You are on page 1of 7

Grade 7 Edukasyon sa Pagpapakatao

Unang Markahan – Modyul 5:

Tiwala sa Sarili, Ating Buuin


Alamin

Sa modyul na ito ay malalaman mo ang mga aspeto ng sarili kung saan kulang ng tiwala sa
sarili at kung paano malalampasan ang mga kahinaang ito upang maipakita ang talent at
kakayahan.

Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang mga sumusunod na kaalaman,


kakayahan at pag-unawa:

 Natutukoy ang mga aspeto ng sarili kung saan kulang siya ng tiwala sa saril  Nakikilala ang
mga paraan kung paano lalampasan ang mga ito. (EsP7PS-Ic-2.2)

Balikan

Panuto: Isulat sa patlang na nakalaan ang salitang mabubuo mula sa mga salitang hindi maayos
ang pagkakasulat na nasa ilalim ng patlang.

Ayon kay Sean Covey, bawat 1.____________ ay may talento at


OAT

kakayahan. Kadalasan nga lamang ay di ito nabibigyan ng pansin

ngunit ito ay 2. ____________. Ang bawat tao ay may kanya-kanyang LAAGAMAH

panahon ng 3.___________, lalo na ng mga tinedyer. Ang iba ay LOBISGAP

tinatawag na “late bloomer”. Kaya hindi dapat ikasira ng 4._________ OBOL

ang sa tingin ay napakasimple nating kakayahan. At dapat nating

tandaan, tayo ay espesyal dahil tayo ay nilkhang kawangis ng 5.__________. OIDYS


Suriin

Unawain at pagnilayan ang mga sumusunod na babasahin. Magkaroon ng masayang pag-


aaral at ikintal sa isip at puso ang mga hatid na mensahe. Simulan na at kayang kaya mo yan!

Nakakalungkot isipin na marami sa atin ang sa unang pagsubok pa lamang ay sumusuko


na. Dahil sa kawalan ng tiwala sa sarili. Dahil sa kawalan ng kumpiyansya sa sarili ay maraming
pagkakataon o oportunidad ang pinalalampas ng marami. Dahil dito, natutuon ang ating pansin sa
ating mga kahinaan at hindi sa ating mga talento at kakayahan. Kung hindi natin kilala ang ating
sarili, aasa na lamang tayo sa sinasabi ng iba at sila ang magdidikta sa ating mga kakayahan at
limitasyon. Kung nasisiyahan sila sa ating ikinikilos pupurihin nila tayo, kung hindi naman ay
maaaring bansagan tayong mahina o walang alam. Kung hindi natin kilala ang ating sarili, wala
tayong magagawa kundi tanggapin na lamang ang kanilang mga tawag o bansag. Mahalaga na
magkaroon tayo ng tiwala sa ating sarili.

Mula sa sinulat ni CT Sarigumba, na nagsasabi na napakarami na sa ngayon ang mga


kakompetensiya ng mga estudyante, talagang hindi maiiwasang magalangan sila sa kanilang
kakayahan. Pero sabihin mang maraming kakompetensiya o may mas magaling sa isang
estudyante, mahalaga pa rin ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili ng kahit na sino. Kaya naman
nagbigay siya ng ilang simpleng paraan upang magkaroon ng tiwala sa sarili:

1. Kilalanin ang sarili at alamin ang kakayahan


Unang-unang kailangan nating gawin ay ang kilalanin ang ating sarili at alamin ang
hangganan ng ating kakayahan. Marami sa atin ang nag-aalangan na gawin ang isang bagay
sa takot na hindi magawa ng maayos. Natatakot sa sasabihin ng iba kapag nagkamali.
Huwag nating pansinin ang sasabihin ng iba. Bagkus ang bigyan pansin ay alamin ang
kakayahan at pagyamanin pa ito.

2. Maging positibo sa kabila ng kinahaharap na problema


Hindi naman maiiwasan ang mga negatibong pangyayari sa paligid. Kaliwa’t kanan ang
problemang kinahaharap natin. Tandaan na hindi lang naman tayo ang kumakaharap sa
problema at pagsubok. At imbes na magmukmok o dibdibin ang mga pagsubok at problema,
mas mainam at makatutulong kung mananatiling positibo ang pananaw at pagtingin sa mga
bagay-bagay. Hindi dapat nawawalan ng pag-asa, tandaan nating habambuhay ay may pag-
asa basta’t magsisikap na gagawa ng mabuting paraan.

