You are on page 1of 9

School/District BAROCBOC E/S – STA .

MARCELA DISTRICT Grade Level ONE


GRADES 4 Teachers: MRS. LEAH A. PASCUAL Learning Area ESP
DAILY LESSON LOG Teaching Week WEEK 2 Quarter: FIRST QUARTER
Time 8:00 - 8:30 A.M.

QUARTER 1 WEEK 2 Monday - Friday


I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang pang-unawa sa kahalagahan ng pagkilala sa sarili at sariling kakayahan,pangangalaga sa
sariling kalusugan at pagiging mabuting kasapi ng pamilya.
B. Pamantayan sa pagganap Naipakikita ang kakayahan nang may tiwala sa sarili
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Nakikilala ang sariling: 1.1. gusto 1.2. interes 1.3. potensyal 1.4. kahinaan 1.5. damdamin / emosyon
Isulatang code ng bawat kasanayan EsP1PKP - Ia-b – 1
II. NILALAMAN Pagkilala sa sarili
1.1. kalakasan/ potensyal 1.2. kahinaan 1.3. damdamin
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 1
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro TG.pp.
2. Mga Pahina sa Kagamitang ng LM pp.
Mag-aaral
3. MgaPahinasaTeksbuk 1. Wastong Paguugali sa Makabagong Panahon 1 (Batayang Aklat). 1997. pp. 88-90.*
2. Edukasyon sa Wastong Paguugali at Kagandahang Asal 1 (Batayang Aklat). 1997. pp. 106-114.*
3. Pilipino sa Ugali at Asal 1 (Batayang Aklat). 1997. pp. 57-68.*
4.KaragdagangKagamitanmulasa
portal ng Learning Resource
B. Iba pang KagamitangPanturo Mga larawan na may kaugnayan sa leksiyon, ppt, video clips

IV. PAMAMARAAN ALAMIN NATIN - Monday


Ipaawit:
Kumusta Ka
Kumusta ka, umayka ta agsalata, agpalakpak agpalakpak, itudo ti saka
Ipaddek ti kannawan, ipaddek ti kannigid, agpuligus ta agbirok iti kapareha.
A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at/o Base sa ating nakaraang pag-aaral, nakilala mo ang kakayan.
pagsisimula ng bagong aralin Paano mo maibabahagi ang iyong kakayahan?
 ICT USE… PPT SLIDES Anong gagawin mo sa iyong kakayahan para mapasaya ang kapamilya?
B. Paghahabi sa layunin ng aralin Activity : Check Yourself
Say:
 ICT USE… PPT SLIDES Nakasali ka na ba sa mga paligsahan gaya ng mga nakalarawan?
Unang gawain :Lagyan ng tsek (/) ang mga nasalihan mo na.
 Batang umaawit
 Batang sumasayaw
 Batang gumuguhit
 Batang tumutula
 Batang naglalaro
Ikalawang gawain : ( Bigyan ng smiley ang bawat bata. ( back to back- masaya at malingkot)
Ipakita ang masayang mukha sa mga sinalihang nanalo ka.
Ipakita ang malungkot na mukha kung hindi ka nanalo.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa PAGPROPROSESO SA AKTIBIDAD…


Bagong aralin Sinu-sino ang mga nanalo sa pag-awit? Pagsayaw? Pagguhit? Pagtula, Paglalaro?
Sinu-sino ang mga hindi nanalo sa pag-awit? Pagsayaw? Pagguhit? Pagtula, Paglalaro?
Bakit kayo hindi nanalo?
D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at Ituloy natin ang Kuwento nina Aya at Buboy
paglalahad ng bagong kasanayan #1 Ano ang dapat gawin kung may nagkukuwento?
Sa paaralan nina Aya at Buboy, Magkakaroon ng isang pagtatanghal.
Gustong sumali nina Buboy at Aya ngunit hindi sila bihasa sa mga gagawin sa paligsahan.
Nagpatulong sina Aya sa kanilang kamag-aral at nagsanay silang mabuti sa bahay sa tulong ng kanilang Ama at ina.
Pagdating ng araw ng pagtatanghal, Masayang nakapagtanghal ang magkapatid. Masayang masaya ang mga
nanood kasama ng mga magulang nila.
1. Ano ang sinalihan nina Aya at Buboy?
2. Paano sila naghanda?
3. Ano ang nagyari sa araw ng pagtatanghal?
4. Ano ang nadarama ng kanilang mga magulang kung nagpapakita sina Buboy at Aya ang kanilang talento?
5. Kung ikaw sina Aya at Buboy, magpapatulong ka ba? Bakit?
6. Ano ang gagawin mo para mapaunladmo ang iyong kahinaan? Bakit?
CLOSURE “Lakas ng loob ang kailangan upang mapagtagumpayan ang kahinaan”
Tuesday
Balik-aral Ano ang mangyayari kung maglalakas loob tayong aminin ang ating kahinaan?
Kanino ka magpapatulong upang mapaunlad ang iyong kahinaan?
E. Pagtalakay ng bagong konsepto at Activity : 1 THINK
paglalahad ng bagong kasanayan #2 Pagmasdan ang nasa larawan
Kulayan ng dilaw ang mukha kung kaya mo nang gawin. Kulayan ng asul ang mukha kung hindi
Pagkatapos bilugan ito kung gusto mong matutuhan o paunlarin pa.

