigay ang bawat katangian ng mga tauhan sa
Kwento
4.Paano nila ipinakita ang kanilang mga talento?
5. Nararapat ba ang ginawa ng mga tauhan na
sumali sa paligsahan? Ipaliwanag.

Pagyamanin:
Tingnan ang larawan.Ibigay ang
mga kakayahanang taglay ng mga
mag-aaral sa larawan?

C. Engagement (Pagpapalihan) Isagawa:

Iguhit ang masayang mukha kung tama ang


isinasaad ng pangungusap at mukha naman kung
mali. Gawin ito sa isang malinis na sagutang papel.

1. Masaya ako kapag nakakapag tanghal ako sa


aming palatuntunan.
2. Ayokong sumali sa mga palatuntunan
sapagkat nahihiya akong ipakita ang aking
talento.
3. Tutulungan kong mapaunlad ang talento ng
aking kapwa.
4. Pinasasalamatan ko ang mga taong natutuwa
sa aking kakayahan.
5. Magiging mayabang ako dahil alam kong
mayroon akong natatanging talento
Linangin:

Iangkop:

Tingnan ang bawat larawan at piliin ang


nagpapakita ng inyong sariling kakayahan?
Paano mo ito maibabahagi sa iba?

D. Assimilation (Paglalapat) Isaisip:

 Ugaliing lumahok sa mga palabas, upang


kakayahan ay maipamalas.
 Ang pagpapakita ang iyong kakayahan sa
ibang tao maaring maging kapaki-pakinabang.
Tayahin( Pagtataya)

Basahin ang bawat sitwasyon, piliin at isulat ang letra


ng tamang sagot sa sagutang papel.

1.May kakayahan ka sa larong Dama. Nagtanong ang


guro kung sino ang lalahok sa paligsahan sa
paglalaro ng Dama. Ano ang gagawin mo?

A.Magsasabi ako sa guro na lalahok.


B.Nahihiya ako kaya hindi ako sasali.
C.Hindi ako magaganyak lumahok

2.Lalahok sa kontes sa malikhaing pagsulat ang


kapatid mong bunso. Humingi siya ng tulong sa iyo
kung paano niya mapagbubuti ang kanyang
ginagawa upang magwagi sa paligsahan. Ano ang
gagawin mo?

A.Hindi ko siya pagbibigyan dahil nais ko ring


lumahok.
B.Tutulungan ko siya sa pagsasanay upang manalo.
C.Sasanayin ko siya pero hindi ko tuturuan ng mga
dapat gawin.

3.Mahusay ka sa pagguhit kaya’t marami ka ding


nalalamang teknik sa pagkukulay. Ano ang gagawin
mo kung nagpapaturo ng iyong nalalamang teknik
ang iyong mga kaklase?

A.Tuturuan ko sila dahil nais ko ding ibahagi ang


aking kaalaman sa iba.
B.Pipiliin ko lang ang mga kaklase na tuturuan.
C.Hindi ako magbabahagi ng aking kaalaman sa iba.

4.Ikaw at ang iyong kaibigan ay isinali ng inyong


paaralan upang maging kinatawan sa paligsahan sa
paglangoy. Lalaban kayo sa ibang paaralan. Upang
magwagi ano ang gagawin mo?

A.Yayain ko siyang sabay kaming magsanay palagi


upang manalo.
B.Hahayaan ko siyang magsanay na mga-isa.
C.Hindi ko ipapaalam na nagsasanay ako.
5.May gaganaping audition sa inyong paaralan dahil
bubuo ng isang dance troupe upang sanayin sa
pagsasayaw. May talento ka sa pagsayaw. Ano ang
gagawin mo?

A.Nahihiya ako kaya hindi ako sasali.


B.Hihintayin ko na lang na mapili ng aking guro.
C.Mag-aaudition ako dahil naniniwala ako sa aking
talento.

V. PAGNINILAY Magsusulat ang mga bata sa kanilang kwaderno,


journal o portfolio ng kanilang nararamdaman o
realisasyon gamit ang mga sumusunod na prompt:

Naunawaan ko na

Nabatid ko na

You might also like