You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IX, Zamboanga Peninsula
DIVISION OF ZAMBOANGA DEL NORTE
Dipolog City

MARUPAY NATIONAL HIGH SCHOOL

UNANG MARKAHAN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7

PANGALAN: _____________________________________ TAON AT SEKSYON: ________________

I. PANUTO: Basahin ng mabuti ang bawat aytem at bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ang mga sumusunod ay pagkakaiba ng talento at kakayahan maliban sa:
A. Ang talento ay isang pambihira at likas na kakayahan samantalang ang kakayahan ay kalakasang
intelektwal upang makagawa ng isang pambihirang bagay.
B. Ang talento ay mula sa pambihirang katangian na minana sa magulang samantalang ang kakayahan ay
tinataglay ng tao dahil sa kanyang kakayahan mag-isip.
C. Ang talento ay mahirap sukatin samantalang ang kakayahan ay tinataglay ng tao dahil sa kanyang
kakayahang mag-isip.
D. Ang talent ay kusang lumalabas sa takdang panahon samantalang ang kakayahan ay kailangang
dumaan sa proceso ng pagsasanay.

Maliit pa lang si Joanna nang siya ay matuklasan ng kanyang mga magulang na magaling

sa pag-awit. Sa edad na tatlo, nakasali na siya sa mga patimpalak at siya ay nakikilala dahil sa kanyang
kahusayan sa kabila ng murang edad. Ngunit sa kanyang paglaki ay naging mahiyain si Joanna at hindi na
sumasali sa mga patimpalak dahil ayaw niyang humarap sa maraming tao. Hindi alam ng kanyang mga kamag-
aral ang kanyang talento dahil hindi naman siya nagpapakita nito kahit sa mga gawain sa klase o paaralan.

Palagi pa ring umaawit si Joanna ngunit ito ay sa kanilang lamaumaawit si Joanna ngunit ito ay sa kanilang
lamang bahay kasabay ang kanyang nakakatandang kapatid.

