You are on page 1of 4

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7

Ikaapat na Markahan

ORAS: 4:00-5:00 SEKSYON: AMETHYST


PETSA: IKA-20 NG MAYO,2022 ARAW: BIYERNES

I.LAYUNIN
Nakikilala na ang mga pangarap ang batayan ng mga pagpupunyagi tungo sa
makabuluhan at matiyagang buhay sa mga aspetong:
a.personal na salik na kailangang paunlarin kaugnay ng pagpaplano ng kursong akademiko o
teknikal bokasyonal, negosyo o hanapbuhay.
b.pagkilala sa mga kahalagahan ng pag-aaral bilang paghahanda sa pagnenegosyo at
paghahanapbuhay. ESP7PB-IVA-13.1
II.NILALAMAN
A. PAKSA
Modyul 14: MGA PANSARILING SALIK SA PAGPILI NG NG TRACK NA
AKADEMIKO, TEKNIKAL-BOKASYONAL, SINING AT DISENYO, AT
ISPORTS
B. SANGGUNIAN
LM ESP7;Pahina 301-306
C. KAGAMITAN SA PAGTUTURO
Visual Aida, aklat
III.PAMAMARAAN
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
A.Panimulang Gawain
1.Panalangin
2.Pagkuha ng bilang ng mag-aaral
3.Balik-aral
Ibigay ang iba’t-ibang antas ng
pagpapahalaga ayon kay Max Scheler. 1.Mga pandamdam na pagpapahalaga
2.Mga pambuhay na pagpapahalaga
3.Mga Ispiritwal na pagpapahalaga
4.Mga Banal na pagpapahalaga
Magaling!
4.Pagganyak
Pagpapakita ng mga larawan.
Sino sa inyo ang makakatukoy kung
ano ang nasa mga larawan? Nag-aaral po teacher!
Magaling! Sa ikalawang larawan? Nagtapos po ng pag-aaral, kumakanta
po at sumasayaw.
Magaling!Anong konsepto ang
mabubuo niyo sa mga Larawan? Ito po ay nagpapakita ng kahalagahan ng
pag-aaral at mga talento at angking
kakayahan na taglay ng bawat isa.

Magaling!
B.Panlinang na Gawain
1.Bago tayo dumako sa ating bagong
aralin, ano ba ang pagkakaintindi niyo sa Ito po ang susi natin tungo sa tagumpay.
salitang pag-aaral?
Magaling!
2.Gawain
Tukuyin kung anong pansariling
salik ang tinutukoy ng bawat
pangungusap sa hanay A..Piliin ang titik
ng tamang sagot sa hanay B.
1.Ito ay isang pambihirang biyaya at
likas na kakayahang kailangan tuklasin
dahil ito ang nagsisilbing batayan sa pagpili
ng tamang track.
2.Isang bagay na nais mong gawin.
3.Ito ang natutunang kapasidad o
kakayahan na maipatupad ang mga
resultang nauna nang natukoy at kadalasang
may mababang pagugol ng panahon,
enerhiya o pareho.
4.Naghihikayat at gumagabay para
pumili at gawin ang tiyak na layunin para sa
ikauunlad at ikabubuti ng indibidwal.
5.Ito ang tunguhin o pakay na nais
marating o puntahan sa hinaharap.

B.
a. talent.
b.hilig
c. kasanayan
d.Pagpapahalaga
e.Mithiin

Mga Gabay na Tanong:

1. Tam aba kaya ang mga sagot niyo Ayon po sa pagkakaintindi naming ang
para sa gawaing ito?Bakit? mga ito ay tama.

2.Ano ba ang kahalagahan ng kaalaman Dahil sa pagkilala ng mga pansariling salik


sa iba’t-ibang pansariling salik? natin nagkakaroon tayo ng gabay sa pagpili
ng kursong kukunin natin sa SH o kolehiyo.

3.Gaano kahalaga para sa iyo ang pag- Nag-aaral tayo hindi lamang para makapasa
Aaral? kundi upang malinang ang mga kasanayang
kailangan natin sa buhay at mapaghandaan
ng lubos ang ating kinabukasan.
4.Ngayong alam niyo na ang mga
pansariling salik.Nakapagpasiya na ba kayo Ngayong alam na naming ang kahalagahan
sa kung ano ang gusto niyong kuning kurso? ng pag-aaral at ang mga pansariling salik,
unti unti ng nagkakaroon kami ng maingat
na pagpapasiya kung ano ang gusto naming
kunin sa hinaharap.

C.Pangwakas na Gawin
Sa pagbubuod ilalahad ng guro ang
paksa.
Ang kahalagahan ng pag-aaral ay hindi
lamang upang makapasa ngunit upang
malinang ang mga kasanayang kailangan sa
buhay at mapaghandaan nang lubos ang
iyong kinabukasan.

Mga Pansariling Salik


1.TALENTO ay isang pambihirang
biyaya at likas na kakayahang kailangan
tuklasin dahil ito ang nagsisilbing batayan
sa pagpili ng tamang track.
2.HILIG- bagay na nais mong gawin.
3.KASANAYAN- Ito ang natutunang
kapasidad o kakayahan na maipatupad ang
mga resultang nauna nang natukoy at
kadalasang may mababang pagugol ng
panahon, enerhiya o pareho.
4.PAGPAPAHALAGA-Naghihikayat
at gumagabay para pumili at gawin ang
tiyak na layunin para sa ikauunlad at
ikabubuti ng indibidwal.
5.MITHIIN-Ito ang tunguhin o pakay
na nais marating o puntahan sa hinaharap.

2.Pagpapahalaga
Ano ang kahalagahan nang pagkakaroon Mahalaga ito dahil ito ay makatutulong sa
ng kaalaman mo sa iba’t-ibang pansariling pagpili ng kursong angkop sa iyong
salik? pagkatao.

D.Paglalapat/Aplikasyon
Gumawa ng isang sanaysay sa kung ano
ang naiisip mong track or strand na gusto
mong kunin sa Senior High School?Ano
ang iyong nagging batayan upang piliin ito?

a.Ang mag-aaral ay bibigyan ng sampung


minute para sa paghahanda sa Gawain.
b.Ipapaskil o ipapakita ng guro ang rubrics
para sa Gawain.

IV.EBALWASYON
Sagutan ang pagtataya sa pahina 291,
LM ESP7.

V. TAKDANG-ARALIN
Sagutan ang Gawain 9 pahina 316 ;ESP
7 LM

Prepared by: Noted by:

HILDA M. BALDONADO, LPT ROY S. ATEGA, LPT


Subject Teacher TIC

You might also like