You are on page 1of 3

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7

Unang Markahan

Pangalan: ___________________________ Baitang & Seksyon:___________ Iskor: ______

Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang mga sumusunod na mga katanungan. Bilugan ang
titik ng tamang sagot.Magtiwala ka sa iyong sariling kakayahan. God bless!!

1. Ang ____ ay isang pambihira at likas na kakayahan?


a. Talento b. Kakayahan c. Hilig d. Tuon ng atensyon

2. Ito ay ang kalakasang intelektuwal upang makagawa ng isang pambihirang bagay?


a. Talento b. Kakayahan c. Hilig d. Tuon ng atensyon

3. Ang mga ____ ay preperensya sa mga partikular na uri ng gawain?


a. Talento b. Kakayahan c. Hilig d. Tuon ng atensyon

4. Ang __________ ay ang preperensya ng uri ng pakikisangkot sa isang gawain?


a. Talento b. Kakayahan c. Hilig d. Tuon ng atensyon

5.Si Sen. Manny “Pacman” Pacquiaoay isang magaling na boksingero. Saan kabilang ang kanyanghilig?
a. Outdoor b. Scientific c. Artistic d. Literary

6. Nasisiyahang tumulong sa ibang tao si Allan. Ano ang kanyang larangang hilig?
a. Social Services b. Persuasive c.Literary d. Artistic

7. Likas na magaling sa paglutas ng mga suliranin si Jayson. Ano ang kanyang talento?
a. Visual b. Logical c.Musical d. Verbal

8. Mas madaling matuto si Rigen sa kanilang leksyon kapag siya ay nakikipagdebate. Ano ang kanyang
talento?
a. Visual b. Logical c. Musical d. Verbal

9. Si Albert Einstein ay isang tanyag na siyentista. Ano ang kanyang larangang hilig?
a. Outdoor b. Scientific c. Artistic d. Literary

10. Ang mga sumusunod ay kabilang sa hilig, maliban sa___?


a. Clerical b. Scientific c. Existential d. Artistic

11. Ano ang hilig sa taong nasisiyahan sa paggamit ng mga kagamitan?


a. Clerical b. Musical c. Existential d. Mechanical

12. Nasisiyahan sa paggawa ng mga gawaing pang-opisina si Annie. Ano ang kanyang hilig?
a. Clerical b. Musical c. Existential d. Mechanical

13. Nakahihikayat at nasisiyahan si Daniella sa pakikipag-ugnayan sa ibang tao. Ano ang kanyang tuon ng
atensyon?
a. Bagay b. Datos c. Tao d. Ideya

14. Saan sa mga sumusunod ang larangan na angkop sa naturalist?


a. Negosyante b. Magsasaka c. Kompositor d. Manunulat

15. Kompletuhin ang pangungusap : talento mo, ________, kilalanin at ________.


a. tuklasin, pagyamanin b. ibagyabang, paunlarin c. tuklasin,paunlarin d. tuklasin,pabayaan

16. Magaling sa pakikipagdebate si Lyka. Ano ang kanyang talento?


a. Verbal b. Visual c. Musical d. Existential
17. Sino ang may-akda sa Multiple Intelligences?
a. Dr. Howard Gardner b. Dr. Manuel Dy c. Dr. Jose Rizal d. Dr. Joyce Alvarez

Para sa bilang 18,19,20 at 21.


Maliit pa lang si Bernard nang siya ay matuklasan ng kanyang magulang na magaling sa pag-awit. Sa edad na
tatlo, nakasali na siya sa mga patimpalak at siya ay nakikilala dahil sa kanyang kahusayan sa kabila ng murang
edad. Ngunit sa kanyang paglaki ay nagiging mahiyain si Bernard at hindi sumasali sa mga patimpalak dahil ayaw
niyang humarap sa maraming tao. Hindi alam ng kanyang mga kamag-aral ang kanyang talento dahil hindi
naman siya nagpapakita nito kahit sa mga gawain sa klase o paaralan.
Palagi pa ring umaawit si Bernard ngunit ito ay sa kanilang bahay kasabay ang kanyang mga kapatid.

