You are on page 1of 18

ESP

(Edukasyon sa Pagpapakatao)

Quarter 1
Week 1-2
Pambungad na Panalangin
Diyos Ama, maraming salamat po sa ibinigay
ninyong pagkakataon upang kami ay muling
matuto. Gawaran mo po kami ng isang bukas na isip
at damdamin upang
maisabuhay ang mga itinuturo
sa amin, at maunawaan ang
mga aralin na makatutulong
sa aming pagtatagumpay sa
buhay. Amen.
Mga Alituntunin sa Online Class:

1. Dumalo sa tamang
oras ng klase.

2. Maghanap ng tahimik at
kumportableng lugar para sa
pag-aaral.
3. Panatilihing nakabukas ang
iyong “camera” at umupo
lang ng maayos.

4. Panatilihing nakapatay ang


“mic” kung walang pahintulot
ng guro na magsalita.
5. Pindutin lang ang “raise hand”
kung nais sumagot sa tanong ng guro at
hintayin ang iyong pagkakataon
na matawag.
KASANAYAN:
Nakapagpapakita ng
mga natatanging
kakayahan nang may
tiwala sa sarili.
(EsP3PKP-la-14)
Marami ka na bang nagagawa sa inyong
bahay?
Ano-ano ang mga gawain na
nagugustuhan mo?

Masaya
mo ba itong ginagawa?
Masdan ang mga larawan:

Alin sa nakikitang larawan ang kayang gawin


ng isang batang tulad mo?
Lahat tayo ay may
kani-kaniyang kakayahan o
potensiyal na maaari nating
ibahagi sa lipunan sa iba’t ibang
paraan tulad ng pag-awit,
pagsayaw, pagguhit, paglangoy at
iba pa. Ito ay biyaya ng Diyos
upang pagyamanin at gamitin sa
makabuluhang bagay.
Ang taglay nating kakayahan
ay dapat paunlarin sa iba’t ibang
pamamaraan tulad ng pagsasanay,
pagpapaturo, pagsali
sa palatuntunan at paligsahan.
Bilang batang mag- aaral,
unti-unti mo itong matututuhan at
matutuklasan habang ikaw ay lumalaki.
Gawain 1:
Pagmasdan ang mga larawan.

Ano ang nais mong tularan paglaki mo?


Gawain 2:
Iguhit ang masayang mukha kung kaya mong gawin nang
may tiwala sa iyong sarili ang mga kakayahang nasa
ibaba at malungkot na mukha naman kung hindi mo
nagagawa nang may tiwala sa sarili ang mga kakayahang
ito.
TANDAAN
: Ang kakayahan ng bawat tao ay
isang biyaya mula sa Diyos. Lahat tayo ay
may kani-kaniyang kakayahan. Ilan sa mga
ito ay ang kahusayan sa pag-awit, pag-arte,
pagsayaw, pagtula, pagguhit, isport at iba pa.
Ito ay dapat
gamitin at linangin sapagkat nakapagbibigay
ito sa atin ng sariling pagkakakilanlan at
tiwala sa sarili.
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT:
Lagyan ng tsek (√) ang mga kakayahang kaya
mong gawin nang may tiwala sa sarili at ekis
(X) kung hindi.
_____1. Sumali sa paligsahan sa pagtakbo.
_____2. Tumula sa palatuntunan.
_____3. Makilahok sa paggawa ng poster.
_____4. Sumayaw ng “ Budots”.
_____5. Tumugtog ng piyano.
TAKDANG ARALIN:
Sagutan ang mga natitirang
gawain sa inyo modyul.
KARAGDAGANG GAWAIN:
Gumawa ng “video” na nagpapakita ng iyong
kakayahan na ginagawa ng may pagtitiwala sa
sarili.
I-send ang “video” sa messenger ng guro.
MARAMING
SALAMAT
SA PAKIKINIG!!!

You might also like