You are on page 1of 8

Review the following:

Panuto: Basahing at unawaing Mabuti ang mga pahayag at piliin ang pinakatamang sagot.

1. Bakit kailangan ng isang nilalang na maging makatarungan sa kanyang kapwa?

a. ito ang pinag-uutos ng batas

b. ito ang pinag-uutos ng magulang

c. dahil tungkulin niya ang maging isang makatarungan

d. dahil siya ay tao at namumuhay sa lipunan ng mga tao

2. Alin sa sumusunod ang katangian ng isang taong makatarungan?

a. Ginagamit mo ang iyong lakas sa paggalang sa batas .

b. Ginagalang mo ang karapatan ng iyong kapwa tao.

c. Isinasaalang-alang mo ang pagiging patas sa lahat ng tao.

d. lahat ng nabanggit.

3. Alin sa sumusunod ang sumasalamin sa hindi makatarungang ugnayan ng tao

sa kanyang kapwa?

a. Pagpapasara sa isang negosyo na walang permit.

b. Pagbibigay ng parusa sa taong nagkamali sa batas.

c. Pakikialam sa buhay at pamumuhay ng kapitbahay .

d. Pagsumbong sa otoridad sa kapitbahay na gumagamit ng droga.

4. Ang pandaraya sa negosyo ay nagdudulot ng kawalan ng katarungan.

a. Tama, dahil hindi ito nagdudulot ng kabutihan para sa lahat.

b. Mali, natural lamang ang ganitong gawain sa negosyo.

c. Mali, dahil hindi lahat ng tao ay may kaalaman sa pandaraya.

d. Tama, basta sumusunod lamang sa umiiral na batas.

5. Ano ang pangkalahatang batayan ng isang makatarungang lipunan?

a. Ang lahat ng mamamayan ay sumusunod sa batas sibil.

b. Ang lahat ng mamamayan ay may oportunidad na makapaghanapbuhay.

c. Ang lahat ng mamamayan protektado sa lahat ng uri ng krimen at pang-

aabuso.

d.Ang lahat ng mamamayan ay kumikilos at nakikinabang sa kabutihang


panlahat.

6. Hindi makatarungan ang isang batas sibil kung hindi nasusunod ang batas

moral. Ang pahayag ay _________.

a. Tama, sapagkat ang batas sibil ay nakabatay sa batas moral.

b. Mali, walang kaugnayan ang batas sibil sa batas moral.

c. Tama, dahil parehas lamang ang kahulugan ng mga batas.

d. Mali, hindi tama na iugnay ang dalawang magkaibang uri ng batas.

7. Alin sa mga sumusunod ang hindi sumasalamin sa tungkulin ng magulang

upang mahubog ang pagkamakatarungan ng anak?

a. Gabayan ang anak upang maiwasan ang di-makatarungang gawain.

b. Ipaliwanag sa anak ang kahalagahan ng paggalang sa kapwa.

c. Turuan ang anak upang isaayos ang mga pagkakamaling nagawa sa

kapwa.

d. Turuan ang anak na ipagtanggol ang sarili sa mga mang-aapi na

kaklase at ipaglaban ang kanyang karapatan.

8. Ang pagkakaisa ay maaring magbunga ng kapayapaan. Ang pahayag ba ay

tama o mali?

a. Tama, kung ang lahat ay kikilos tungo sa kabutihang panlahat.

b. Mali, imposible na magkaisa ang mga tao dahil sa pagkakaiba-iba ng

paniniwala at prinsipyo.

c. Tama, kung matutulungan ang mahihirap na umangat sa buhay.

d. Mali, dahil mahirap na isantabi ang personal na adhikain sa buhay.

