You are on page 1of 7

Learning Continuity Plan Module Edukasyon sa Pagpapakatao 3

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Baitang 3

KWARTER 1: Tungkulin Ko Sa Aking Sarili At Pamilya


Ik-1 Linggo

Modyul 1: KAYA KO, SASALI AKO

Panimula

Lahat ng nilalang ay may kakaibang katangian at natatanging


kakayahan o talento na kaloob ng Diyos. Mahalagang matukoy mo ang
natatanging kakayahan upang positibong makilala ang iyong sarili.
Mahalagang malinang, mapaunlad at maibahagi sa iba ang natatanging
kakayahan na may pagtitiwala sa sarili upang ikaw ay maging kapaki-
pakinabang na mamamayan.

I. Layunin

1. Nakatutukoy at nakapagpakikita ng mga natatanging kakayahan


nang may pagtitiwala sa sarili.

2. Naipapakita ang angking kakayahang may pagtitiwala sa sarili

3. Nakapagdedesisyon na linangin ang angking kakayahan at gamitin


ang mga ito ng may pagpapahalaga at pagtitiwala sa sarili

4. Nasusubok ang natutunan ukol sa natatanging kakayahan at


pagtitiwala sa sarili

II. Mga Gawain

A. Paunang Pagtataya
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong . Isulat sa
sagutang papel ang titik ng napiling sagot.

1. Si Carol ay mabilis sa tumakbo kaya siya ay hinikayat ng kanyang


guro na sumali sa paligsahan. Siya may kakayahan sa ___________
A. Pag-awit B. Pagguhit
C. Pag-ukit D. Pagtakbo

2. Si Gary Valenciano ay may magandang tinig. Siya may


kakayahan sa ___________.
Learning Continuity Plan Module Edukasyon sa Pagpapakatao 3

A. Pag-awit B. Pagpinta C. Pag-ukit D. Pagsayaw

3. Si Manny Pacquiao ay tanyag dahil sa kanyang kakayahan. Siya


ay sikat na___________.
A. mananayaw B. boksingero
C. mang-aawit D. manunulat

4. May paligsahan sa larangan ng pag-arte. Sa di sinasadyang


pangyayari nagkasakit ang kalahok dito. Nagtanong ang guro
mo kung sino ang nais pumalit sa kalahok. Ikaw ay may
kakayanan sa pag-arte. Ano ang gagawin mo?
A. Hindi nalang kikibo.
B. Ituturo ang ibang kaklase.
C. Hihintayin na lang na makilahok ang iba.
D. Lalapit sa guro at lalahok sa paligsahan na may tiwala sa
sarili.

5. Sinabihan ka ng iyong guro na sumali sa paligsahan ng pagsayaw


sa paaralan. Alam mong marunong kang sumayaw pero hindi ka
pa nakakasali sa mga paligsahan. Ano ang iyong dapat gawin?
A. Hindi muna sasali dahil magsasanay pa akong mabuti.
B. Hindi muna ako sasali, baka ako ay mapahiya kung ako ay
matalo.
C. Sasali ako at kapag natalo, hindi na ako muling sasali pa sa
paligsahan.
D. Sasali ako kahit medyo kinakabahan upang maranasan ko
ang pagsali sa paligsahan.

B. Alamin Mo (Mapanuring Pag-iisip)


Ano ang nasa isip mo kung narinig ang salitng kakayahan? Isulat ito sa
bawat kahon sa semantic web na ito.

Kakayahan

Basahin mo:

Lahat ng tao ay may kanya-kanya at natatanging kakayahan . May


mahusay sa pag-awit, pag-arte, pagsasayaw, pagbigkas ng tula, pagguhit,
Learning Continuity Plan Module Edukasyon sa Pagpapakatao 3

pagsusulat, isport at iba pa. Ito ay talento na binigay o biyaya na bigay ng


maykapal sa atin. Mahalaga na malaman at matukoy mo ang iyong
kakayahan bilang isang bata upang positibo o higit mong makilala ang iyong
sarili . Maraming sikat na tao ang nakilala dahil sa kanilang kakayahan o
talento.

