You are on page 1of 8

SERGIO OSMEŇA NATIONAL HIGH SCHOOL

GRADE 9
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
THIRD QUARTER EXAMINATION

Pangalan: __________________________________________________Petsa:________________________
Baitang/Seksyon:____________________________________________Iskor: _______________________
I. Panuto: Piliin ang titik ng pinaka-angkop na sagot at isulat ito sa patlang na nakalaan.

_____1. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa mga kaugnay na pagpapahalaga sa katarungang panlipunan?
A. pagkakaisa C. kapayapaan
B. pagmamahal D. pagpapakumbaba
_____2. Alin ang nagpapatunay na nagsisimula sa pamilya ang pagiging makatarungan?
A. Natututong tumayo sa sarili at hindi na umaasa ng tulong mula sa pamilya.
B. Nagiging bukas ang loob na tumanggap sa pagkakamali at hindi naninisi ng iba.
C. Nagkakaroon ng kamalayan sa sarili sa tulong ng mga magulang at mga kapatid.
D. Nagagabayan ng mga mahal sa buhay na lumaking may paggalang sa karapatan ng iba.
_____3. Pinagtatawanan at pinagkatuwaan ng barkada ni Marvin ang isang lalaki na may kakulangan sa pag-
iisip na nasa lansangan. Ang gawaing ito ay___________.
A. Mali, sapagakat hindi nila iginalang ang karapatan nito bilang tao.
B. Tama, sapagkat wala naman itong maayos na pag-iisip.
C. Mali, dahil ipinagbabawal ito ng batas.
D. Tama, dahil wala naman pakiaalam ang pamahalaan sa mga may kakulangan sa pag-iisip.
_____4. Bakit mahalaga sa katarungan na ibinabatay sa moral na batas ang legal na batas?
A. Ang moral na batas ay napapaloob sa sampung utos ng Diyos.
B. Ang moral at legal na batas ay parehong nagdudulot ng kabutihan sa buhay ng tao.
C. Ang pagpapakatao ay napapatingkad kung ang legal na batas ay alinsunod sa moral na batas.
D. Hindi maaaring paghiwalayin ang moral at legal na batas upang magkaroon ng katarung sa lipunan.
_____5. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng makatarungang ugnayan ni Anna Lisa sa kanyang kapwa?
A. Ang pagtulong niya sa kaibigan na nadapa.
B. Ang paggalang niya sa mga kasama sa simbahan.
C. Ang maayos niyang pakikisama sa mga guro sa paaralan.
D. Ang pagsunod niya sa utos ng magulang at nakakatanda.
_____6. “ Ang batas ay para sa tao at hindi ang tao para sa batas”. Ano ang kahulugan ng pahayag na ito.
A. Nakatakda na ang mga batas na kailangan sundin ng mga tao habang siya ay nabubuhay.
B. Ang mga itinakda na batas ay para sa ikabubuti ng tao kaya dapat niyang sundin lahat ng mga ito.
C. Malalaman ng tao ang mangyayari sa kanyang buhay kung susuwayin niya ang mga itinakda na
batas.
D. Itinatakda ang batas upang gabayan ang tao sa kanyang pamumuhay at hindi upang diktahan nito
ang kaniyang buhay.
_____7. Alin ang makabuluhang paraan ng pagsasabuhay ng katarungang panlipunan?
A. Sundin ang batas trapiko at ang mga alituntunin ng paaralan.
B. Maging mabuting mag-aaral at mamamayan ng bansa.
C. Igalang ang karapatan ng kapuwa.
