Professional Documents
Culture Documents
Module 4 5 Esp 9 Q4
Module 4 5 Esp 9 Q4
PAMANTAYANG
PANGNILALAMAN
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagpaplano ng kursong
akademiko o teknikal-bokasyonal o negosyo bilang tugon sa hamon ng paggawa
PAMANTAYANG
PAGGANAP
Nagtatakda ang mag-aaral ng sariling tunguhin pagkatapos ng haiskul na naaayon sa taglay na mga
talento, pagpapahalaga, tunguhin at katayuang ekonomiya.
Lokal at Global na Demand
Gawain 1: 4 pics 1 Word
Panuto: Marahil pamilyar ka sa larong may pamagat na “4 Pics 1 Word”. May mga inihandang larawan at
mga titik na iyong pag-aaralan at huhulaan pagkatapos.
Handa ka na ba? Pagkatapos mong mahulaan ang mga larawan sagutin ang mga tanong na nasa
ibaba.
Pamprosesong tanong:
Page 1
SAINT JOSEPH ACADEMY
OF SAN JOSE, BATANGAS INCORPORATED
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
“Ako animation artist!”, “Ako magtatayo ng restaurant!”, Magaling yata akong magluto!”, “Ako, graphic
artist!”, “Tapos magtatayo ako ng sarili kong talyer”. “Hilig ko talaga ang mga bagay na napapatungkol
sa sasakyan’. Marahil ay pamilyar ka sa mga katagang nabanggit dahil minsan mo na itong nabasa oa
narinig. Kung ikaw ang tatanungin, anon ga ba ang gusto mong kursong kunin pagkatapos ng iyong
pag-aaral:engineer, doctor, IT technician o iba pa?
Sabi nga nila, ang isang musmos ay maraming pangarap at ang mga pangarap na ito ay maaaring
hindi permanente. Maaaring magbago ang iyong pangarap o gustong maging sa hinaharap sa
pagkakataong makakita ka ng mga bagay na pumupukaw ng iyong interes. Halimbawa, kung noong
nasa Baitang 4 ka pa ay gusto mong maging engineer dahil ganoon ang propesyon ng tatay mo,
maaaring magbago ito sa pagiging guidance counselor kapag nasa Baitang 10 ka na, kung makita mo
ang positibong epekto ng inyong Guidance Counselor sa iyong pag-aaral.
May larawan ang iyong mga pangarap na nakaguhit sa iyong isip: ang maging isang responsableng
miyembro ng pamilya, maging kapaki-pakinabang na mamamayan at magkaroon ng isang maayos na
trabaho at pamilya.. Upang matupad ang mga ito, kailangang kang maging aktibo sa mundo ng
paggawa.
Sa kasalukuyan, malaki pa rin ang problema sa kakulangan ng trabaho sa bansa, at lalo pa itong
nadaragdagan dahil sa kawalan ng impormasyon tungkol sa mga trabahong “in demand” sa Filipinas at
sa ibang bansa. Kasama din sa suliraning ito ang maraming bilang ng mga mag-aaral na nakatapos na
di sapat ang kaalaman sa mga trabahong maaaring pasukan; idagdag pa ang mga pagpapahalagang
hindi naisasabuhay na may kaugnayan sa paggawa.
Ilang taon na lang at ang isang tulad mo ay kabahagi na sa mundo ng paggawa. Sa susunod na
taon Grade 10. Mabilis ang takbo ng panahon. Pagkatapos nito nasa Senior High School ka na. Bago
pa dumating ang pagkakataong iyan dapat alam mo na kung anong “track” ang pipiliin mo na may
kaugnayan sa mga kursong gusto mo. Mahalaga rin na malaman mo ang mga “in demand” na trabaho
sa Filipinas at sa ibang bansa na puwede mong maging basehan sa pagpili ng kurso at magkaroon
kaagad ng trabaho pagkatapos ng iyong pag-aaral.
Ang mga sumusunod na uri ng trabaho ang “in demand” sa bansa at sa buong mundo, ayon sa
Department of Labor and Employment at sa mga search engine.
