You are on page 1of 3

ARINGAY NATIONAL HIGH SCHOOL

Aringay , La Union

Summative Assessment 3
Quarter 1
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7

PANGALAN:_________________________ TAON at SEKSYON:________

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag sa bawat bilang. Isulat ang titik ng pinakaangkop na sagot sa
iyong sagutang papel.
1. Maraming proseso ang dinadaanan upang ang ating talento ay lubos na maging kapaki-pakinabang at magampanan
ang misyon nito sa sarili, sa kapwa at sa pamayanan, kayat ang talento ay maihahalintulad natin sa _________.
A. Ginto B. Pera C. Pilak D. Tanso

2. Ito ay tulad ng isang mapa na gabay sa paglalakbay tungo sa pag-unlad ng sarili at pagtatakda ng tunguhin (goals)
tungo sa pagpapaunlad ng sarili.
A. Plano sa pagpapaunlad ng sarili B. Plano sa pagnenegosyo
B. Plano sa pagpapamilya C. Plano sa paglalakbay

3. Ano ang tawag sa preperensya sa uri ng pakikisangkot sa isang gawain?


A. Hilig B. Kakayahan C. Pangarap D. Tuon ng atensyon

4. Si Matteo ay mountain climber. Sa gawaing ito ay ramdam niyang kaisa niya ang kalikasan.Ano ang larangan
ng kanyang kinahihiligan?
A. Computational B. Mechanical C. Outdoor D. Scientific

5. Si Marissa ay palaging nasa komunidad at nagbibigay ng libreng sebisyo. Ano ang larangan ng kanyang kinahihligan?
A. Literary B. Musical C. Social services D. Clerical

6. Ano ang pangunahing maitutulong ng pagkakaroon ng bagay o gawain na kinahihiligan?


A. Nakapagpapasaya sa sarili B. Nakapagpapaunlad ng tiwala sa sarili
C. Nakapag-aangat ito ng katayuan sa buhay D. Nakapagtuturo ito ng kakayahang kailangan para sa hinaharap

7. Bakit mahalagang tuklasin at paunlarin ang mga angking talento at kakayahan?


A. Upang magkaroon ng tiwala sa sarili at malampasan ang mga kahinaan
B. Upang maisakatuparan ang mga tungkulin sa sarili at sa lipunan
C. Upang makapaglingkod sa pamayanan
D. Lahat ng nabanggit

8. Bakit may mga taong nagsasabi na sila ay ipinanganak na walang talento?


A. Dahil hindi sila naglalaan ng panahon upang ito ay tuklasin
B. Dahil mayroon talagang tao na ipinanganak na walang talento
C. Dahil hindi pa panahon upang matuklasan nila ang kanilang talento
D. Dahil hindi nila kinikilala ang kanilang mga kakayahan na talento dahil hindi naman ito makaagaw atensyon

9. Bakit mahalagang pagnilayan ang iyong mga hilig na libangan (hobby) at paboritong gawain?
A. Dahil maaaring matuklasan na ang iyong hilig na libangan ay naging bahagi na ng iyong buhay mula pa sa
iyong pagkabata.
B. Dahil makikilala mo ang mga konretong paraan kung paano mo pauunlarin ang mga ito.
C. Dahil nagdudulot ito sa iyo ng sigla at sigasig.
D. Lahat sa mga nabanggit

10. Bakit mahalaga ang pagtuklas sa mga tuon ng atensyon inyong mga hilig?
A. Dahil palatandaan ito ng uri ng mga gawain, kurso, o trabaho na magbibigay sa iyo ng kasiyahan o kaganapan
B. Upang mapili ang kurso o trabahong maaaring magbibigay ng malaking suweldo.
C. Dahil nakapag-aangat ito ng katayuan sa buhay
D. Wala sa mga nabanggit
11. “Nakapagbibigay ito ng damdamin ng pagpapahalaga at paggalang sa sarili o pagmamalaki.” Ang pangungusap
na ito tungkol sa hilig ay:
A. Tama, ito ang pinakamataas na makakamit sa pagtuklas ng hilig.
B. Mali, dahil makakamit lamang ito kung ginagawa ang hilig upang tulungan ang kapwa.
C. Tama, dahil kung hilig mo ang iyong ginagawa ay magagawa mo ito ng buong sigla at husay.
D. Mali, dahil mahalagang nakaayon ang hilig sa talento at kakayahan ng tao upang makamit ang mga ito.