Sina Leah Salonga at Regine Velasquez bilang mang-aawit. Manny


Pacquio at Onyok Velasco bilang boksingero. Sikat na cook si Boy Logro .
Marami din tyong tinatawag local legends dahil sa kanilang kakaibang
kakayahan ipinakikita sa kanilang lugar.

Pag-isipan at Unawain:
Sagutin ang mga tanong.
1. Ano-anong kakayahan o talento ang ipinagkaloob sa atin ng
maykapal?
2. Alin sa mga kakayahan ang kaya mong gawin?
3. Meron ka pa bang kilala na sikat dahil sa kanilang talento o
Natatanging kakayahan?
Sino-sino? Paano sila naging kilala/ sikat?
4. Sino ang nais mong tularan sa mga nabanggit na personalidad/tao ?
Bakit?

C. Isagawa Mo (Pakikipagtalastasan)
Gawain #1
Masdan ang mga bata sa larawan. Isulat ang mga natatanging
kakayahan ipinakikita nila.

1. ____________ 2. ___________ 3. ____________ 4. ____________

May mga kakayahan na palagi mong ginagawa. Masaya ka kung


naipapakita mo ito sa ibang tao. Ang mga ito ay dapat linangin at
paunlarin dahil ito ay makapagbibigay sa atin ng sariling
pagkakakilanlan. “Kung kaya mo , Sasali at Gawin mo”

Gawain #2
Isipin mo ang iyong natatanging kakayahan. Isulat o iguhit mo sa
papel ang iyong natatanging kakayahan. Lagyan ito ng pamagat. Isulat
Learning Continuity Plan Module Edukasyon sa Pagpapakatao 3

mo rin ang iyong nararamdaman kapag naipapakita mo ang iyong


kakayahan?

Ito ang Aking Natatanging Kakayahan

D. Isapuso Mo (Pagbuo ng Katauhan)


Tandaan

Mahalaga na malaman ang sariling kakayahan tulad ng husay sa


pag awit, pag-arte, pagsasayaw, pagbigkas ng tula, pagguhit,
pagsusulat, isport at iba pa upang higit na makilala ang sarili. Dapat
itong paunlarin at ibahagi sa kapwa na may tiwala sa sarili.

Gawain #3
Punan ang kard ng mga hinihinging impormasyon. Gawin ito sa
malinis na papel.

Ako ay si _______________________________nasa Baitang _____


ng mababang paaralan ng _______________________________________.

Kaya kong ________________________________________________________.

Ipinakikita ko ang aking kakayahan tuwing ________________________.

(Maari kang magdikit ng iyong larawan dito na nagpapakita ng iyong kakayahan)

Gawain # 4
Ipaliwanag ang ibig sabihin ng slogan na ito:

“Kung Kaya Ko, Sasali Ako”


Learning Continuity Plan Module Edukasyon sa Pagpapakatao 3

E. Isabuhay Mo (Pakikipagtulungan at Pagkamalikhain)


Palagi mong tandaan na anumang kakayahan na meron ka ay
dapat mong ipinapakita upang ito ay higit na malinang at magkaroon ng
pagtitiwala sa sarili. Hindi mo dapat ito ikahiya.

Gawain #5
I-video ang kakayahan at gumawa ng sariling blog o kaya ay iguhit
ang kakayahan at kulayan mo kung hindi kayang magvideo.

Gawain # 6
Sumulat ng maikling talata kung paano mo mapapaunlad at
magagamit ang angkin o natatanging kakayahan.

F. Subukin Mo
Suriin ang sarili.
Sagutin ang pagtataya na ito at ikaw ang magpasiya. Lagyan ng tsek
(/) ang bilang ng kakayahan na kaya mo nang gawin na may pagtitiwala
sa sarili at ekis (X) kung hindi mo pa ito kayang gawin o hindi mo pa ito
nagagawa.
___1. Tumula sa palatuntunan
___2. Sumayaw mag-isa sa palatuntunan
___3. Makilahok gumawa ng poster
___4. Sumali sa paligsahan ng pagtakbo
___5. Makilahok sa paggawa ng Bookmark
___6. Sumali sa panayam/interview
___7. Sumali sa paligsahan ng pag-awit
___8. Makilahok sa paligsahan ng takbuhan
___9. Maglaro ng chess
___10. Tumugtog ng instrumenting pangmusika tulad ng gitara.