3. Matutong tumanggap ng pagkakamali at kritisismo


Maraming kabataan ang ayaw tumanggap ng pagkakamali. Kahit na nagkamali sila, ayaw
nilang aminin. Hindi nakasasama ang pagtanggap at maging tapat sakaling nakagawa ng
hindi maganda. Lahat naman tayo ay nagkakamali. Ang kaibahan nga lang ay kung paano
natin ito tatanggapin. At lalong hindi dapat na malungkot lalo na kung may hindi magandang
sinasabi ang ilan sa atin. Ang mas magandang gawin ay ang paggawa ng mabuti. Gamitin
ang kritisismo o mga sinasabing hindi maganda ng iba upang mapagbuti pa ang sarili.

4. Tapangan at lakasan ang loob


Huwag susuko at lakasan ang loob, ito ang dapat na mayroon ang isang tao. Mahalaga sa
buhay ang pagiging matapang at pagkakaroon ng lakas ng loob lalo na sa panahon ng mga
pagsubok at sa mga nangyayaring hindi maganda sa paligid.

5. Matutong makihalubilo sa kapwa


Isa pa sa paraan upang magkaroon ng tiwala sa sarili ay sa pamamagitan ng pakikihalubilo
sa kapwa. Hindi maiiwasang may mga mahiyaing tao o takot na makipag-usap sa iba.
Sanayin ang sariling makihalubilo sa iba dahil makakatulong ito nang madagdagan ang
tiwala sa sarili.
6. Matutong magpasalamat
Matuto tayong magpasalamat sa ibinigay sa atin ng Panginoon. May iba mang nahihirapan sa
buhay, ipagpasalamat pa rin natin iyon. Ipagpasalamat natin ang araw-araw nating paggising
at patuloy tayong nakikipagsapalaran sa mundo.

Tiwala sa sarili, may mga taong wala nito. Gayunpaman, napakahalaga ng tiwala sa sarili
para sa pag-unlad ng isang tao. Kaya naman, gawin natin ang kahit na anong paraan makamit
lang ang lakas ng loob at pagkakaroon ng tiwala sa ating sarili.

Tayahin

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag/ sitwasyon .Piliin at isulat sa iyong
kwaderno ang pinaka-angkop na letra sa bawat bilang.

Maliit pa lang si Joanna nang siya ay matuklasan ng kanyang mga magulang na magaling sa
pag-awit. Sa edad na tatlo, nakasali na siya sa mga patimpalak at siya ay nakikilala dahil sa
kanyang kahusayan sa kabila ng murang edad. Ngunit sa kanyang paglaki ay naging mahiyain si
Joanna at hindi na sumasali sa mga patimpalak dahil ayaw niyang humarap sa maraming tao.
Hindi alam ng kanyang mga kamag-aral ang kanyang talento dahil hindi naman siya nagpapakita
nito kahit sa mga gawain sa klase o sa paaralan. Palagi pa ring umaawit si Joanna ngunit ito ay sa
kanilang bahay lamang kasabay ang kanyang nakatatandang kapatid.

1. Ano ang pangunahing balakid sa pagtatagumpay ni Joanna?


A. Ang kawalan ng suporta ng kanyang mga magulang
B. Ang kawalan niya ng tiwala sa kanyang kakayahan
C. Ang kanyang paniniwala na nakakatakot humarap sa maraming tao
D. Ang kanyang mga kamag-aral dahil hindi siya hinihimok na sumali sa paligsahan at
magtanghal.

2. Ano ang nararapat na gawin ni Joanna?


A. Kailangan niyang kausapin ang kanyang sarili at sabihing mas magaling siya sa pag-
awit sa sinoman na kanyang narinig sa paaralan.
B. Kailangan niyang humingi ng tulong sa kanyang kapatid upang palaging samahan
siya sa lahat ng kanyang paligsahan at pagtatanghal.
C. Kailangan niyang kausapin ang kanyang sarili at sabihin na kaya niyang harapin ang
anomang hamon at lagpasan ang kanyang mga kahinaan
D. Kailangan niyang magsanay nang labis upang maperpekto niya ang kanyang talento
at hindi matakot na mapahiya sa harap ng maraming tao.

