You are on page 1of 6

School HOYO ELEMENTARY Grade Level II-MASIPAG

SCHOOL
Teacher HELEN A. CASERIA Learning Area EDUKASYON SA
LESSON PAGPAPAKATAO
EXEMPLA
R Teaching Date Aug.31- Sept 4, 2020 Quarter 1st Grading
Teaching Time No. of Days Week 2 (5days)

I. LAYUNIN Sa araling ito ang mga mag-aaral ay inaasahang:


 Naipapaliwanag ang saya o tuwang dulot ng
pagbabahagi ng anumang kakayahan o
talento.
 Naisasakilos ang sariling kakayahan sa ibat-
ibang pamamaraan.
 Nabibigyang halaga ang sariling kakayahan sa
ibat-ibang pamamaraan
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng
pagkilala sa sarili at pagkakaroon ng disiplina tungo
sa pagkakabuklodbuklod o pagkakaisa ng mga kasapi
ng tahanan at Paaralan.

B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa nang buong husay ang anumang


kakayahan o potensyal at napaglalabanan ang
anumang kahinaan.
C. Pinakamahalagang Kasanayan sa Napahahalagahan ang saya o tuwang dulot ng
Pagkatuto (MELC) (Kung mayroon, isulat pagbabahagi ng anumang kakayahan o talento.
ang pinakamahalagang kasanayan sa Code: EsP2PK P- Ic – 9
pagkatuto o MELC
D. Pagpapaganang Kasanayan
(Kung mayroon, isulat ang pagpapaganang
kasanayan.)
II. NILALAMAN Kakayahan Mo, Paunlarin Mo!
III. KAGAMITAN PANTURO
A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng Guro Curriculum Guide p.27 , MELC 76
b. Mga Pahina sa Kagamitang Pangmag- Modyul 2 Edukasyon sa Pagpapakatao
aaral
c. Mga Pahina sa Teksbuk Kagamitang ng Mag-aaral
Pp 8-13
d. Karagdagang Kagamitan mula sa https.//lrmds.deped.gov.ph/k_to_12
Portal ng Learning Resource
B. Listahan ng mga Kagamitang Panturo para
sa mga Gawain sa Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN
A. Introduction (Panimula) Alamin:
Pinapayuhan ang mga magulang o tagapag-alaga na
gabayan ang mag-aaral sa bahay sa pagbabasa at
pagtuklas ng nilalaman ng bahaging ito ng aralin. Ang
mga mag-aaral ay inaasahan mababasa ang mga
layunin na nakapaloob sa modyul na kanilang pag-
aaralan at sasagutan.

Ang kakayahan ng bawat tao ay tumutukoy sa


kanilang mga talaento na kanilang ipinamamalas at
ipinauunlad tulad na lamang ng pagkanta, pagsayaw
pagguhit at marami pang iba.

Mapapaunlad natin ang ating mga kakayahan kung


ito ay ating ipinamamalas at lalo pa itong uunlad
kung tayo ay nagsasanay.

Ikaw paano mo pinapaunlad ang iyong kakayahan?

Suriin:

Tingnan ang bawat larawan at piliin ang nagpapakita


ng inyong sariling kakayahan?
Paano mo ito mapapaunlad?

B. Development (Pagpapaunlad) Subukin:


Piliin ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa
pangungusap.

1. Si Carla ay lalahok sa poster making contest.


A. magtuturo
B. tatawagin
C. sasali
2. Ang guro ay naglalayon na ipakita mo ang iyong
kakayahan.
A. nagnanais
B. umaalalay
C. sumasama

3. Bawat isa ay gustong makamit ang premyo sa


paligsahan.
A. magbigay
B. makuha
C. maalis

4. Si Rona ay sasali sa isang paligsahan sa pag-awit


A. laro
B.kompetisyon
C.pagsasanay

5. Maraming mag aaral ang nagpahayag ng


kagustuhan nilang lumahok.
A. nagkaisa
B. nagapakita
C. nagtago

Tuklasin:
Basahin at Unawain
Ang Paligsahan
ni I. M. Gonzales

May paligsahan na gaganapin sa Paaralang


Elementarya ng San Andres. Ito‟y naglalayong
maipakita ang iba‟t ibang kakayahan ng mga mag-
aaral. Ibinalita ito ni G. Santos
sa kanyang mga mag-aaral at tuwang-tuwa sila.
Maipakikita nila ang kanilang kakayahan.
“Lalahok ako sa paligsahan ng sayaw,” wika ni
Pepay. “Sa pag-awit naman ako sasali,” ayon kay
Kaloy. Marami pang mag-aaral ang nagpahayag ng
kanilang kagustuhang lumahok.
Si Lita ay lalahok sa paligsahan sa pagtula, sina Obet
at Pam naman ay sasali sa pagguhit at sina Red at
Carla ay lalahok din sa poster making.
“Sana manalo tayo,” wika ni Kaloy.

