You are on page 1of 31

ESP 10

1. Ano ang nararapat mong gawin sa iyong talento at


kakayahan?

A. itago upang hindi makita ng iba


B. gamitin upang maiangat ang sarili sa iba
C. tuklasin at hasain upang mas mapabuti ang sarili
D. gamitin upang makalamang sa kapwa
2. Sino sa mga karakter ang higit na nagpapakita ng tiwala
sa sarili?

A. si Norman na aktibo sa pagsali sa mga paligsahan


B. si Mika na sa banyo lamang gustong kumanta
C. si Miguel na ayaw magsalita sa harap ng iba
D. si Alice na takot makipagkaibigan
4. suriin ang pangungusap sa ibaba. Patungkol saan teksto?

Sa paglipas ng mga araw A. Pagtuklas sa kahinaan


Mayroon akong nakahiligan B. Pagtuklas sa naisin
Kampay ng kamay C. Pagtuklas talento
Indak ng katawan D. Pagtuklas ng pangarap
Sadyang pinagbubutihan
5. Ang mga sumusunod ay pagkakaiba ng talento at kakayahan
MALIBAN sa:

A. Ang talento ay isang pambihira at likas na kakayahan


samantalang ang kakayahan ay kalakasang intelektwal upang
makagawa ng isang pambihirang bagay.
B. Ang talento ay mula sa pambihirang katangian na minana sa
magulang samantalang ang kakayahan ay tinataglay ng tao
dahil sa kanyang kakayahang mag-isip.
C. Ang talento ay mahirap sukatin samantalang ang kakayahan
ay tinataglay ng tao dahil sa kanyang kakayahang mag-isip.
D. Ang talento ay kusang lumalabas sa takdang panahon
samantalang ang kakayahan ay kailangang dumaan sa proseso
ng pagsasanay.
6. Ano ang pinakamainam na gawin ni Toni upang
mapaglabanan ang mga balakid sa pag-unlad ng kanyang
kakayahan.

A. Magalang na sabihin sa guro na hindi niya kayang umawit sa


harap ng maraming tao.
B. Buong pagpapakumbabang aminin sa mga magulang na
labis ang kanyang kaba kapag humaharap sa maraming tao.
C. Subukang umawit at paglabanan ang kaba at hiya upang
mapagtagumpayan ang mga ito at makapagtanghal sa harap sa
maraming tao.
D. Lumiban sa klase sa araw ng pagtatanghal
7. Ang mga sumusunod ay mga paraan upang
mapagtagumpayan ang iyong mga kahinaan MALIBAN sa
____________.

A.kilalanin at tanggapin ang mga kahinaan


B.pagkakaroon ng positibong pananaw
C.kumilos upang malagpasan ang iyong mga kahinaan
D.sumuko at hayaan na lamang ang mga kahinaan
8. Ano ang pinapatungkulan ng teksto na hango sa kwento
ng posporo.
“gaya tayo ng disididong posporo na nais malaman
kung ano pa ang meron
sa labas, masasabi natin sa ating sarili na hindi
lang pala sa apat na kanto ng
kaha umiikot ang buhay natin”
 
A. Paglagpas sa kahinaan
B. Pagtuklas sa naisin
C. Pagpapaunlad talento
D. Pagtuklas ng pangarap
9. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita
ng wastong paraan upang malagpasan ang kanyang
kahinaan?

A. Si Arthur na mahiyain at tinatago ang kanyang kakayahan


B. Si Nicolas na natatakot magkamali
C. Si Bret na may tiwala sa kanyang sarili, at sa Diyos
D. Si Aljon na takot subukin ang sarili
10. Mahalaga ba na malaman mo ang iyong kahinaan at
kalakasan? Bakit?

A. Hindi, dahil natutunan naman ito


B. Oo, upang maging malakas
C. Hindi dahil may angking talento naman ang bawat isa
D. Oo, Upang magkaroon ng positibong pananaw sa buhay
Maliit pa lang si Jesusa nang siya ay matuklasan ng
kanyang mga magulang na magaling sa pag-awit. Sa edad
na tatlo, nakasali na siya sa mga patimpalak at siya ay
nakikilala dahil sa kanyang kahusayan sa kabila ng murang
edad. Ngunit sa kanyang paglaki ay naging mahiyain si
Joanna at hindi na sumasali sa mga patimpalak dahil ayaw
niyang humarap sa maraming tao. Hindi alam ng kanyang
mga kamag-aral ang kanyang talento dahil hindi naman siya
nagpapakita nito kahit sa mga gawain sa klase o sa
paaralan.Palagi pa ring umaawit si Joanna ngunit ito ay sa
kanilang lamang bahay kasabay ang kanyang
nakatatandang kapatid
11. Ano ang pangunahing balakid sa pagtatagumpay ni
Jesusa?

