You are on page 1of 5

Buenavista National High School

Buenavista, Looc, Romblon

Ikatlong Lagumang Pagsusulit sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9

S.Y. 2017-2018

Pangalan: Iskor:
Pangkat:

1. Ang katarungan ay pagbibigay sa kapwa ng nararapat sa kanya. Alin sa sumusunod na sitwasyon


ang nagpapakita nito?
A. Kumakain ng sabay – sabay ang mga miyembro ng pamilya
B. Pinapayuhan ang kapatid na gawin ang kanyang gawaing bahay
C. May “Feeding program” ang paaralan para sa mga mag – aaral na kulang ng timbang
D. May bumibili sa lahat ng paninda ng tinder sa palengke upang makauwi ito ng maaga
2. Alin sa sumusunod ang kilos ng isang makatarungang tao?
A. Pinag – usapan ng mga manggagawa ang kasalukuyang nangyayari sa sistemang legal ng
bansa
B. Inaalam ng mga mag – aaral na ang kanilang tungkulin at karapatan sa lipunan
C. Binisita ng guro ang mag – aaral na ayaw ng pumasok upang kausain siya at ang kanyang
mga magulang na bumalik ito sa pag – aaral
D. Nagkikita – kita ang kabataang lalaki sa auditorium ng kanilang barangay tuwing Sabado
ng hapon upang maglaro ng basketball.
3. Alin ang nagpapatunay na nagsisimula sa pamilya ang pagiging makatarungan?
A. Natututong tumayo sa sarili at hindi na umaasa ng tulong mula sa pamilya.
B. Nagiging bukas ang loob natumanggap sa pagkakamali at hindi naninisi ng iba
C. Nagkakaroon ng kamalayan sa sarili sa tulong ng mga magulang at mga kapatid
D. Nagagabayan ng mga mahal sa buhay na lumaking may paggalang sa karapatan ng iba
4. Bakit mahalaga sa katarungan na ibinababatay sa Moral na Batas ang Legal na Batas?
A. Ang Moral na Batas ay napapaloob sa sampung utos ng Diyos.
B. Ang Moral at Legal na Batas ay parehong nagdudulot ng kabutihan sa buhay ng tao
C. Ang pagpapakatao ay napapatingkad kung ang legal na batas ay alinsunod sa Moral na
Batas.
D. Hindi maaaring paghiwalayin ang Moral at Legal na batas upang magkaroon ng
katarungan sa lipunan.
5. “Ang batas ay para sa tao at hindi ang tao para sa batas”. Ano ang kahulugan ng pahayag na ito?
A. Nakatakda na ang mga batas na kailanganng sundin ng tao habang siya ay nabubuhay.
B. Ang mga itinakda na batas ay para sa ikabubuti ng tao kaya dapat niyang sundin lahat ng
mga ito.
C. Malalaman ng tao ang mangyayari sa kanyang buhay kung susuwayin niya ang mga
itinakda na batas
D. Itinakda nag batas upang gabyan ang tao sa kanyang pamumuhay at hindi upang
diktahan nito ang kanyang buhay
6. Alin ang makabuluhang paraan ng pagsasabuhay ng katarungang panlipunan?
A. Sundin ang batas trapiko at mga alintuntunin ng paaralan
B. Maging mabuting magaaral at mamamayan ng bansa
C. Igalang ang karapatan ng kapuwa
D. Pagaralan at sundin ang mga alintuntunin ng tahanan,paaralan,lipunan,at simbahan
7. Bakit isinasaalang-alang ng katarungang panlipunan ang paggalang sa dignidad ng tao?
A. Binubuo ng tao ang lipunan
B. Magkakasama na umiiral sa lipunan ang mga tao
C. Mahalaga ang pakikipag kapwa sa lipunang kinabibilangang
D. May halaga ang tao ayon sa kanyang kalikasang taglay bilang tao
8. Ang sumusunod ay mabisang pagsasanay sa pagiging makatarungang maliban sa
A. Pag-unawa sa kamag-aral na palaging natutulog sa klase
B. Paggabay ng magulang sa anak habang ito ay lumalaki
C. Pagninilay sa mga nagawa sa buong araw bago matulog sa gabi
D. Pagsisikap na gumawa ng mga mabubuting bagay para sa kapuwa araw-araw
9. Maganda ang pagkakagawa ng pamilya ni Suzanne sa mga bag na yari sa tetra pack ng juice.
mabili ang mga ito lalo na iyong may ibat-ibang kulay at disenyo. alin sa sumusunod na pahayag
ang nagsasabuhay o nagpapakita ng kagalingan ng tao sa paggawa?