11. Ang katarungan ay pagbibigay sa kapwa ng nararapat sa kanya. Alin

sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita nito?

a. Kumakain ng sabay-sabay ang mga miyembro ng pamilya.

b. Pinapayuhan ang kapatid na gawin ang kanyang gawaing bahay.

c. Nagkakaroon ng “Feeding Program” ang paaralan para sa mga magaaral na kulang ng timbang.

d. Bumibili ang lahat sa paninda ng tindera sa palengke upang

makauwi ito nang maaga.


9. Alin sa sumusunod ang angkop na kilos ng isang makatarungang

tao?

a. Pinag-usapan ng mga manggagawa ang kasalukuyang

nangyayari sa sistemang legal ng bansa.

b. Inaalam ng mga mag-aaral ang kanilang tungkulin at karapatan sa

lipunan.

c. Binibisita ng guro ang mag-aaral na ayaw nang pumasok upang

kausapin siya at ang kanyang mga magulang na bumalik ito sa pagaaral.

d. Nagkikita-kita ang kabataang lalaki sa auditorium ng kanilang

barangay tuwing Sabado ng hapon upang maglaro ng basketbol.

10. Ang sumusunod ay nagpapakita ng pag-unawa sa karapatan ng kapwa

maliban sa _________.

a. Pag-unawa sa kamag-aral na palaging natutulog sa klase.

b. Paggabay ng magulang sa anak habang ito ay lumalaki.

c. Pagninilay sa mga nagawa sa buong araw bago matulog sa gabi.

d. Pagsisikap na gumawa ng mga mabubuting bagay para sa kapwa

11. Ano ang tamang pagtugon upang makamit ang Katarungan Panlipunan?

a. Ikulong ang lumabag sa batas.

b. Patawarin ang humingi ng tawad

c. Sumunod sa tamang proseso

d. Bigyan ng limos ang namamalimos

12. Bakit mahalagang maunawaan ang mga pagpapahalaga na kaugnay ng

katarungang panlipunan? Base sa mga pagpipilian, aling pahayag ang

maaaring angkop na sagot?

I. Malalaman mo kung bakit kaugnay ang mga ito sa katarungang

panlipunan.

II. Makikita mo kung alin sa mga kaugnay na pagpapahalaga ang

kailangan mo para sa iyong sarili.

III. Matataya ang mabisang paraan ng iyong pagsisikap na magpakatao


at sa pagtugon sa hamon ng pagiging makatarungan sa kapwa

IV. Mapa-unlad ang kaalaman tungo sa pagtupad ng katarungang

panlipunan.

a. I&II b. II&III c. IV&II d. III&IV

13. Alin sa mga sumusunod ang hindi makatarungang aksyon?

a. Ang pagbibigay ng bagsak na grado sa isang mag-aaral na hindi

nakakatupad sa mga kakailanganin sa klase.

b. Ang pagbibigay ng limos sa namamalimos sa kalye.

c. Ang pagkulong sa mga nahuling kargador ng droga

d. Ang pagsang-ayon sa maling pasya ng kaibigan

14. Alin ang isang patunay na may tungkulin ang bawat isa na tumulong sa

mga nangangailangan?

a. Anuman ang mangyari sa iba ay may epekto sa ating lahat na

kabilang sa lipunan.

b. Ang pagtulong sa mga nangangailangan ay nasasaad sa batas na

umiiral sa lipunan.

c. Bilang isang mapanagutang indibiduwal, ang pagtulong sa kapwa ay

tungkulin na hindi natin maitatanggi.

d. Sa anumang pagkakataon nararapat na tayo ay tumulong sa mga

nangangailangan.

15. Anong bahagi o sangay ng lipunan ang may pananagutan sa pagpapanatili

ng kaayusan at kapayapaan sa pamayanan? a. Simbahan

b. Pamahalaan

c. Pamilya

d. Paaralan

16. Maganda ang pagkakagawa ng mga bag na yari sa tetra pack ng inumin

ng pamilya nina Suzanne. Mabenta ang mga ito lalo na yung mga bag na

may iba’t ibang kulay at disenyo. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang

nagsasabuhay o nagpapakita sa kagalingan ng tao sa paggawa?


