You are on page 1of 51

9

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Sariling Linangang Modyul
Ikaapat na Markahan
Modyul 1-8

DIVISION OF ANGELES CITY


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
SARILING LINANGANG MODYUL
Modyul 1: Mga Pansariling Salik sa Pagpili ng Track Batay sa
Talento, Hilig at Kasanayan
Pangalan: _______________________________________Q4W1
Seksiyon: _______________________________________Petsa: _____________

Isaisip
Panimula (Batayang Konsepto)

Naalala mo pa ba ang mga natukoy mong track o kurso noong


ikaw ay nasa Baitang 7? Ano-ano ang mga ito? Mula sa pagbabalik
tanaw mo, dalawang taon mula ngayon, may pagbabago kaya sa iyong
mga talento, kakayahan, kasanayan at hilig? Gayundin sa nais mong
kuning track o kurso sa pagtuntong mo ng Senior High School?
Balikan natin ang mga talento mayroon ka, kumusta ang mga
ito? Alin sa mga ito ang iyong napalago o buong husay na nagagamit sa kasalukuyan? May
nadagdag ba o bagong talentong naging interesadong gawin? Kung ikukumpara noong nasa
baitang ika-7 ka may nabago ba sa mga ito na may kaugnayan sa kurso o track na gusto
mong kunin?
Kung kasanayan at kakayahan naman ang pag-uusapan, ano ang karaniwang bagay
ang magaling ka na masasabi mong higit na madaling gawin ito dahil ang mga kasanayan
mayroon ka ay naka-angkla dito? Ito ba ay dahilan para mabago ang kurso o track na gusto
mong tahakin?
Ano ang mga kinahihiligan mo sa kasalukuyan? Sapat na bang dahilan ang mga ito
upang mabago o matukoy ang kurso o track na gusto mong kunin?
Balikan natin ang Multiple Inteligences mula sa teorya ni
Dr. Howard Gardner (1983). Marahil pamilyar ka sa mga ito. Ang
mga ito ay ang: Visual Spatial, Verbal Linguistic,
Mathematical/Logical, Bodily/Kinesthetic, Musical/Rhytmic,
Intrapersonal, Interpersonal, at Existential. Maliban sa Multiple
Inteligences Survey Form na iyong muling sasagutin
makatutulong din ang ginawa ng Sikolohistang si John Holland, ito ang RIASEC Survey Form
na kung saan hinati niya sa anim ang mga Jobs/Career/Work environments, ito ay ang:
Realistic, Investigative, Artistic, Social, Enterprising at Conventional.

2
Ayon kay Holland hindi lamang nasa iisang kategorya ang hilig o
interes ng isang tao, maaari siyang magtaglay ng tatlong
kombinasyon. Halimbawa, maaaring ESA (Enterprising, Social at
Artistic) o kaya naman ISC (Investigative, Social at Conventional)
o anomang dalawa o tatlo sa iba’t ibang kombinasyon.
Para mas lalo mong maunawaan ang linya ng interes mayroon
ka at kung anong kurso o trabaho ang angkop sa iyo, pag-aralan ang talahanayan sa ibaba.
Mga Interes Deskripsiyon Halimbawa ng mga Trabaho
Realistic -ang taong nasa ganitong forester, industrial arts teacher, radio
interes ay mas operator, auto engineer, mechanical
nasisiyahan sa pagbuo ng engineer, mining engineer, vocational
mga bagay gamit ang agriculture teacher, civil engineer, industrial
kanilang malikhaing engineering technician, aircraft mechanic,
kamay o gamit ang mga mechanical engineer technician, fish and
kasangkapan kaysa game warden, surveyor, dental technician,
makihalobilo sa mga tao at architectural draftsman, electrician, jeweler,
mag palitan ng opinyon. powerhouse repairman, tool and die maker,
Ang mga taong realistic ay machinist, mechanic, stone cutter, locksmith,
matapang at praktikal, at nuclear reactor technician, tree surgeon,
mahilig sa mga gawaing piano tuner, typesetter, air conditioning
outdoor. engineer, ship pilot, instrument mechanic,
motion picture projectionist, carpenter, tailor,
machine repairer.
Investigative - ang mga trabahong may Economist, internist, physician,
mataas na impluwensiya anthropologist, astronomer, pathologist,
rito ay nakatuon sa mga physicist, chemist, production planner,
gawaing pang-agham. medical lab assistant, tv repairer, biologist,
Ang mga taong nasa osteopath, chiropractor, math teacher,
ganitong interes ay mas natural science teacher, optometrist,
gustong magtrabaho ng psychiatrist, psychologist, medical
mag-isa kaysa gumawa technologist, bacteriologist, physiologist,
kasama ang iba. Sila ay research analyst, computer analyst,
mayaman sa ideya at programmer, pharmacist, actuary, quality
malikhain sa mga control technician, computer operator,
kakayahang pang-agham geologist, mathematician/statistician,
isa na rito ang mga surgeon, meteorologist, agronomist, animal
pananaliksik. Mapanuri, scientist, botanist, zoologist, horticulturist,
malalim, matatalino at natural scientist, oceanographer, biochemist,
task-oriented veterinarian, geographer, x-ray technician,
administrator, dentist, tool designer, chemical
lab technician, engineers such as aircraft,
chemical, electrical, metallurgical, radio/tv

