You are on page 1of 7

WEEKLY HOME School SICAYAB NATIONAL HIGH SCHOOL Subject & Grade Level: EsP 9

LEARNING PLAN Teacher RANIE MAY V. PIŇERO Week 5


Date MAY 13 - 20, 2021 Quarter THIRD
Day and
Learning Area Learning Competency Learning Tasks Mode of Delivery
Time
8:00-9:00 Gumising, bumangon, ayusin ang kama, kumain ng almusal at humanda para sa isang masayang araw!
9:00-9:30 Pag-awit ng Lupang Hinirang, Panimulang Panalangin, Mag-ehersiyo, Makisalamuha sa Pamilya.
Monday Edukasyon sa Natutukoy ang mga Subject Matter: Kukunin at ibabalik ng
10:00-11:00 Pagpapakatao indikasyon na may Paksa: KAGALINGAN SA PAGGAWA magulang ang mga
9 kalidad o kagalingan sa Reference: Regional Office Module, Quarter 3–Module 5 Modules, Activity Sheets
paggawa ng isang Instructional Materials: at Outputs sa paaralan
gawain o produkto  Self Learning Module para sa kanilang anak.
kaakibat ang wastong  Laptop, larawan at learning activity sheet
paggamit ng oras para PAALAALA: Mahigpit na
rito - EsPS7-III-5.1 Procedure: ipinatutupad ang
pagsusuot ng facemask at
A. Prayer
face shield sa paglabas ng
B. Checking of Attendance
Tiyak na Layunin: tahanan o sa pagkuha at
C. Lesson Proper: pagbabalik ng mga
a. Naibabahagi ang mga Modules, Activity Sheets,
1. Alamin: at Outputs.
katangiang dapat Panimula: May ipapakitang mga larawan ng
taglayin upang
iba’t ibang matagumpay na tao. Kikilalanin ng PAALALA: HUWAG
maisabuhay ang
kagalingan sa mga mag-aaral at sasagutin ang mga tanong. SULATAN ANG MODULE
paggawa. (HOTS Questions – KRA 1, Objective 3) NG ESP. MAGLAAN NG
NOTEBOOK AT DOON
b. Nakagagawa ng Tala ng ISULAT ANG LAHAT NG
pang-araw-araw na  May pangarap ka rin bang magtagumpay katulad MGA SAGOT. LAGYAN
gawain nila? NG BILANG BAWAT
 Paano kaya maisasakatuparan ang mithiin na ito? GAWAIN AT IPASA ITO
c. Nakapagninilay sa  Ano nga ba ang katangiang taglay nila upang SA KATAPUSAN NG
kahalagahan ng mga magtagumpay at makilala? QUARTER.
kakayahan at biyayang ANG MODULE LAMANG
 Sapat na ba ang pagiging matalino at magaling
pinagkaloob ng Diyos AT ANG GAWAIN NG
upang mabilis na maabot ang mga pangarap?
ISAGAWA
 May indikasyon ba na mahusay sila o may
(PERFORMANCE TASK)
Kagalingan sa Paggawa?
ANG ISA-ULI KADA
 Makakatulong ba ang kahusayang ito sa LINGGO. SALAMAT!
sarili, kapwa at ekonomiya?

 Ibibigay ng guro ang layunin sa aralin.


2. Subukin:
Bago ang panibagong paksa ay magkakaroon
muna ng sampung aytem na pasulit.

3. Balikan:
Gawain 1: Tseklis ng mga palatandaan upang
ang tulad mo ay maaring magtagumpay sa
iyong mithiin at magtagumpay sa hinaharap.

Ang nakuha mong iskor sa Gawain na ito ay hindi


nararapat na bigyan ng negatibong interpretasyon.
Ang layunin ng gawaing ito ay upang tulungan kang
tayahin ang iyong kakayahan at maging bukas ka sa
pagbabago. May magagawa ka upang ito ay
mapaunlad. Kasabay ng unti-unting pag-unlad ng
mga kakayahan. Mga Tanong:
(HOTS Questions – KRA 1, Objective 3)
1. Ano ang natuklasan mo sa iyong sarili
pagkatapos
mong sagutan ang tseklis? Ipaliwanag.
2. Sa kabuuan, masasabi mo bang may kalidad ang
iyong paraan sa paggawa? Ang output o
produkto
ng iyong paggawa? Patunayan.
3. Ano-ano ang indikasyon na ang isang Gawain o
produkto ay may kalidad o kagalingan
(excellence)? Ipaliwanag.

4. Tuklasin: (Modified: LAS)


KRA 1 Objective 1: Integration of ARTS
Gawain 2: Katangian ng Pagkamalikhain
Panuto: Gamit ang iyong malikhaing pag-iisip,
dugtungan ang mga guhit sa loob ng mga kahon
upang makabuo ng isang larawan ng kahit na
anong bagay. Ano kaya ang mabubuo mo? Iguhit
ang iyong sagot sa iyong papel.
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Nahirapan ka bang dugtungan ang mga


guhit at makalikha ng kakaibang larawan?
a. Kung hindi ipaliwanag
b. Kung 0o, ipaliwanag.
2. Ano-anong mga larawan ang naiguhit mo?
3. Naniniwala ka ba na ito ay bunga ng iyong
pagkamalikhain? Ipaliwanag.

5. Suriin: (Modified: LAS)


Ibabahagi ng guro ang Kahulugan ng Paggawa,
Kung paano naisasabuhay ang Kagalingan sa
Paggawa at ano anung mga katangian ang dapat
taglayin upang makamtan ang kagalingan sa
paggawa.