Si Cleo ay mahusay sa paglalaro ng basketball. Labis ang paghanga sa kanya ng kanyang


mga kasamahan sa team. Sa tuwing maglalaro ay siya ang nakapagbibigay ng malaking puntos sa
kanilan team. Makikitang halos naperpekto na niya ang kanyang kakayahan sa basketball. Ngunit
sa labis na kaabalahan sa pagaaral, barkada at pamilya hindi na siya nakapagsasanay nang
mabuti.

3. Ano ang maaaring maging kahihinatnan ng ganitong gawi ni Cleo?


A. Manghihina ang kanyang katawan dahil sa kakulangan ng pagsasanay
B. Hindi magkakaroon ng pagbabago sa kanyang paraan ng paglalaro dahil halos
perpekto na niya ang kanyang kakayahan.
C. Makaaapekto ito sa kanyang laro dahil bukod sa pagkokondisyon ng katawan ay
mahalaga ang pagsasanay kasama ng kanyang team upang mahasa sa pagbuo ng laro
kasama ang mga ito.
D. Hindi ito makaaapekto dahil alam naman niyang laging nariyan ang kanyang mga
kasamahan na patuloy ang masugid na pagsasanay at nakahandang sumuporta sa
kanya sa laro.
4. Sa anong larangan ang talent ni Cleo na mapababayaan?
A. Matematika
B. Visual /Spatial
C. Bodily Kinesthetic
D. Intrapersonal

5. Ang mga sumusunod ay pagkakaiba ng talento at kakayahan maliban sa:


A. Ang talento ay isang pambihira at likas na kakayahan samantalang ang kakayahan ay
kalakasang intelektwal upang makagawa ng isang pambihirang bagay.
B. Ang talento ay mula sa pambihirang katangian na minana sa magulang samantalang
ang kakayahan ay tinataglay ng tao dahil sa kanyang kakayahang mag-isip.
C. Ang talento ay mahirap sukatin samantalang ang kakayahan ay tinataglay ng tao
dahil sa kanyang kakayahang mag-isip.
D. Ang talento ay kusang lumalabas sa takdang panahon samantalang ang kakayahan
ay kailangang dumaan sa proseso ng pagsasanay.

Sa pagpasok ni Angeline sa high school ay naging kapansin-pansin ang kanyang pagiging


matangkad. Isang araw ay nilapitan siya ng isang kaklase ay inalok na sumali sa volleyball team ng
paaralan. Nabuo ang interes sa kanyang isip na sumali dahil wala pa siyang kinahihiligan ng sports
hanggang sa kasalukuyan. Hindi pa siya nagkapaglalaro ng volleyball minsan man sa kanyang
buhay ngunit nakahanda naman siyang magsanay. Sa kabila ng mga agam-agam ay nagpasiya
siyang sumali rito.

6. Ano kaya ang magiging kahihinatnan ng pasya ni Angeline?


A. Magiging mahusay siya sa paglalaro ng volleyball dahil sa kanyang interes at
kahandaan na dumaan sa pagsasanay.
B. Hindi siya makasasabay sa kanyang mga kasama na matagal ng nagsasanay.
C. Magiging mahirap ang kanyang pagdaraanan dahil hindi sapat ang kanyang pisikal na
katangian lalo na at wala naman siyang talento sa paglalaro ng nito.
D. Magiging mahirap lalo na sa kanyang pangangatawan dahil hindi siya sanay sa
paglahok sa anomang isports sa matagal na panahon.
7. Sa murang edad ay dapat ng matuklasan ang talento at kakayahan upang mahaba ang
panahon ng pagpapaunlad nito. Ang pangungusap ay:
A. Tama, dahil ang patuloy at mahabang pagsasanay ang nagpapaperpekto sa talento at
kakayahan ng tao.
B. Tama, dahil mas mahabang panahon ang maitutuon sa mga pagsubok sa talento
katulad ng pagsali sa paligsahan at mga pagtatanghal
C. Mali, dahil walang takdang panahon ang pag-usbong ng talent
D. Mali, dahil maaring magbunga ito ng pagkabagot at pagkasawa