D. Pag-aralan at sundin ang mga alituntunin ng tahanan, paaralan, lipunan at simbahan.
_____8. Anong uri ng batas ang maituturing na panloob na aspekto ng katarungan?
A. batas sibil C. legal na batas
B. moral na batas D. lahat ng nabanggit
_____9. Bakit isinasaalang-alang ng katarungang panlipunan ang paggalang sa dignidad ng tao?
A. Binubuo ng tao ang lipunan.
B. Magkakasama na umiiral sa lipunan ang mga tao.
D. May halaga ang tao ayon sa kanyang kalikasang taglay bilang tao.
_____10.Ang pangungurakot ng isang politiko ay sumasalamin ng kawalan ng katarungan sa lipunan. Ang
pangungusap ay ________.
A. Mali, dahil minsan talagang nagkakamali ang tao
B. Mali, dahil natural lang na masilaw ang tao sa pera at kapangyarihan
C. Tama, dahil ito ay hindi nagdudulot ng kabutihan para sa lahat
D. Tama, sapagkat ito ay hindi pinahihintulutan ng batas ng tao
_____11. Bakit kailangan ng isang nilalang na maging makatarungan sa kanyang kapwa?
A. ito ang pinag-uutos ng batas
B. ito ang pinag-uutos ng magulang
C. dahil tungkulin niya ang maging isang makatarungan
D. dahil siya ay tao at namumuhay sa lipunan ng mga tao
_____12. Alin sa sumusunod ang katangian ng isang taong makatarungan?
A. Ginagamit mo ang iyong lakas sa paggalang sa batas .
B. Ginagalang mo ang karapatan ng iyong kapwa tao.
C. Isinasaalang-alang mo ang pagiging patas sa lahat ng tao.
D. lahat ng nabanggit.
_____13. Alin sa sumusunod ang sumasalamin sa hindi makatarungang ugnayan ng tao sa kanyang kapwa?
A. Pagpapasara sa isang negosyo na walang permit.
B. Pagbibigay ng parusa sa taong nagkamali sa batas.
C. Pakikialam sa buhay at pamumuhay ng kapitbahay .
D. Pagsumbong sa otoridad sa kapitbahay na gumagamit ng droga.
_____14. Ang pandaraya sa negosyo ay nagdudulot ng kawalan ng katarungan.
A. Tama, dahil hindi ito nagdudulot ng kabutihan para sa lahat.
B. Mali, natural lamang ang ganitong gawain sa negosyo.
C. Mali, dahil hindi lahat ng tao ay may kaalaman sa pandaraya.
D. Tama, basta sumusunod lamang sa umiiral na batas.
_____15. Ano ang pangkalahatang batayan ng isang makatarungang lipunan?
A. Ang lahat ng mamamayan ay sumusunod sa batas sibil.
B. Ang lahat ng mamamayan ay may oportunidad na makapaghanapbuhay.
C. Ang lahat ng mamamayan protektado sa lahat ng uri ng krimen at pang- aabuso.
D.Ang lahat ng mamamayan ay kumikilos at nakikinabang sa kabutihang panlahat.
_____16. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng makatarungang ugnayan ni Camille sa kalipunang kanyang
kinabibilangan?
A. Ang paggalang sa opinyon ng kaibigan tungkol sa relihiyon at paniniwala.
B. Ang pagtulong sa matanda upang makatawid sa lansangan.
C. Ang paggalang sa lahat ng guro sa kanyang paaralang pinapasukan.
D. lahat ng nabanggit.
_____17. Sa aling uri ng batas napapaloob ang pagpapanatili ng maayos na ugnayan ng tao sa kanyang kapuwa
at sa lipunan?
A. batas sibil C. batas sibil at moral na batas
B. moral na batas D. batas ng Diyos

