You are on page 1of 3

Sangay ng mga Paaralang Lungsod, Maynila

MATAAS NA PAARALANG DOÑA TEODORA


Alvarez Street Sta. Cruz, Maynila

DAILY LESSON PLAN (DLP) IN VALUES


EDUCATION with SEL INTEGRATION

PANGALAN NG Rowena P. Caraggayan PETSA: March 4, 2024


GURO:
ASIGNATURA Edukasyon sa Pagpapakatao 9 KWARTER: Ikatlong Kwarter
BAITANG AT Bonifacio, Luna, Del Pilar ARAW: Ikatlong Araw
PANGKAT:
PAMANTAYANG Naipamamalas ng mag-aaral ang kahalagahan ng kagalingan sa paggawa
PANGNILALAMAN:
PAMANTAYANG SA Nakatatapos ang mag-aaral ng isang gawain o produkto na mayroong kalidad o kagalingan
PAGGANAP: sa paggagawa.
KAUGNAY NA
Laborem Exercens (Kagalingan sa Paggawa)
PAGPAPAHALAGA:
INTEGRASYON NG H.E-VOC
MGA ASIGNATURA:
KASANAYAN SA Pagiging Magaling/Excellence sa gawain
BUHAY:
PAMANTAYANG EsP9KP-IIIg-10.1 Natutukoy ang mga indikasyon na may kalidad o kagalingan sa paggawa ng
PAGKATUTO: isang gawain o produkto.
I. LAYUNIN:
A. Naiisa-isa ang mga kakayahan na dapat taglayin sa paggawa.
B. Napahahalagahan ang kagalingan sa paggawa sa pamamagitan ng mga kwento ng mga
taong nagtagumpay dito.
C. Nakakabuo ng Plano ng proyekto na lilikhain na nagpapakita ng Kagalingan sa Paggawa.
II. NILALAMAN: A. PAKSA: Mga Kakailangan Kakayahan sa Paggawa

MELC: Napahahalagahan ang kinalabasan ng pagsusuri sa tseklis at


naisasabuhay ito. EsP 9-KP-IIIg-10.1
A. KONSEPTO:
Ang pagpapahalaga sa paggawa ay makakatulong maisagawa nang mabuti ang kanilang
mga tungkulin sa lipunan. Kinakailangan malaman ng bawat isa ang mga kakayahan upang
taglayin ang Kagalingan sa Paggawa.
B. SANGGUNIAN:
Kagawaran ng Edukasyon (2013). Edukasyon sa Pagpapakatao 9, Modyul para sa mga
Mag-aaral (1st ed., pp. 147-161). Deped
D. MGA KAGAMITAN:
Laptop, powerpoint presentation, white board, whiteboard Marker, aklat at notebook
III. PAMAMARAAN A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtala ng liban sa klase
4. Pamantayan sa silid-aralan
Ang bawat pamantayan ay isa-isang bibigkasin ng mga bawat pangkat.
B. Panlinang na Gawain
1. Balik-Aral:
Magbigay ng isang halimbawa ng palatandaan ng Kagalingan sa Paggawa.
2. Pagganyak: Video Analysis
Panuorin ang video kung saan nagsimula ang may-ari ng ANDOKs na Pilipinas.

a. Bakit mahalaga ang pagpapanatili ng kagalingan sa paggawa?


b. Paano nakatulong ang mga kaugalian ng may-ari ng Andoks sa pagiging tagumpay
ng kanyang negosyo?

3. Gawain:
Gumuhit ng hugis tao at bawat parte nito maglagay ng mga kakailanganin
kakayahan upang taglayin ang Kagalinangan sa Paggawa. Gawin ito ng bawat
pangkat.

(Pagkatapos isa-isahin, ilalahad ng guro ang mga kakailanganin na kakayahan.


 Ang kagalingan sa paggawa ay naisasabuhay kung tataglayin mo ang mga sumusunod
SEL na katangian: (1) nagsasabuhay ng mga pagpapahalaga, (2) nagtataglay ng
Relationship positibong kakayahan, at (3) nagpupuri at nagpapasalamat sa Diyos.
skills 1. Nagsasabuhay ng mga Pagpapahalaga.
(Communication;  Kasipagan Malikhain Tiyaga Disiplina sa Sarili Masigasig
Working 2. Nagtataglay ng mga Kakailanganing Kasanayan.
cooperatively; a. Pagkatuto Bago ang Paggawa.
resolving b. Pagkatuto Habang Ginagawa.
conflicts) c. Pagkatuto Pagkatapos Gawin ang Isang Gawain.
3. Papuri at Pagpapasalamat sa Diyos
4. Pagsusuri:
Pagsagot sa mga sumusunod na tanong batay sa nakalap na impormasyon.
 Bakit mahalaga na isaalang-alang ang mga katangian at kasanayang itinala sa
graphic organizer?Ipaliwanag
 May kakayahan ka bang isabuhay ang mga katangian at kasanayang nabanggit.
Patunayan.
 Paano makatutulong ang kagalingan sa paggawa sa pagkamit ng kabutihang
panlahat.
5. Paghahalaw:
Gamit ang KWL, Ilahad ang mga natutunan sa klase.

 Know  What  Learn

6. Ebalwasyon:
Panuto: Tukuyin kung tama o mali ang nakatala sa ibaba. Isulat ang salitang TAMA kung
tumutukoy sa kilos na nagpapakita ng kagalingan sa paggawa at MALI naman kung hindi.
1. Si Daniel na nasa ika-siyam na baitang ay masipag, nagpupunyagi at higit sa lahat may
disiplina sa sarili kaya naman kitang kita sa kanyang ikalawang markahan na matataas ang
kanyang nakuhang marka.
2. Buong araw tumutulong si Boyet sa pagtitinda ng isda sa kanilang puwesto sa bayan at sa
gabi naman ay naglalaro siya ng online games.
3. Ipinasa ni Joe ang kaniyang takdang-aralin ng maaga. Pagkabalik ng kanyang papel siya ay
nagulat dahil hindi pala kompleto ang kaniyang ipinasang papel sa guro.
4. Si Prince ay litung-lito kung ano ang gagawin sa kanyang modyul sapagkat siya ay
natambakan ng mga gawain kaya minabuti niyang gumawa ng iskedyul sa pagsagot ng lahat ng
kaniyang modyul.
5. Ilang beses ng natalo sa patimpalak si Fionna subalit isang araw siya ay nagulat dahil siya ang
panalo sa isang kompetisyon sa kanilang bayan.

7. Pagninilay:
Panuto: Magtala sa graphic organizer ng mga katangian at kagalingan sa paggawa.

 Bakit mahalaga na isaalang-alang ang mga katangian at kasanayang itinala sa graphic


organizer?Ipaliwanag
8. Paglalapat:
Paano makatutulong ang kagalingan sa paggawa sa pagkamit ng kabutihang
panlahat. Patunayan sa pamamagitan ng pagbigay ng halimbawa.

IV. TAKDANG Pumili ng isang pilipino na nagtagumpay sa kanyang kagalingan sa


ARALIN: paggawa. Kumuha ng larawan nito at idikit. Ilagay ang mga kaugalian
nito kung bakit siya nagtagumpay dito.

Inihanda ni:

Rowena P. Caraggayan
Teacher II, ESP

Binigyang-suri

Maricel B. Francisco
Master Teacher II, ESP

Lourdes M. Florendo
OIC-Principal

Dr. Simonette A. Castrence


PSDS

You might also like