A. Ang kawalan ng suporta ng kanyang mga magulang


B. Ang kawalan niya ng tiwala sa kanyang kakayahan
C. Ang kanyang paniniwala na nakakatakot humarap sa
maraming tao
D. Ang kanyang mga kamag-aral dahil hindi siya hinihimok
na sumali sa paligsahan at magtanghal.
12. Ano ang nararapat na gawin ni Jesusa?

A. Kailangan niyang kausapin ang kanyang sarili at sabihing mas


magaling siya sa pag-awit sa sinoman na kanyang narinig sa
paaralan.
B. Kailangan niyang humingi ng tulong sa kanyang kapatid upang
palaging samahan siya sa lahat ng kanyang paligsahan at
pagtatanghal.
C. Kailangan niyang kausapin ang kanyang sarili at sabihin na kaya
niyang harapin ang anomang hamon at lagpasan ang kanyang mga
kahinaan
D. Kailangan niyang magsanay nang labis upang maperpekto niya
ang knayng talento at hindi matakot na mapahiya sa harap ng
maraming tao
13. Bakit mahalagang tuklasin at paunlarin ang mga angking
talento at kakayahan?

A. Upang magkaroon ng tiwala sa sarili at malampasan ang mga


kahinaan
B. Upang maisakatuparan ang mga tungkulin sa sarili at sa lipunan
C. Upang makapaglingkod sa pamayanan
D. A,B at C
14. Sa murang edad ay dapat ng matuklasan ang talento at
kakayahan upang mahaba ang panahon ng pagpapaunlad nito. Ang
pangungusap ay:

A. Tama, dahil ang patuloy at mahabang pagsasanay ang


nagpapaperpekto sa talento at kakayahan ng tao.
B. Tama, dahil mas mahabang panahon ang maitutuon sa mga
pagsubok sa talento katulad ng pagsali sa paligsahan at mga
pagtatanghal
C. Mali, dahil walang takdang panahon ang pag-usbong ng talento
D. Mali, dahil maaring magbunga ito ng pagkabagot at pagkasawa
15. Bakit may mga taong nagsasabi na sila ay ipinanganak na
walang talento?

A. Dahil hindi sila naglalaan ng panahon upang ito ay tuklasin


B. Dahil mayroon talagang tao na ipinanganak na walang talento
C. Dahil hindi pa panahon upang matuklasan nila ang kanilang
talento
D. Dahil hindi nila kinikilala ang kanilang mga kakayahan na talento
dahil hindi naman ito makaagaw atensyon
16.Alin dito ang nagpapakita ng makabuluhuhang paglilingkod
gamit ang talento?

A. pagtanggap ng suhol sa pagtulong sa kaibigan


B. panunumbat sa kapwa na iyong tinulungan
C. pagsali sa choir ng simbahan
D. pagyayabang sa iba ng iyong kakayahan
17. Siya ang tinaguriang “Pambansang Kamao” ng Pilipinas.

A. Manny Pacquiao
B. Regine Velasquez
C. Jomar Maalam
D. Sarah Geronimo
18. Alin sa mga sumusunod ang hindi angkop na katangian ng
taong may angking talento at kakayahan?

A. katatagan
B. may tiwala sa sarili
C. pagiging mayabang
D. pagkakaroon ng determinasyon
19. Mahusay sa larangan ng basketball si Antonius. Dahilan upang makasali siya
sa varsity team ng paaralang pinapasukan. Dahil sa angking taas, liksi at husay sa
paglalaro ay palagi siyang nagiging susi sa pagkapanalo ng koponan sa bawat
laban. Subalit nahihirapan siyang pagsabayin ang pag-aaral at pagsasanay ng
basketball kaya naman madalas na hindi siya nakapupunta sa mga tune up game at
practice. Ano ang maaaring maging epekto ng hindi pagsasanay ni Antonius?

A. Walang magiging epekto sa paraan ng paglalaro ni Antonius sapagkat siya ay


likas na magaling.
B.Mas magiging malakas at maliksi ang kanyang paggalaw dahil napahinga siya
ng ilang araw sa paglalaro ng basketball.
C. Hihina ang kanyang resistensiya at hindi na muling makakalaro.
D. Makaaapekto ito sa paraan ng kanyang paglalaro sapagkat ang basket-ball ay
team sports na nangangailangan ng pagsasanay kasama ang mga teammates upang
kasamang bumuo ng mga play o paraan ng paglalaro na isasagawa sa oras ng liga o
laban.
20. Kailan nagiging mabunga ang pagkakaroon ng mga talento at kakayahan?

