You are on page 1of 5

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7

UNANG MARKAHAN

Pangalan: Pangalan ng Magulang:


Grade & Sec. Pirma ng Magulang:
Petsa:
SCORE
WORK SHEET: MODYUL II PART I.
TALENTO MO, TUKLASIN, KILALANIN AT PAUNLARIN! PART II. A.
LAYUNIN: B.
2.1. Natutukoy ang kanyang mga talento at kakayahan EsP7PSIc-2.1
C.
2.2. Natutukoy ang mga aspekto ng sarili kung saan kulang siya ng tiwala sa sarili at nakikilala ang mga
paraan kung paano lalampasan ang mga ito EsP7PSIc-2.2 D.
2.3. Napatutunayan na ang pagtuklas at pagpapaunlad ng mga angking talento at kakayahan ay PART III.
mahalaga sapagkat ang mga ito ay mga kaloob na kung pauunlarin ay makahuhubog ng sarili
tungo sa pagkakaroon ng tiwala sa sarili, paglampas sa mga kahinaan, pagtupad ng mga tungkulin, PART IV.
at paglilingkod sa pamayanan EsP7PSId-2.3
2.4. Naisasagawa ang mga gawaing angkop sa pagpapaunlad ng sariling mga talento at kakayahan EsP7PSId-2.4

PART I. PAUNANG PAGTATAYA (W.O.) ________/10


Panuto: Suriin kung Tama o Mali ang sinasabi ng mga pangungusap at ilagay sa unahan ng bawat numero ang  kung tama at  kung
mali

1. Ang sumusunod ay pagkakaiba ng talento at kakayahan: Ang talento ay mahirap sukatin samantalang ang kakayahan ay
tinataglay ng tao dahil sa kanyang kakayahang mag-isip.

Maliit pa lang si Joanna nang siya ay matuklasan ng kanyang mga magulang na magaling sa pag-awit. Sa edad na tatlo, nakasali
na siya sa mga patimpalak at siya ay nakikilala dahil sa kanyang kahusayan sa kabila ng murang edad. Ngunit sa kanyang paglaki ay naging
mahiyain si Joanna at hindi na sumasali sa mga patimpalak dahil ayaw niyang humarap sa maraming tao. Hindi alam ng kanyang mga
kamag-aral ang kanyang talento dahil hindi naman siya nagpapakita nito kahit sa mga gawain sa klase o sa paaralan. Palagi pa ring umaawit
si Joanna ngunit ito ay sa kanilang lamang bahay kasabay ang kanyang nakatatandang kapatid.

2. Ang pangunahing balakid sa pagtatagumpay ni Joanna ang kanyang paniniwala na nakakatakot humarap sa maraming tao

3. Ang nararapat na gawin ni Joanna ay “kailangan niyang kausapin ang kanyang sarili at sabihin na kaya niyang harapin ang
anomang hamon at lagpasan ang kanyang mga kahinaan .”

4. Mahalagang tuklasin at paunlarin ang mga angking talento at kakayahan, upang magkaroon ng tiwala sa sarili at
malampasan ang mga kahinaan , maisakatuparan ang mga tungkulin sa sarili at sa lipunan at makapaglingkod sa
pamayanan.

5. Si Cleo ay mahusay sa paglalaro ng basketball. Labis ang paghanga sa kanya ng kanyang mga kasamahan sa team. Sa
tuwing maglalaro ay siya ang nakapagbibigay ng malaking puntos sa kanilan team. Makikitang halos naperpekto na niya ang
kanyang kakayahan sa basketball. Ngunit sa labis na kaabalahan sa pag-aaral, barkada at pamilya hindi na siya
nakapagsasanay nang mabuti. Makaaapekto ito sa kanyang laro dahil bukod sa pagkokondisyon ng katawan ay mahalaga
ang pagsasanay kasama ng kanyang team upang mahasa sa pagbuo ng laro kasama ang mga ito.

6. Sa pagpasok ni Angeline sa high school ay naging kapansin-pansin ang kanyang pagiging matangkad. Isang araw ay
nilapitan siya ng isang kaklase ay inalok na sumali sa volleyball team ng paaralan. Nabuo ang interes sa kanyang isip na
sumali dahil wala pa siyang kinahihiligan ng sports hanggang sa kasalukuyan. Hindi pa siya nagkapaglalaro ng volleyball
minsan man sa kanyang buhay ngunit nakahanda naman siyang magsanay. Sa kabila ng mga agam-agam ay nagpasiya
siyang sumali rito.Magiging mahusay siya sa paglalaro ng volleyball dahil sa kanyang interes at kahandaan na dumaan sa
pagsasanay.