A. Nagiging malikhain ang tao sa paggamit sa kanyang kakayahan
B. Nakagagawa ng paraan ang tao upang iangat ang kanyang pamumuhay
C. Nagkakaroon ng pagkakataon ang tao na magsama-sama sa mithiin ng lipunan
D. Nagkakaroon ng kadahilanan ang tao upang mabuhay
10. Inilunsad ng isang kilalang kumpanya ng softdrinks in can ang proyektong “Ang latang naitabi
mo,panibagong pamatid uhaw ang dala nito sayo” upang makaipon ng maraming lata na
ibibigay sa Tahanang Walang Hagdan.ang programang ito ay tumutugon sa mga
pagpapahalagang may roon ang pagawaan o ang kumpanya sa paglikha ng isang produktong
may kalidad at nakikibahagi sa lipunan,lalo na sa mga may kapansanan. kung ikaw ang lilikha ng
produkto alin sa sumusunod ang dapat mong isaalang-alang ?
A. Gumawa ng produktong kikita ang tao
B. Gumawa ng produktong makakatulong sa buhay ng tao
C. Gumawa ng produktong magpapabago sa buhay ng tao
D. Gumawa ng produktong ayon sa kalooban ng Diyos
11. Laging pagod si Katrina sa trabaho niya bilang taga luto at taga hugas ng plato sa
pinapasukang karinderya pero hindi siya magrereklamo at nag papabaya sa kanyang
tungkulin.paano isinasabuhay ni Katrina ang kagalingan niya sa paggawa?
A. Ginagawa niya ng may kahusayan ang kanyang tungkulin
B. May pagmamahal at pagtatangi siya sa kaniyang trabaho
C. Ang kaganapan nang kaniyang pagiging mabuting manggawa ay kaganapan ng
kaniyang pangarap
D. Ang pagnanais na magkaroon ng karagdagang benepisyo sa trabahong ginagawa
12. Sa pagreretiro ni mang rene, nakatanggap siya nang mga benepisyong hindi niya inaasahan mula
sa pabrikang kaniyang pinaglilingkuran ng mahigit sa 40 taon.Bukod dito,binigyan din siya ng
plake ng pagkilala bilang natatanging manggagawa ng pabrika.palatandaan ng kagalingan niya sa
paggawa ang pagtanggap ba ng benepisyo at pagkilala ni mang rene?
A. Oo,sapat na basihan ang 40 na taon niyang paglilingkod
B. Hindi, binibigay talaga ang parangal at benepisyo sa isang manggawa sa oras na
siya ay magretiro bilang bahagi nang kaniyang karapatan bilang isang
manggagawa
C. Oo,hindi ibibigay ng isang kumpanya ang pagkilala at benepisyo sa
manggagawang hindi nararapat o gawaran nito
D. Hindi, binigay lang parangal upang maging masaya si mang rene dahil sa edad na
mayroon siya
13. Hindi natapos ni baldo ang kaniyang kolehiyo dahil sa hirap ng buhay.sa kabila nito siya ay
matagumpay dahil sa negosyong kaniyang itinayo at pinaunlad.naging madali ito para sa kanya
dahil ito ay ayon sa kaniyang gusto at hilig.ano ang katangian ang mayroon si baldo?
A. Masipag,madiskarte,at matalino
B. May pananampalataya,malikhain,may disiplina sa sarili
C. Maganda ang relasyon niya sa Diyos,may pagpapahalaga sa sarili,kapuwa at bansa
D. May angking kasipagan,pagpupunyagi,at tiwala sa sarili
14. Malapit na ang pasko,abala ang gumagawa ng palamuti dekorasyong siguradong mabenta. Ano
ang magandang motibasyon na dapat isaalang-alang ng gumagawa nito?
A. Materyal na bagay at pagkilala ng lipunan
B. Personal na kaligayahan na makukuha mula ditto
C. Pag-unlad ng sarili,kapuwa,at bansa
D. Kaloob at kagustuhan ng Diyos
15. Pinalitan ni lesie ang nagretirong punong-guro ng kanilang paaralan.maraming nagsasabing hindi
niya kayang higitan ang kabutihang nagawa at tagumpay na narating ng huli.alin sa sumusunod
ang dapat niyang linangin upang mapatunayan na siya ay karapat-dapat sa posisyong ibinigay sa
kaniya?
A. Magpakumbaba at ipagpatuloy ang mga programang nasimulan ng dating punong-guro
B. Gamitin ang ganda,angking karisma,talino,at kasipagan
C. Maging masipag,masigasig,at malikhain sa pagsasabuhay ng kaniyang trabaho
D. Sundin ang payo at gusto ng mga matatandang guro upang maging maganda ang