A. Nagiging malikhain ang tao sa paggamit ng kanyang mga kakayahan.

B. Nakagagawa ng paraan ang tao upang iangat ang kanyang

pamumuhay.

C. Nagkakaroon ng pagkakataon ang tao na magsama-sama sa mithiin ng

lipunan.

D. Nagkakaroon ng kadahilanan ang tao upang mabuhay.

17. Inilunsad ng isang kilalang kumpanya ng “softdrinks in can” ang proyektong “Ang latang naitabi mo,
tulong sa kapwa mo”. Ang mga nalikom na lata ng softdrinks ay iri-recycle sa pamamagitan ng paglikha

ng mga bagong produkto na maaaring ipagbili upang makalikom ng pera na ibibigay sa Tahanang Walang
Hagdan. Ang programang ito ay tumutugon sa mga pagpapahalagang mayroon ang pagawaan o ang
kumpanya sa paglikha ng isang produktong may kalidad at nakikibahagi sa lipunan, lalo na sa mga may
kapansanan. Kung ikaw ang lilikha ngprodukto, alin sa mga sumusunod ang dapat mong isaalang-alang?

A. Gumawa ng produktong kikita ang tao.

B. Gumawa ng produktong makatutulong sa tao.

C. Gumawa ng produktong magpapabago sa buhay ng tao.

D. Gumawa ng produktong ayon sa kalooban ng Diyos

18. Laging pagod si Katrina sa trabaho niya bilang tagaluto at tagahugas ng plato sa pinapasukang
karinderya pero hindi ito nagrereklamo at nagpapabaya sa kanyang tungkulin. Paano isinasabuhay ni
Katrina ang kagalingan niya sa paggawa?

A. Ginagawa niya nang may kahusayan ang kanyang tungkulin.

B. May pagmamahal at pagtatangi siya sa kanyang katrabaho.

C. Ang kaganapan nang kaniyang pagiging mabuting manggagawa ay kaganapan ng kaniyang pangarap.

D. Ang pagnanais na magkaroon ng karagdagang benepisyo sa trabahong ginagawa.

19. Sa pagreretiro ni Mang Rene, nakatanggap siya nang mga benepisyong hindi niya inaasahan mula sa
pabrikang kaniyang pinaglingkuran ng mahigit sa 40 taon. Bukod dito, binigyan din siya ng plake ng
pagkilala bilang natatanging manggagawa ng pabrika. Palatandaan ba ng

kagalingan niya sa paggawa ang pagtanggap ng benepisyo at pagkilala kay Mang Rene?

A. Oo, sapat na basehan ang 40 na taon niyang paglilingkod.

B. Hindi, binibigay talaga ang parangal at benepisyo sa isang manggagawa sa oras na siya ay magretiro
bilang bahagi nang kanyang karapatan bilang isang manggagawa.

C. Oo, sapagkat ibibigay ng isang kompanya ang pagkilala at benepisyo sa manggagawang nararapat
bigyan o gawaran nito.
D. Hindi, ibinigay lang ang parangal upang maging masaya si Mang Rene dahil sa edad na mayroon siya.

20. Hindi natapos ni Baldo ang kanyang kolehiyo dahil sa hirap ng buhay. Sa kabila nito
siyaaymatagumpay dahil sa negosyong kanyang itinayo at pinaunlad. Naging madali ito para sa kanya
dahil ito ay ayon sa kanyang gusto at hilig. Ano ang katangian mayroon si Baldo?

A. Masipag, madiskarte at matalino.

B. May pananampalataya, malikhain, at may disiplina sa sarili.

C. Maganda ang relasyon niya sa Diyos, may pagpapahalaga sa sarili, kapwa at bansa.

D. May angking kasipagan, pagpupunyagi at tiwala sa sarili.

21. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng tunguhin sa paggawa?