 Batang umaawit
 Batang sumasayaw
ICT USE… PPT SLIDES/ Interactive  Batang gumuguhit
 Batang tumutula
 Batang naglalaro

Activity : 2 PAIR
1. Pumili ng kapareha
2. Pag-usapan ang sagot ng bawat isa.
3. Lagyan ng tsek ang larawan na pareho kayo ng sagot

Activity 3 : SHARE
Pumili ng 3 hanggang limang pares na magbabahagi ng gawain mula sa activity 2.
Activity 4 : Group Together
Ngayong kilala na ninyo ang inyong sarili pati na ng inyong kaklase,
magsama-sama kayo ayon sa inyong kahinaan.
Group 1 : Aspiring na mang-aawit
Group 2 : Aspiring na mananayaw
Group 3 : Aspiring na manunula
Group 4 : Aspiring na gumuguhit
Group 5 : Aspiring na Manlalaro
Ibahagi sa kagrupo kung bakit hindi mo kaya ang talento.
Pag-usapan kung ano ang mabuting gawain para mapaunlad ang kakayahan base sa grupong kinabibilangan

Pagkatapos ng gawain:
Anong nararamdaman ninyo ngayong naibahagi na ninyo ang inyong saloobin tungkol sa inyong kahinaan.
Masaya ba kayo? Bakit? Malungkot ba kayo? Bakit?

Tandaan: Lahat ng tao ay may kahinaan..

CLOSURE “Lakas ng loob ang kailangan upang magtagumpay sa lahat ng larangan


Isapuso Wednesday
Balik-aral Kilala mo na ba ang sarili mo? Alam mo na ba kung saan ka mahina? Kung sinu-sino ang mga katulad mo ng
gustong gawin subalit kailangan pang magsanay?
Ano ang gagawin mo kung gusto mong mapahusay ang interes o hilig mo?
F. Paglinang sa Kabihasnan (Tungo sa Awit : ( tune: The Farmer in the Dell)
Formative Assessment) Ano ang gusto, ano ang gusto mo
Kung gusto mong kumanta
Dapat magsanay ka
( palitan ang salitang kumanta : sumayaw, tumula, magpinta, maglaro)
Group Activity: Acting/ Guessing Game ( Kahinaan ko- iarte mo)
1. Hatiin ang grupo ang grupo sa dalawa.
2. Salitan ang bawat grupo sa paglalaro. Huhulaan ng kabilang grupo ang kahinaan ng mga miyembro sa
kabilang grupo sa pamamagitan ng pag-arte.
3. Kung tama ang inarte o hula ngingiti ang batang hinuhulaan.
4. Ang pinakamaraming mahulaan na grupo ay siyang mananalo.

Pagproseso sa gawain: Anong nararamdaman mo ngayong alam mong lahat ng bata ay may kahinaan na maaaring
mapabuti kung pinagsasanayan?
Matatakot ka bang aminin?
Pagkatapos malaman ang kahinaan mo, ano ang hakbang na gagawin mo para mapabuti ito.

Pagmasdan ang larawan


Masaya ba siya sa kaniyang
ginagawa? Anong mangyayari
kung magpapatuloy siya sa pagpapaturo at pagsasanay?

CLOSURE “ Lahat ng kahinaan ay mapabuti kung nagpapaturo at pinagsasanayan? ”


Thursday
Balik-aral Ngayong nakilala na natin ang ating sarili at nalaman ang kahinaan, ano ang gagawin natin sa ating kahinaan?
May kakilala ka bang tao na natalo ngunit hindi tumigil sa pagsasanay?
Alam mo bang lahat nang mga natatalo ay may pagkakataon ding manalo?
G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw- Kilalanin sina Janine Verdin, isang sikat na mang-aawit at Manny Pacquiao, isang sikat na boksingero ay natalo
araw na buhay din?
1. Sinu-sino kaya ang tumulong sa kanila upang magtagumpay?
Si Janine Verdin ay sumasali na sa paligsahan sa pagkan kahit noong bata pa siya, marraming beses siyang
natalo. Ngunit hindi siya tumigil sa pagsasanay at pagsali hanggang nanalo na siya sa tawag ng tanghalan.
Ito ay nagdulot ng kasiyahan at magandang buhay sa kaniyang pamilya.