12. Ang pagiging sobrang mahiyain ay isang kahinaan na dapat lagpasan. Paano mo malalampasan ang kahinaang ito?
A. Palaging umasa sa opinyon ng ibang tao, lalo na ang pagtataya sa iyong mga kabiguan at tagumpay.
B Mag-isip ng positibong pakikipag-usap sa Sarili (Self-Talk)
C. Iwasan ang pakikihalubilo sa mga hindi kakilala
D. Lahat sa ga nabnggit

13. Ano ang kaugnayan ng hilig sa pagpili ng kursong pang-akademiko/teknikal-bokasyunal/trabaho?


A. Magtutulak ang pagkakaroon ng kinahihiligan upang makamit ang labis na tagumpay sa hinaharap.
B. Makatutulong ang hilig upang makakuha ng trabahong makapagbibigay ng kasiyahan sa hinaharap.
C. Makatutulong ang hilig upang mapili ang angkop na kursong pang-akademiko o teknikal-bokasyonal.
D. Makatutulong ang hilig upang matiyak na maipapakita ang galing sa pag-aaral upang maitaas ang antas
ng pagkatuto

14. Mula pa pagkabata, hilig na ni Zephanie Dimaranan ang pag-awit kung kaya naman siya ang tinanghal na Grand
Winner sa isang patimpalak. Anong larangan ng hilig at tuon ng atensyon ang mayroon siya?
A. Literary: ideya B. Mechanical: datos C. Musical: tao D. Outdoor: bagay

15. Ang mga sumusunod ay mga pangunahing maitutulong ng pagkakaroon ng bagay o gawain na kinahihiligan,
MALIBAN sa:
A. Nakapagpapasaya sa sarili B. Nakapagpapaunlad ng tiwala sa sarili
C. Nakapag-aangat ito ng katayuan sa buhay D. Nakapagtuturo ito ng kakayahang kailangan para sa hinaharap.

16.Ang mga sumusunod ay paraan ng pagtuklas ng hilig, MALIBAN sa:


A. Suriin ang mga gawaing iniiwasang gawin.
B. Siyasatin ang mga gawaing nakapagpapasigla sa iyo.
C. Pagnilayan ang iyong mga libangan at paboritong gawain.
D. Suriin ang pamilya at ang kinahihiligang gawin kasama ang mga ito.
.
17.Ang mga sumusunod ay mga pahayag ng tamang pananaw tungkol sa talento MALIBAN sa:
A. Ang talento ay para sa pansariling kapakanan lamang.
B Tungkulin ng tao na linangin at hubugin ang kanyang mga talento.
C. Ang pagiging sobrang mahiyain ay isang kahinaan na dapat lagpasan.
D. Ang bawat tao ay may natatanging talento na kaloob ng Diyos.

18. Nakapagbibigay ito ng damdamin ng pagpapahalaga at paggalang sa sarili o pagmamalaki. Ang pangungusap na
ito tungkol sa hilig ay:
A. Tama, ito ang pinakamataas na makakamit sa pagtuklas ng hilig.
B. Tama, dahil kung hilig mo ang iyong ginagawa magagawa mo ito ng buong sigla at husay
C. Mali, dahil makakamit lamang ito kung ginagawa ang hilig upang tulungan ang kapwa
D. Mali, dahil mahalagang nakaayon ang hilig sa talento ay kakayahan ng tao upang makamit ang mga ito.

19. Maliit palang si Zander nang siya ay matuklasan ng kanyang magulang na magaling sa pag-awit. Ngunit sa kanyang
paglaki ay naging mahiyain siya at hindi na siya sumasali mga patimpalak dahil ayaw niyang humarap sa maraming
tao. Kung ikaw si Zander, ano ang nararapat mong gawin?
A. Magsanay nang labis upang maperpekto ang talento at hindi matakot na mapahiya sa harap ng maraming tao.
B. Kailangang kausapin ang sarili at sabihing mas magaling ako sa pag-awit sa kahit sinoman.
C. Kailangan kausapin ang sarili at sabihin na kaya kong harapin ang anumang hamon at lagpasan ang
mga kahinaan.
D. Kailangang humingi ng tulong sa mga kapatid upang palaging samahan sa tuwing ako ay aawit.

20. Nakita ni Liza na uso ang cross stitching. Marami sa kanyang mga kaklase ay gumagawa nito kung kaya nagpabili
rin siya sa kanyang ina ng mga gamit na kakailanganin. Sinimulan nya ngunit hindi niya natapos. Makalipas ang ilang
buwan nakita naman niya nauuso naman ang paggawa ng scrapbook kung kaya nagpabili rin siya sa kanyang
magulang ng mga kakailanganing gamit. Makalipas ang ilang lingo ay nahinto na ang kanyang paggawa nito. Ano
ang makatwirang gawin ni Liza?
A. Kausapin ang kanyang magulang upang tulungan siyang piliin ang wastong kahihiligan.
B. Ituon lamang ang kanyang atensyon sa kanyang sarili at huwag bigyang pansin ang nauuso.
C. Suriin kanyang sarili upang mataya kung anong bagay ang kanyang ginagawa na nakapagpapasaya sa kanya.
D. Humingi ng payo sa kanyang mga kaibigan upang tulungan siyang mataya kung ano talaga ang kanyang nararapat
na pagtuunan ng pansin

Inihanda ni:

CRISTINA M. FONTANOS
Teacher I

Iwinasto ni:

AGUSTINA A. DACUMOS
Head Teacher III- EsP Dept

Pinagtibay ni:

ADELA C. LIBUNAO, ED.D.


Principal IV

You might also like