7. Sa murang edad ay dapat ng matuklasan ang talento at kakayahan upang mahaba ang panahon ng pagpapaunlad nito.
Ang pangungusap ay: Tama, dahil ang patuloy at mahabang pagsasanay ang nagpapaperpekto sa talento at kakayahan ng
tao.

8. Ang sumusunod ay katangian ng tiwala sa sarili: Ito ay unti-unting natutuklasan bunga ng karanasan.

9. Mababa ang marka ni Leo sa English dahil hirap siya sa asignaturang ito. Palaging mababa ang kanyang marka sa mga
pagsusulit at hindi siya magkaroon ng lakas ng loob na magrecite sa klase dahil hirap siya sa pagsasalita ng inlges. Ano ang
maaarig maging solusyon sa suliranin ni Leo
I. Maglapat ng mga paraan kung paano isasagawa ang pagpapaunlad ng kanyang kakayahan sa pagsasalita at
pagsusulat sa Ingles
II. Tayahin kung ano ang dahilan ng kanyang kahinaan sa asignatura
III. Tukuyin kung ano ang nais na matutuhan upang ito ay paularin

10. May mga taong nagsasabi na sila ay ipinanganak na walang talento dahil hindi nila kinikilala ang kanilang mga kakayahan
na talento dahil hindi naman ito makaagaw atensyon.

PART II. PAGSASANAY (P.T.)

A. MULTIPLE INTELLIGENCES SURVEY FORM (Copyright 1999 Walter McKenzie) (EsP7PSIc-2.1) ________/30
Panuto: Sagutan ang sumusunod na aytem ayon sa kaangkupan sa iyo. Isulat ang bilang ng kaukulang pagpipilian. Legend:

4 - Palagi 3 - Madalas 2 - Paminsan-minsan 1 - Bihira 0 – Hindi.