2. Si Manny Pacquiao ay dating mahirap. Naglalako lamang siya ng pandesal noon at tumutulong kay Nanay
Dionisia subalit naging tanyag siyang boksingero dahil sa pagsisikap na matuto kahit ito ay mahirap at
mahabang panahon ang pagsasanay.

3. Ikaw, Anong gusto mong maabot paglaki mo?


Activity : Iguhit mo ang gusto mo
Maglabas ng malinis na papel.
Isulat ang iyong pangalan .
Gumuhit ng malaking puso sa gitna at isulat o iguhit mo ang sarili mo, kung anong gusto mong maging paglaki mo.

Tandaan: Pagpapaunlad ng kakayahan o kahinaan tungo sa kapakipakinabang at maayos na


buhay

CLOSURE “Ang kahinaan kung mapagsanayan ay isang talento para sa magandang kinabukasan”
Subukin Friday
Balik-Aral Anong mararamdaman mo kung magtagumpay ka sa isang bagay dahil sa pagsisikap?
Anong mararamdaman mo kung natalo ka sa isang bagay dahil hindi ka nagsikap?
Balikan natin ang kahinaan ninyo. Ano ang maaring mangyari kung pagsisikapan ninyong mapaunlad ito?

 Anong katangian ang dapat taglayin ng isang batang katulad mo na mayroong kakayahan subalit mayroon
ding kahinaan?

H. Paglalahat ng Aralin Kompletohin “


Lakas ng ________ ang kailangan upang tayo ay mag_________pay.
Ako ay marunong sa ________________________.
Ako ay mahina sa _____________________________.
Magsusumikap ako upang umunlad at maging masaya.
I. Pagtataya ng Aralin Actvity: Piliin ang titik ng tamang sagot:
Ngayong kilala mo na ang sarili mo, ano ang gagawin mo sa mga sumusunod na sitwasyon?
1. May ipinapaguhit ang inyong guro subalit nahihirapan ka. Ano ang gagawin mo?
a. Tumahimik at magkunwaring alam mo na.
b. Lumabas sa klase at pumasok pagkatapos ng iba.
c. Maglakas loob na sabihin ang totoo at magpatulong sa pagguhit.
d. Maglakas loob na aminin ang kahinaan at ipaguit sa kamag-aral ang gawain
2. Nakita mong nagluluto ang nanay mo, ano ang gagawin mo para matutuhan ito?
a. Maglaro sa tabi ni Nanay
b. Magpaturo ako sa pagbabasa ng libro.
c. Layuan ang nagluluto upang hindi makaistorbo
d. Tumulong at magpaturo sa pagluluto kay Nanay
3. Hindi ka nanalo sa sinalihan mong paligsahan sa ikalawang pagkakataon. Ano ang dapat mong gawin?
a. Magiging masaya pa rin ako at magsasanay pa.
b. Malulungkot ako at hindi na sasali sa anomang larangan.
c. Iiyak ako ng malakas upang mailabas ang masamang saloobin.
d. Masaya pa rin ako pero hindi na ako sasali sa kaparehong larangan,
4. Pagkatapos mong magpaturo ka sa kaklase mong bihasa sa naibigay na gawain, ano ang gagawin mo?
a. Magpasalamat at gagawin ang itinuro nila.
b. Magpasalamat at ipapagagawa sa kanila ang aking gawain.
c. Magpasalamat at Layuan sila upang di ako pagtawanan kung sakaling magkamali?
d. Magpasalamat at hayaan silang laging turuan ka.
5. Ano ang gagawin mo para mapaunlad ang iyong kaahinaan?
a. Umupo sa isang sulok manahimik na lang.
b. Magpatulong sa iba at sundin ang ginagawa nila.
c. Umiwas sa mga kamag-aral na hindi ko kapareho ng kakayahan.
d. Manood at huwag guluhin ang mga magagaling para lalo pa silang gumaling.
J. Karagdagang Gawain para Gumupit ng isang larawan mo. At idikit sa papel.
satakdangaralin at remediation Gumupit ng larawan ng isang tanyag na tao na gusto mong sundan. At idikit sa tabi ng iyong larawan.
Sa ibaba ng mga larawan.. magpatulo na isulat…. Ako si ___________________ paglaki ko gusto kong maging
kagaya ni _________ na isanng ______________________.
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaralnanakakuha ng
80% sapagtataya.
B. Bilang ng mga-
aaralnanangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation
C. Nakatulongbaang remediation?
Bilang ng mag-
aaralnanakaunawasaaralin.
D. Bilang ng mga mag-
aaralnamagpapatuloysa remediation

E.
Alinsamgaistratehiyangpagtuturoangn
akatulong ng lubos?
Paanoitonakatulong?
F.
Anongsuliraninangakingnaranasannan
asolusyunansatulong ng
akingpunungguro at superbisor?
G.
Anongkagamitanangakingnadibuhonan
aiskongibahagisamgakapwakoguro?

You might also like