Pagnilayan mo:
1. Ano ang masasabi mo sa iyong sagot?
2. Pinaninindigan mo ba ang iyong sagot?
3. Ano ang iyong natatanging kakayahan?
4. Paano mo ito papaunlarin at maibahagi sa kapwa?

III. Panapos na Pagtataya


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Isulat sa
sagutang papel ang titik ng napiling sagot.

1. Si Noche ay mabilis sa tumakbo kaya siya ay hinikayat ng kanyang


guro na Sumali sa paligsahan.Bakit kaya? Siya may kakayahan sa
___________.
A. Pag-awit B. Pagguhit C. Pag-ukit D. Pagpinta

2. Si Weng ay madalas sumali sa paligsahan dahil siya ay mahusay


gumuhit at magpinta ng mga larawan. Siya may kakayahan sa
____________.
Learning Continuity Plan Module Edukasyon sa Pagpapakatao 3

A. Pag-awit at pagsayaw C. Pagguhit at pagpinta


B. Pag-ukit at pagpinta D. Pagtakbo at pagtula

3. Si Leah Salonga ay tanyag dahil sa kanyang kakayahan. Siya ay sikat


na________?
A. mananayaw B. boksingero C. mang-aawit D. manunulat

4. Mahilig kang gumuhit at magpinta sa oras na walang ginagawa.


Paanomo maipakikita ang iyong kakayahan ng may pagtitiwala sa
sarili?
1. Paghusayin ang sarili sa paglahok sa mga paligsahan
2. Itago sa mga kamag-aral ang mga iginuhit sa bahay
3. tabi ang lahat ng mga magagandang iginuhit at ipininta
4. Ikahiya ang pagsali sa paligsahan

5. Ano ang dapat mong gawin kapag medyo kinakabahan ka pa sa


pagpapakita mo ng iyong kakayahan?
A. Gawin ang kakayahan at panatilihin ang lakas ng loob
B. Ipagpatuloy lang hanggat kaya pa
C. Mahiya at huwag munang ipakita ang kakayahan,
D. Huminga ng huminga ng malalim para mawala ang kaba

Binabati kita at naipakita mo ang natatangi mong kakayahan.


Patuloy mo itong paunlarin at ibahagi sa kapwa na may tiwala
sa sarili. Maari ka nang tumuloy sa susunod na modyul.

Inihanda ni:

ROWENA M. DE GUZMAN
Master Teacher II
Andres Bonifacio Elem. School
Learning Continuity Plan Module Edukasyon sa Pagpapakatao 3

Sanggunian:

Aklat
• CG( Lamp) EsP3PKP-Ib-13
• Kagamitan ng Mga Mag-aaral sa EsP – dd. 10-15
• Patnubay ng Guro sa EsP –dd. 4-5
• Spiritual Nurture for Children Resources dd.9, 17-21

Mula sa Internet
https://wwwgoogle.com/search?q=kakayahan+ang+ibig+sabihin&oq=kakayah
an+ibi&aqs+chrome.2.0j69i57j012.28043j17&client+ms-android-oppo-
rev1&sourceid=chrome-mobile&ie+UTF-
8#sbfbu=1&pi+kakayahn%20ang20ibig%sabihin
https:// brainly.ph/question

Mga Pinagkuhanan ng larawan


https://www.google.com/seach?q=outline+of+praying+hands&oq+outline+of+pray
&aqs+chrome.0.012j69i57j0.19940j0j07&client+ms-android-oppo-
rev1&sourceid+chrome-mobile&ie+UTF-8#imgrc+_i9JaeSL5T638M

https://www.google.com/search?q=larawan+ng+kumakanta&oq=l&aqs=chrome.0.
69i5913j69i6012.1549j0j7&client=ms-android-huawei-rev1&sourceid=chrome-
mobile&ie=UTF-8#imgrc=pMFjYgrUwyQPUM:

lovepik.com

pngtree.com

samutsamot.com

You might also like