1. Pinananatili kong malinis at maayos ang aking mga gamit. 7. May kamalayan ako sa aking mga paniniwala o pagpapahalagang
2. Nasisiyahan akong magbasa ng iba’t ibang babasahin. moral.
3. Nakabubuo ako ng ideya sa pamamagitan ng isip. 8. Nasisiyahan akong pagsama-samahin ang mga bagay batay sa
4. Madali akong makasunod sa mga patterns. kanilang pagkakatulad.
5. Nasisiyahan akong gumawa ng mga bagay sa pamamagitan ng 9. Malaki ang naitutulong sa akin kung ang mga panuto ay isa-isang
aking mga kamay. ipaliliwanag.
6. Natututo ako nang lubos kapag nakikipag-ugnayan ako sa iba.
10. Malaki ang naitutulong sa aking memorya at pang-unawa kung 50. Nasisiyahan akong gumawa ng liham.
inililista ang mahahalagang bagay. 51. Nagdudulot sa akin nang labis na kasiyahan ang mga three
11. Nasisiyahan akong mag-ayos ng silid. dimensional puzzle.
12. Nabibigyang-pansin ko ang tunog at ingay. 52. Mahirap mag-isip habang nanonood ng telebisyon o nakikinig ng
13. Mahirap para sa akin ang umupo nang matagal sa loob ng radyo.
mahabang oras. 53. Ang pagpapahayag sa pamamagitan ng sayaw ay magandang
14. Mas masaya ako kapag maraming kasama. ipakita sa publiko.
15. Higit na natututo ako kapag malapit sa aking damdamin ang 54. Ako ay team player.
isang asignatura. 55. Mahalagang malaman ko kung bakit kailangan kong gawin ang
16. Mahalaga sa akin ang mga isyung ekolohikal o pangkapaligiran. isang bagay bago ko ito gawin.
17. Madali para sa akin ang lumutas ng mga suliranin. 56. May pamaraan ng pagreresiklo sa aming bahay.
18. Nakikipag-ugnayan ako sa aking mga kaibigan sa pamamagitan 57. Nakatutulong sa akin ang pagpaplano upang magtagumpay sa
ng sulat, e-mail, texting (cellphone), telepono at mga social network isang gawain.
sites. 19. Nasisiyahan akong gumamit ng iba’t ibang uri ng 58. Nasisiyahan akong maglaro ng mga salita tulad ng puns,
pamamaraang pansining. anagrams at spoonerisms.
20. Madali para sa akin ang sumunod sa wastong galaw. 59. Ang mga music video ay gumigising ng kaisipan.
21. Gusto ko ang mga larong panlabas (outdoor games). 60. Nasisiyahan akong pakinggan ang iba’t ibang uri ng musika.
22. Higit na marami akong natututuhan sa pangkatang pag-aaral. 61. Nais kong magtrabaho na gamit ang iba’t ibang kasangkapan.
23. Ang pagiging patas (fair) ay mahalaga para sa akin. 62. Hindi ko nais magtrabaho nang nag-iisa.
24. Ang klasipikasyon o pag-uuri ay nakatutulong upang 63. Kapag naniniwala ako sa isang bagay, ibinibigay ko nang
maunawaan ko ang mga bagong datos. buong- buo ang aking isip at lakas.
25. Madali akong mainis sa mga taong burara. 64. Nasisiyahan akong mag-aral ng Biology, Botany at Zoology.
26. Ang mga word puzzles ay nakalilibang. 65. Kasiya-siya para sa akin ang magtrabaho gamit ang computer.
27. Nag-eenjoy ako sa lahat ng uri ng mga “entertainment media”. 66. Interesado akong matutuhan ang mga hiram na salita.
28. Nasisiyahan ako sa paglikha ng musika. 67. Naaalala ko ang mga bagay kung ilalarawan ko ito sa aking isip.
29. Hilig ko ang pagsasayaw. 68. Ang mga musical ay higit na nakagaganyak kaysa mga drama.
30. Mas natututo ako kung may kahalagahan sa akin ang isang 69. Aktibo ang aking pamamaraan ng pamumuhay.
asignatura. 70. Masaya ang paglahok sa mga gawiang extra-curricular.
31. Madalas akong maging pinuno ng pangkat sa aming mga 71. Nais kong makilahok sa mga gawaing tumutulong sa kapwa.
magkakaibigan o magkakaklase. 72. Mahabang oras ang ginugugol ko sa labas ng bahay.
32. Nasisiyahan ako sa paggawa sa hardin. 73. Kailangang may kabuluhan ang isang bagay o gawain upang
33. Madali sa akin ng paglutas ng mga suliranin. magkaroon ako ng kasiyahan dito.
34. Ang pagsulat ay nakatutulong sa akin upang matandaan at 74. Nais kong makilahok sa mga debate at pagsasalita sa harap ng
maintindihan ang itinuturo ng guro. publiko.
35. Ang mga tsart, graphs, at mga talahanayan ay nakatutulong sa 75. Mahusay akong bumasa ng mga mapa at plano.
akin upang maunawaan at maipaliwanag ang mga datos. 76. Madali para sa akin na makaalaala ng letra o liriko ng awitin.
36. Nasisiyahan ako sa mga tula. 77. Higit akong natututo kung ako mismo ang gagawa.
37. Para sa akin, ang pagpapakita at pagpaparanas ay mas mainam 78. Binibigyang-pansin ko ang mga isyung panlipunan.
kaysa sa pagpapaliwanag lamang. 79. Handa akong magreklamo o lumagda ng petisyon upang iwasto
38. Mahalaga sa akin ang pagiging parehas. ang isang kamalian.
39. Mas mahalaga sa akin ang pakikipag-uganayan kaysa sa pag- 80. Nasisiyahan akong magtrabaho sa lugar na maraming halaman.
iisip. 81. Mahalaga na alam ko ang bahaging ginagampanan ko sa
40. Naniniwala akong mahalaga ang pangangalaga sa ating mga kabuuan ng isang bagay.
parke at pambansang pasyalan. 82. Nasisiyahan akong talakayin ang mga makabuluhang tanong
41. Masaya ang lumutas ng mga “logic puzzles”. tungkol sa buhay.
42. Hindi ako nagpapabaya sa pakikipag-uganayan sa aking mga 83. Mahalaga sa akin ang relihiyon.
kaibigan sa sulat, e-mail, o text. 84. Nasisiyahan akong magmasid ng mga likhang-sining.
43. Ang music video ay mas nakapagpapaigting ng aking interes sa 85. Mahalaga sa akin ang pagninilay at pagpapahinga.
isang kanta. 86. Nais ko ang maglakbay sa mga lugar na nakapagbibigay ng
44. Natatandaan ko ang mga bagay kapag nilalagyan ko ito ng inspirasyon.
ritmo. 87. Nasisiyahan akong magbasa ng isinulat ng mga kilalang
45. Ang paggawa ng mga bagay na likhang sining ay nakalilibang at pilosopo.
nakapagpapalipas ng oras. 88. Mas madali para sa akin ang matuto kung nakikita ko kung
46. Nakasisiya ang mga talk show sa radyo at telebisyon. paano ito inilalapat sa buhay.
47. Ang paggawa nang nag-iisa ay produktibo rin na tulad ng 89. Nakamamanghang isipin na sa daigdig ay may iba pang
pangkatang gawain. nilikhang may angking talino.
48. Mahalaga sa buhay ko ang mga hayop. 90. Mahalaga sa akin na madama na ako ay kaugnay ng mga tao,
49. Hindi ako makapagsisimulang gumawa ng takdang-aralin ideya, at mga paniniwala.
hangga’t hindi nasasagot ang aking mga tanong.
4 - Palagi 3 - Madalas 2 - Paminsan-minsan 1 - Bihira 0 – Hindi.
TOTAL
LOGICAL/ 1 9 17 25 33 41 49 57 65 73
MATHEMATICAL
2 10 18 26 34 42 50 58 66 74
VERBAL/LINGUISTIC
3 11 19 27 35 43 51 59 67 75
SPATIAL
4 12 20 28 36 44 52 60 68 76
MUSICAL
BODILY- 5 13 21 29 37 45 53 61 69 77
KINESTHETIC
6 14 22 30 38 46 54 62 70 78
INTRAPERSONAL
7 15 23 31 39 47 55 63 71 79
INTERPERSONAL
8 16 24 32 40 48 56 64 72 80
NATURALIST
81 82 83 84 85 86 87 88 89 90
EXISTENTIALIST

