You are on page 1of 3

BO.

OBRERO NATIONAL HIGH SCHOOL


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7
IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT

PANGALAN:_________________________________________ GRADE & SECTION:________________

I. BASAHIN NG MABUTI AT PILIIN ANG TITIK NGA TAMANG SAGOT.

______1. Ang mga sumusunod ay pagkakaiba ng talento at kakayahan maliban sa:


a. Ang talento ay isang pambihira at likas na kakayahan samantalang ang kakayahan ay kalakasang intelektwal upang makagawa ng isang
pambihirang bagay.
b. Ang talento ay mula sa pambihirang katangian na minana sa magulang samantalang ang kakayahan ay tinataglay ng tao dahil sa kanyang
kakayahang mag-isip.
c. Ang talento ay mahirap sukatin samantalang ang kakayahan ay tinataglay ng tao dahil sa kanyang kakayahang mag-isip.
d. Ang talento ay kusang lumalabas sa takdang panahon samantalang ang kakayahan ay kailangang dumaan sa proseso ng pagsasanay.

Maliit pa lang si Joanna nang siya ay matuklasan ng kanyang mga magulang


na magaling sa pag-awit. Sa edad na tatlo, nakasali na siya sa mga patimpalak at
siya ay nakikilala dahil sa kanyang kahusayan sa kabila ng murang edad. Ngunit sa
kanyang paglaki ay naging mahiyain si Joanna at hindi na sumasali sa mga
patimpalak dahil ayaw niyang humarap sa maraming tao. Hindi alam ng kanyang
mga kamag-aral ang kanyang talento dahil hindi naman siya nagpapakita nito kahit
sa mga gawain sa klase o sa paaralan.
Palagi pa ring umaawit si Joanna ngunit ito ay sa kanilang lamang bahay
kasabay ang kanyang nakatatandang kapatid.

____2. Ano ang pangunahing balakid sa pagtatagumpay ni Joanna?


a. Ang kawalan ng suporta ng kanyang mga magulang b. Ang kawalan niya ng tiwala sa kanyang kakayahan
c. Ang kanyang paniniwala na nakakatakot humarap sa maraming tao
d. Ang kanyang mga kamag-aral dahil hindi siya hinihimok na sumali sa paligsahan at magtanghal.

_____3. Ano ang nararapat na gawin ni Joanna?


a. Kailangan niyang kausapin ang kanyang sarili at sabihing mas magaling siya sa pag-awit sa sinoman na kanyang narinig sa paaralan.
b. Kailangan niyang humingi ng tulong sa kanyang kapatid upang palaging samahan siya sa lahat ng kanyang paligsahan at pagtatanghal.
c. Kailangan niyang kausapin ang kanyang sarili at sabihin na kaya niyang harapin ang anomang hamon at lagpasan ang kanyang mga kahinaan
d. Kailangan niyang magsanay nang labis upang maperpekto niya ang kanyang talento at hindi matakot na mapahiya sa harap ng maraming tao

_____4. Bakit mahalagang tuklasin at paunlarin ang mga angking talento at


kakayahan?
a. Upang magkaroon ng tiwala sa sarili at malampasan ang mga kahinaan b. Upang maisakatuparan ang mga tungkulin sa sarili at sa lipunan
c. Upang makapaglingkod sa pamayanan d. Lahat ng nabanggit

______5. Si Cleo ay mahusay sa paglalaro ng basketball. Labis ang paghanga sa


kanya ng kanyang mga kasamahan sa team. Sa tuwing maglalaro ay siya
ang nakapagbibigay ng malaking puntos sa kanilan team. Makikitang halos
naperpekto na niya ang kanyang kakayahan sa basketball. Ngunit sa labis na
kaabalahan sa pag-aaral, barkada at pamilya hindi na siya nakapagsasanay
nang mabuti. Ano ang maaaring maging kahihinatnan ng ganitong gawi ni
Cleo?
a. Manghihina ang kanyang katawan dahil sa kakulangan ng pagsasanay
b. Hindi magkakaroon ng pagbabago sa kanyang paraan ng paglalaro dahil
halos perpekto na niya ang kanyang kakayahan.
c. Makaaapekto ito sa kanyang laro dahil bukod sa pagkokondisyon ng
katawan ay mahalaga ang pagsasanay kasama ng kanyang team upang
mahasa sa pagbuo ng laro kasama ang mga ito.
d. Hindi ito makaaapekto dahil alam naman niyang laging nariyan ang
kanyang mga kasamahan na patuloy ang masugid na pagsasanay at
nakahandang sumuporta sa kanya sa laro.