2. Ano ang pangunahing balakid sa pagtatagumpay ni Joanna?


A. Ang kawalan Ang kawalan ng suporta ng kanyang mga magulang.
B. Ang kawalan niya ng tiwala sa kanyang kakayahan.
C. Ang kanyang paniniwala na nakakatakot humarap sa maraming tao.
D. Ang kanyang mga kamag-aral dahil hindi siya hinihimok na sumali sa paligsahan at magtanghal.
3. Ano ang nararapat na gawin ni Joanna?
A. Kailniyang kausapin ang kanyang sarili at sabihing mas magaling siya sa pag-awit sa sinoman na
kanyang kausapin ang kanyang sarili at sabihing mas magaling siya sa pag-awit sa sinoman na kanyang
narinig sa paaralan.
B. Kailangan niyang humingi ng tulong sa kanyang kapatid upang palaging samahan siya sa lahat ng
kanayang paligsahan at pagtatanghal.
C. Kailangan niyang kausapin ang kanyang sarili at sabihin na kaya niyang harapin ang anomang hamon at
lagpasan ang kanyang mga kahinaan.
D. Kailangan niyang magsanay nang labis upang maperpekto niya ang kanyang talento at hindi natakot na
mapahiya sa harap ng maraming tao.
4. Bakit mahalagang tuklasin at paunlarin ang mga angking talento at kakayahan?
A. Upang magkaroon ng tiwala sa sarili at malampasan ang mga kahinaan.
B. Upang maisakatuparan ang mga tungkulin sa sarili at lipunan.
C. Upang makapaglingkod sa pamayanan.
D. Lahat ng nabanggit
5. Si Cleo ay mahusay sa paglalaro ng basketball. Labis ang paghanga sa kanya ng kanyang mga kasamahan
sa team. Sa tuwing maglalaro ay siya ang nakapagbibigay ng malaking puntos sa kanilang team. Makikitang
halos naperpekto na niya ang kanyang kakayahan sa basketball. Ngunit sa labis na kaabalahan sap ag-aaral,
barkada at pamilya hindi na siya nakapagsasanay nang Mabuti. Ano ang maaring maging kahihinatnanng
ganitong gawi ni Cleo?
A. Manghihina ang kanyang katawan dahil sa kakulangan ng pagsasanay.
B. Hindi magkakaroon ng pagbabago sa kanyang paraan ng paglalaro dahil halos perpekto na niya ang
kanyang kakayahan.
C. Makaaapekto ito sa kanyang laro dahil bukod sa pagkokondisyon ng katawan ay mahalaga ang
pagsasanay kasama ng kanyang team upang mahasa sa pagbuo ng laro kasama ang mga ito.
D. Hindi ito makaaapekto dahil alam naman niyang laging nariyan ang kanyang mga kasamahan na patuloy
ang masugid na pagsasanay at nakahandang sumuporta sa kanyang laro.
6. Sa pagpasok ni Angeline sa high school ay naging kapansin-pansin ang kanyang pagiging matangkad. Isang
araw ay nilapitan siya ng isang kaklase ay inalok na sumali sa volleyball team ng paaralan. Nabuo ang interes
sa kanyang isip na sumali dahil wala pa siyang kinahihiligan ng sports hanggang sa kasalukuyan. Hindi pa
siya nagkapaglalaro ng volleyball minsan man sa kanyang buhay ngunit nakahanda naman siyang
magsanay. Sa kabila ng mga agam-agam ay nagpasiya siyang sumali rito. Ano kaya ang magiging
kahihinatnan ng pasya ni Angeline?
A. Magiging mahusay siya sa paglalaro ng volleyball dahil sa kanyang interes at kahandaan na dumaan sa
pagsasanay.
B. Magiging mahusay siya sa paglalaro sa matagal na panahon dahil hindi siya makasasabay sa kanyang
mga kasama na matagal ng nagsasanay.
C. Magiging mahirap ang kanyang pagdaraanan dahil hindi sapat ang kanyang pisikal na katangian lalo na
at wala naman siyang talento sa paglalaro ng volleyball.
D. Magiging mahirap lalo na sa kanyang pangangatawan dahil hindi siya sanay sa paglahok sa anomang
isports sa matagal na panahon.
7. Sa murang edad ay dapat ng matuklasan ang talento at kakayahan upang mahaba ang panahon ng
pagpapaunlad nito. Ang pangungusap ay:
A. Tama, dahil ang patuloy at mahabang pagsasanay ang nagpapaperpekto sa talento at kakayahan ng tao
B. Tama, dahil mas mahabang panahon ang maitutuon sa mga pagsubok sa talento katulad ng pagsali sa
paligsahan at mga pagtatanghal
C. Mali, dahil walang takdang panahon ang pag-usbong ng talento
D. Mali, dahil maaring magbunga ito ng pagkabagot at pagkasawa
8. Ang mga sumusunod ay katangian ng tiwala sa sarili maliban sa:
A. Ito ay hindi namamana
B. Ito ay nababago sa paglipas ng panahon
C. Ito ay hindi nakasalalay na sa mga bagay na labas sa ating sarili
