You are on page 1of 5

LOKAL AT GLOBAL NA DEMAND

“Ako animation artist!” “Ako magtatayo ng restaurant!” “Magaling yata akong magluto!” “Ako graphic artist!”
“Ako mekaniko!” Tapos magtatayo ako ng sarili kongtalyer.” “Hilig ko talaga ang mga bagay na napapatungkol
sa sasakyan.” Marahil ay pamilyar ka sa mga katagang nabanggit dahil minsan mo na itong nabasa o narinig.

Kung ikaw ang tatanungin, ano nga ba ang gusto mong kursong kunin pagkatapos
ng iyong pag-aaral: engineer, doktor, IT technician o iba pa?Sabi nga nila, ang isang musmos ay maraming
pangarap at ang mga pangarap na ito ay maaaring hindi permanente. Maaaring magbago ang iyong
pangarap o gustong maging sa hinaharap sa pagkakataong makakita ka ng mga bagay na pumupukaw ng
iyong interes. Halimbawa, kung noong nasa Baitang 4 ka pa ay gusto mong maging engineer dahil ganoon
ang propesyon ng tatay mo,maaaring magbago ito sa pagiging guidance counselor kapag nasa Baitang 10 ka
na, kung makita mo ang positibong epekto ng inyong Guidance Counselor sa iyong pag-aaral.

May larawan ang iyong mga pangarap na nakaguhit sa iyong isip: ang maging isang responsableng miyembro
ng pamilya, maging kapaki-pakinabang na mamamayan at magkaroon ng isang maayos na trabaho at
pamilya.. Upang matupad ang mga ito, kailangang kang maging aktibo sa mundo ng paggawa.

Sa kasalukuyan, malaki pa rin ang problema sa kakulangan ng trabaho sa bansa, at lalo pa itong
nadaragdagan dahil sa kawalan ng impormasyon tungkol sa mga trabahong “in demand” sa Filipinas at sa
ibang bansa. Kasama din sa suliraning ito ang maraming bilang ng mga mag-aaral na nakatapos na di sapat
ang kaalaman sa mga trabahong maaaring pasukan; idagdag pa ang mga pagpapahalagang hindi
naisasabuhay na may kaugnayan sa paggawa.

Ilang taon na lang at ang isang tulad mo ay kabahagi na sa mundo ng paggawa. Sa susunod na taon Grade
10. Mabilis ang takbo ng panahon. Pagkatapos nito nasa Senior High School ka na. Bago pa dumating ang
pagkakataong iyan dapat alam mo na kung anong “track” ang pipiliin mo na may kaugnayan sa mga kursong
gusto mo. Mahalaga rin na malaman mo ang mga “in demand” na trabaho sa Pilipinas at sa ibang bansa na
puwede mong maging basehan sa pagpili ng kurso at magkaroon kaagad ng trabaho pagkatapos ng iyong
pag-aaral.

Ang mga sumusunod na uri ng trabaho ang “in demand” sa bansa at sa buong mundo, ayon sa Department of
Labor and Employment at sa mga search
Engineloyment Genera

Key Employment Generators Mga Kaugnay na Trabaho

I. Hotel and Restaurant b. Baker j. Reservations Officer and other


c. Food Server and Handler Frontline
d. Food and Beverage Occupation
e. Service Attendant k. Tour Guides
f. Waiter l. Commissary Cook
g. Bartender m. Pastry Cook
h. Room Attendant n. Hot-Kitchen Cook
i. Other Housekeeping Services o. Pantry Worker/ Cold-Kitchen

II.Cyberservice a. Accountant (Back Office i. IT/Information Technology (MIS


Processing) Developer, Platform Engineer)
b. HR Outsourcing Specialist (Back j. Specialist (Learning Solution,
Office System and Technical Support)
Processing) k. Animation Artist
c. Call Center Agent l. Clean-Up Artist
d. Medical Transcription Editor m. In-between Artist/In-betweener
e. Medical Transcription n. Clean-Up Art Checker
f. Software Development o. In-between Checker
g. Computer Programmers p. Animation Checker
h. Developer (Software, Web) q. Web Designer
r. Multimedia Artist
s. Library builder
t. Layout artist
u. 2D digital animator
III.Banking and Finance a. Operations Manager f. Credit Card Analyst
b. Teller/Accounting Clerks g. Finance Analyst/Specialist
c. Bookkeepers h. Accountant (Account Officer,
d. Auditor Analyst)
e. Cashier i. Risk Management

1
Officer/Manager

IV.Overseas Employment a. Domestic Helpers and Related d. CaregiversPlumbers, Pipe-


Workers fitters, and
b. Production and Related Workers Related Workers
c. Nurses (anesthetic, critical e. Cooks and Related Workers
care/ICU, f. Wiremen, Electrical, and Related
pediatric, scrub, and cardiac) g. Workers