50
40
30
20
10
0
LOGICAL/
VERBAL/ BODILY- INTRA INTER EXISTEN-
MATHEMATI SPATIAL MUSICAL NATURALIST
LINGUISTIC KINESTHETIC PERSONAL PERSONAL TIALIST
CAL
PUNTOS
NA
NAKUHA
B. PAGGANAP ________/10
Panuto: Hindi lamang ang iyong mga talento at kakayahan ang natuklasan mo gamit ang Multiple Intelligence Survey, kilala mo rin ang iyong
mga kahinaan. Itala ang mga kategorya sa ikatlong bahagi kung saan nakakuha ka ng mababang marka. Paano mo nga ba malalampasan
ang iyong mga kahinaan?.( EsP7PSIc-2.2)

KAKAYAHAN NA MAY PARAAN UPANG MALAMPASAN ANG KAHINAAN


MABABANG MARKA
1.
2.
3.

C. TSART NG MGA KAKAYAHAN (CHART OF ABILITIES). Punan ang unang hanay ng mga asignaturang iyong pinag-aaralan ngayon.
Lagyan ng tsek  ang mga kakayahan na sa iyong palagay ay nakatutulong sa pag-aaral nang mahusay. Iguhit ang:  kung sa iyong
palagay ay taglay mo ang katangian para sa asignaturang may pinakamataas na marka sa ikalawang hanay Bilangin lamang ang mga tsek
 na may katapat na  at  (EsP7PSId-2.3) ________/10

KAKAYAHAN
ASIGNATURA PAGSASALITA PAGSULAT NAKAIISIP NG
MATAAS NA MAHUSAY SA
UPANG UPANG SOLUSYON SA NAKAPAGLALA-
MARKA BILANG O
MAPAKINGGAN MAUNAWAAN NG MAHIHIRAP NA RAWAN SA ISIPAN
PAGTUTUOS
NG IBA IBA SULIRANIN
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
Kakayahan
Kabuuan

Iranggo ang pagkakaayos ng Abilidad:

1. 5.
2. 6.
3. 7.
4. 8.