3
technician, engineering aide, weather
observer.
Artistic - ang mga taong may drama coach, language teacher,
mataas na interes dito ay journalistreporter, drama-teacher, dancing –
mailalarawan bilang teacher, foreign language interpreter,
malaya at malikhain, philosopher, art teacher, literature teacher,
mataas ang imahinasyon music teacher, musician, orchestra
at may malawak na isipan. conductor, advertising manager, entertainer,
Nasisiyahan ang mga public relations person, fashion model, writer,
nasa ganitong interes sa editor, radio program writer, dramatist,
mga sitwasyon kung saan actor/actress, designer, interior decorator,
nakararamdam sila ng critic, fashion illustrator, furniture designer,
kalayaan na maging totoo, jewelry designer, furrier, garment designer,
nang walang anumang decorator, architect, artist, photographer ,
estrukturang sinusunod at photograph retoucher, photolithographer
hindi basta napipilit na (printer), music arranger, composer
sumunod sa maraming
mga panuntunan. Nais nila
ang mga gawaing may
kaugnayan sa wika,
sining, musika, pag-arte,
pagsulat at iba pa.
Social - ang mga nasa ganitong education, teaching, social welfare, human
grupo ay kakikitaan ng development, counseling, health professions
pagiging palakaibiganin, (medicine, nursing, etc.), social service,
popular at responsable. compensation advising etc., dorm director,
Gusto nila ang interaksyon interviewer, employment representative,
at pinaliligiran ng mga tao. funeral director, chamber of commerce
Madalas na mas executive, employee benefits approver, food
interesado sila sa mga service manager,claim adjuster, production
talakayan ng mga expediter, health and welfare coordinator,
problema o sitwasyon ng educational administrator, training director,
iba at mga katulad na historian, environmental health engineer,
gawain na mabibigyan sila home service rep., community recreation
ng pagkakataong administrator, business agent, extension
magturo, magsalita, agent, physical education teacher, building
manggamot, tumulong at superintendent, therapist, political scientist,
mag-asikaso. sociologist, social and group worker,
personnel director, food and drug inspector,
teacher, minister, librarian, foreign service
officer, history teacher
Enterprising - likas sa mga taong nasa sales and marketing field, banker, insurance
ganitong grupo ay underwriter, real state appraiser, florist,
madalas na industrial engineer, contractor, warehouse
mapanghikayat, mahusay manager, salesperson-technical products,
mangumbinsi ng iba para lawyer, judge, attorney, tv/radio announcer,
4
sa pagkamit ng inaasahan branch manager, director industrial relations,
o target goals Ang mga government official, insurance manager,
taong may mataas na managers such as restaurant/office/
interes dito ay madalas na traffic/human resource/production, etc.,
masigla, nangunguna at salary and wage administrator, labor
may pagkusa at kung arbitrator, systems analyst, director of
minsan ay madaling compensation and benefits, securities
mawalan ng pagtitimpi at salesperson, human resource recruiter
pasensya.
Conventional - ang mga grupo o pangkat clerical,administrative, time study analyst,
ng mga taong may mataas business (commercial) teacher, finance
na interes dito ay expert, accountant, credit manager,
naghahanap ng mga timekeeper, auto writing machine operator,
panuntunan at direksyon; bookkeeping machine operator, estimator,
kumikilos sila nang ayon foreign trade clerk, office worker, payroll
sa tiyak na inaasahan sa clerk, accounting machine operator,
kanila. Sila ay maaaring personnel clerk, sales correspondent,
mailarawan bilang reservations agent, bookkeeper, cashier,
matiyaga, mapanagutan secretary, medical secretary, library
at mahinahon. Masaya sila assistant, data processing worker, mail clerk,
sa mga gawaing tiyak, personnel secretary, proofreader at iba pa
may sistemang
sinusunod, maayos ang
mga datos at organisado
ang record.