_____18. Hindi makatarungan ang isang batas sibil kung hindi nasusunod ang batas moral. Ang pahayag
ay______.
A. Tama, sapagkat ang batas sibil ay nakabatay sa batas moral.
B. Mali, walang kaugnayan ang batas sibil sa batas moral.
C. Tama, dahil parehas lamang ang kahulugan ng mga batas.
D. Mali, hindi tama na iugnay ang dalawang magkaibang uri ng batas.
_____19. Alin sa mga sumusunod ang hindi sumasalamin sa tungkulin ng magulang upang mahubog ang
pagkamakatarungan ng anak?
A. Gabayan ang anak upang maiwasan ang di-makatarungang gawain.
B. Ipaliwanag sa anak ang kahalagahan ng paggalang sa kapwa.
C. Turuan ang anak upang isaayos ang mga pagkakamaling nagawa sa kapwa.
D. Turuan ang anak na ipagtanggol ang sarili sa mga mang-aapi na kaklase at ipaglaban ang kanyang
karapatan.
_____20. Ang pagkakaisa ay maaring magbunga ng kapayapaan. Ang pahayag ba ay tama o mali?
A. Tama, kung ang lahat ay kikilos tungo sa kabutihang panlahat.
B. Mali, imposible na magkaisa ang mga tao dahil sa pagkakaiba-iba ng paniniwala at prinsipyo.
C. Tama, kung matutulungan ang mahihirap na umangat sa buhay.
D. Mali, dahil mahirap na isantabi ang personal na adhikain sa buhay.
_____21. Ano ang isang makatarungang tao?
A. Isa kang makatarungang tao kung patas ang pagtingin mo sa iba
B. Kapag mayroon kang makatarungang ugnayan sa iyong kapitbahay.
C. Isa kang makatarungang tao kung ginagamit mo ang iyong lakas sa paggalang sa batas at sa karapatan ng
kapuwa.
D. Kapag iginagalang mo ang mga karapatan ng ibang tao.
_____22. Hindi dapat taglayin ng tao ang ugaling katamaran. Ang sumusunod na pangungusap ay nagbibigay ng
kahulugan nito maliban sa:
A. Ito ang pumapatay sa isang gawain, hanapbuhay o trabaho.
B. Ito ang pumipigil sa tao upang siya ay magtagumpay.
C. Ito ay maaring sumira sa ating kinabukasan.
D. Ito ay magdadala ng panganib sa buhay.
_____23. “Walang iwanan.” Sa anong-anong sitwasyon o konteksto mo narinig ang pahayag na ito?
A. Bilang panlipunang nilalang, tayo ay may likas na pangangailangan sa kapuwa, lalo na sa mga kritikal na
sitwasyon sa buhay.
B. Tayo ay umiiral na kasama ang ibang tao
C. No man is an island
D. Magtulungan at walang iwanan sa panahon ng kalamidad
_____24. Ano ang katarungan?
A. Pagbibigay sa kapuwa ng nararapat sa kaniya
B. Ito ay panloob na kalayaan
C. Isang katotohanang nangangailangan ng ating pagkilala at paggalang
D. Ang mabuting ugnayan sa kapuwa
_____25. Ano ang mangyayari kung nilalabag ang karapatan ng tao?
A. Mabuhay ng malungkot
B. Mawalan ng katarungan
C. Magbunga ng gulo
D. Hindi nila ito magustuhan
_____26. Bakit mahalagang mauunawan ang mga pagpapahalaga na kaugnay ng katarungang panlipunan?
A. Malalaman mo kung bakit kaugnay ang mga ito sa katarungang panlipunan.
B. Makikita mo kung alin sa mga kaugnay na pagpapahalaga ang kailangan mo para sa iyong sarili.
C. Mabisang paraan ito sa iyong pagsisikap na magpakatao at sa pagtugon sa hamon ng pagiging makatarungan sa
kapuwa.
D. Lahat ng nabanggit
_____27. Alin ang nagpapatunay na nagsisimula sa pamilya ang pagiging makatarungan?
A. Natututong tumayo sa sarili at hindi ng umaasa ng tulong mula sa pamilya.
B. Nagiging bukas ang loob na tumanggap sa pagkakamali at hindi naninisi ng iba.
C. Nagkakaroon ng kamalayan sa sarili sa tulong ng mga magulang at mga kapatid.
D. Nagagabayan ng mga mahal sa buhay na lumaking may paggalang sa karapatan ng iba.
_____28. Bakit mahalaga sa katarungan na ibinabatay sa moral na batas ang legal na batas?
A. Ang moral na batas ay napapaloob sa Sampung Utos ng Diyos.
B. Ang moral at legal na batas ay parehong nagdudulot ng kabutihan sa buhay ng tao.
C. Ang pagpapakatao ay nagpapatingkad kung ang legal na batas ay alinsunod sa moral na batas.
D. Hindi maaaring paghiwalayin ang moral at legal na batas upang magkaroon ng katarungang sa lipunan.
_____29. “Ang batas ay para sa tao at hindi ang tao para sa batas.” Ano ang kahulugan ng pahayag na ito?
A. Nakatakda na ang mga batas na kailangang sundin ng tao habang siya ay nabubuhay.
B. Ang mga itinakda na batas ay para sa ikabubuti ng tao kaya dapat nilang sundin lahat ng mga ito.
C. Malalaman ng tao ang mangyayari sa kaniyang buhay kung susuwayin niya ang mga itinakda batas.
D. Itinakda ang batas upang gabayan ang tao sa kaniyang pamumuhay at hindi upang diktahan nito ang kaniyang
buhay.