D. TSART NG PAGPAPAUNLAD NG MGA TALENTO AT KAKAYAHAN ________/10


Panuto: Gumawa ng Tsart ng Pagpapaunlad ng mga Talento at Kakayahan gamit ang iyong mga natuklasan sa iyong sarili.
(EsP7PSId-2.4)

Tento at Kakayahan
na Kailangang
Paunlarin Mga Layunin Panahong Ilalaan Mga Pamamaraan Mga Taong Tutulong Mga Kakailangani ng
(Multiple Kagamitan(Resources)
Intelligences)

PART III. PAGLALAGOM (W.O.) Panuto: Bilugan ang letra ng tamang sagot. ________/10

1. Ang mga sumusunod ay pagkakaiba ng talento at kakayahan maliban sa:


A. Ang talento ay isang pambihira at likas na kakayahan samantalang ang kakayahan ay kalakasang intelektwal
upang makagawa ng isang pambihirang bagay.
B. Ang talento ay mula sa pambihirang katangian na minana sa magulang samantalang ang kakayahan ay tinataglay
ng tao dahil sa kanyang kakayahang mag-isip.
C. Ang talento ay mahirap sukatin samantalang ang kakayahan ay tinataglay ng tao dahil sa kanyang kakayahang
mag-isip.
D. Ang talento ay kusang lumalabas sa takdang panahon samantalang ang kakayahan ay kailangang dumaan sa
proseso ng pagsasanay.

2. Maliit pa lang si Joanna nang siya ay matuklasan ng kanyang mga magulang na magaling sa pag-awit. Sa edad na tatlo, nakasali
na siya sa mga patimpalak at siya ay nakikilala dahil sa kanyang kahusayan sa kabila ng murang edad. Ngunit sa kanyang paglaki ay naging
mahiyain si Joanna at hindi na sumasali sa mga patimpalak dahil ayaw niyang humarap sa maraming tao. Hindi alam ng kanyang mga
kamag-aral ang kanyang talento dahil hindi naman siya nagpapakita nito kahit sa mga gawain sa klase o sa paaralan. Palagi pa ring umaawit
si Joanna ngunit ito ay sa kanilang lamang bahay kasabay ang kanyang nakatatandang kapatid.

2. Ano ang pangunahing balakid sa pagtatagumpay ni Joanna?


A. Ang kawalan ng suporta ng kanyang mga magulang
B. Ang kawalan niya ng tiwala sa kanyang kakayahan
C. Ang kanyang paniniwala na nakakatakot humarap sa maraming tao
D. Ang kanyang mga kamag-aral dahil hindi siya hinihimok na sumali sa paligsahan at magtanghal.

3. Ano ang nararapat na gawin ni Joanna?


A. Kailangan niyang kausapin ang kanyang sarili at sabihing mas magaling siya sa pag-awit sa sinoman na kanyang
narinig sa paaralan.
B. Kailangan niyang humingi ng tulong sa kanyang kapatid upang palaging samahan siya sa lahat ng kanyang
paligsahan at pagtatanghal.
C. Kailangan niyang kausapin ang kanyang sarili at sabihin na kaya niyang harapin ang anomang hamon at lagpasan
ang kanyang mga kahinaan
D. Kailangan niyang magsanay nang labis upang maperpekto niya ang knayng talento at hindi matakot na mapahiya
sa harap ng maraming tao

4. Bakit mahalagang tuklasin at paunlarin ang mga angking talento at kakayahan?


A. Upang magkaroon ng tiwala sa sarili at malampasan ang mga kahinaan
B. Upang maisakatuparan ang mga tungkulin sa sarili at sa lipunan
C. Upang makapaglingkod sa pamayanan
D. Lahat ng nabanggit

5. Si Cleo ay mahusay sa paglalaro ng basketball. Labis ang paghanga sa kanya ng kanyang mga kasamahan sa team. Sa
tuwing maglalaro ay siya ang nakapagbibigay ng malaking puntos sa kanilan team. Makikitang halos naperpekto na niya ang
kanyang kakayahan sa basketball. Ngunit sa labis na kaabalahan sa pag-aaral, barkada at pamilya hindi na siya
nakapagsasanay nang mabuti. Ano ang maaaring maging kahihinatnan ng ganitong gawi ni Cleo?
A. Manghihina ang kanyang katawan dahil sa kakulangan ng pagsasanay
B. Hindi magkakaroon ng pagbabago sa kanyang paraan ng paglalaro dahil halos perpekto na niya ang kanyang
kakayahan.
C. Makaaapekto ito sa kanyang laro dahil bukod sa pagkokondisyon ng katawan ay mahalaga ang pagsasanay
kasama ng kanyang team upang mahasa sa pagbuo ng laro kasama ang mga ito.
D. Hindi ito makaaapekto dahil alam naman niyang laging nariyan ang kanyang mga kasamahan na patuloy ang
masugid na pagsasanay at nakahandang sumuporta sa kanya sa laro.