D. Ito ay unti-unting natutuklasan bunga ng karanasan
9. Mababa ang marka ni Leo sa English dahil hirap siya sa asignaturang ito. Palaging mababa ang kanyang
marka sa mga pagsusulit at hindi siya magkakaroon ng lakas ng loob na magrecite sa klase dahil hirap siya
sa pagsasalita ng Ingles. Ano ang maaaring solusyon sa suliranin ni Leo?
A. Maglapat ng mga paraan kung paano isasagawa ang pagpapaunlad ng kanyang kakayahan sa
pagsasalita at pagsusulat ng Ingles
B. Tayahin kung ano ang dahilan ng kanyang kahinaan sa asignatura
C. Tukuyin kung ano ang nais na matutuhan upang ito ay paunlarin
D. Lahat ng nabanggit
10. Bakit may mga taong nagsasabi na sila ay ipinanganak na walang trabaho?
A. Dahil hindi sila naglalaan ng panahon upang ito ay tuklasin
B. Dahil mayroon talagang tao na ipinanganak na walang trabaho
C. Dahil hindi pa panahon upang matuklasan nila ang kanilang talento
D. Dahil hindi nila kinikilala ang kanilang mga kakayahan na talento dahil naman ito makakaagaw atensyon
11. Ang mga sumusunod ay mahahalagang layunin ng inaasahang kakayahan at kilos s bawat yugto ng
pagtanda ng tao maliban sa:
A. Nagsisilbing gabay kung ano ang inaasahan ng lipunan sa bawat yugto ng buhay
B. Nakakatulong upang malinang ang kakayahang iakma ang sarili sa mga bagong sitwasyon
C. Nagtuturo sa isang nagdadalaga/nagbibinata ng mga nararapat na gawin na akma sa kanilang edad
D. Nagsisilbing pangganyak o motibasyon upang gawin ng isang nagdadalaga/nagbibinata ang inaasahan
sa kanya ng lipunan
12. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga inaasahang kilos na dapat malinang sa panahon ng
pagdadalaga/pagbibinata maliban sa ____________.
A. Pagsisikap na makakilos ng angkop sa kanyang edad
B. Pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa babae o lalaki
C. Pagtamo at pagtanggap ng maayos na ugali sa pakikipagkapwa
D. Pagtamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa mga kasing edad
13. Bakit mahalaga ang pagtamo sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata ng bago at ganap na pakikipag-
ugnayan sa mga kasing edad?
A. Upang masisiguro niya na mayroong tao na tatanggap sa kanyang mga kalakasan at kahinaan
B. Upang magkaroon siya ng kalaro na magtuturo sa kanya ng pakikipag-ugnayan sa mga kasing-edad
C. Upang mapatunayan sa lahat ng tao na may kakayahan siyang makipag-ugnayan nang maayos sa
kanyang kasing-edad
D. Upang magkaroon siya ng makakasundo na tutulong sa kaniya upang matanggap sa isang pangkat na
labas sa kanyang pamilya
14. Sa yugto ng maagang pagdadalaga o pagbibinata, inaasahan na nag pagkakaroon ng tinedyer ng
kasintahan. Ang pangungusap ay:
A. Tama, dahil mahalagang mamulat ang nagdadalaga o nagbibinata sa pagbuo ng relasyon sa katapat na
kasarian sa maagnag panahon.
B. Tama, dahil ito ay makakatulong sa kanya upang matutong humawak ng isang relasyon at maging handa
sa magiging seryosong relasyon sa hinaharap.
C. Mali, dahil mahalagang masukat muna ang kahandaan ng isip at damdamin ng isang
nagdadalaga/nagbibinata sa paghawak ng isang seryosong relasyon
D. Mali, dahil hindi pa nararapat na magkaroon ng seryosong relasyon ang isang tinedyer.
15. Masasabi lamang na ganap ang pakikipag-ugnayan kung handing ipaalam ang lahat sa kapwa. Ang
pangungusap ay:
A. Tama, dahil ito ay nagpapakita ng tiwala sa kapwa
B. Tama, dahil ito ang magiging simula sa isang malalim na pakikipag-ugnayan
C. Mali, dahil sa kasapi ng pamilya lamang nararapat na sabihin ang lahat ng sikreto
D. Mali, dahil mahalagang magkaroon ng limitasyon upang hindi magamit ang mga impoemasyon tungkol sa
sarili laban sa kanya sa hinaharap.
16. Si Jane ay gusting palaging lumalabas. Nasisiyahan siya sa mga gawaing panlabas kaya tuwing hapon siya’y
magbibisikleta sa plasa kasama ng mga kaibigan niya. Ano ang hilig ni Jane?
A. Mechanical b. Scientific c. social services d. outdoor
17. Kung ikaw ay may katangian sa pagtuklas ng mtga bagong kaalamn, magdisenyo at mag-imbento ng mga
bagay at produkto. Ano ang hilig mo?
A. Computational b. clerical c. artistic d. scientific