_____30. Ang sumusunod ay mabisang pagsasanay sa pagiging makatarungan maliban sa
A. Pag-unawa sa kamag-anal na palaging natutulog sa klase.
B. Paggabay ng magulang sa anak habang ito ay lumalaki.
C. Pagninilay sa mga nagawa sa buong araw bago matulog sa gabi.
D. Pagsisikap na gumawa ng mga mabubuting bagay para sa kapuwa araw-araw.
_____31. Ang katarungan ay pagbibigay sa kapuwa ng nararapat sa kaniya. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang
nagpapakita nito?
A. Kumakain nang sabay-sabay ang mga miyembro ng pamilya.
B. Pinapayuhan ang kapatid na gawin ang kaniyang gawaing bahay.
C. May “Feeding Program ang paaralan para sa mga mag-aaral na kulang ng timbang.
D. May bimibili sa lahat ng paninda ng tindera sa palengke upang makauwi ito nang maaga.
_____32. Alin sa sumusunod ang kilos ng isang makatarungang tao?
A. Pinag-usapan ng mga manggagawa ang kasalukuyang nangyayari sa sistemang legal ng bansa.
B. Inaalam ng mga mag-aaral ang kanilang tungkulin at karapatan sa lipunan.
C. Binisita ng guro ang mag-aaral na ayaw nang pumasok upang kausapin siya at ang kaniyang mga magulang na
bumalik ito sa pag-aaral.
D. Nagkikita-kita ang kabataang lalaki sa auditorium ng kanilang barangay tuwing Sabado ng hapon upang
maglaro ng basketball.
_____33. Ano ang pangunahing prinsipyo ng katarungan?
A. Palaging nakasasalamuha ang kapuwa
B. Paggalang sa karapatan ng bawat isa
C. Tutulong ang mga mayayaman sa mga mahihirap
D. May ugnayan na namamagitan sa dalawang tao
_____34. Alin ang nagpapatunay na nagsisimula sa pamilya ang pagiging makatarungan?
A. Natutulong tumayo sa sarili at hindi ng umaasa ng tulong mula sa pamilya.
B. Nagiging bukas ang loob na tumanggap sa pagkakamali at hindi naninisi ng iba.
C. Nagkakaroon ng kamalayan sa sarili sa tulong ng mga magulang at mga kapatid.
D. Nagagabayan ng mga mahal sa buhay na lumaking may paggalang sa karapatan ng iba.
_____35. Bakit mahalaga sa katarungan na ibinababatay sa moral na batas ang legal na batas?
A. Ang moral na batas ay napapaloob sa Sampung Utos ng Diyos.
B. Ang moral at legal na batas ay parehong nagdudulot ng kabutihan sa buhay ng tao.
C. Ang pagpapakatao ay nagpapatingkad kung ang legal na batas ay alinsunod sa moral na batas.
D. Hindi maaaring paghiwalayin ang moral at legal na batas upang magkaroon ng katarungang sa lipunan.
_____36. “Ang batas ay para sa tao at hindi ang tao para sa batas.” Ano ang kahulugan ng pahayag na ito?
A. Nakatakda na ang mga batas na kailangang sundin ng tao habang siya ay nabubuhay.
B. Ang mga itinakda na batas ay para sa ikabubuti ng tao kaya dapat nilang sundin lahat ng mga ito.
C. Malalaman ng tao ang mangyayari sa kaniyang buhay kung susuwayin niya ang mga itinakda na batas.
D. Itinakda ang batas upang gabayan ang tao sa kaniyang pamumuhay at hindi upang diktahan nito ang kaniyang
buhay.
_____37. Alin ang makabuluhang paraan ng pagsasabuhay ng katarungang panlipunan?
A. Sundin ang batas trapiko at ang mga alituntunin ng paaralan.
B Maging mabuting mag-aaral at mamamayan ng bansa.
C. Igalang ang karapatan ng kapuwa.
D. Pag-aralan at sundin ang mga alituntunin ng tahanan, paaralan, lipunan, at simbahan.
_____38. Bakit isinasaalang-alang ng katarungang panlipunan ang paggalang sa dignidad ng tao?
A. Binubuo ng tao ang lipunan.
B. Magkakasama na umiiral sa lipunan ang mga tao.
C. Mahalaga ang pakikipagkapuwa sa lipunang kinabibilangan.
D. May halaga ang tao ayon sa kaniyang kalikasang taglay bilang tao.
_____39. Ang sumusunod ay mabisang ay mabisang pagsasanay sa pagiging makatarungan maliban sa
A. Pag-unawa sa kamag-anal na palaging natutulog sa klase.
B. Paggabay ng magulang sa anak habang ito ay lumalaki.
C. Pagninilay sa mga nagawa sa buong araw bago matulog sa gabi.
D. Pagsisikap na gumawa ng mga mabubuting bagay para sa kapuwa araw-araw.
_____40.Bakit mahalagang mauunawan ang mga pagpapahalaga na kaugnay ng katarungang panlipunan?
A. malalaman mo kung bakit kaugnay ang mga ito sa katarungang panlipunan.
B. makikita mo kung alin sa mga kaugnay na pagpapahalaga ang kailangan mo para sa iyong sarili.
C. mabisang paraan ito sa iyong pagsisikap na magpakatao at sa pagtugon sa hamon ng pagiging makatarungan sa
kapuwa.
D. Lahat ng nabanggit
II.Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Isulat ang salitang Tama kung sa palagay mo ay
makatotohanan ito at isulat naman ang salitang Mali kung hindi itonagsasabi ng katotohanan. Isulat ang iyong
sagot sa patlang.

