You are on page 1of 35

EsP 6

QUARTER 3 WEEK 4
DAY 1
1. Pagbati ng guro ng magandang
buhay sa mag-aaral.
2. Pagtitsek kung sinong liban sa
klase.
Magbuo ng limang pangkat sa
klase
a. Pumili ng lider sa bawat pangkat
b. Bigyan ng isang envelope ang bawat
pangkat na naglalaman ng puzzle at
manila paper.
c. Maglaan ng 3 minuto upang mabuo
ang puzzle, idikit sa manila paper ang
nabuong puzzle
d. Ipaskil sa pisara ang nabuong puzzle
Mag-uulat ang lider ng
kanilang nabuong puzzle
1. Saang larangan sila nakilala?
2. Ano –ano ang kanilang mga naiambag para
sa bayan?
3. Paano nila naabot ang kanilang tagumpay?
4. Mahalaga bang maging masipag (at
produktibo) upang maging matagumpay?
Bakit?
5. Sa inyong murang edad paano ninyo
matutularan ang mga nasa larawan ?
EsP 6
QUARTER 3 WEEK 4
DAY 2
Isahang Gawain
Suriin ang larawan na ipapakita ng
guro. Basahin ang mga impormasyong
nakasulat sa larawan.
Isulat ang katangian ng nasa larawan
ayon sa impormasyong nabasa?
Bago nanalo si Bb. Pia Wurtsbach ng Ms.
Universe noong 2015, maraming beses
siyang sumali sa mga pageant at siya ay
tatlong beses na natalo. (matatag,
matapang, determinado, matiyaga).
Ipaliwanag.
______________________________________________
Si Dolphy ang tinawag na Hari ng Komedya
at siya ay nakilala dahil sa kaniyang
malaking kontribusyon sa sining at teatro.
(matapang, determinado, masipag,
produktibo). Ipaliwanag.
_________________________________________________
Pinahusay ni Manny Pacquiao ang kaniyang
sarili sa boksing upang matulungan niya
ang kaniyang pamilya at ipagmalaki ang
Pilipinas (makabansa, matapang, matatag,
determinado). Ipaliwanag.
____________________________________________
Iminulat ni Dr. Jose Rizal ang kamalayan ng
mga Pilipino mula sa pang-aalipin mga
kastila sa pamamagitan ng papel at panulat
(makabansa, matapang, makabayan,
determinado). Ipaliwanag.
________________________________________________
Pangkatang Gawain:

Pangkat I
Anong imbensyon ang gusto mong likhain
upang makatulong sa kasalukuyang
problema ng bansa? Iguhit mo.
Pangkat II Anong talento ang nais
mong maipakita upang makilala ang
ating bansa sa buong mundo?
(maaring sayaw, awit o kahalintulad
na larawan)
Pangkat III Gumawa ng panalangin
para sa mga Pilipinong
matagumpay at tumulong sa ating
bayan.

Pangkat IV- Kung bibigyan ka ng


pagkakataong makausap ang presidente
anong proyekto ang nais mong isulong upang
makatulong sa ating bayan? Ipakita sa
pamamagitan ng role play.
Pangkat V
Ano ang gusto mong maging sa
hinaharap. Iguhit mo.

Magkaroon ng talakayan tungkol


presentasyong ipinakita ng bawat
pangkat.
Ang pag-abot sa pangarap ay hindi
imposible kung sasamahan ito ng
sipag, tiyaga at pagtitiwala sa
sariling kakayahan upang maging
produktibo
EsP 6
QUARTER 3 WEEK 4
DAY 3
Balik-aral sa nakaraang talakayan.
Mga tanong.
1. Tungkol saan ang videoclip na iyong
napanood?
2. Ano ang nararamdaman mo habang
pinanonood ang video clip?
3. Bakit ka masaya/ malungkot?
Pangatwiranan
4. Kung ikaw ang nasa video (Si Nora Aunor),
gagawin mo rin ba ang ginawa niya? Bakit?
1. Gumawa ng talata.
Gamitin ang mga sumusunod na tanong
bilang gabay upang makabuo ng talata:
I. Sino ang hinahangaan mong matagumpay
na Pilipino?
II. Bakit mo siya hinahangaan?
III. Paano siya nagsakripisyo para sa bayan?
IV. Paano mo siya tutularan (gagawing
modelo)?
Tandaan Natin:

Bigyang halaga ang mga Pilipinong


nagbibigay ng karangalan sa ating bansa,
tularan natin ang kanilang kasipagan at
pagsasakripisyo upang maging
matagumpay din tayo pagdating ng
panahon
“Maraming Pilipino ang naging
matagumpay dahil sa kanilang
kasipagan at pagiging produktibo.
Sila ang nagbibigay inspirasyon
upang matularan natin ang kanilang
mga halimbawa.”
Pangwakas na Gawain
Pag-isipan kung sino ang
nais mong tularan,
paghandaan ito upang
maipakita bukas ang
talento ng inyong idolo
EsP 6
QUARTER 3 WEEK 4
DAY 4
Bilang isang mag-aaral, paano mo
ipapakita ang pagpapahalaga sa mga
matagumpay na Pilipino?
Mini Festival of Talents
Bumuo ng programa sa gaganaping
Mini Festival.
Napaghandaan ba ninyo ang talento
ng inyong idolo.
Bigyan ng 25 minuto upang
maipakita nila ang kani-kanilang
talento.
Kasipagan ang susi upang marating ang
tagumpay na inaasam. Maging masipag
at huwag mawalan ng pag-asa upang
maging produktibo pagdating ng araw
EsP 6
QUARTER 3 WEEK 4
DAY 5
Magbahagi tungkol sa karanasan
sa ginanap na Talent Show
kahapon.

Ano ang natutuhan sa aralin.


Pusuan Mo!
Lagyan ng puso (♡)ang pahayag kung ito ay
karapat-dapat pahalagahan, lagyan ng ekis
(×) kung hindi dapat tularan.

______1. Si Nora Aunor ay dating


nagtitinda ng tubig sa may riles ng
tren, dahil sa kanyang kasipagan at
pagtitiyaga siya ay naging
matagumpay na Pilipino.
______2. Si Rolando Navarrete ay naging
sikat na boksingero ngunit hindi
napahalagahan ang kanyang tagumpay
siya ay nalulong sa masamang bisyo at
tuluyang napariwara ang kanyang
buhay.
______3. Si Baron Geisler ay laging
nasasangkot sa kaguluhan kaya
tuluyang bumagsak ang kanyang
career.
______4. Hindi sumuko sa hirap ng buhay si
Jericho Rosales, nagsipag siya at
nagsikap kung kayat patuloy na
umaangat ang kanyang buhay at
produktibong Pilipino.
______5. Malaki ang naiambag ni Ninoy
Aquino sa kalayaan ng Pilipinas, ibinuwis
niya ang kanyang buhay upang
maipaglaban niya ang kanyang prinsipyo
at ipagtanggol ang kalayaan ng bansa
mula sa diktaduryang pamamahala.
Sa pagtulad sa mga matagumpay na
Pilipino ay nagbibigay inspirasyon
upang paniwalaan nating walang
impossible. Kung may sipag at tiyaga
ang ating pangarap ay tiyak na
makakamit. Kung kaya nila kayang
kaya n’yo rin

You might also like