6. Sa pagpasok ni Angeline sa high school ay naging kapansin-pansin ang kanyang pagiging matangkad. Isang araw ay
nilapitan siya ng isang kaklase ay inalok na sumali sa volleyball team ng paaralan. Nabuo ang interes sa kanyang isip na
sumali dahil wala pa siyang kinahihiligan ng sports hanggang sa kasalukuyan. Hindi pa siya nagkapaglalaro ng volleyball
minsan man sa kanyang buhay ngunit nakahanda naman siyang magsanay. Sa kabila ng mga agam-agam ay nagpasiya
siyang sumali rito. Ano kaya ang magiging kahihinatnan ng pasya ni Angeline?
A. Magiging mahusay siya sa paglalaro ng volleyball dahil sa kanyang interes at kahandaan na dumaan sa
pagsasanay.
B. Magiging mahusay siya sa paglalaro sa matagal na panahon dahil hindi siya makasasabay sa kanyang mga
kasama na matagal ng nagsasanay.
C. Magiging mahirap ang kanyang pagdaraanan dahil hindi sapat ang kanyang pisikal na katangian lalo na at wala
naman siyang talento sa paglalaro ng volleyball.
D. Magiging mahirap lalo na sa kanyang pangangatawan dahil hindi siya sanay sa paglahok sa anomang isports sa
matagal na panahon.

7. Sa murang edad ay dapat ng matuklasan ang talento at kakayahan upang mahaba ang panahon ng pagpapaunlad nito.
Ang pangungusap ay:
A. Tama, dahil ang patuloy at mahabang pagsasanay ang nagpapaperpekto sa talento at kakayahan ng tao.
B. Tama, dahil mas mahabang panahon ang maitutuon sa mga pagsubok sa talento katulad ng pagsali sa paligsahan
at mga pagtatanghal
C. Mali, dahil walang takdang panahon ang pag-usbong ng talento
D. Mali, dahil maaring magbunga ito ng pagkabagot at pagkasawa

8. Ang mga sumusunod ay katangian ng tiwala sa sarili maliban sa:


A. Ito ay hindi namamana
B. Ito ay nababago sa paglipas ng panahon
C. Ito ay unti-unting natutuklasan bunga ng karanasan
D. Ito ay hindi nakasalalay na sa mga bagay na labas sa ating sarili

9. Mababa ang marka ni Leo sa English dahil hirap siya sa asignaturang ito. Palaging mababa ang kanyang marka sa mga
pagsusulit at hindi siya magkaroon ng lakas ng loob na magrecite sa klase dahil hirap siya sa pagsasalita ng inlges. Ano ang
maaarig maging solusyon sa suliranin ni Leo?
A. Maglapat ng mga paraan kung paano isasagawa ang pagpapaunlad ng kanyang kakayahan sa pagsasalita at
pagsusulat sa Ingles
B. Tayahin kung ano ang dahilan ng kanyang kahinaan sa asignatura
C. Tukuyin kung ano ang nais na matutuhan upang ito ay paularin
D. Lahat ng nabanggit

10. Bakit may mga taong nagsasabi na sila ay ipinanganak na walang talento?
A. Dahil hindi sila naglalaan ng panahon upang ito ay tuklasin
B. Dahil mayroon talagang tao na ipinanganak na walang talento
C. Dahil hindi pa panahon upang matuklasan nila ang kanilang talento
D. Dahil hindi nila kinikilala ang kanilang mga kakayahan na talento dahil hindi naman ito makaagaw atensyon

PART IV. PAGNINILAY (P.T.) ________/10


Sagutin ang mga tanong ng hindi bababa sa limang pangungusap. (EsP7PSIb-1.3)

1. Ano ang natuklasan mo sa iyong sarili batay sa resulta ng “Tsart ng mga Kakayahan”?
2. May maitutulong ba ito sa kurso na gustong mong pag-aralan o trabaho na gusto mong pasukan? Ipaliwanag.

You might also like