You are on page 1of 4

Learning Area Edukasyon sa Pagpapakatao

Learning Delivery Modality Modular Distance Learning

Old Boso Boso National High


Paaralan Baitang Grade 9
School
LESSON Edukasyon sa
EXEMPLAR Guro Gng. Sundie Grace L. Bataan Antas
Pagpapakatao 9
(Tala sa Pagtuturo) Petsa Hunyo 21, 2022 Markahan Ikatlong Markahan
Oras 9:00-10:00 Bilang ng Araw 1

I- LAYUNIN Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang:


a. matulungan kang mapaunlad ang iyong sarili tungo sa pagtupad ng itinakdang
mithiin nang may kasipagan at pagpupunyagi;
b. mahinuha na ang hirap, pagod at pagdurusa ay nadadaig ng pagpupunyagi
tungo sa pagtupad ng itinakdang mithiin; at,
c. makagawa ka ng tsart ng pagsunod sa hakbang upang matupad ang itinakdang
gawain nang may kasipagan at pagpupunyagi.
A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pagunawa sa kahalagahan ng kasipagan sa paggawa
Pangnilalaman

B. Pamantayan sa Nakagagawa ang magaaral ng mga hakbang upang mapanatili ang kasipagan sa pag-
Pagganap aaral o takdang gawain sa tahanan.

C. Pinakamahalagang  Napatutunayan na:


Kasanayan sa a. Ang kasipagan na nakatuon sa disiplinado at produktibong gawain na
Pagkatuto (MELC) naaayon sa itinakdang mithiin ay kailangan upang umunlad ang sariling
(Kung mayroon, isulat pagkatao, kapwa, lipunan at bansa
ang pinakamahalagang b. b. Ang mga hirap, pagod at pagdurusa ay nadadaig ng pagpupunyagi tungo
kasanayan sa sa pagtupad ng itinakdang mithiin
pagkatuto o MELC) EsP9KP-IIIf-12.3
 Nakagagawa ng Chart ng pagsunod sa hakbang upang matupad ang
itinakdang gawain nang may kasipagan at pagpupunyagi
EsP9KP-IIIf-12.4
D. Pagpapaganang
Kasanayan
(Kung mayroon, isulat
ang pagpapaganang
kasanayan)
II.NILALAMAN Kagalingan sa paggawa
III.KAGAMITANG PANTURO
A. Mga Sanggunian Edukasyon sa pagpapakatao 9
a. Mga Pahina sa MELC
Gabay ng Guro ESP 8
PIVOT 4a BOW
LRMDs portal
b. Mga Pahina sa Modyul para sa Mag-aaral: Edukasyon sa Pagpapakatao 9 PP. 4-8
Kagamitang EsP Ikatlong markahan 9
Pangmag-aaral
c. Mga Pahina sa
Teksbuk
d. Karagdagang
Kagamitan mula
sa Portal ng
Learning Resouce
B. Listahan ng mga
Kagamitang Panturo Panturong Biswal: module, activity sheets, evalbee app. video
para sa mga Gawain
sa Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan
IV.PAMAMARAAN
A. Panimula Napapanahong Pagpapaalala

- Magpapaalala ang guro tungkol sa Modular distance learning at ano ang mga
dapa t tandaan tungkol dito. Maari ring kontakin ang guro kung mayroong mga
katanungan tungkol sa mga aralin sa Modyul.

-Balik aral tungkol sa nakaraang aralin tungkol sa kahalagahan ng kasipagan sa


paggawa.
a. Bakit mahalaga na mayroon kasipagan sa paggawa?
b. Bakit mahalaga na ang isang tao ay disipinado?
c. Bakit mahalaga ang kalidad o kagalingan sa paggawa?

Bago tayo magpatuloy mayroon akong limang katanungan na sasagutin ninyo ng TAMA
o MALI. Isulat ito sa isang malinis nan a papel o kaya ay scratch paper basta maaaring
sulatan.

Gawain sa pagkatuto Bilang 1

Tukuyin kung tama o mali ang nakatala sa ibaba. Isulat ang salitang TAMA kung
tumutukoy sa kilos na nagpapakita ng kagalingan sa paggawa at MALI naman kung
hindi.
_________ 1. Si Daniel na nasa ika-siyam na baitang ay masipag, nagpupunyagi at
higit sa lahat may disiplina sa sarili kaya naman kitang kita sa kanyang ikalawang
markahan na matataas ang kanyang nakuhang marka.
_________2. Buong araw tumutulong si Boyet sa pagtitinda ng isda sa kanilang
puwesto sa bayan at sa gabi naman ay naglalaro siya ng online games kung kaya’t sa
madaling araw niya na naisasagawa ang kaniyang mga modyul.
_________3. Ipinasa ni Joe ang kaniyang takdang-aralin ng maaga. Pagkabalik ng
kanyang papel siya ay nagulat dahil hindi pala kompleto ang kaniyang ipinasang papel
sa guro.
_________4. Si Prince ay litung-lito kung ano ang gagawin sa kanyang modyul
sapagkat siya ay natambakan ng mga gawain kaya minabuti niyang gumawa ng
iskedyul sa pagsagot ng lahat ng kaniyang modyul. Ang isinagawa niyang iskedyul ay
naisagawa niya ng maayos kaya naman, nakahabol siya sa pasahan.
_________5. Ilang beses ng natalo sa patimpalak si Fionna subalit isang araw siya ay
nagulat dahil siya ang panalo sa isang kompetisyon sa kanilang bayan.

