You are on page 1of 2

LAGUMANG PAGSUSULIT 9

Ika Tatlong Markahan (Linggo 1 at 2)


Pangalan: _________________________________________
Petsa:__________________________
Grado at Seksyon:_______________________ Puntos:
________________________

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Ang katarungan ay pagbibigay sa kapuwa ng nararapat sa kaniya. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita nito?
a. Kumain nang sabay – sabay ang mga miyembro ng pamilya.
b. Pinapayuhan ang kapatid na gawin ang kaniyang gawaing bahay.
c. May “feeding program” ang paaralan para sa mga mag – aaral na kulang ng timbang
d. May bumibili sa lath ng paninda ng tinder sa palengke upang makauwi ito nang maaga.
2. Anon g pangunahing prinsipyo ng katarungan ?
a. Palaging nakasasalamuha ang kapuwa
b. Paggalang sa karapatan ng bawat isa
c. May ugnayan na namamagitan sa dalawang tao
d. Tutulong ang mga mamamayan sa mga mahihirap
3. Alin sa mga sumusunod ang kilos na nagpapakita ng isang makatarungang tao?
a. Inaalam ng mga mag – aaral ang kanilang tungkulin at karapatan sa lipunan.
b. Binisita ng guro ang mag aaral na ayaw nang pumasok upang kausapin siya at ang kaniyang mga magulang na
bumalik ito sa pag – aaral.
c. Pinag – usapan ng mga manggagawa ang kasalukuyang nangyayari sa sistemang legal sa bansa.
d. Nagkikita – kita ang kabataang lalaki sa auditorium ng kanilang baranggay tueing sabado ng hapon upang maglaro
ng basketball.
4. Alin ang nagpapatunay na nagsisimula sa pamilya ang pagiging makatarungan ?
a. Natututong tumayo sa sarili at hindi na umaasa sa tulong mula sa pamilya.
b. Nagiging bukas ang loob na tumanggap sa pagkakamali at hindi naninisi ng iba.
c. Nagkakaroon ng kamalayan sa sarili sa tulong ng mga magulang at mga kapatid.
d. Nagagabayan ng mga mahal sa buhay na lumaking may paggalang sa karapatan ng iba.
5. Bakit mahalaga sa katarungan na ibinabatay sa moral na batas ang legal na batas?
a. Ang moral na batas ay napapaloob sa sampung utos ng Diyos.
b. Ang moral at legal na batas ay parehong nagdudulot ng kabutihan sa buhay ng tao.
c. Ang pagpapakatao ay napapatingkad kung ang legal na batas ay alinsunod sa moral sa batas.
d. Hindi maaaring paghiwalayin ang moral at legal na batas upang magkaroon ng katarungan sa lipunan.
6. Ang mga sumusunod ay palatandaan na mayroong nararamdamang katarungang Panlipunan, Maliban sa isa.
a. Sapat na pasahod sa mga manggagawa
b. Pantay na pagtingin ng batas
c. Murang pabahay
d. Pagtanggap ng mga tagapamahala ng lagay o suhol ng palihim
7. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng Paglabag sa katarungang Panlipunan ng mga mamamayan, maliban sa
isa.
a. Hindi pagpapaaral sa mga anak
b. Pagkitil sa buhay ng isa
c. Pagkakait ng pagkain sa mga anak
d. Pagbaba ng singil ng buwis
8. Ito ay ang sinusunod na panuntunan na nagbibigay ng karapatan sa sector ng ating lipunan na maaari nating
masabing dehado pagdating sa ibat ibang bagay gaya ng pagkita, kalagayan sa buhay, kapangyarihan, edad,
lahi o grupong etniko, kasarian at iba pa.
a. Katarungang Panglipunan c. Universal Health Care
b. Katarungan Panlahat d. Katarungang Pangangailangan
9. Ang lahat ay mga pananagutan ng mamayan maliban sa isa.
a. Maagap na pagbayad ng buwis c. Paggalang sa Karapatan ng iba
b. Pagtulong sa mga nangangailangan d. Pagbigay ng libreng edukasyon
10. Ang pagiging matapat sa paglilingkod ng mga manggagawa ay maipapakita sa pamamagitan ng?
a. Pagpasok sa hindi na tamang oras o late
b. Pagkaroon ng masidhing saloobin sa paggawa
c. Pakikipagkapwa o pakikisama sa mabuting Gawain.
d. Palaging Lumiliban sa pagtatrabaho

11. Ang mga pananagutan ng Mamamayan ay ___________.


a. Maagap na pagbayad ng buwis c. Pangungutong
b. Hindi pagbabayad ng buwis d. Paggalang sa batas
12. Alin ang nagpapakita ng hindi pananagutan ng mamamayan?
a. Pagtulong sa mga nangangailangan c. hindi ng lilingkod sa bayad
b. Maagap na pagbabayad ng buwis d. pangangalaga sa kalikasan
13. Tungkulin nitong igalang ang batas at ang may mga kapangyarihan?
a. Maagap na pagbabayad ng buwis c. pagpapaunlad ng sarili
b. Paggalang sa batas d. Paggamit ng karapatan
14. Bilang isang mamamayan karapatan mong tumulong sa mga nangangailangan. Alin ang hindi nagpapatunay
ng pagtulong sa nangangailangan?
a. Nagbibigay ka ng isang gantimpala sa nakapulot ng iyong pitaka
b. Nanghiram ng pera si Maria sa iyo para pambayad ng kanyang utang sa tindahan
c. Naglakad ka at may nakita kang isang matandang nahihirapang tumawid at tinulungan mo ito.
d. Tinulungan mo ang iyong kaklasi na dalhin ang mga aklat na galing sa library.
15. Tungkulin ng mamamayan na mapaunlad nito ang sarili upang maging kapakipakinabang sa bansa. Paano mo
dapat mapaunlad ang iyong sarili bilang karapat – dapat sa bansa?
a. Pagbubulakbol sa paaralan
b. Hindi pagsunod sa mga magulang
c. Paggugol ng oras sa paglalaro ng cellphone
d. Mag- aaral ng mabuti para makatulong sa pamilya at sa bansa.

Performance Task
Gumawa ng SLOGAN na nagsasaad ng Katarungang Panlipunan sa isang Bond paper.

You might also like