You are on page 1of 3

BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO VI

PETSA: PEBRERO 20, 2022


AM 7:10-7:40 JACINTO

I.Layunin
Napahahalagahan ang magaling at matagumpay na mga Pilipino sa
pamamagitan ng pagtulad sa mabubuting katangian na naging susi sa
pagtatagumpay ng mga Pilipino.

II.Paksang Aralin
Pagpapahalaga sa magaling at matagumpay na mga Pilipino sa pamamagitan
ng pagtulad sa mabubuting katangian na naging susi sa pagtatagumpay ng mga
Pilipino.
a.Sanggunian:BOW MELC p. 247 of 349
b.kagamitan:laptop,telebisyon
c.Pagpapahalaga:pagiging mabuting ehemplo

III.Pamamaraan

A.Panimulang Gawain
1.Pagbati sa mga mag-aaral/Kumustahan
2.Pagtsek kung sino ang liban sa klase.
B.Paglalahad ng aralin
1.Pagganyak: Mayroon ka bang taong iniidolo o hinahangaan?Bakit mo siya
hinahangaan?
2.Panlinang na Gawain
(Pagpapanood ng video lesson sa mga mag-aaral.)
-Sinu-sino ang mga kilalang personalidad ang pinakita sa video?
-Anu-ano ang mga katangiang taglay nila?
-Sa inyong palagay,paano kaya sila nagtagumpay sa mga larangang kanilang
kinabibilangan?
-Nais mo rin bang maging matagumpay gaya nila?
3.Pagsasanay
Panuto:Kilalanin ang mga nasa larawan at isulat kung anong larangan sila naging
matagumpay.

1.Pangalan:___________________ 2.Pangalan: __________________


Larangan: ___________________ Larangan: __________________

3.Pangalan:____________________
Larangan: ____________________

4.Paglalahat: Ipasabi sa mga mag-aaral ang mahalagang kaisipan nakapaloob sa


aralin.

5.Paglalapat: Pagsasagawa ng isang roleplay kung saan maipapakita ng mag-


aaral ang pagtulad sa mabubuting katangiang maaaring maging sus isa
pagtatagumpay.
6.Pagtataya
Panuto:Alin sa mga sumusunod ang nagpapahalaga sa mabuting katangiang
maaaring maging susi sa pagtatagumpay?Lagyan ng tsek ang patlang bago ang
bilang.
___1.Pagiging masunurin
___2.Pagsisikap sa anumang gawain
___3.Pag-ayaw kapag alam na mahirap ang gagawin
___4.Pagkakaroon ng disiplina sa sarili
___5.Pag-iwas sa responsibilidad
IV.Takdang Aralin:
Sumulat sa iyong journal kung paano mo paghuhusayan ang iyong mga katangiang
maaaring maging susi sa pagtatagumpay.
PROFICIENCY LEVEL
SECTION: JACINTO
5X
4X
3X
2X
1X
0X

Inihanda ni: Binigyang puna ni: Pinagtibay ni:


Edgardo G. Gallega Jr. Ludivina M. Marco Leonora M.Pantorgo,PhD
GURO II DALUBGURO I PUNONGGURO IV

You might also like