You are on page 1of 3

Bagacay National High School

Bagacay, Gubat, Sorsogon


Unang Markahang Pagsusulit
Edukasyon sa Pagpapahalaga 7
S. Y. 2019-2020

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng pinakatamang sagot.
1. Si Cleofe ay iskolar sa isang pamantasang mataas ang kalidad. Napaliligiran siya ng mga mayayaman
na kamag-aral. Labis ang kanyang pagkabalisa dahil alam niyang hindi naman siya makasasabay sa
mga ito sa maraming bagay. Ano ang pinakamatuwirang gawin ni Cleofe?
a. Ipakita ang kanyang totoong pagkatao.
b. Makipagkaibigan lamang siya sa kapwa niya mga iskolar na mahirap din.
c. Kausapin niya ang kanyang mga magulang upang bumili ng mga gamit na katulad ng sa mga
mayayamang kamag-aral.
d. Makiangkop sa kamag-aral na mayaman sa oras na sila ang kasama.
2. Masasabi lamang na ganap ang pakikipag-ugnayan kung handang ipaalam ang lahat sa kapwa. Ang
pangungusap ay:
a. Tama, dahil ito ay nagpapakita ng tiwala sa kapwa.
b. Tama, dahil ito ang magiging simula ng isang malalim na pakikipag-ugnayan.
c. Mali, dahil sa kasapi ng pamilya lamang nararapat na sabihin ang lahat ng sikreto.
d. Mali, dahil mahalagang magkaroon ng limitasyon upang hindi magamit ang mga impormasyon
tungkol sa sarili laban sa kanya sa hinaharap.
3. Si Bernard ay mababa ang tiwala sa sarili sa kabila ng kanyang talento. Hindi niya ito ipinakikita sa
paaralan dahil sa takot na hindi ito maging kalugod lugod sa iba pang mga mag-aaral. Ano ang
makatuwirang gawin ni Bernard?
a. Humingi siya ng papuri mula sa kanyang mga kaibigan at kapamilya na makatutulong upang
maiangat ang kanyang tiwala sa sarili.
b. Kausapin niya ang kanyang sarili at sabihin na hindi matatalo ng hindi pagtanggap ng iba sa kanyang
talento ang kanyang pagnanais na umangat dahil sa kanyang kakayahan.
c. Harapin niya ang mga hamon nang may tapang.
d. Huwag niyang iisipin na mas magaling ang iba sa kanya.
4. Ano ang maitutulong ng pagkakaroon ng bagay o gawain na kinahihiligan?
a. Nakapagpapasaya ng tao.
b. Nakapagpapaunlad ng tiwala sa sarili.
c. Nakapag-aangat ng katayuan sa buhay.
d. Nakapagtuturo ito ng kakayahang kailangan para sa hinaharap.
5. Ang mga sumusunod ay paraan sa pagtuklas ng hilig maliban sa:
a. Suriin ang mga gawaing iniiwasang gawin.
b. Siyasatin ang mga gawaing nakapagpapasigla sa iyo.
c. Pagnilayaan ang iyong mga libangan at paboritong gawain.
d. Suriin ang kinahihiligang gawin kasama ng pamilya.
6. Si Joshua ay isang mountain climber. Sa gawaing ito ramdam niyang kaisa niya ang kalikasan. Ano ang
larangan ng hilig ni Joshua?
a. Outdoor c. Artistic
b. Persuasive d. Mechanical
7. Ano ang larangan ng hilig ni Jenica kung siya ay palaging nsa komunidad at nagbibigay ng libreng
serbisyo bilang doktor?
a. Outdoor c. Social Service
b. Mechanical d. Persuasive

ESP 7
8. Si Hadji ay isang sikat na mang-aawit at kompositor. Ano ang larangan at tuon ng hilig ni Hadji?
a. Larangan: Musical
Tuon: Taon
b. Larangan: Musical, artistic
Tuon: Tao, ideya
c. Larangan: Musical, literary
Tuon: Tao, ideya
d. Larangan: Musical, literary
Tuon: Tao, datos, ideya
9. Ano ang pinakamataas na tungkulin ng isang anak sa kanyang mga magulang?
a. Sila ay igalang, mahalin at pagkatiwalaan.
b. Ibigay sa kanila ang nararapat na katumbas ng lahat ng tulong na kanilang naibigay.
c. Ilaan ang hinaharap para sa walang pagdaramot na pagtulong sa pamilya.
d. Magsilbing isang magandang halimbawa sa kanyang mga kapatid.
10. Ano ang pinakamakabuluhang layunin ng pagiging isang mag-aaral?
a. Pataasin ang marka.
b. Pagyamanin ang kakayahang mag-isip.
c. Matutunang lutasin ang sariling mga suliranin.
d. Pagkakaroon ng masidhing pagnanais na matuto.
11. Bilang konsyumer ng mga makabagong media, tungkulin mo bilang kabataan na:
a. Suriin nang mabuti bago ipost/iupload sa internet ang mga bagay-bagay kung ito ba ay makabubuti
sa kapwa.
b. Isipin kung makapagbibigay ng inspirasyon sa karamihan ang mga impormasyong ilalagay sa
internet.
c. Suriin ang katotohanan sa bawat impormasyong nakukuha sa internet.
d. Lahat ng nabanggit.
Para sa bilang 12-15, basahin ang mga katangian ng mga tinedyer sa ibaba. Ano ang mahuhubog
kung ipagpapatuloy ng bawat isa ang kanyang gawi? Piliin ang titik ng sagot sa kahon sa baba.