18. Nasisiyahan sa paggamit ng mga kagamitan (tools)


a. Computational b. mechanical c. clerical d. literary
19. Nasisiyahan na gumawa gamit ang bilang o numero
a. Musical b. clerical c. persuasive d. computational
20. Nagiging malikhain at nasisiyahan sa pagdidisenyo ng mga bagay
a. Artistic b. literary c. persuasive d. clerical
21. Magaling kas pakikipag-ugnayan at nakakahikayat ka ng ibang tao, Ikaw ay may katangian ng __________?
a. Artistic b. persuasive c. musical d. literary
22. Nasisiyahan ka sa pakikinig at paglikha ng awit o pagtugtog
A. clerical b. artistic c. musical d. persuasive
23. Si Joshua ay isang mountain climber. Sa gawaing ito ramdam niyang kaisa niya ang kalikasan. Ano ang
larangan ng kanyang hilig?
A. outdoor b. artistic c. kinesthetic d. visual
24. Si Jessie ay nauubos ang malaking oras sa karera ng motor. Ang motor na ito ay siya ang nagdisenyo at
nagsaayos. Ano ang larangan ng kanyang hilig?
A. artistic B. Mechanical C. Clerical D. outdoor
25. Si jennylyn palaging nasa komunidad at nagbibigay ng libreng serbisyo bilang doctor.
A. naturalist B. Visual C. Social Services D. Outdoor
26. Ano ang pinakamahalagang maitutulong ng pagkakaroon ng bagay o Gawain na kinahihiligan?
A. nakapagpapasaya ng tao B. Nakapagpapaunlad ng tiwala sa sarili
C. Nakapag-aangat ito ng katayua sa buhay D. Nakapagtuturo ito ng kakayahang kailangan para sa
hinaharap
27. Ang mga sumusunod ay paraan sa pagtuklas ng hilig maliban sa:
A. suriin ang mga gawaing iniiwasang gawin B. siyasatin ang mga gawaing nakapagpapasigla sa iyo
C. Pagnilayan ang iyong mga libangan at paboritong gawin D. suriin ang pamilya at ang kinahihiligang
gawin kasama ang mga ito
28. Si Hadji ay isang sikat na mang-aawit at kompositor. Ano ang larangan at tuon ng hilig ni Hadji?
A. Larangan: Musical Tuon: Tao B. Larangan: Musical, literary Tuon: Tao, ideya
C. Larangan: Musical, Literary Tuon: Tao, ideya D. Larangan: Musical, Literary Tuon: Tao, datos, ideya
29. Ano ang ugnayan ng hilig sa pagpili ng kursong pang-akademiko/bokasyunal?
A. Magtutulak ang pagkakaroon ng kinahihiligan upang makamit ang labis na tagumpay sa hinaharap
B. makakatulong ang hilig upang makakuha ng trabahong makapgbibigay ng kasiyahan sa hinaharap
C. Makakatulong ang hilig upang matiyak na maipapakita ang galling sa pag-aaral upang maitaas ang antas ng
pagkatuto
D. Makakatulong ang hilig upang mapili ng angkop na kursong pang-akademiko o teknikal-bokasyunal
30. Mahilig sa mga gawaing pang opisina si Jaime, kaya siya ay nagsusumikap para makapasok sa malaking
kompanya. Ano ang kinahihiligan niya?
A. clerical B. Artistic C. outdoor D. literary

II. Basahin ang bawat pangungusap at isulat ang T kung Tama at M kung Mali.

__________1. Kung hindi mo matutuhang mahalin ang iyong sarili, hindi mo matutuhan ang magpahalaga sa ibang tao

__________2. Kung walang tiwala sa isa’t isa mahina ang pundasyon ng ugnayan

__________3. Lahat ng sensitibong bagay sa iyo ay dapat mong ibahagi

__________4. Kung hindi mo matutuhang magtiwala sa iyong sarili, ay mahirap ding magtiwala sa iba

__________5. Mas makabuluhan ang pakikipag-ugnayan kung walang anumang itinatago sa bawat isa

__________6. Ang pakikipag-ugnayan ay may kondisyon.

__________7. Huwag kang mahiyang ipakita sa kanila ang iyong pagkatao

__________8. Kasama sa mga kakayahan at dapat gawin na lilinangin sa isang nagdadalaga o nagbibinata ay ang
mapaghandaan ang pag-aasawa at pagpapamilya

__________9. Mag – isip ng positibo sa lahat ng iyong mga ginagawa at purihin ang sarili dahil sa iyong pagsisikap

__________10. Hindi na mahalaga ang pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya.

GOD BLESS!

You might also like