Professional Documents
Culture Documents
Esp 7 Week 5B
Esp 7 Week 5B
Department of Education
Region VIII (Eastern Visayas)
Division of Leyte
BALOCAWEHAY NATIONAL HIGH SCHOOL
Balocawehay, Abuyog, Leyte 6510 School ID: 303344
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ng magaaral ang pag-unawa sa kahalagahan ng pag-aaral bilang
Pangnilalaman paghahanda para sa pagnenegosyo at paghahanapbuhay..
Naisasagawa ng mag-aaral ang plano ng paghahanda para sa minimithing
B. Pamantayan sa Pagganap
kursong akademiko o teknikal-bokasyonal, negosyo o hanapbuhay batay sa
pamantayan sa pagbuo ng Career Plan.
PANGKALAHATANG LAYUNIN
Nakapagtatakda ng malinaw at makatotohanang mithiin upang magkaroon ng
tamang direksyon sa buhay at matupad ang mga pangarap, maging ang
pagsaalang-alang sa mga:
a. sariling kalakasan at kahinaan at pagbalangkas ng mga hakbang upang
magamit ang mga kalakasan sa ikabubuti at malagpasan ang mga kahinaan
b. pagtanggap ng kawalan o kakulangan sa mga personal na salik na
C. Mga Kasanayan sa kailangan sa pinaplanong kursong akademiko o teknikal-bokasyonal, negosyo o
Pagkatuto hanapbuhay EsP7PB-IVa-13.2
TIYAK NA LAYUNIN
Panuto. Tukuyin kung anong trabaho ang nababagay sa isang tao batay sa mga
kakayahang taglay nito.
C. Pag-uugnay ng mga Halimbawa 1.Batay sa inyong binuo na mga larawan, sa tingin niyo alin dito ang
sa Bagong Aralin panaginip, pantasya, at pangarap?
1.MTIHNII
2.APNGAARP
3.OKABSOYN
4. ONGL- TMER GAOL
5. SOHRT -TMER GAOL
1.MITHIIN
2.PANGARAP
3.BOKASYON
4.LONG-TERM GOAL
5.SHORT- TERM GOAL
Pamprosesong Tanong
1.Ano-ano ang mga salita na inyong nabuo?
2. Naging madali ba ang pagbuo ng mga salita?
3. Ano kaya ang tawag sa mga salitang ito?
TANDAAN
✓ Lahat ng tao ay may PANGARAP!
✓ NAG-AARAL KA ngayon para maabot ang mga pangarap mo.
✓ Lahat naman talaga ng tagumpay ay NAGSISIMULA SA
PANGARAP.
PANAGINIP
▪ Ang panaginip ay nangyayari lamang sa iyong isipan habang ikaw
ay natutulog. Kapag nagising ka na, natatapos din ito.
PANTASYA
▪ Ang pantasya ay likha ng malikhaing isip. Ito ay ang pagbuo ng
mga sitwasyon o pangyayari ayon sa iyong kagustuhan.
▪ Ang pagpapantasya ay ginagamit ng marami upang takasan ang
kanilang mga problema
PANGARAP
▪ Mithiin mo sa buhay o nais mong marating sa buhay.
BOKASYON
▪ Ang bokasyon ay kalagayan o gawain na naayon sa plano ng
Diyos sa atin.
MITHIIN
▪ Ang mithiin o “goal” ay ang tunguhin o pakay na iyong nais na
marating o puntahan sa hinaharap. Sa simpleng salita, ito ang nais
mong mangyari sa iyong buhay balang araw.
ANG MGA PAMANTAYAN SA PAGTATAKDA NG MITHIIN
1. TIYAK
✓ Tiyak ang iyong mithiin kung ikaw ay nakasisiguro na ito ang
iyong nais na mangyari sa iyong buhay.
2. NASUSUKAT (MEASURABLE)
✓ Halimbawa: Pagpili ng kurso sa kolehiyo
✓ Una, nasusukat mo ang iyong kakayahang kumuha ng
kursong nais mo. Sapat ba ang iyong mga marka upang
kunin ang kursong ito? Sumunod, sapat ba ang iyong
perang gugulin para sa pagkuha ng kursong ito?
3. NAAABOT (ATTAINABLE)
✓ Ang mithiin ay makatotohanan, maaabot at
mapanghamon.
4. ANGKOP (RELEVANT)
✓ Halimbawa, angkop ba ang iyong mithiing maging isang
doktor? Kung ang iyong layunin ay matugunan ang
pangangailangan sa inyong pamayanan, angkop ito.
Ngunit angkop pa rin ba ito kung ikaw ay panganay at ang
iyong mga magulang at kapatid ay umaasang giginhawa
ang kanilang buhay kung makatapos ka ng pag-aaral?
5. TIME-BOUND
✓ Isipin mo kung gaano katagal mo kayang matupad ang
iyong mithiin.
6. MAY ANGKOP NA KILOS (ACTION-ORIENTED)
✓ Ang pagpapahayag ng mithiin ay kailangang nasa
pangkasalukuyang kilos (present tense).
GABAY NA TANONG
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na tanong. Piliin ang titik ng
wastong sagot.
SUSI SA PAGWAWASTO
1.C
2.D
3.B
4.B
5. B
TAKDANG ARALIN!
.
BERYL CITRINE DIAMOND EMERALD
ATTENDANCE ATTENDANCE ATTENDANCE ATTENDANCE
F- F- F- F-
M- M- M- M-
T- T- T- T-
ORLANDO A. CABANTOC
PRINCIPAL