V.Agribusiness a. Animal Husbandry g. Fisherman


b. Agricultural Economist h. Horticulturist
c. Aqua-culturist i. Plant Mechanic
d. Coconut Farmer j. Rice Thresher Operato-Mechanic
e. Entomologist (Plant) k. Veterinarian
f. Farmer (Fruit, Vegetable and l. Pathologist
Root m. Food Processor/Food
Technician
n. Fishery Technologist
VI.Health Wellness and Medical a. Nurse g. Pharmacist
Tourism b. Herbologist h. Medical Technologist
c. Optician i. Laboratory Technician
d. Optometrist j. Physician/Surgeon
e. Doctor k. Spa/Massage Therapist
f. Physical Therapist l. Masseur
VII.Manufacturing a. Electrical Technicians e. Sewers
b. Finance and Accounting f. Chemist
Managers g. Electrical Engineer
c. Food Technologist h. Industrial Engineer
d. Machine Operators i. IT Specialist
j. Machinist
k. Mechanical Engineers
l. Mechanical Technicians
m. Chemical Engineer
VIII. Ownership Dwellings, ta.Building Manager g. Real Estate Agents/Brokers
Real/Retirement Estate b. Construction Manager h. Marketer
c. Construction Worker i. Civil Engineer
d. Foreman j. Mechanical Engineer
e. Mason k. Surveyor
f. Welder l. Architect
IX.Construction a. Fabricator e. Electrical Engineer
b. Pipe Fitter f. Design and Structural Engineer
c. Welder g. Planning and Contract Engineer
d. Civil Engineer
X.Mining a. Mining Engineer f. Laborers, General Workers, and
b. Geodetic Engineer Related Workers
c. Metallurgical Engineer g. Char workers, Cleaners, and
d. Mining & Metallurgical Related
Technician Workers
e. Welders, Flame-Cutters, and
Related Workers
XI.Wholesale and Retail a. Cashier d. Salesman or Saleslady
b. Merchandiser o e. Promodizer
c. Buyer
EMERGING INDUSTRIES a. Fisherman c. Horticulturist
I. Diversified/Strategic Farming b. Aqua-culturist d. Farmer (root crops, fruit &
and Fishing vegetable: upland and lowland)

II.Creative Industries A.Broadcast Engineer e. 3D modelers


b. Video Editor f. 3D Artist
c. Video Graphic Artist (Animators) g. 3D Animators
d. Visual Artist Designer d. Flash Animators

III.Power Utility a. Electrical Control Operator


b. Equipment Operator
c. Electrical Technician
d. Mechanical Technician
2
IV.Renewable Energy a. Checker
b. Loader
C.electrical Engineer
D.Mechanical Engineer
E.Quality Control Engineer
A
Pamilyar ka ba sa mga Key Employment Generators na ito? Aling
trabaho ang sa tingin mo ay tugma sa iyong hilig, talento, o kakayahan ? Sa anong Key
Employment Generators ito kabilang? Tugma ba ang kursong nagugustuhan mong kunin?

Ang “demand” sa trabahong lokal o pandaigdigan sa kasalukuyan ay hindi problema. Ang lumilitaw na
malaking suliranin ay ang kakulangan ng mga kwalipikadong aplikante na pupuno sa mga posisyon na
kailangan. Ang mga trabahong ito ay hindi lamang nakatuon sa mga kursong pang -akademiko kundi pati
na rin sa teknikal-bokasyonal, maging sa larangan ng sining, palakasan at negosyo, Sa pinaunlad na
Kurikulum ng Batayang Edukasyon ng K to 12, may pitong disiplina; Languages, Literature, Communication,
Mathematics, Philosophy, Natural Sciences, at Social Sciences na may tatlong track: ito ay ang Akademiko,
Sining at Palakasan at ang Teknikal-Bokasyonal. Nahahati ang kursong akademiko sa tatlong strand: ang
STEM (Science, Technology, Engineering,Mathematics), BAM (Business, Accountancy, Management), at
HESS (Humanities, Education, Social Sciences).

Ang pagpili ng track at strand ay magsisilbing hakbang upang makapili ng kurso na may kaugnayan sa iyong
hilig, talento o kakayahan. Tunghayan ang talahanayan sa ibaba para sa mga kurso na maaaring piliin ayon
sa track o strand na angkop sa iyo:

Academic Mga Kaugnay na Kurso

STEM Pharmacy, Radiology Technology, Multi


Science Medical Technology, -Media,
Technology Atmospheric Science and Animation, Programming,
Engineering Environmental Science, Computer Science and
Math Pathology, Agricultural Science Information System Management
and Fishery, Animal Mechanical, Electronics,
Science Communication, Metallurgical,
In Computer, Biomedical, Chemical,
formation Technology and Geodetic, Electrical,
Computer Studies, Meteorological,
Mining and Geological Engineering
BS Mathematics, Physics at
Statistics
HESS Philosophy, Literature, Liberal and Special Education (SPED), Music,
Humanities Fine Arts Physical Education and
Education Education major in Math, Science, Health
Social Physics, Chemistry, Communication, Psychology,
Sciences Reading, English, Educational Social Work, Criminology,
Media/Technology and Sociology, Antropology, Political
ScIence, and Law