18. Ano ang talento ni Bernard?


a. Visual b. Logical c. Musical d. Verbal

19. Ano naman ang hilig ni Bernard?


a. Outdoor b. Scientific c. Artistic d. Musical

20. Ano ang pangunahing balakid sa pagtatagumpay ni Bernard?


a. Kawalan ng suporta ng kanyang mga magulang c. Kawalan ng tiwala sa sarili
b. Natatakot siyang humarap sa maraming tao d. Naging pangit ang kanyang boses

21. Bilang nagbibinata, ano ang nararapat gawin ni Bernard?


a. Kailangan niyang kumbinsihin ang kanyang sarili at sabihing mas magaling siyang umawit kaysa iba
b. Kailangan niyang humingi ng tulong sa kanyang kapatid upang palaging samahan sa paligsahan.
c. Kailangang kausapin ang sarili at sabihin na kaya niyang harapin ang hamon at kaya itong malagpasan.
d. Kailangan niyang magsanay nang husto upang maperpekto ang kanyang talento at hindi matakot.

22. Nasa ikapitong baitang na sa high school si liza at mayroon na siyang tinatawag na kaibigan. Ang mga
sumusunod ay ang mga hakbang para mahubog nang maayos at ganap na pakikipag-ugnayan, maliban sa_?
a. Ipakita ang tunay na ikaw. c. Huwag agad magtiwala sa kaibigan.
b. Panatilihing bukas ang komunikasyon. d. Huwag ipagkalat ang sekreto ng kaibigan.

23. May nakita kang pera sa isa sa mga mesa ng school carenderia ang halaga nito ay katumbas sa isang
buwang baon o di kaya’y pambili ng isang sakong bigas. Paano mo maipapakita na ikaw ay isang responsableng
binata o dalaga?
a. Ibigay ang pera sa magulang para pambili ng bigas
b. Iwanan nalang ang pera sa mesa baka darating lang ang may-ari.
c. Itago nalang ang pera at hintayin na may maghanap at saka ibigay ito.
d. Ibigay sa may kinaukulan o di kaya sa guidance counselor sa paaralan.

24. Hindi ka nakapaghanda sa gagawing pasulit. Alam mo na kapag ikaw ay magkaroon ng mababang iskor tiyak
na ikaw ay mapagalitan. Ano ang nararapat mong gawin?
a. Hihingi ng sagot sa katabing kaklase.
b. Buksan ang kwaderno para malaman ang sagot.
c. Hihingi ng kaunting panahon para makapag-aral kahit saglit lang.
d. Tanggapin na lang na ikaw ay hindi nakapaghanda at babawi nalang sa susunod.

25. Sa paanong paraan mapaunlad ang iyong talento at kakayahan?


a. Paunlarin sa pamamagitan ng pagsasanay.
b. Sumali sa mga paligsahan o mga patimpalak.
c. Magtiwala sa sariling kakayahan at talento
d. Maging masaya at huwag mahiyang ipakita sa publiko.

26. Ang mga sumusunod ay tungkulin ng isang mag-aaral, maliban sa___?


a. Mag-aral nang mabuti. c. Makilahok sa mga gawain sa paaralan.
b. Mangopya sa katabi lalo na kapag walang sagot. d. Matutong lutasin ang sariling mga suliranin.

27. Ang mga sumusunod ay paraan para matuklasan ang iyong mga hilig, maliban sa _____?
a. Suriin ang hilig ng pamilya. c. Pagnilayan ang iyong mga hilig na libangan.
b. Siyasatin ang bagay na nakapagsisigla sa iyo. d. Suriin ang mga gawaing iyong iniiwasang gawin.

28. Analohiya: Kalakalan-Interpersonal; Philosopher- _________.


a. Existentialist b. Naturalist c. Logical d. Bodily-kinesthetic

29. Ang mga sumusunod ay katangian ng tiwala sa sarili maliban sa____?


a.Ito ay hindi namamana c. Ito ay hindi nakasalalay na sa mga bagay na labas sa ating sarili.
b.Ito ay nababago sa paglipas ng panahond. Ito ay unti-unting natutuklasan bunga ng karanasan.

30. Ano ang pinakamahalagang maitutulong ng pagkakaroon ng bagay o gawain na kinahihiligan?


a. Nakapagtuturo ito ng kakayahang kailangan para sa hinaharap. c. Nakapagpapasaya sa tao.
b. Nakapag-aangat ito sa katayuan ng buhay. d. Nakapagpapaunlad ng tiwala sa sarili.