_____6. Sa pagpasok ni Angeline sa high school ay naging kapansin-pansin ang kanyang pagiging matangkad. Isang araw ay nilapitan siya ng isang
kaklase ay inalok na sumali sa volleyball team ng paaralan. Nabuo ang interes sa kanyang isip na sumali dahil wala pa siyang kinahihiligan ng sports
hanggang sa kasalukuyan. Hindi pa siya nagkapaglalaro ng volleyball minsan man sa
kanyang buhay ngunit nakahanda naman siyang magsanay. Sa kabila ng mga agam-agam ay nagpasiya siyang sumali rito. Ano kaya ang magiging
kahihinatnan ng pasya ni Angeline?
a. Magiging mahusay siya sa paglalaro ng volleyball dahil sa kanyang interes at kahandaan na dumaan sa pagsasanay.
b. Magiging mahusay siya sa paglalaro sa matagal na panahon dahil hindi siya makasasabay sa kanyang mga kasama na matagal ng nagsasanay.
c. Magiging mahirap ang kanyang pagdaraanan dahil hindi sapat ang kanyang pisikal na katangian lalo na at wala naman siyang talento sa paglalaro
ng volleyball.
d. Magiging mahirap lalo na sa kanyang pangangatawan dahil hindi siya sanay sa paglahok sa anomang isports sa matagal na panahon.

_____7. Sa murang edad ay dapat ng matuklasan ang talento at kakayahan upang


mahaba ang panahon ng pagpapaunlad nito. Ang pangungusap ay:
a. Tama, dahil ang patuloy at mahabang pagsasanay ang nagpapaperpekto sa talento at kakayahan ng tao.
b. Tama, dahil mas mahabang panahon ang maitutuon sa mga pagsubok sa talento katulad ng pagsali sa paligsahan at mga pagtatanghal
c. Mali, dahil walang takdang panahon ang pag-usbong ng talent d. Mali, dahil maaring magbunga ito ng pagkabagot at pagkasawa
______8. Ang mga sumusunod ay katangian ng tiwala sa sarili maliban sa:
a. Ito ay hindi namamana b. Ito ay nababago sa paglipas ng panahon
c. Ito ay hindi nakasalalay na sa mga bagay na labas sa ating sarili d. Ito ay unit-unting natutuklasan bunga ng karanasan

_____9. Mababa ang marka ni Leo sa English dahil hirap siya sa asignaturang ito.
Palaging mababa ang kanyang marka sa mga pagsusulit at hindi siya
magkaroon ng lakas ng loob na magrecite sa klase dahil hirap siya sa
pagsasalita ng inlges. Ano ang maaarig maging solusyon sa suliranin ni Leo?
a. Maglapat ng mga paraan kung paano isasagawa ang pagpapaunlad ng kanyang kakayahan sa pagsasalita at pagsusulat sa Ingles
b. Tayahin kung ano ang dahilan ng kanyang kahinaan sa asignatura
c. Tukuyin kung ano ang nais na matutuhan upang ito ay paularin
d. Lahat ng nabanggit

______10. Bakit may mga taong nagsasabi na sila ay ipinanganak na walang talento?
a. Dahil hindi sila naglalaan ng panahon upang ito ay tuklasin b. Dahil mayroon talagang tao na ipinanganak na walang talento
c. Dahil hindi pa panahon upang matuklasan nila ang kanilang talent
d. Dahil hindi nila kinikilala ang kanilang mga kakayahan na talento dahil hindi naman ito makaagaw atensyon
.
______11. Ang sumusunod ay mga pangunahing tungkulin ng isang
nagdadalaga/nagbibinata sa kanyang sarili maliban sa:
a. Makabuluhang Paggamit ng mga Hilig b. Paghahanda para sa pagbuo ng makabuluhang relasyon sa hinaharap
c. Pagpapaunlad ng Talento at Kakayahan at Wastong Paggamit ng mga ito
d. Pagharap at Wastong Pamamahala sa mga Pagbabago sa Yugto ng Pagdadalaga/Pagbibinata

______12. ”Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang. Walang sinuman
ang namamatay, para sa sarili lamang”. Ano ang pinakaangkop na
pakahulugan sa katagang ito?
a. Ang lahat ng tao ay may pananagutan sa kanyang sarili at sa kanyang kapwa.
b. Ang tao ay nabubuhay hindi para sa kanyang sarili kundi para sa kanyang kapwa.
c. Mabubuhay nang matiwasay ang isang tao kung ipauubaya ng tao ang
kanyang sarili para sa kanyang kapwa.
d. Hanggang sa huling yugto ng buhay ng tao, mahalagang suriin ang
kanyang sarili sa kanyang kakayahang makipagkapwa.