1. Para sa inyo ano ba ng ibig sabihin ng kagalingan sa paggawa?


2. Bakit kalian na mayroong puso sa paggawa?

Ang kagalingan sa paggawa ay bunga ng pagmamahal at kagustuhang gawin ito ng


buong husay at may pagmamahal. Ang mga likha ng taong nagtataglay ng kagalingan
sa paggawa ay bunga ng kanyang inspirasyon at pagmamahal sa kanyang mga
gawain, at ganun din ang turo at gabay na kanyang nakuha sa mga taong nasa
kanyang paligid.

Gaya ng isinasaad sa Colosas 3:23 “Anuman ang inyong ginagawa, gawin ninyo nang
buong puso na parang sa Panginoon kayo naglilingkod at hindi sa mga tao.” Kailangan
nating pahalagahan ang lahat ng ating mga ginagawa at syempre kailangan sa ating
paggawa kalakip nito ang puso at para kanino ba natin handog ang bawat kilos ng ating
paggawa. Alam dapat natin ang mga layunin ng ating ginagawa para maipakita natin
ng mas maganda ang kagalingan mula dito.
B. Pagpapaunlad Basahin ang Kagalingan sa Paggawa na may Kaakibat na Wastong Paggamit ng Oras na
matatagpuan sa AS na ibinigay ng guro para sa mabuting pagkaunawa sa ating aralin at
gawin ang mga sumusunod na Gawain.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2

Panuto: Magtala sa graphic organizer ng mga katangian at kagalingan sa paggawa.


Sagutan ang mga sumusunod na tanong

Katangian at Kasanayan sa Paggawa

1. Bakit mahalaga na isaalang-alang ang mga katangian at kasanayang itinala sa


graphic organizer?Ipaliwanag
2. May kakayahan ka bang isabuhay ang mga katangian at kasanayang
nabanggit? Patunayan.
Katangian at kasanayan sa Paggawa
3. Paano makatutulong ang kagalingan sa paggawa sa pagkamit ng kabutihang
panlahat. Patunayan sa pamamagitan ng pagbigay ng halimbawa.

Ang kagalingan sa paggawa ay nasusukat ayon sa maayos na pagsasakatuparan ng


mga hakbang na dapat isaalang-alang sa paggawa. Upang maisabuhay ang mga
pagpapahalaga na dapat taglayin, at dapat magtaglay ng positibong kakayahan upang
maging maayos ang paggawa at higit sa lahat dapat magkaroon ng pagpupuri at may
pagpapasalamat sa Diyos sa lahat ng aspeto ng paggawa.

Dahil ang lahat ng ito ay tumutugon sa pagkakaroon ng mabuti at maayos na paggawa.


Na mayroon puso, respeto at pagmamalasakit sa lahat ng Gawain. Ang paggawa ng
may kasanayan ay nagpapakita ng maayos at organisadong resulta.

C. Pakikipagpalihan Magsagawa ng isang panayam sa isang indibidwal, maaaring magulang, kamag-anak o


kakilala na naging matagumpay ang pamumuhay dahil sa mayroon itong kalidad o
kagalingan sa paggawa at wastong pamamahala sa oras. Sa pagsasagawa nito ay
dapat na naisasaalang-alang ang panuntunan sa Community Quarantine.
1. Ano ang pangalan at propesyon ng inyong ininterbyu?
2. Ano ang iyong masasabi tungkol sa iyong nakapanayam?
3. Anu-ano ang mong napulot na aral mula sa kaniya?
Mahalaga ang pagkakaroon ng wastong pamamahala sa oras sapagkat mahalaga ang
bawat oras sa ating buhay at ito'y hindi dapat sayangin dahil ang oras na lilipas ay hindi
na babalik.Mahalaga din ito upang hindi tayo magipit sa oras lalo na kung limitado ang
oras upang gumawa ka ng isang bagay.Dapat lang na magkaroon tayo ng sapat na
pamamahala upang sa huli ay hindi tayo magsiai na sa nakaraang mga panahon ay
may mga bagay na dapat nating gawin ngunit tayo ay nabigo.

D. Paglalapat Sumulat ng sanaysay na naglalahad ng iyong panayam. Mahalagang isulat mo rin


repleksiyon mo rito. Gawin ito sa isang malinis na papel. Mga dapat isaalang-alang
sa pagsasagawa ng panayam:
a. Natutukoy mo ang kagalingan sa paggawa at wastong pamamahala sa oras
ng taong kapanayam.
b. Natutukoy mo ang mga tiyak na hakbang na sinusunod ng taong
kapanayam sa kaniyang paggawa.
c. Makatotohanan at maayos ang isusulat na sanaysay
d. Siguraduhing nilakipan mo ito ng isang mapanuring pangninilay sa
pamamagitan ng pagbibigay ng iyong sariling repleksiyon.

RUBRIKS PUNTOS

1. Tema ng panayam 5

2. Gamit ng mga salita 10

3. Kalinisan at kaayusan sa 5
paggawa ng sanaysay

4. Naipahayag ng malinaw ang 15


layunin sa panayam

TOTAL 35

Ang pakikipanayam ukol sa kagalingan sa paggawa ay isang paraan ng pagkuha ng


ideya mula sa mga taong iyong hinahangaan. Maaring ang taong ito ay mabait,
matapat, at may kagalingan sa larangang kanyang ginagalawan. Ang mga ideyang ito
ay maari mong magamit bilang isang motibasyon na siyang huhubog sa iyo pagdating
ng panahon.
V.PAGNINILAY Gumawa ng isang liham na pasasalamat sa Diyos sa mga talento, kakayahan, at
Naunawaan ko na biyayang ipinagkaloob niya na makatutulong upang magtagumpay sa buhay para sa
_________________________ sarili, pamilya at sa bansa. Gawin ito sa isang malinis na papel.
Nabatid ko na
_________________________

Prepared by:

MRS. SUNDIE GRACE L. BATAAN


Guro
Cheked by:

PATRICIA M. TAMANG
Master Teacher II

You might also like