31. Ang mga sumusunod ay kabilang sa talento, maliban sa ___?


a. Existential b. Interpersonal c. Clerical d. Intrapersonal

32. Bakit may mga taong nagsasabi na sila ay ipinanganak na walang talento?
a. Dahil hindi sila naglalaan ng panahon upang ito ay tuklasin.
b. Dahil mayroon talagang tao na ipinanganak na walang talento.
c. Dahil hindi pa panahon upang matuklasan nila ang kanilang talento.
d. Dahil hindi nila kinikilala ang kanilang mga talento dahil hindi ito makaagaw ng atensyon.

33. Paano ka makagawa nang maingat na pagpapasiya?


a. Sumangguni sa mga nakatatanda na higit na may alam sa mabuting pamumuhay.
b. Kausapin ang malapit mong kaibigan tungkol sa gagawing pagpapasiya.
c. Hingin ang payo ng kaklase tungkol sa iyong pagpapasiya.
d. Komunsulta sa kasing-edad.

34. Ang mga sumusunod ay pangunahing tungkulin ng isang nagdadalaga at nagbibinata, maliban sa ___.
a. Ang tungkulin na makabuo ng isang relasyon. c. Ang tungkulin sa sarili
b. Ang tungkulin bilang kapatid d. Ang tungkulin bilang mag-aaral.

35. Paraan sa pagtuklas ng hilig maliban sa ___.


a.Suriin ang pamilya at ang kinahihiligang gawin kasama ang mga ito.
b.Pagnilayan ang iyong mga libangan at paboritong gawin.
c.Siyasatin ang mga gawaing nakapagpapasigla sa iyo.
d.Suriin ang mga gawaing iniiwasang gawin.

Para sa bilang 36,37 at 38


Nalaman mo sa kaklase ng iyong nakakatandang kapatid na hindi ito pumasok at madalas na itong
lumiban sa klase. Gusto mong magsumbong sa iyong mga magulang ngunit nag-alala ka naman dahil siguradong
mapaparusahan siya. At kapag malaman niya na nagsumbong ka siguradong malalagot ka sa kanya, palibhasa’y
mas malaki pa siya kaysa sa iyo.

36. Kung ikaw ang nasa sitwasyon sa itaas, ano ang iyong gagawin?
a. Isumbong sa iyong magulang para siya ay maparusahan.
b. Samahan siya sa di-pagpasok at pagliban sa klase.
c. Hayaan mo na lang na ang iyong mga magulang ang makatuklas
d. Kausapin ang kapatid at pagsabihan na isusumbong ito kung hindi titigil.

37. Paano mo maipakita na ikaw ay isang responsableng kapatid, kung tinanong ka ng iyong magulang tungkol
sa pag-aaral ng iyong nakatatandang kapatid?
a. Magsinungaling ka para hindi ka masaktan at hindi maparusahan ang iyong kapatid.
b. Hindi mo na lang sasagutin ang tanong ng iyong mga magulang.
c. Ipaalam sa iyong mga magulang ang totoong nangyayari.
d. Ibahin na lang ang pinag-uusapan.

38. Sa sitwasyon sa itaas, saan sa mga tungkulin ang iyong natupad?


a. Ang tungkulin bilang kapatid c. Ang tungkulin bilang mag-aaral
b. Ang tungkulin bilang anak d. Ang tungkulin bilang mamamayan

39. Saan sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng pagtupad sa tungkulin bilang kapatid.
a. Pinahiram ni Karen ang kanyang bag sa kanyang ate.
b. Nirespeto ni Jose ang desisyon ng kanyang magulang.
c. Nag-aral nang mabuti si Angel sa kanyang mga aralin.
d. Itinapon sa tamang lalagyan ang basura na dala ni Aiza.

40. Dahil sa maling paratang, may nakaaway ka sa paaralan.Paano mo maipakita na ikaw ay isang
responsableng mag-aaral?
a. Iwasan nalang ang taong nakasakit sa iyo. c. Kausapin at pakinggan ang panig ng kamag-aral.
b. Isumbong agad sa magulang ang nangyari. d. Humanap ng kakampi na magtatanggol sa iyo.

You might also like