You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF DAVAO CITY
LANGUB NATIONAL HIGH SCHOOL
Purok 3, Barangay Langub, Davao City

QUARTER 1-1ST SUMMATIVE QUIZ


ESP 7
SY. 2021-2022
Name:_________________________________ Grade:_________________Date:________________
UNANG BAHAGI. MULTIPLE CHOICE. Basahing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Bilugan ang titik ng
tamang sagot
1. Sa yugto ng maagang pagdadalgaga o pagbibinata, inaasahan na ang pagkakaroon ng tinedyer ng kasintahan
(girlfriend/boyfriend). Ang pangungusap ay:
a. Tama, dahil mahalagang mamulat ang nagdadalaga o nagbibinata sa pagbuo ng relasyon sa katapat na
kasarian sa maagang panahon.
b. Tama, dahil ito ay makatutulong sa kaniya upang matutong humawak ng isang relasyon at maging handa
sa magiging seryosong relasyon sa hinaharap.
c. Mali, dahil mahalagang masukat muna ang kahandaan ng isip at damdamin ng isang
nagdadalaga/nagbibinata sa paghawak ng isang seryosong relasyon.
d. Mali, dahil hindi pa nararapat na magkaroon ng seryosong relasyon ang isang kabataan.
2. Si Cleofe ay iskolar sa isang pamantasang mataas ang kalidad. Napaliligiran siya ng mga mayayaman na
kamag-aral. Labis ang kaniyang pagkabalisa dahil alam niyang hindi naman siya makasasabay sa mga ito sa
maraming bagay. Ano ang pinakamakatuwirang gawin ni Cleofe?
a. Makipagkaibigan lamang siya sa kapuwa niya mga iskolar na mahirap din.
b. Ipakita niya ang kaniyang totoong pagkatao.
c. Kausapin niya ang kaniyang mga magulang upang bumili ng mga gamit at damit na halos katulad ng sa
mga mayayamang kamag-aral.
d. Makiangkop sa kamag-aral na mayaman sa oras na sila ang kasama at sa mga kapuwa niyang iskolar na
mahirap kung sila naman ang kasama.
3. Masasabi lamang na ganap ang pakikipag-unayan kung handang ipaalam ang lahat sa kapuwa. Ang
pangungusap ay:
a. Tama, dahil ito ay nagpapakita ng tiwala sa kapuwa.
b. Tama, dahil ito ang magiging simula ng isang malalim na pakikipag- ugnayan.
c. Mali, dahil sa kasapi ng pamilya lamang nararapat na sabihin ang lahat ng sikreto.
d. Mali, dahil mahalagang magkaroon ng limitasyon upang hindi magamit ang mga impormasyon tungkol sa
sarili laban sa kaniya sa hinaharap.
4. Si Bernard ay mababa ang tiwala sa sarili sa kabila ng kaniyang talento. Hindi niya ito ipinakikita sa paaralan
dahil sa takot na hindi ito maging kalugod-lugod sa iba pang mga mag-aaral. Ano ang makatuwirang gawin
ni Bernard?
a. Kausapin niya ang kaniyang sarili at sabihin na hindi matatalo ng hindi pagtanggap ng iba sa kaniyang
talento ang kaniyang pagnanais na umangat dahil sa kaniyang kakayahan.
b. Humingi siya ng papuri mula sa kaniyang mga kaibigan at kapamilya na makatutulong upang maiangat
ang kaniyang tiwala sa sarili
c. Harapin niya ang mga hamon nang may tapang at hayaang mangibabaw ang kaniyang kalakasan.
d. Huwag niyang iisipin na mas magaling ang iba sa kaniya, bagkus isipin niya na siya ay nakaaangat sa
lahat.
5. Ano ang mga pagbabagong pisikal ang nararanasan ng isang kabataan?
a. tangkad, timbang at hubog ng katawan
b. sumisidhing damdamin, kontrol sa emosyon at paghanga sa kasalungat na kasarian
c. pakikipag-ugnayan sa kasing edad, pakikipagkaibigan at pakikisama
b. alam ang tama at mali, may malalim na pananampalataya at may paninidigan
6. Ang mga sumusunod ay pagkakaiba ng talento at kakayahan maliban sa:
a. a.Ang talento ay isang pambihira at likas na kakayahan samantalang ang kakayahan ay kalakasang
intelektuwal upang makagawa ng isang pambihirang bagay.
b. b.Ang talento ay mula sa pambihirang katangian na minana sa magulang samantalang ang kakayahan ay
tinataglay ng tao dahil sa kanyang kakayahang mag-isip.
c. c.Ang talento ay mahirap sukatin samantalang ang kakayahan ay tinataglay ng tao dahil sa kanyang
kakayahang mag-isip.
d. d.Ang talento ay kusang lumalabas sa takdang panahon samantalang ang kakayahan ay kailangang
dumaan sa proseso ng pagsasanay.
7. Bakit mahalagang tuklasin at paunlarin ang mga angking talento at kakayahan?
a. a.Upang magkaroon ng tiwala sa sarili at malampasan ang mga kahinaan
b. b.Upang maisakatuparan ang mga tungkulin sa sarili at sa lipunan
c. c.Upang makapaglingkod sa pamayanan
d. Upang maging sikat at mayaman.
8. Sa murang edad ay dapat ng matuklasan ang talento at kakayahan upang mahaba ang panahon ng
pagpapaunlad nito. Ang pangungusap ay:
a. Tama, dahil ang patuloy at mahabang pagsasanay ang nagpapaper pekto sa talento at kakayahan ng tao.
b. Tama, dahil mas mahabang panahon ang maitutuon sa mga pagsubok ng talento katulad ng pagsali sa
paligsahan at mga pagtatanghal
c. Mali, dahil walang takdang panahon ang pag-usbong ng talent
d. Mali, dahil maaaring magbunga ito ng pagkabagot at pagkasawa
9.Ang mga sumusunod ay katangian ng tiwala sa sarili maliban sa:
a. a.Ito ay hindi namamana
b. b.Ito ay nababago sa paglipas ng panahon
c. c.Ito ay hindi nakasalalay na sa mga bagay na labas sa ating sarili
d. d.Ito ay unit-unting natutuklasan bunga ng karanasan.
10. Ang nalilinang na mga talento ay batayan sa pagkakaroon ng positibong konsepto sa sarili.
a. Tama, dahil ito ang nagdadala sa atin upang mapauunlad natin ang sarili.
b. Tama, dahil ito ang daan upang tayo ay maging tanyag na tao.
c. Mali, dahil hindi ito nakatutulong sa ating sarili.
d. Mali, dahil walang kaugnayan ang mga ito para malinang ang ating talento.