BAM Business Management, Banking Hotel Restaurant Managemen


Business and Financial Services, Bookkeeping and Accounting
Accountancy Business Information Technology Technology
Management Management Sciences, Advertising
and Public Relations,
TECH-VOC Gas Mechanic, Auto Diesel Electronics, Basic Tailoring, High
Mechanic, Auto Electrical Speed Sewing, Building
Mechanic, Basic Baking, Basic Wiring Installation, Computer
Computer, Basic Repair, Domestic Ref and
Cosmetology, Basic Drafting, Basic Aircon Repair, Food Processing,
Dressmaking, Basic Cosmetology, International Cuisine,
Basic Drafting, Basic Dressmaking, Shielded Metal Arc Welding
Basic (SMAW), Practical Nursing,
Housekeeping, Care Giving, Basic
Carpentry.

3
Inayos ang mga ito upang pagkatapos ng labingdalawang taon na pag-aaral, ang isang mag-aaral ay
inaasahang may sapat na kaalaman sa larangan ng ICT (Information, Media at Communication Technology),
mayaman sa makabagong ideya (Learning and Innovation Skills) na puwedeng magamit sa pagsisimula ng
negosyo o hanapbuhay, may epektibong paraan ng pakikipagkomunikasyon (Effective Communication Skills),
at kasanayan sa pagsasabuhay ng karera (Life and Career Skills).

Maging ang mga mag-aaral na may husay sa pagguhit, pagpinta at pagdedekorasyon ay kailangan din. Dahil
sa tumataas na bilang ng mga taong nangangailangan ng ehersisyo, maraming mga “fitness instructor” ang
kailangan sa Filipinas at sa ibang bansa. Ang interes at pagkakaroon ng kaalaman sa larangan ng sining at
palakasan o isport ay isang malaking oportunidad. Patunay dito ang bilang ng dami ng mga Pilipinong
nangingibang-bansa bilang mang-aawit, mananayaw, tagapagsanay sa iba’t ibang uri ng laro, manunulat ng
mga peryodikong pang palakasan at iba pa. Ang pagkabihasa ng mga manggagawang nabanggit ayon sa
kanilang larangan ay tinitingnan din ng pamahalaan ng ibang bansa, dahilan upang tumira sila at ang kanilang
pamilya sa Filipinas, halimbawa sa United Kingdom, Canada at iba pang bansa sa Asya.

Ano-anong kurso ang may kaugnayan sa sa iyong hilig, talento, o kakayahan?


Sa anong track o strand ito kabilang?
Handa ka na bang isabuhay ang iyong pagkatuto sa pagiging produktibong
kabahagi at tungo sa kaunlaran ng bansa?

Gawain 1: Paghihinuha ng Batayang Konsepto


Anong konsepto ang naunawaan mo mula sa babasahin? Makatutulong ang mga
larawan na nasa ibaba upang mahinuha ang salitang ilalagay sa mga puwang upang
mabuo ang mahalagang konsepto mula sa aralin. Isulat ito sa iyong kuwaderno.

Ang pagkakaroon ng sapat na _____________ sa mga trabaho sa ____________ at sa ___________ ay


makatutulong upang ____________ at mapaghandaan ang kursong ____________, ______________,
______________, _______________, _____________ o ___________ na maaaring maging ___________ ng
_____________, tagumpay at pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.

GAWAIN 2:Panuto: Batay sa Track o Strand ng pinaunlad na Kurikulum ng Batayang Edukasyon ng K to 12


bumuo ng talaan ng kurso na ayon sa iyong hilig, talento at kakayahan at sa mga trabahong maaaring pasukin
na “in demand” sa Filipinas at sa ibang bansa ayon DOLE o maaaring bisitahin ang
website na ito
http://www.jobopenings.ph/article_item367/DOLE_Lists_Most_In_Deman
d_Jobs_in_the Philippines.html

Halimbawa:
Track o Strand Hilig, kakayahan at kurso Trabahong maaaring
talento pasukin

Academic Technology Mahilig sa mga bagay na Information and Programmer o IT Expert


(STEM) napapatungkol sa Technology
paggawa ng program sa
computer
Sining at Palakasan Pagguhit at pagpinta Fine arts Artist
Teknikal-Bokasyonal Mahilig sa pagkalikot na Auto Gas Mechanic o Mekaniko
may kaugnayan sa Auto Diesel Mechanic
makina ng sasakyan
Pagnenegosyo Mahilig magluto Food Processing Chef o cook
Magtayo ng sariling
Karinderya

WORKSHEET SA ESP 9
WEEK 7-8
4TH QUARTER
4
Pangalan:

Antas at baitang:

Ikaw naman;

Track o Strand Hilig, kakayahan at kurso Trabahong maaaring


talento pasukin

You might also like