You are on page 1of 7

Banghay -Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao 6

Ikatlong Markahan

Aralin 4
Pagpapahalaga sa Magaling At Matagumpay na mga Pilipino

Bilang ng araw ng Pagtuturo:


5 Araw ( 30 Minuto sa bawat araw o 150 minuto)

Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagmamahal sa bansa
at pandaigdigang pagkakaisa tungo sa isang maunlad, mapayapa at
mapagkalingang pamayanan
Pamantayan sa Pagganap:
Naipakikita ang mga gawaing tumutugon sa pagmamahal sa bansa sa
pamamagitan ng aktibong pakikilahok na may dedikasyon at integridad
Pamantayan sa Pagkatuto

I. LAYUNIN:

Napahahalagahan ang magaling at matagumpay na mga Pilipino sa


pamamagitan ng:
5.1. pagmomodelo ng kanilang pagtatagumpay
5.2. kuwento ng kanilang pagsasakripisyo at pagbibigay ng sarili para sa bayan
5.3. pagtulad sa mga mabubuting katangian na naging susi sa pagtatagumpay
ng mga Pilipino
Code: EsP6PPP-III c-d 35
II. PAKSA: Aralin 5 Pagapapahalaga sa magaling at matagumpay na mga
Pilipino
a. Sanggunian: EsP - K to 12 CG p. 84
b. Kagamitan: powerpoint presention, larawan nina Dolphy, Jose Rizal,
Manny Pacquiao, at Pia Wurztbach, videoclip:
https://www.youtube.com/watch?v=lmArTfUktVA, puzzle,
metacards, manila paper, permanent marker at masking tape
c. Pagpapahalaga: Kasipagan/pagiging produktibo

III. PAMAMARAAN

Unang Araw
A. Panimulang Gawain:
1. Pagbati ng guro ng magandang buhay sa mag-aaral.
2. Pagtitsek kung sinong liban sa klase.
3. Magbuo ng apat na pangkat sa klase
a. Pumili ng lider sa bawat pangkat
b. Bigyan ng isang envelope ang bawat pangkat na naglalaman ng
puzzle at manila paper.
c. Maglaan ng 3 minuto upang mabuo ang puzzle, idikit sa
manila paper ang nabuong puzzle
d. Ipaskil sa pisara ang nabuong puzzle
4. Mag-uulat ang lider ng kanilang nabuong puzzle

B. Panlinang na Gawain

1. Alamin Natin
a. Ilahad ang mga larawan. (manny pacquiao, pia wurztbach, dr. jose
rizal)

a. Saang larangan sila nakilala?


Manny Pacquio
Pia
Dr. Jose Rizal
Dolphy
b. Ano –ano ang kanilang mga naiambag para sa bayan?
c. Paano nila naabot ang kanilang tagumpay?
d. Mahalaga bang maging masipag (at produktibo) upang maging
matagumpay? Bakit?
e. Sa inyong murang edad paano ninyo matutularan ang mga nasa
larawan ?

(closure: Maraming mga Pilipino ang naging matagumpay at produktibo dahil sa


kanilang kasipagan. Halos lahat sila ay nagsimula sa hirap at nagtiyaga upang
maging matagumpay sa kasalukuyan. Gusto nyo bang maging katulad nila, iyan
ay kayang kaya)

Ikalawang araw
2. Isagawa Natin

a. Pagbati sa mag-aaral.
b. Balik-aral. Itanong :
1. Tungkol saan ang ating talakayan kahapon?
2. Ano ang pagpagpapahalaga ang iyong natutuhan tungkol sa aralin?
3. Paano ito nakaimpluwensiya sa iyong sarili bilang miyembro ng
lipunang iyong ginagalawan?
c. Isahang Gawain
Suriin ang larawan na ipapakita ng guro. Basahin ang mga impormasyong
nakasulat sa larawan.
Isulat ang katangian ng nasa larawan ayon sa impormasyong nabasa?