 Ang paggawa - ay ang gawain ng mga tao na


may layuning bumuo ng produkto o magbigay
ng serbisyo. Maaaring tumukoy ang paggawa
sa lahat ng aspeto ng mga tao na may layong
bumuo ng isang bagay o pangyayari.

 Ang pagkakaroon ng propesyon o kursong


natapos ay isang salik na dapat-isaalang-
alang, ngunit hindi lang ito ang kailangan
upang makagawa ng isang produkto o
gawaing mag-aangat sa iyo bilang tao.

 “Ang paggawa ay mabuti sa tao, dahil sa


pamamagitan nito naisasakatuparan nito
ang kanyang responsibilidad sa sarili, kapwa at
sa Diyos” Pope John Paul II – LABOREM
EXERCENS

 Ang kagustuhang maisabuhay ang layuning ito


ang nagtutulak sa tao upang magkaroon nang
“Kagalingan sa Paggawa”.

 Ang kagalingan sa paggawa ay naisasabuhay


kung tataglayin mo ang mga sumusunod:

1. nagsasabuhay ng mga pagpapahalaga,


2. pagtataglay ng positibong kakayahan, at
3. nagpupuri at nagpapasalamat sa Diyos.

 Ang mga Angkop na Katangian upang


maisasabuhay ang kagalingan sa paggawa:

1. Kasipagan 2. Tiyaga 3. Masigasig


4. Malikhain 5. Disiplina sa Sarili

 Para sa karagdagang kaalaman at para sa mga


may data buksan ang link na ito.
https://www.powtoon.com/online-
presentation/bExb5v6vdvV/kagalingan-sa-
paggawa/?mode=movie&locale=en

(KRA 1,Objective 2) (Integration of ICT)

 Layunin ng pagbigay ng link upang mayroong


alternatibong reference ang mga mag-aaral.

 Lubos na makatutulong ang paggamit ng ICT


bilang bahagi ng pagtuturo upang mas mapadali
ang kanilang pagsasaliksik sa mga leksyon o
aralin.

5. Pagyamanin: Photo Analysis


Gawain 3: Gawain ko, Pagninilayan ko!

Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Ano ang ipinapahiwatig ng Ilustrasyon A??


2. Ano ang pinagkaiba ng Ilustrasyon A sa B?
3. Alin sa dalawang ilustrasyon ang sumasalamin
sa kadalasan mong ginagawa?
6. Para sa iyo, alin ang mas mainam tularan? Bakit?

6. Isaisip:
 Kahit ang pinakamasipag na tao ay hindi
kayang gawin ang lahat kaya naman kailangan
na nakaplano ang pagsasagawa ng bawat isa
batay sa halaga ng mga ito. Ang pagpaplano ng
Gawain bago ang takdang panahon ay
makatutulong upang ikaw ay maging
responsible, kapaki-pakinabang at
matagumpay na mag-aaral, gayon na rin
bilang ksapi sa isang pamilya, lipunan at
bansa.

Gawain 4: Tala ng Aking Pang-araw-araw na


Gawain

7. Isagawa: (modified) LAS

Gawain 5: Pangarap ko, Gagawin ko!


Panuto: Mag-isip ng tatlong
pangarap na gusto mong
makamit sa buhay mo.
Isulat ito sa loob ng bilog
na hawak ng kamay.

(KRA 1,Objective 2 -Integration of ICT )

 Maaaring ipasa iyong sagot sa illustrasyon na


nagsasaad ng iyong mga pangarap sa EsP 9 GC
Messenger, at pwede rin na i-DM/ PM ninyo sa
account ko sa FB.
 Para sa mga walang facebook account at walang
data i-print sa mismong Learning Activivity Sheet
(LAS) na lamang isulat at ipasa kalakip ng inyong
module sa susunod na linggo.

(HOTS Questions – KRA 1, Objective 3)


Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Alin sa mga pangarap mo sa buhay ang sa
tingin mo ay kaya mong gawin?
2. Paano mo ito isasakatuparan?
3. Paano makatutolong ang Kagalingan sa
Paggawa sa pagkamit mo ng iyong mga
pangarap sa buhay? sa iyong pamilya?
8. Generalization: Valuing

 Ang kagalingan sa paggawa ay bunga ng


pagmamahal at pagkagustong gawin ito ng
buong husay at pagmamahal.

 Ang likha ng taong may kagalingan sa


paggawa ay bunga ng inspirasyon, turo at
gabay na kanyang nakukukuha sa ibang tao.
 Ang damdaming di nakararamdam ng pagod at
pagkabagot sa anomang gawain ay resulta ng
kagalingan sa paggawa.
 Ang kagalingan ng produkto at gawain ay sa
ikabubuti ng lahat
 “Ang paggawa ay mabuti sa tao, dahil sa
pamamagitan nito naisasakatuparan nito ang
kanyang responsibilidad sa sarili, kapwa at sa
Diyos” Pope John Paul II

ASSESSMENT: TAYAHIN: MODIFIED (LAS)


Ang mga mag-aaral ay sasagot ng 10 item test.

ASSSIGNMENT: TAKDANG ARALIN:


Gumawa ng Liham Pasasalamat sa Diyos sa
mga Kakayahan at Biyayang pinagkaloob
Niya na makakatulong upang magtagumpay
sa buhay para sa sarili, pamilya at bansa.

Prepared by:

RANIE MAY V. PIŇERO


Guro- EsP 9

You might also like