You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division of Tarlac Province
Calibungan High School
Calibungan, Victoria, Tarlac

Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9


Pre – Test

Pangalan: ________________________________ Taon & Pangkat: _____________

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap, talata at tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot bago ang bilang.

1. Bakit may gawain na nagkakaisa tayo?


a. upang mapabilis at maayos ang paggawa nito c. upang maipakita kung paano ginagawa ito
b. upang makilala tayo bilang mga Pilipino d. upang maging tanyag at masipag tayo
2. Alin ang gawaing marangal?
a. pagtitinda ng bawal na gamot c. Pagtitinda ng banana cue
b. pagtitinda ng nakaw na alahas d. Pagtitinda ng smuggled goods
3. Alin ang hindi kabilang sa mga katangian ng taong malikhain?
a. kakayahang pinansyal c. Mayaman sa ideya
b. madaling makibagay d. Pagiging orihinal
4. Alin sa mga sumusunod ang tunay na pakahulugan sa katapangan na naaayon sa pagpapahalaga sa birtud?
a. paghahamon ng away c. Kakayahang pigilin ang bugso ng damdamin
b. pagsasagawa ng isang nakakatakot na bagay d. Pagsalungat sa kagustuhan ng nakararami
5. Ito ay isang birtud na kailangan para sa ikapagtatagumpay ng gawain at naisin ng isang tao.
a. kabaitan c. Karunungan
b. katapatan d. Katatagan
6. Ano ang nais ipabatid sa atin ng gintong aral na ito?”Huwag mong gawin sa kapwa mo ang ayaw mong gawin sa iyo”.
a. ang ayaw mong gawin sa iyo ng kapwa mo ay huwag mo ring gagawin sa kanya
b. gumawa ng kabutihan sa kapwa mo ay huwag mo ring gagawin sa kanya
c. sundin mo ang lahat ng kagustuhan ng kapwa mo
d. ipagtanggol mo lagi ang kapwa mo
7. Ang gawaing _____ ay repleksyon ng dignidad ng nagsasagawa nito
a. pinagbuti b. pinagbahagi c. Pinagtanong d. Pinagsawaan
8. Bilang isang mag-aaral, ano ang unang konsepto ng disiplina ang iyong paiiralin kung binastos ka ng iyong kaklase?
a. gamitan ng kamay c. isumbong sa guidance counselor
b. diplomasya d. pagbantaan na huwag tutulungan kapag may problema
9. Ito ay manipestasyon ng positibong pananaw
a. magmukmok at maghinanakit c. Kunwari ay walang problema
b. manisi ng iba d. Mag-isip ng posibleng alternatibo
10. Ang tahimik, masaya at maunlad na pamilya ay binubuo ng
a. tatay at nanay c. Mga anak
b. responsableng pamilya d. Masayahing pamilya
11. Ang suliranin sa kalikasan at bunga rin ng suliraning politikal at panlipunan sapagkat
a. hindi pantay-pantay ang tao sa lipunan c. hindi nagmamalasakit ang mga tao sa kalikasan
b. walang batas na nangangalaga sa kalikasan d. lahat ng nabanggit
12. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng disiplina ng isang mag=aaral
a. sumusunod sa batas ng paaralan c. Bumabati sa mga may nakasalubong
b. lumiliban sa klase na may dahilan d. Paggalang sa ibang tao
13. Ito ay tumutukoy sa pagbubuklod ng grupo o indibidwal upang matamo ang isang layunin
a. pagkakaisa c. Paggalang
b. pakikipagkapawa d. Pagtutulungan
14. Ito ay pinakamahalagang motibasyon sa paggawa
a. personal na kaligayahan c. Materyal na benipisyo
b. pag-unlad sa sarili, kapwa at lipunan d. Lahat ng nabanggit
15. Ano ang nararapat gawin kapag may sobra kang oras sa paggawa?
a. aksayahin ito c. Hayaan na lamang na maubos ang oras
b. gamitin ito ng wasto d. Gamitin ito sa mga kasayahan
16. Ano ang kakayahan ng taong malikhain?
a. kawilihang pumili ng desisyong naiiba
b. makagawa ng kakaiba sa paningin, layon o gamit ng iba
c. sapagkat nakikita sa paggawa ang kabutihan
d. malalim ang imahinasyon
17. Kapag naisagawa ng isang tao ang kanyang gawain, nagkakaroon siya ng tinatawag na
a. sense of accomplishment c. Pananagutan
b. self worth d. Obligasyon
18. Ito ay batayan ng wastong paggamit ng oras at panahon
a. kwentuhan ng walang kabuluhan
b. walang plano kung ano ang gagawin sa araw na iyon
c. matutong magbudget ng oras sa lahat ng gawain
d. walang katiyakan sa pagtatakda ng panahon