A. Mapabibilis ang paggawa.

B. Magkakaroon ng sense of achievement.

C. Magiging epektibo sa pamamahala ng paggamit ng oras sa paggawa.

D. Matutugunan ang mga inaasahang kakayahan at kilos sa panahon

ng pagdadalaga at pagbibinata.

22. Paano natin makakamit ang mas mataas na layunin ng paggawa?

A. Pagsisikapan ang mahihirap na gawain.

B. Bibilisan ang paggawa upang makahabol sa dedlayn.

C. Paggawa nang maayos at pagtatapos ng gawain bago ang takdang oras.

D. Magpapaturo sa kasamahan na sanay sa gawain upang maging maayos ang kalalabasan ng ginawa.

23. Aling kakayahan ng tao ang tumutukoy sa epektibo at produktibong paggamit ng oras sa anumang
aspeto?

A. Pamamahala ng oras

B. Nagagawa ang lahat ng gawaing bahay

C. Marami ang nasasalihan na organisasyon sa paaralan

D. Pamamahala ng mga patung-patong na proyekto ng mga asignatura

24. Maganda ang binitawang hamon ng Tagapagsalita sa mga mag-aaral na magtatapos sa taong ito
bilang susi upang maiangat ang sarili, pamilya, kapwa at bansa sa kabuoan. Alin ang maaaring maging
instrumento upang maisabuhay ito?

A. Gumawa ng produkto o gawain para sa tao at sa Diyos.

B. Gumawa ng produkto o gawain na pagkakakitaan.


C. Gumawa ng produkto o gawaing makatutulong sa tao at bansa.

D. Gumawa ng produkto o gawaing magiging intsrumento ng kapayapaan.

25. Ang kasipagan ay tumutulong sa tao upang higit niyang mapaunlad ang

kaniyang ___________.

a. Gawain c. Lipunan

b. Kaalaman d. Pagkatao

26. Ang mga sumusunod na katangian ay mga salitang may kaugnayan sa

pagpupunyagi maliban sa _________

a. Pag-iimpok c. Pagtitipid

b. Pagkamatapat d. Pagtatrabaho

27. Ang mga sumusunod ay dahilan kung bakit kailangan na mag-impok ang tao

ayon kay Francisco Colayco maliban sa:

a. Pagreretiro

b. Mga hangarin sa buhay

c. Maging inspirasyon sa buhay

d. Proteksyon sa buhay

28. Si Ella ay isang mag-aaral na nasa ika-9 na baitang. Kahit siya’y binibigyang ng

perang pambaon, gumigising pa rin siya ng maaga upang magluto para sa

kaniyang babaunin. Ang pera ay itinatabi niya para sa mahahalagang bagay

tulad ng pambili ng kagamitan sa proyekto niya sa iba’t ibang asignatura. Anong

katangian ang itinataglay ni Ella?

a. Matipid c. Masipag

b. Matiyaga d. Mapagmahal

29. Bilang kabataan, paano mo isasabuhay ang pagiging masipag lalo na sa panahon

ng pandemiya?

a. Paglalaan ng panahon sa mga utos ng iyong nanay at tatay.

b. Pamamahala ng oras sa pagsagot ng modyul, sa online na klase at sa

mga gawaing bahay.

c. Paggastos ng pera para sa mga mahahalagang bagay.


d. Pagpapanatili ng kalinisan at pagsunod sa mga patakarang isinasaad

ng pamahalaan upang maging ligtas.

30. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang HINDI nagpapakita ng paraan ng

pagtitipid?

a. Sa tuwing nanonood ng teleserye si Rosa, inoorasan niya ang

paggamit ng TV.

b. Si Teresa ay gumagamit ng baso sa tuwing siya ay nagsisipilyo.

c. Nagtatabi ng pera si Mario para pambili ng imported na laruan na

gusto niya.

d. Naglo-load lamang si Pilar sa cellphone tuwing may kailangang magonline sa kalse at magsasaliksik ng
aralin sa internet

You might also like