PANGALAWANG BAHAGI. TAMA O MALI. Isulat ang T kung ang pahayag ay TAMA at M kung MALI naman
ang pahayag.
______1. Ang talento ay biyayang galing sa Diyos.
______2. Dapat nating tuklasin, linangin at paunlarin ang ating mga talento.
______3. Hintayin na lamang kung kailan lumalabas ang ating kakayahan.
______4. Ang ating mga hilig o interes kapag napagtuunan ng pagsasanay ay nagiging mga kakayahan.
______5. Ang kakayahan ay kalakasang intelektuwal fintellectual power) upang makagawa ng isang pambihirang
bagay.

PANGATLONG BAHAGI. FILL IN THE BLANKS. Piliin sa kahon ang angkop na sagot sa bawat pangungusap
Sarili Linangin pagpapahalaga
Magulang o kapatid Dalawa
1. Ang panahon ng kabataan ay may __________ yugto.
2. Sa mga ___________ humingi ng gabay o tulong sa panahon ng pag-aalinlangan o may katanungan sa mga
pagbabagong ito.
3. Sa yugto ng pagdadalaga o pagbibinata kinakailangang matutong ______ ang kakayahan sa maingat na
pagpapasiya.
4. Habang lumalaki at nagkakaisip, nagiging mas malalim ang iyong pagtingin sa______________.
5. Kailangang mahubog ng wasto ang iyong ___________ upang maipapamalas ang mabuting pamumuhay.

PANG APAT NA BAHAGI. PAGGAWA NG DYORNAL (10 points) Ano ang natutunan mo sa Paraan ng
Paglinang sa mga Angkop na Inaasahang Kilos at Kakayahan? Gumawa ng isang dyornal gamit ang kasunod na
graphic organizer

Rubric sa Paggawa ng Dyornal

Kraytirya 5 puntos 3 puntos 1 punto


NILALAMAN Angkop ang nilalaman Di-gaanong angkop ang Hindi angkop ang nilalaman
nilalaman
MALINAW at TIYAK Malinaw at tiyak ang nagawa ng Di-gaanong malinaw at tiyak Hindi malinaw at di-tiyak
ANG DYORNAL dyornal ang nagawang dyornal ang nagawang dyornal
Answer key G7
MC
1. D
2. B
3. C
4. C
5. A
6. D
7. B
8. A
9. A
10. A
TAMA O MALI
1. T
2. T
3. M
4. T
5. T
PUNAN ANG
1. Dalawa
2. Magulang o kapatid
3. Linangin
4. Sarili
5. pagpapahalaga

You might also like