8. Ang mga sumusunod ay katangian ng tiwala sa sarili maliban sa:


A. Ito ay hindi namamana
B. Ito ay nababago sa paglipas ng panahon
C. Ito ay hindi nakasalalay na sa mga bagay na labas sa ating sarili D. Ito ay unit-unting
natutuklasan bunga ng karanasan

Mababa ang marka ni Leo sa English dahil hirap siya sa asignaturang ito. Palaging mababa
ang kanyang marka sa mga pagsusulit at hindi siya magkaroon ng lakas ng loob na magrecite sa
klase dahil hirap siya sa pagsasalita ng inlges.
9. Ano ang maaarig maging solusyon sa suliranin ni Leo?
A. Maglapat ng mga paraan kung paano isasagawa ang pagpapaunlad ng kanyang
kakayahan sa pagsasalita at pagsusulat sa Ingles
B. Tayahin kung ano ang dahilan ng kanyang kahinaan sa asignatura
C. Maki-uasap sa guro na ipasa siya
D. Hayaan na lamang na maging mababa ang marka.

10.Bakit mahalagang tuklasin at paunlarin ang mga angking talento at kakayahan?


A. Upang magkaroon ng tiwala sa sarili at malampasan ang mga kahinaan
B. Upang maisakatuparan ang mga tungkulin sa sarili at sa lipunan.
C. Upang makapaglingkod sa pamayanan
D. Upang gumanda ang buhay

11.Alin sa mga ito ang hindi nagpapakita ng pagbuo ng tiwala sa sarili?


A. Kilalanin ang sarili at alamin ang kahinaan
B. Maging positibo sa kabila ng mga suliranin
C. Panatilihin ang takot at pagiging mahiyain
D. Sikaping makihalubilo sa karamihan

12.Ipinapakita mo na positibo ka sakabila ng mga hinaharap na suliranin kapag: A. Kapag


nawawalan ka ng pag-asa sa buhay
B. Kapag nanatili ka lamang sa loob ng inyong tahanan upang iwasan ang suliranin
C. Kapag hinaharap ang suliranin at gumagawa ng mabuting paraan na lutasin ito
D. Kapag umiiwas ka sa iba na makasama sila para isawan ang sassabihin nila
13.Ikaw ay marunong tumanggap ng pagkakamali kapag ipinapakita mo na:
A. Inaamin nang tapa tang nagawang pagkakamali at handang tanggapin ito
B. Pilit na itinatanggi ang nagawang pagkakamali sa takot na mapagalitan
C. Manatiling tahimik na lamang para hindi malaman ang nagawang pagkakamali
D. Umiwas sa mga kasama ng hindi mahalata ang nagawang pagkakamali

14.Ano ang gagawin mo para matuto kang makihalubilo sa kapwa?


A. Sasama kahit kanino na lamang
B. Sasama sa mga paanyaya ng kaibigan kapag kasama ang kapatid
C. Laging dadalo sa mga pagtitipon o handaan. Kahit saan lugar.
D. Makikisangkot o makikibahagi sa mga gawain sa paaralan kasama ang mga kamag-
aral

15.Ang pagkakroon ng tiwala sa sarili ay nagmumula sa:


A. sa pamilyang kinalakihan
B. sa disiplinang ibinigay ng magulang
C. sa pagtuklas ng sariling kakayahan at kahinaan
D. sa mga napiling kaibigan

Karagdagang Gawain

Gabay ng Buhay
Panuto: Gumawa ng kasabihan o kawikaan hinggil sa pagkakaroon ng tiwala sa sarili
Subukin Balikan Tayahin
1. A 1. Tao 1. C
2. C 2. Halaga 2. D
3. D 3. Pagsibol 3. C
4. A 4. Loob 4. C
5. C 5. Diyos 5. A
6. C 6. D
7. D 7. A
8. A 8. A
9. A 9. D
10. B 10. A
11. C 11. C
12. C 12. C
13. A 13. A
14. D 14. D
15. D 15. D
Susi sa Pagwawasto

You might also like