relasyon ng mga ito
16. Bata palang si juan Daniel,pinangarap na niyang maging isang guro tulad ng kaniyang mga
magulang.alin sa sumusunod ang dapat niyang isaalang-alang upang maging madali sa kaniyang
maabot ang pangarap at sa huli’y magkaroon ng kagalingan sa paggawa?
A. Maging masipag,mapagpunyagi,at magkaroon ng disiplina sa sarili
B. Magkaroon ng sapat na kaalaman sa paghawak ng pera at paraan ng paggastos
C. Maging matalino,marunong magdala ng damit,magaling makipag usap
D. Magkaroon ng kakayahang kontrolin ang sarili sa lahat ng pagkakataon
17. Hindi naging madali kay G. sandy Javier ang pagpapaunlad ng andok’s. sa kabila ng mga
pagsubok,na pagtagumpayan pa rin niya ito.paano kaya tiningnan ni G. Javier ang pagkabigong
dinanas kaya ito nagtagumpay?
A. Itinuring niya itong hamon na kailangang malampasan
B. Pinag-aralan ang sitwasyon at pinagisipang gagawing hakbang
C. Ang pagkabigo ay paraan ng pagsusulit sa kaniya
D. Ang pagkadapa ay hindi senyales upang tuluyang malugmok
18. Alin ang hindi nag papakita ng katangiang patuloy na pagkatuto gamit ang panlabas na
pangdama?
A. Lagging nakikinig sa ibat-ibang instrumentong pang musika si Roberto del
Rosario,imbentor ng karaoke
B. Gumugugol na maraming oras si Leonardo da vinci upang pagmasdan ang mga ibong
lumilipad at hugis ng bulaklak at dahon
C. Pinauunlad ng mga magsasakang hapones ang pagtatanim ng maraming sa tabi ng
palaisdaan dahil nahinuha nila ang kaugnayan ng malusog na isda sa malusog na
ecosystem
D. Inoobserbahan ng mga scientist ng maraming oras ang kanilang specimen bago bumuo
ng konklusyon tungkol ditto
19. Mula sa saknong ng isang salita “Marami ang nagtuturing na mahirap daw itong buhay,araw-
araw ay paggawang tila rin walang humpay ;datapuwat isang pantas ang nagbadya at
nagsaysay;tagumpay ay nakakamit kapag tao ay masikhay.’’
A. Mahirap ang buhay kaya’t ang tao ay kinakailangan na magtiis
B. Kahit mahirap ang buhay ang tao ay dapat na maging marangal
C. Sa kabila ng kahirapan,ang tao ay kinakailangan na maging masipag
D. Mahirap man ang buhay ang tao ay hindi dapat mawalan ng pag-asa
20. Ang sumusunod ay kahulugan ng kasipagan maliban sa:
A. Ito ay pagsisikap na gawin o tapusin ang isang Gawain na mayroong kalidad
B. Ito ay pagtingin ng kasiyahan at positibo sa isang Gawain
C. Nakatutulong ito sa tao sa kaniyang pakikipagrelasyon sa kanyang Gawain,kapuwa at
lipunan
D. Tumutulong ito sa tao na malinang ang mabubuting katangian tulad ng tiwala sa sarili
mahabang pasensya,katapatan at disiplina
21. Si rony ay sadyang masipag,hindi siya nagmamadali sa kaniyang Gawain at sinisiguro niya na
magiging maayos ang kalalabasan nito.ano ang kayang palatandaan sa kasipagan ang taglay ni
rony?
A. Hindi umiiwas sa anumang Gawain
B. Ginagawa ang Gawain nang may pagmamahal
C. Nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa
D. Hindi nagrereklamo sa ginagawa
22. Ang isa sa palatandaan ng taong nagtataglay ng kasipagan ay hindi pag-iwas sa anumang
Gawain.alin sa mga halimbawa ang nagpapakita nito?
A. Si marife ay hindi na kailangan pang utusan ng kaniyang ina sa Gawaing bahay.siya ay
gumagawa ng mayroong pagkukusa
B. Si jasmine ay palaging nagbibigay ng kaniyang malasakit sa anumang Gawain na
ipinapagawa sa kaniya ng kaniyang ina.
C. Masipag si hans;sa tuwing siya ay nag-aaral ay binibigay niya ang kaniyang panahon at
oras ng buong husay
D. Sa tuwing gumagawa ng proyekto sa paaralan si marian ay hindi siya ginagawa ito ng
basta-basta lamang matapos kundi naghahanap siya ng perpektsyon.

-------GOD BLESS-------

Prepared by:

ANJENNETH C. TEÑOSO

SST-1

You might also like