a. Tapang c. Tiwala sa sarili


b. Talent at kakayahan d. Positibong pagtingin sa sarili

12. Palaging sinasabi ni Rosemarie sa kanyang sarili na hindi siya perpekto, alam niyang sa bawat
pagkakamali ay mayroon siyang matutuhan.
13. Hinahasa ni Stephanie ang kanyang kakayahang suriin at tayahin ang kanyang sariling mga
pagtatanghal bilang isang mang-aawit.
14. Hindi hinahayaan ni Anthony na talunin ng takot at pag-aalinlangan ang kanyang kakayahan.
15. Hindi natatakot si Renato na harapin ang anomang hamon upang ipakita niya ang kanyang talento.

B. Panuto: Iugnay ang sagot sa hanay B sa mga pangungusap sa Hanay A.

HANAY A
16. Ang taong ito ay mabilis matututo sa
pamamagitan ng paningin at pag-aayos ng
mga ideya. Nakagagawa siya nang mahusay
na paglalarawan ng mga ideya na kailangan
din niyang makita ang paglalarawan upang
maunawaan ito.
17. Kadalasan ang mga taong may taglay na
talinong ito ay mahusay sa pagbasa,
pagsulat, pagkukuwento, at pagmememorya
ng mga salita at mahahalagang petsa.

ESP 7
18. Ito ay talino na kaugnay ng kakayahan na HANAY B
magnilay at masalamin ang kalooban.
Karaniwang ang taong may ganitong talino A. VISUAL/ SPATIAL
ay malihim at mapag-isa o introvert.
19. Ito ay talino sa pagkilala sa pagkakaugnay ng B. VERBAL/ LINGUISTIC
lahat sa daigdig. “Bakit ako nilikha?” “Ano
ang papel na gagampanan ko sa mundo?”
“Saan ang lugar ko sa aking pamilya, sa C. MATHEMATICAL/
paaralan, sa lipunan?”
20. Ito ang talino sa interaksiyon o pakikipag-
ugnayan sa ibang tao. Ito ang kakayahan na LOGICAL
makipagtulungan at makiisa sa isang
pangkat. D. MUSICAL/ RHYTHMIC
21. Taglay ng taong may talino nito ang mabilis
na pagkatuto sa pamamagitan ng
pangangatuwiran at paglutas ng suliranin E. BODILY/ KINESTHETIC
(problem solving).
22. Mas natututo siya sa pamamagitan ng
paggamit ng kaniyang katawan, tulad F. INTRAPERSONAL
halimbawa sa pagsasayaw o paglalaro.
23. Ito ay talinong kaugnay ng lohika, G. INTERPERSONAL
paghahalaw at numero. Gaya ng inaasahan,
ang talinong ito ay may kinalaman sa
kahusayan sa matematika, chess, computer H. NATURALISTIC
programming, at iba pang kaugnay na
gawain.
24. Mas madali siyang matuto kung nagbabasa, I. EXISTENTIALIST
nagsusulat, nakikinig, o nakikipagdebate.
25. Ang taong nagtataglay ng talinong ito ay
natututo sa pamamagitan ng pag-uulit, ritmo,
o musika.
26. Ang taong may ganitong talino ay natututo sa
pamamagitan ng interaksiyon sa
kapaligiran.
27. Mabilis niyang nauunawaan at natutugunan
ang kaniyang nararamdaman at motibasyon.
Malalim ang pagkilala niya sa kaniyang
angking mga talento, kakayahan at
kahinaan.
28. Mataas ang tinatawag na muscle memory ng
taong may ganitong talino.
29. May kakayahan siya na makita sa kaniyang
isip ang mga bagay upang makalikha ng
isang produkto o makalutas ng suliranin.
30. Ang talinong ito ay naghahanap ng
paglalapat at makatotohanang pag-unawa
ng mga bagong kaalaman sa mundong ating
ginagalawan.

ESP 7 3

You might also like