_____13. Bakit mahalagang tuparin ang tungkulin sa pamayanan?


a. May gampanin ang lahat sa kapwa na bahagi ng lipunan.
b. Makatutulong ito upang maramdaman na ikaw ay kabahagi ng lipunan.
c. Magiging ganap lamang ang lipunan kung makikibahagi lahat ng tao sa
lahat ng pagkakataon.
d. Mahuhubog ang kakayahan ng tao sa pamumuno kung maglilingkod siya
sa pamayanan.

_____14. Si Jamir ay madalas na nakikipagtalo sa kanyang kapatid. Para silang aso’t


pusa sa dalas ng kanilang pag-aaway. Madalas na sumasama ang loob ng
kanilang ina dahil sa kanilang hindi magandang pagpapalitan ng mga salita.
Ano ang makatwirang magagawa ni Jamir?
a. Umiwas sa kanyang kapatid upang hindi na sila magtalo.
b. Hanapin ang dahilan ng kanilang hindi pagkakasundo at kausapin ang
kapatid upang iwasan na itong gawin.
c. Pag-aralang pakitunguhan ang kanyang kapatid katulad ng pakikitungo
niya sa ibang kakilala at mga kaibigan.
d. Maging handa na ipakita ang pagmamahal sa kapatid sa panahong
kapwa na sila handa na kalimutan ang mga nakaraang pagtatalo.

______15. Ano ang magiging kahihinatnan ng pagiging matapat sa pagtupad sa


tungkulin bilang nagdadalaga/nagbibinata?
a. Matitiyak ang kaganapan ng pagkatao.
b. Tataglayin ang kakayahan na harapin ang susunod na yugto ng
buhay.
c. Matitiyak ang tagumpay sa pagharap sa hamon ng pagiging isang
dalaga/binata.
d. Magkakaroon ng mga kakayahang kailangan upang maging isang
magandang halimbawa sa kapwa kabataan.

_____16. Wika ng isang manunulat sa pilosopiya, ”Ang isang taong tumatalikod sa


pananagutan ay maaaring maihalintulad sa isang taong naglalakad ng
walang ulo.” Ano ang ipinahihiwatig ng pangungusap na ito?
a. Ang hindi tumutupad nang matapat sa kanyang mga tungkulin ay walang
maaaring maipagmalaki kaninuman.
b. Ang kahihiyan na dulot ng di pagtupad sa mga tungkulin ay nakababawas
sa dignidad ng tao.
c. Tinatanggal ng kawalan ng pananagutan ang paggalang ng lahat ng tao
sa pagkatao ng tao.
d. Maaaring mahusgahan ng kapwa ang taong hindi marunong tumupad sa
kanyang mga tungkulin.
_____17. Ano ng pinakamakabuluhang layunin ng pagiging isang mag-aaral?
a. Pataasin ang marka b. Pagyamanin ang kakayahang mag-isip
c. Matutuhang lutasin ang sariling mga suliranin d. Pagkakaroon ng masidhing pagnanais na matuto

_____18. Bakit mahalagang tuparin ng tao ang kanyang tungkulin sa kalikasan?


a. Makikinabang nang lubos ang mga henerasyong darating
b. Mapangangalagaan ang kalikasan para patuloy na matugunan ang pangangailangan ng lahat ng tao
c. Maiiwasan ang patuloy na pagkasira ng kalikasan at ang paulit-ulit na mga kalamidad
d. Lahat ng nabanggit

_____19. Ano ang pinakamataas na tungkulin ng isang anak sa kanyang mga


magulang?
a. Sila ay igalang, mahalin at pagkatiwalaan b. Ibigay sa kanila ang nararapat na katumbas ng lahat ng tulong na kanilang naibigay.
c. Ang ilaan ang kanyang hinaharap para sa walang pagdaramot na pagtulong sa pamilya
d. Ang magsilbing isang magandang halimbawa sa kanyang mga kapatid