19. Alinsa mga sumusunod ang labag sa karapatan ng mga manggagawa


a. karapatan sa maayos na trabaho
b. karapatan sa makatao at maayos na kondisyon sa pagtatrabaho
c. hindi pagbibigay ng permit sa mga manggagawa
d. pagbibigay sa mga karapatan para sa benepisyo
20. Alin sa mga paraang ito ang hindi makatarungan?
a. pagra-rally c. Pananakit
b. pagdedemanda o paghahabla d. Hindi makikipag-usap sa kaalitan
21. Ang SK ay ang governing body ng katipunan ng mga kabataan na binubuo na may isang _______
a. tagapangulo at pitong miyembro c. Tagapangulo at isang kalihim
b. tagapangako at apat na miyembro d. Tagapangako at isang kalihim
22. Alin ang hindi nagpapahiwatig ng positibong pananaw
a. titigil na lang ako sa pag-aaral
b. sisikapin kong makapagtapos ang aking mga kapatid
c. pipilitin kong manalo sa paligsahan
d. ipapanalangin kong makapasa ka
23. Alin ang hindi nagpapakita ng katapatan sa paggawa
a. handang maglaan ng ekstrang oras c. Dumarating sa oras
b. hindi nandaraya d. Pinagtatakpan ang pagkakamali ng iba
24. Ang katapatan sa paggawa ay kakambal ng
a. pagtanda c. Paglaki
b. pag-unlad d. Pag-aaral
25. Ano ang dapat bigyan ng pansin kung maghahanap ng trabaho
a. mattas na sahod o sweldo c. Desente at titingalain ka sa lipunan
b. angkop sa kakayahan at kaalaman d. Malapit at tahimik
26. Ang tao ay may tamang layunin sa paggawa ay
a. hindi tumitigil sa paggawa
b. hindi iniisip ang benepisyo sa kanyang paggawa
c. hindi nagkakaroon ng negatibong pakiramdam sa paggawa
d. wala sa nabanggit
27. Ang tagumpay ay hindi ibinibigay, ito ay ginagawa, ano ang ibig sabihin nito?
a. kailangan ang kasipagan at tiyaga sa gawain
b. upang magtagumpay, magpakitang ka sa namumuno
c. isipin mong madali lang ang gawain at maging masayahin
d. pakaingatan at itago sa lahat
28. Mainitan ang laro, maya-maya ay biglang ngkagulo sa loob ng basketball court, nakita mo na lamang na pinatutulungan
ang Captain ball ninyo. Ano ang gagawin mo?
a. panonoorin ko ang nangyayari
b. susugod ako sa gitna at gaganti sa mga kalaban
c. tutulong ako sa pag-awat sa mga nag-aaway
d. hihingi ako ng tulong sa mga pulis.
29. Kapag ikaw ay pinagkakatiwalaan ng isang grupo tungkol sa inyong koleksiyon sa anumang bagay sa eskuwelahan,
ano ang dapat mong gawin?
a. itatago mo ito para hindi mawawala
b. ibinili mo ng mga pangangailangan mo sa iyong katawan
c. ipapahiram mo sa iyong mga kaklase
d. lahat ng mga nakasulat ay tama
30. May isang matandang babae na nagpapalimos sa harap ng simbahan at ito ay humingi ng tulong sa iyo, ano ang
gagwin mo?
a. pagmamaramutan c. Iiwasan dahil marumi siya
b. pandidirihan dahil marumi siya d. Bibigyan mo dahil naaawa ka sa kanya
31. Nakatanggap ka ng promosyon sa trabaho, ano ang dapat mong gawin?
a. magblow-out bilang pasasalamat c. Ipagmalaki at tumaas ang iyong sahod
b. pagbubutihin pa dahil sa pagtitiwalang ibinigay d. Magpasaya sa mga kaanak
32. Ano ang unang hakbang sa paglutas ng suliranin sa pamayanan?
a. pagsusuri sa problema c. Pagtukoy sa suliranin
b. pagpaplano ng solusyon d. Pagrerekomenda sa dapat gawin
33. Ito ang pangalawang tahanan kung saan ginugugol ng kabataan ang maraming oras sa bawat araw.
a. paaralan b. parke c. Simbahan d. Pamahalaan
34. Alin sa mga sumusunod na propesyon o trabaho ang may uri ng pagkukumpuni ng mga gadgets/elektroniks
a. designer b. electronics engineer c. Director d. Chemical engineer
35. Hanggat nasisiyahan at minamahal ng isang tao ang kanyang ginagawa, nakakaranas siya ng ______ ng kanyang
pagiging nilalang.
a. kagalingan b. kaganapan c. Kaayusan d. Kaligayahan
36. Tawag sa taong marunong tumanggap ng puna.
a. punctual b. open-minded c. Presentable d. Dependable
37. Paano nagsisimula ang responsibilidad ng tao?
a. sa pamamagitan ng wastong paghubog niya sa ibang tao
b. sa pamamagitan ng paghubog ng ibang tao sa kanya
c. sa pamamagitan ng wastong paghubog niya sa sarili
d. Sa pamamagitan ng pagtatrabaho