Bago nanalo si Bb. Pia Wurtsbach ng Ms. Universe noong 2015,


maraming beses siyang sumali sa mga pageant at siya ay tatlong
beses na natalo. (matatag, matapang, determinado, matiyaga).
Ipaliwanag

____________________________________________________
____________________________________________________
_________________________________________

Si Dolphy ang tinawag na Hari ng Komedya at siya ay nakilala


dahil sa kaniyang malaking kontribusyon sa sining at teatro.
(matapang, determinado, masipag, produktibo). Ipaliwanag

____________________________________________________
____________________________________________________
_________________________________________
Pinahusay ni Manny Pacquiao ang kaniyang sarili sa boksing upang
matulungan niya ang kaniyang pamilya at ipagmalaki ang Pilipinas
(makabansa, matapang, matatag, determinado). Ipaliwanag

______________________________________________________
______________________________________________________
_______________________________________

Iminulat ni Dr. Jose Rizal ang kamalayan ng mga Pilipino mula sa


pang-aalipin mga kastila sa pamamagitan ng papel at panulat
(makabansa, matapang, makabayan, determinado). Ipaliwanag

________________________________________________________
________________________________________________________
_________________________________________
d. Pangkatang Gawain:
a. Pangkatin ang klase sa apat ayon sa kanilang interes
b. Pangkat I Anong imbensyon ang gusto mong likhain upang
makatulong sa kasalukuyang problema ng bansa?
Iguhit mo.
Pangkat II Anong talento ang nais mong maipakita upang
makilala ang ating bansa sa buong mundo? (maaring sayaw, awit
o kahalintulad na larang)
Pangkat III Gumawa ng panalangin para sa mga Pilipinong
matagumpay at tumulong sa ating bayan.
Pangkat IV- kung bibigyan ka ng pagkakataong makausap ang
presidente anong proyekto ang nais mong isulong upang
makatulong sa ating bayan? ipakita sa pamamagitan ng role play.
c. Magkaroon ng talakayan tungkol presentasyong ipinakita ng
bawat pangkat.
d. Ibigay ang rubrics para sa gawain.

(Para sa guro)
Ang rubrics ay magmumula sa pagsang-ayon ng mga mag-aaral at guro sa
pagsukat ng gawain.
Maaari rin namang ito ay galing sa guro ngunit dapat ay may
konsultasyon sa mag-aaral upang lalong mapaganda ang rubrics.
(closure: Ang pag-abot sa pangarap ay hindi imposible kung sasamahan ito ng
sipag, tiyaga at pagtitiwala sa sariling kakayahan upang maging produktibo)

Ikatlong Araw
3. Isapuso Natin
a. Balik-aral sa nakaraang talakayan.
b. Ipanood sa mga mag-aaral ang videoclip.
https://www.youtube.com/watch?v=lmArTfUktVA
c. Magbigay ng mga katanungan tumgkol sa videoclip.

Mga tanong.
1. Tungkol saan ang videoclip na iyong napanood?
2. Ano ang nararamdaman mo habang pinanonood ang video clip?
3. Bakit ka masaya/ malungkot? Pangatwiranan
4. Kung ikaw ang nasa video (Si Nora Aunor), gagawin mo rin ba
ang ginawa niya? Bakit?
5. Gumawa ng talata.
a. Gamitin ang mga sumusunod na tanong bilang gabay upang
makabuo ng talata:
i. Sino ang hinahangaan mong matagumpay na Pilipino?
ii. Bakit mo siya hinahangaan?
iii. Paano siya nagsakripisyo para sa bayan?
iv. Paano mo siya tutularan (gagawing modelo)?

d. Ipabasa sa mga mag-aaral ang Tandaan Natin.


Bigyang halaga ang mga Pilipinong nagbibigay ng karangalan sa
ating bansa, tularan natin ang kanilang kasipagan at pagsasakripisyo
upang maging matagumpay din tayo pagdating ng panahon
Matapos maipabasa ay tumawag na mag-aaral na kung saan ay
magbibigay siya ng kanya idelohiya batay sa tandaan natin.

(closure: “Maraming Pilipino ang naging matagumpay dahil sa kanilang


kasipagan at pagiging produktibo. Sila ang nagbibigay inspirasyon upang
matularan natin ang kanilang mga halimbawa.”)