______20.Mula nang nagdalaga si Jasmin ay palagi na silang nagkakaroon ng hindi


pagkakaunawaan ng kanyang ina. Madalas na sumasama ang kanyang loob
sa tuwing siya ay napagsasabihan at napagbabawalan sa mga bagay na
alam niyang hindi na nararapat na pakialaman ng kanyang ina. Ano ang
pinakamakatuwirang magagawa ni Jasmin?
a. Kausapin ang kanyang ama upang sabihin sa kanyang ina ang kanyang
saloobin.
b. Gumawa ng paraan upang mabuksan ang maayos na komunikasyon at
pakikipag-ugnayan sa kanyang ina.
c. Ibahagi na lamang sa kanyang mga kaibigan ang kanyang sama ng loob
at matapos ito ay kalimutan na ang sama ng loob.
d. Palaging isaisip na bilang anak kailangan niyang sumunod sa kanyang
magulang sa lahat ng pagkakataon dahil sila ang nakatatanda

_____21. “Mas malala pa sa pagiging isang bulag ang may paningin ngunit walang
tinatanaw na kinabukasan?”Ano ang higit na malapit na pakahulugan ng pahayag ni
Helen Keller;
a. Mahirap maging isang bulag b. Ang kawalan ng pangarap ay mas masahol sa kawalan ng paningin
c. Hindi mabuti ang walang pangarap d. Hindi garantiya ang pagkakaroon ng paningin sa pagtatagumpay sa buhay

______ 22. Ano ang kaibahan ng panaginip sa pangarap?


a. Ang panaginip ay natatapos din kung ikaw ay magising b. Ang panaginip ay nangyayari lang sa isip habang natutulog
c. a at b d. wala sa nabanggit

______23. Ano ang kaibahan ng pagpapantasya sa pangarap?


a. Ang pagpapantasya ay likha ng malikhaing isip b. Ang pagpapantasya ay pananaginip ng gising
c. Ang pagpapantasya ay ginagawa ayon sa kagustuhan ng nagpapantasya d. a at b

______ 24. Ano ang kahulugan ng bokasyon?


a. Ang bokasyon ay higit sa trabaho o propesyon o negosyo]
b. Ang bokasyon ay kalagayan o gawain na naayon sa plano ng Diyos sa atin
c. a at b d. Ito ay tumutukoy sa mga gawaing hindi nangangailangan ng kapalit na sweldo o pasahod

______25. Ito ay pinaka tunguhin o pinakapakay na iyong nais na marating o


puntahan sa hinaharap
a. Pangarap b. Mithiin c. Panaginip d. Pantasya

_____26. Sa pagtatakda ng mithiin, ang ibig sabihin ng SMARTA ay:


a. S-smart, M-manageable, A-attainable, R- relevant, T- time-bound, A – action- oriented
b. S-smart, M-measurable, A-attainable, R- refreshing, T- time-bound, A –action-oriented
c. S-smart, M-measurable, A-attainable, R- relevant, T- time-bound, A – action-oriented
d. S-smart, M-measurable, A-attainable, R- relevant, T- time-bound, A –affordable

______ 27. Anu-ano ang dalawang hangganan ng pagtatakda ng mithiin?


a. Pangmatagalan at Panghabambuhay b. Pangmatagalan at Pangmadalian
c. Pangmadalian at Panghabambuhay d. Pangngayon at Pangkinabukasan

______28. Alin ang halimbawa ng pangmatagalang mithiin?


a. Makapasa sa Licensure Exams for Teachers b. Maging guro sa aming pamayanan
c. Makatapos ng pag-aaral d. Maging iskolar ng bayan

______29. Bakit mahalaga ang kakailanganing mithiin o enabling goals?


a. Nakatutulong ang mga ito upang makamit ang itinakdang pangmatagalang mithiin
b. Nakatutulong ito sa pagpapanatili ng tuon sa itinakdang mithiin
c. Napapabilis nitong makamit ang itinakdang mithiin d. Wala sa mga nabanggit

_____30. Alin sa mga sumusunod ang hakbang sa pagtatakda ng mithiin?


a. Isulat ang iyong itinakdang mithiin at ilagay ito sa ilalim ng unan b. Sabihin ang itinakdang mithiin sa mga kaibigan
c. Ipagpasa Diyos ang mga itinakdang mithiin d. Isulat ang takdang-panahon sa pagtupad ng mithiin

You might also like