38. Paano nahahasa at lumalakas ang maraming bahagi ng ating pagkatao?


a. sa pamamagitan ng pagtatrabaho c. sa pamamagitan ng paglilibang
b. sa pamamagitan ng mahabang pamamahinga d. B at C ang sagot
39. Saan nakasaad ang mga karapatanng isang manggagawang Pilipino?
a. Universal Declaration of Human Rights c. 1987 Konstitusyon ng Lipunan
b. Labor code of the Philippines d. lahat ng nabanggit
40. Alin sa mga sumusunod ang HINDI sumisimbolo ng PAGGAWA?
a. katanyagan at kapangyarihan ng pangalan c. pag-ibig ng Diyos sa kanyang mga nilalang
b. karangalan at kaganapan ng pagkatao d. pag-aalayng serbisyo sa kapwa
41. Kailang nagkakaroon ng elementong ispiritwal ang paggawa?
a. kung madalas tayong magbasa ng Banal na Kasulatan
b. kung tayo ay madalas sumangguni sa mga nakatataas
c. kung tayo ay nagtatrabaho ng higit pa sa itinakdang oras
d. kung gumagawa ang buong pagkatao,katawan at kaluluwa
42. Sa edad na 65, ang isang empleyado ay bibigyan ng
a. optional retirement c. Compulsary requires
b. resignation d. Dicmissal
43. Alin sa mga sumusunod ang nakatutulong upang magkaroon ng positibong pagtingin sa paggawa?
a. pagkilala sa mga kasamaan sa trabaho
b. pagkilala sa moral na batayan ng paggawa
c. pagkilala sa magulang
d. pagkilala sa kahinaan ng iba
44. Kailangan igalang ng tao ang iba dahil lahat tayo ay
a. may isip c. Mga maggagawa
b. may konsensiya d. May dignidad
45. Kailan may dignidad ang paggawa?
a. kung nakapagpapaligaya sa sarili
b. kung kaakit-akit ito sa tingin ng iba
c. kung kapuri-puri ito at nakatutulong sa laht
d. kung nagbibigay ito ng karangalan
46. May mga taong sa kabila ng kasaganaan ay hindi nakakaranas ng
a. kaligayahan c. Katatagan
b. katuwaan d. Kasigasigan
47. Ano ang pinakamahusay na paraan sa paglutas ng hidwaan
a. pag-iwas c. Komprontasyon
b. pag-antala ng kausap d. Pagkalbo na ng kagubatan
48. Ang mga sumusunod ay nakakatulong sa ating kalikasan, alin ang hindi?
a. paggamit ng teknolohiya c. Malinis na kapaligiran
b. pagtatanim ng puno d. Pagkalbo ng gubat
49. Ang responsibilidad ay isang mabigat na gawain subalit hindi ito ang dahilan upangupang hindi gampanan ang mga
inatang sa atin. Alin sa mga susunod ang dahilan kung bakit HINDI natin ito magampanan?
a. kawalan ng organisasyon at pagpaplano sa mga gawain
b. lumakad ang responsibilidad
c. pagnanais na magampanan ang mga gawain ng maayos
d. pagkakaroon ng positibong pananaw na matapos din ang mga gawain
50. Alin sa mga sumusunod na katangian ang dapat taglayin ng mga tao sa isang maka-Diyos at makataong lipunan?
a. nagkakabuklod para sa isang mithiin at para sa kabutihang panlahat
b. partisipasyon upang mapaunlad ang sarili
c. magamot ang kaalaman sa pagsisislbi sa ilan
d. may paggalang lamang sa mga namumuno sa lipunan

Inihanda ni:

Maria Theresa B. Lucas


Guro sa EsP Ipinasuri kay:

Domingo R. Baldovino
Principal II

You might also like