Pagyamanin:
Base sa iyong nabasa. Sagutan ang mga tanong at
isulat ang iyong sagot sa iyong kuwaderno.

1. Anong paligsahan ang gaganapin sa paaralan?


2. Ano ang layunin ng paligsahan na gaganapin sa
paaralan?
3. Sino-sino ang sasali sa paligsahan ayon sa
kuwento?
4. Bakit nais nilang sumali sa mga paligsahan?
5. Ano ang gusto nilang makamit sa pagsali sa
paligsahan?
6. Paano nila makakamit ang minimithing panalo?

C. Engagement (Pagpapalihan) Isagawa:

Punan ang graphic organizer ng mga paraan upang


mapaunlad ang iyong kakayahan.

Linangin:

Matutulungan mo ba silang paunlarin ang kanilang


kakayahan? Isulat sa kuwaderno ang iyong mungkahi

Iangkop:

Iguhit ang masayang mukha kung tama ang


isinasaad ng pangungusap at malungkot na mukha
kung mali. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
1. Masaya ako kapag nakapagtatanghalako sa
aming palatuntunan.
2. Ayokong sumali sa mga palatuntunan
sapagkat nahihiya akong ipakita ang aking
talento.
3. Tutulungan kong mapaunlad ang talento ng
aking kamag-aral.
4. Pinasasalamatan ko ang mga taong natutuwa
sa aking kakayahan.
5. Magiging mayabang ako dahil alam kong may
natatangi akong talento.

D. Assimilation (Paglalapat) Isaisip:

Ang taglay nating kakayahan ay dapat paunlarin sa


iba’t ibang pamamaraan tulad ng pagsasanay,
pagpapaturo, pagsali sa paltuntunan at paligsahan.

Tayahin( Pagtataya)

Basahin ang bawat sitwasyon, piliin at isulat ang letra


ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. May kakayahan ka sa pag-awit. Nais mong sumali


sa paligsahan. Ano ang dapat mong gawin?

A. Magsasanay sa pag-awit.
B. Sasali nang di nagsasanay
C. Hindi na lang sasali dahil maaabala ksa
pagsasanay.

2. Marunong kang sumayaw. Gusto mo itong ipakita


sa mga kamag-aral mo. Alin ang dapat mong gawin?

A. Hindi ako sasayaw.


B. Magsasanay akong mabuti.
C. Itatago ko na na lang ang aking talento.

3. Nalaman mong may paligsahan sa pagguhit sa


paaralan. May ganito kang kakayahan. Dapat ka bang
sumali?

A. Oo, sapagkat may sapat akong kakayahan.


B. Maaari, kung pipilitin ako ng aming guro.
C. Hindi, sapagkat nahuhiya ako.

4. Mabilis kang tumakbo. May paligsahan sa takbuhan


sa iyong paaralan. Alin sa sumusunod ang dapat
mong gawin?
A. Hindi ko ipaaalam na mabilis akong tumakbo.
B. Hihintayin kong mapili ako na sumali sa pagtakbo.
C. Kakausapin ko ang aking guro na ako ay sasali at
hihilinging sanayin pa ako.
5. May palatuntunan sa paaralan. Sinabi ng guro mo
na bibigkas ka ng tula. Ano ang iyong dapat isagot sa
guro?

A. Opo at magsasanay ako.


B. Hindi po maaari hindi ko po kaya.
C. Ayoko. Nahihiya po ako sa mga kamag-aral ko.

V. PAGNINILAY Magsusulat ang mga bata sa kanilang kwaderno,


journal o portfolio ng kanilang nararamdaman o
realisasyon gamit ang mga sumusunod na prompt:

Naunawaan ko na

Nabatid ko na

You might also like