C. Pangwakas na Gawain
(Ipaalaala sa mga bata na pagisipan nila kung sino ang nais nilang
tularan, paghandaan nila ito upang maipakita nila bukas ang talento
ng kanilang idolo)
Ikaapat na Araw
4. Isabuhay Natin

a. Itanong. Bilang isang mag-aaral, paano mo ipapakita ang pagpapahalaga


sa mga matagumpay na Pilipino?
b. Mini Festival of Talents
Gabayan ang mga mag-aaral na makabuo ng programa sa gaganaping
Mini Festival.
Itanong ng guro kung napaghandaan ba nila ang talento ng kanilang idolo.
Bigyan ng 25 minuto upang maipakita nila ang kani-kanilang talento.

c. Pagtalakay sa ginawa ng bata (iproseso ng malalim)

(closure: Kasipagan ang susi upang marating ang tagumpay na inaasam. Maging
masipag at huwag mawalan ng pag-asa upang maging produktibo pagdating ng
araw)

Ikalimang Araw
IV. Pagtataya
5. Subukin Natin
1. Anyayahang magbahagi ang mga mag-aaral tungkol sa kanilang
karanasan sa ginanap nilang Talent Show kahapon.
2. Itanong kung ano ang kanilang natutuhan sa aralin.
3. Pasagutan ang mga sumusunod:

Pusuan Mo!
Lagyan ng puso (♡)ang pahayag kung ito ay karapat-dapat pahalagahan,
lagyan ng ekis (×) kung hindi dapat tularan.

______1. Si Nora Aunor ay dating nagtitinda ng tubig sa may riles ng


tren, dahil sa kanyang kasipagan at pagtitiyaga siya ay naging
matagumpay na Pilipino.
______2. Si Rolando Navarrete ay naging sikat na boksingero ngunit
hindi napahalagahan ang kanyang tagumpay siya ay nalulong
sa masamang bisyo at tuluyang napariwara ang kanyang
buhay.
______3. Si Baron Geisler ay laging nasasangkot sa kaguluhan kaya
tuluyang bumagsak ang kanyang career.
______4. Hindi sumuko sa hirap ng buhay si Jericho Rosales, nagsipag
siya at nagsikap kung kayat patuloy na umaangat ang kanyang
buhay at produktibong Pilipino.
______5. Malaki ang naiambag ni Ninoy Aquino sa kalayaan ng
Pilipinas, ibinuwis niya ang kanyang buhay upang
maipaglaban niya ang kanyang prinsipyo at ipagtanggol ang
kalayaan ng bansa mula sa diktaduryang pamamahala.

(closure: Sa pagtulad sa mga matagumpay na Pilipino ay nagbibigay


inspirasyon upang paniwalaan nating walang impossible. Kung may
sipag at tiyaga ang ating pangarap ay tiyak na makakamit. Kung
kaya nila kayang kaya n’yo rin)

V. Takdang -aralin
Gumupit ng larawan ng magaling at matagumpay na mga Pilipino na naging
produktibo at may naiambag sa ating bansa.

Repleksiyon:
Mga tanong bilang gabay sa repleksyon:
Ano ang pangarap ko sa aking buhay? May maitutulong ba ito sa aking bayan?
Sino ang gusto kong tularan?
Ano-ano ang aking gagawin upang maabot ko ang aking pangarap?

Pagbati:

Pagbati! Natapos mong muli ang isang aralin. Naniniwala akong dahil sa
iyong kasipagan, ikaw ay magiging produktibong mamamayan na may malaking
maiiambag sa pag-unlan ng ating bayan. Pagpalain ka ng Diyos!

V. MGA TALA

VI. PAGNINILAY

A. Bilang ng nakakuha ng 80% sa pagtataya

B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng


iba pang Gawain para sa remediation

C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng


mag-aaral na nakaunawa sa aralin

D. Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa


remediation

E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang


nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking naranasan na


solusyonan sa tulong ng aking punongguro at
superbisor?

G. Anong kagamitang panturo ang aking


nadibuho na nais kong ibahagi sa mga kapwa
ko guro ?

You might also like