KEY EMPLOYMENT GENERATORS MGA KAUGNAY NA TRABAHO
1. Hotel and Restaurant a. Front Office Agent/Attendant
b. Baker
c. Food Server and Handler
d. Food and Beverage
e. Service Attendant
f. Waiter
g. Bartender
h. Room Attendant
i. Other Housekeeping Services
j. Reservations Officer and other Frontline
Occupation
k. Tour Guides
l. Commissary Cook
m. Pastry Cook
n. Hot-Kitchen Cook
o. Pantry Worker/ Cold-Kitchen
2. Cyber services a. Accountant (Back Office Processing)
b. HR Outsourcing Specialist (Back Office
Processing)
c. Call Center Agent
d. Medical Transcription Editor
e. Medical Transcription
f. Software Development
g. Computer Programmers
h. Developer (Software, Web)
i. IT/Information Technology (MIS Developer,
Platform Engineer)
Page 2
SAINT JOSEPH ACADEMY
OF SAN JOSE, BATANGAS INCORPORATED
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
Page 3
SAINT JOSEPH ACADEMY
OF SAN JOSE, BATANGAS INCORPORATED
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
g. Electrical Engineer
h. Industrial Engineer
i. IT Specialist
j. Machinist
k. Mechanical Engineers
l. Mechanical Technicians
m. Chemical Engineer
8. Ownership Dwellings, Real/Retirement Estate a. Building Manager
b. Construction Manager
c. Construct Worker
d. Foreman
e. Mason
f. Welder
g. Real Estate Agents/Brokers
h. Marketer
i. Civil Engineer
j. Mechanical Engineer
k. Surveyor
l. Architect
9. Construction a. Fabricator
b. Pipe Fitter
c. Welder
d. Civil Engineer
e. Electrical Engineer
f. Design and Structural Engineer
g. Planning and Contract Engineer
10. Mining a. Mining Engineer
b. Geodetic Engineer
c. Metallurgical Engineer
d. Mining & Metallurgical Technician
e. Welders, Flame-Cutters, and Related Workers
f. Laborers, General Workers, and Related
Workers
g. Char workers, Cleaners, and Related Workers
11. Transport and Logistics a. Checker
b. Maintenance Mechanics
c. Stewardess
d. Gantry Operator
e. Ground Engineer
f. Heavy Equipment Operator
g. Long Haul Driver
h. Pilot
i. Transport and Logistics
j. Machinery Operator
k. Aircraft Mechanic and other related skills
12. Wholesale and Retail a. Cashier
b. Merchandiser o
c. Buyer
d. Salesman or Saleslady
e. Promodizer
EMERGING INDUSTRIES a. Fisherman
1. Diversified/Satisfied Farming and Fishing b. Aqua-culturist
c. Horticulturist
d. Farmer (root crops, fruit & vegetable: upland
and lowland)
2. Creative Industries a. Broadcast Engineer
b. Video Editor
c. Video Graphic Artist (Animators)
d. Visual Artist Designer
e. 3D modelers
f. 3D Artist
g. 3D Animators
h. Flash Animators
3. Power and Utility a. Electrical Control Operator
b. Equipment Operator
c. Electrical Technician
Page 4
SAINT JOSEPH ACADEMY
OF SAN JOSE, BATANGAS INCORPORATED
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
d. Mechanical Technician
4. Renewable Energy a. Checker
b. Loader Electrical Engineer Mechanical
Engineer Quality Control Engineer
Ang “demand” sa trabahong local o pandaigdigan sa kasalukuyan ay hindi problema.
Ang lumilitaw na malaking suliranin ay ang kakulangan ng mga kwalipikadong aplikante na
pupuno sa mga posisyon na kailangan. Ang mga trabahong ito ay hindi lamang nakatuon sa mga
kursong pang-akademiko kundi pati na rin sa teknikAL-bokasyonal, maging sa larangan ng sining,
palakasan at Negosyo.
. Tunghayan ang talahanayan sa ibaba para sa mga kurso na maaring piliin ayon sa track o
strand na angkop sa iyo.
Page 5
SAINT JOSEPH ACADEMY
OF SAN JOSE, BATANGAS INCORPORATED
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
Inayos ang mga ito upang pagkatapos ng labindalawang taon nap ag-aaral, ang isang mag-aaral ay
inaasahang may sapat na kaalaman sa larangan ng ICT (Information, Media at Communication
Technology), mayaman sa makabagong ideya (Learning and Innovation Skills) na pwedeng magamit sa
pagsisimula ng negosyo o hanapbuhay, may epektibong paraan ng pakikipagkomunikasyon (Effective
Communication Skills), at kasanayan sa pagsasabuhay ng karera (Life and Career Skills).
Maging ang mga mag-aaral na may husay sa pagguhit, pagpinta at pagdedekorasyon ay kailangan
din. Dahil sa tumataas na bilang ng mga taong nangangailangan ng ehersisyo, maraming mga “fitness
instructor” ang kailangan sa Filipinas at sa ibang bansa. Ang interes at pagkakaroon ng kaalaman sa
larangan ng sining at palakasan o isport ay isang malaking oportunidad. Patunay dito ang bilang ng dami ng
Page 6
SAINT JOSEPH ACADEMY
OF SAN JOSE, BATANGAS INCORPORATED
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
mga Pilipinong nangingibang-bansa bilang mang-aawit, mananayaw, tagapagsanay sa iba’t ibang uri ng
laro, manunulat ng mga peryodikong pang palakasan at iba pa.
Ang pagkabihasa ng mga manggagawang nabanggit ayon sa kanilang larangan ay tinitingnan din ng
pamahalaan ng ibang bansa, dahilan upang tumira sila at ang kanilang pamilya sa Filipinas, halimbawa sa
United Kingdom, Canada at iba pang bansa sa Asya.
Ang hangarin ng iba na gamitin ang hilig sa pagnenegosyo ay di nawawala. Maraming Pilipino ang
nagtagumpay gamit ang kanilang talento sa pamamalakad ng Negosyo. Nagsimula ang negosyo nila sa
maliit, untiunti, itong lumaki hanggang sa di nila namamalayan na isa na sila sa mga kinikilalang indibidwal
sa larangan ng pagnenegosyo sa kasalukuyan.
Ang kaalamang mayroon ang isang indibidwal sa mga bagay na dapat niyang gawin ay hindi
napatatagumpayan kung ito ay ginagawa nang walang kabuluhan. Ayon sa encyclical “LAborem Exercens”
ni Pope John Paul II, sa pamamagitan ng paggawa ipinapakita ng tao ang kanyang dignidad at sa
pamamagitan nito magkakaroon siya ng malaking kontribusyon sa ibang tao at sa lipunan tungo sa
kabutihang panlahat.
Wala nang hihigit pa sa uri ng trabaho na puwedeng pasukin o makuha ng isang tao kung ito ay
tumutugon sa pangangailangan ng industriya. Mahalaga rin na ito ay naaayon sa moral na batayan ng
paggawa at sa iyong hilig, talento at kakayahan.
Ang mga kursong nabanggit ay tumutugon sa programa ng pamahalaan, maging ito ay akademiko,
teknikal-bokasyonal, sa larangan ng sining, palakasan at paghahanap-buhay.
Page 7
SAINT JOSEPH ACADEMY
OF SAN JOSE, BATANGAS INCORPORATED
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
Page 8