______1. Kinikilala ko at iginagalang ang mga karapatan ng ibang tao: sa paaralan, sa


trabaho, sa aming
barangay, o sa bansa.
______ 2. Ang pakikibaka para sa katarungan ay isang walang katapusang laban
dahil sa katotohanang
mahirap kalabanin ang mismong sarili.
______3. Bilang tao, karapatan ng bawat isa na mabuhay at mamuhay nang hindi
hinahadlangan o
pinanghihimasukan ng iba.
______4. Ang taong masipag ay umiiwas sa anumang gawain lalo na kung ito ay
nakaaatang sa kaniya.
______5. Pagsuhol upang hindi malaman ang katotohanan.
______6. Kahit alam mo kung ano ang nararapat para sa iyo ay maaari kang
magparaya alang-alang sa
mas nangangailangan.
______7. Isa kang makatarungang tao kung ginagamit mo ang iyong lakas sa
paggalang sa batas at sa
karapatan ng kapuwa.
______8. Pagdakip sa isang tao nang walang warrant of arrest.
______9. Dahan- dahang nahuhubog ang iyong pagkatao sa paggabay ng iyong
mga mahal sa buhay.
______10. Magiging makatarungan ka kapag iginagalang mo ang mga karapatan ng
iba.
______11. Ang katarungang panlipunan sa tunay na kahulugan nito ay hindi
kumilala sa dignidad ng tao.
______12. Kaugnay ng dignidad ng tao at ng katotohanan ay ang pagmamahal.
______13. Sa paghahanay mo sa katotohanan, kinakailangang tingnan ang
kabuuhan ng isang Sitwasyon.
______14. Totoo na ang pagbibigay kung ano ang nararapat sa tao ay hindi
nakadepende sa kanyang
sitwasyon.
______15. Ang katarungang panlipunan ay namamahala sa kaayusan ng ugnayan
ng tao sa Kaniyang
kapuwa at sa ugnayan ng tao sa kalipunan.
______16. Magkaiba, ngunit hindi magkahiwalay ang kapuwa at kalipunan.
______17. Ang bawat tao ay may dignidad dahil sa kanyang pag-aari, posisyon sa
lipunan o mga nakamit
sa buhay
______18. Ang katarungan ay isang mahalagang pundasyon ng panlipunang
pamumuhay. Umiiral ito kung
hinahayaan ng mamamayan ang pandaraya sa negosyo.
______19. Ang tuon ng katarungan ay ang loob sa sarili. Nangangailangan ito ng
labas na kalayaan.
______20. Bilang panlipunang nilalang, tayo ay may likas na pangangailangan sa
kapuwa.

Manunulat:
CHITO R. PACETE
EsP Teacher
Tagasuri:

MIRALYN TERESE MITZI V. CALIBO


Head Teacher I

LINDY P. VILLANUEVA
Head Teacher IV

Inaprubahan ni:

MARCHEL I. ABELLERA
School Principal II
ANSWER KEY
1.D
21. C
2.D
22. D
3.A
23. A
4.D
24. A
5.A
25. B
6.B
26. C
7.D
27. D
8.B
28. B
9.D
29. C
10.C
30. A
11.D
31. C
12.D
32. C
13.C
33. B
14.A
34. D
15.D
35. A
16.C
36. D
17.C
37. D
18.A
38. C
19.D
39. A
20.A
40. D

TEST II

1. TAMA
2. TAMA
3. TAMA
4. MALI
5. MALI
6. TAMA
7. TAMA
8. MALI
9. TAMA
10. TAMA
11. MALI
12. TAMA
13. TAMA
14. MALI
15. TAMA
16. TAMA
17. MALI
18. MALI
19. MALI
20. TAMA
THIRD PERIODIC TEST IN ESP 9
TABLE OF SPECIFICATIONS

SKILL ITEM NO. ITEM PLACEMENT

EsP9KP-IIIc-9.1
Nakikilala ang mga palatandaan ng katarungang panlipunan
40 1-40
EsP9KP-IIIc-9.2

Nakapagsusuri ng mga paglabag sa katarungang panlipunan ng mga tagapamahala at


20 1-20
mamamayan

TOTAL 60 60

You might also like