A. kung ito ay iyong magagamit mo sa paglilingkod.


B. kung ito ay iyong gagamitin upang makapanlamang sa kapwa
C. kung ito ay nakakapanakit ng kapwa
D. kung ito ay nakawawalang tiwala sa sarili
21. Ang kadalasan na nating ginagawa sa araw-araw na nakatutulong sa
paghubog ng ating pamantayan sa darating na panahon.

A. Asal C. Paborito
B. Hilig D. Talento
22. Bakit kailangang malaman mo ang iyong mga hilig?

A. Palatandaan ito ng mga uri ng trabaho na makapagbibigay sa iyo ng


kasiyahan at kaganapan bilang tao
B. Maiiiwas ka nito sa pagkabagot at magkakaroon ng kabuluhan ang iyong
buhay
C. Magkakaroon ka ng pagkakataon na maging malapit sa mga taong kagaya mo
rin ang hilig
D. Upang magamit mo ito para mapansin ka sa social media
23. Batid ni Arianne na uso ang pagti-TikTok, marami sa kaniyang
mga kaibigan ang gumagawa nito kaya naman sinubukan niya rin
ito. Makalipas ang ilang linggo ay nawalan na siya ng gana sa
paggawa ng mga TikTok videos. Ano ang ipinahihiwatig nito ukol
sa kaniya?

A. Nawalan siya ng gana dahil hindi napapansin ang kaniyang mga


TikTok videos sa dami na ng nag-a-upload
B. Isa itong patunay na wala siyang interes dito at hindi niya ito
hilig.
C. Nakiuso lamang siya kaya niya ito sinubukan.
D. Gusto niyang subukan kung sisikat siya sa maikling panahon
lamang ng paggawa ng TikTok videos
24. Bukod sa nakatatawag-pansin ang isang hilig, marami pa itong
ibang magandang dulot,
MALIBAN sa _______

A. Nakapagbibigay ito ng pagkakataon para mapansin ang isang


tao at maging sikat.
B. Nakapagbibigay ito ng damdamin ng pagpapahalaga at
paggalang sa sarili at kapwa.
C. Nakapagpapasaya ito ng sarili kahit ginagawa ito nang nag-iisa
lamang.
D. Nawawalan ka ng oras na gawin ang ibang bagay na mahalaga
25. Ang mga hilig ay batayan din ng iyong mga
kasanayan, kakayahan at _________.

A. kagalingan
B. kahusayan
C. katalinuhan
D. kasipagan
26. Sa pagpili ng kurso sa kolehiyo, mahalaga na nakaangkop ito sa
iyong hilig. Ang pahayag
ay _______

A. Tama, sapagkat magkakaroon ka ng motibasyon at pagpupursigi


na ipagpatuloy ito sapagkat gusto mo at naaayon ito sa iyong hilig.
B. Hindi, dahil nakadepende ito sa pinansyal na kapasidad ng iyong
mga magulang.
C. Depende, dahil nakaasa lamang din ito sa kakayahang
pinansiyal ng iyong mga magulang.
D. Wala sa mga nabanggit.
27. Si Heidi ay isang sikat na mang-aawit at
kompositor. Ano ang larangan at tuon ng hilig ni
Heidi.

A. Larangan: musical Tuon: tao


B. Larangan: musical, artistic Tuon: tao, ideya
C. Larangan: musical, literary Tuon: tao, ideya
D. Larangan: musical, literary Tuon: tao, datos,
ideya
28. Kung Ikaw ay nasa larangan ng hilig na
outdoor ano ang posibleng maging propesyon o
hanapbuhay mo?

A. Electrician
B. Mason
C. Documentarist
D. Scientist
29. Ang mga sumusunod ay larangan ng hilig
MALIBAN sa___.

A. Outdoor
B. Persuasive
C. Naturalist
D. Social Services
30. Bakit sinasabi na hindi ka magpapalit-palit ng trabaho kung
sakaling matagpuan mo ang trabaho na ayon sa iyong
kinahihiligan?

A. Dahil gusto at mahal mo ang iyong ginagawa kaya magtatagal ka


sa iyong napiling trabaho.
B. Hindi ka magpapapalit-palit dahil malaki naman ang iyong
sinasahod.
C. Mapapagod ka lamang na magpapalit-palit ng trabaho dahil
maraming kailangang papeles na aasikasuhin.
D. Dahil mapapagastos ka lamang kung magpapalit-palit ka ng
trabaho

You might also like