Alin sa mga ito ang may kaugnayan sa iyong mga kasanayan, kinahihiligan at talento?
Ano kaya ang nararapat na track, kurso o trabahong ang pwede sa iyo? May nagbago ba
kumpara noong ikaw ay nasa ika-7 baitang ngayon na ikaw ay nasa ika-9 na baitang na?
Ang mga gawain na nakapaloob sa gawaing pampagkatuto na ito ay makatutulong sa
iyo upang matukoy kung may nagbago sa kurso o track na gusto mong kunin na angkop sa
iyong talento, kasanayan, kakayahan at kinahihiligan. Masayang pagkatuto.

Alamin
Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahan na iyong:
• nakikilala ang mga pagbabago sa kaniyang talento, kakayahan at hilig (mula
Baitang 7) at naiuugnay ang mga ito sa pipiliing kursong akademiko, teknikal-
bokasyonal, sining at palakasan o negosyo. (EsP9PK-IVa-13.1)

5
Tuklasin

Unang Bahagi (Talento)


Panuto: Tuklasin mo ang iyong talento at kakayahan. Sagutin ang Multiple Intelligences (M.I)
Survey form (McKenzie, 1999) sa ibaba. Basahin at unawaing mabuti ang bawat
pangungusap. Gabay ang legend sa ibaba, isulat ang bilang na naglalarawan sa iyong sarili.
Maging tapat sa iyong sagot sa bawat bilang. Huwag kang mahiya kung HINDI (0) O BIHIRA
(1) ang sagot mo sa ilang bilang. Isulat ang iyong sagot iyong kuwaderno o sa malinis na
papel.
Legend: 4-Palagi 3-Madalas 2-Paminsan-minsan 1-Bihira 0-Hindi

_____ 1. Pinanatili kong malinis at maayos ang aking mga gamit.


_____ 2. Nasisiyahan akong magbasa ng iba’t ibang babasahin.
_____ 3. Nakabubuo ako ng ideya sa pamamagitan ng isip.
_____ 4. Madali ako makasunod sa mga patterns.
_____ 5. Nasisiyahan akong gumawa ng mga bagay sa pamamagitan ng aking mga
kamay.
_____ 6. Natututo ako nang lubos kapag nakikipag-ugnayan ako sa iba.
_____ 7. May kamalayan ako sa aking mga paniniwala o pagpapahalagang moral.
_____ 8. Nasisiyahan akong pagsama-samahin ang mga bagay batay sa kanilang
pagkakatulad.
_____ 9. Mahalaga na alam ko ang bahaging ginagampanan ko sa kabuuan ng isang
bagay.
_____ 10. Malaki ang naitutulong sa akin kung ang mga panuto ay isa-isang ipaliliwanag.
_____ 11. Malaki ang naitutulong sa aking memorya at pang-unawa kung inililista ang
mahahalagang bagay.
_____ 12. Nasisiyahan akong mag-ayos ng silid.
_____ 13. Nabibigyang-pansin ko ang tunog at ingay.
_____ 14. Mahirap para sa akin ang umupo nang matagal sa loob ng mahabang oras
_____ 15. Mas masaya ako kapag maraming kasama.
_____ 16. Higit na natututo ako kapag malapit sa aking damdamin ang isang asignatura
_____ 17. Mahalaga sa akin ang mga isyung ekolohikal o pangkapaligiran.
_____ 18. Nasisiyahan akong talakayin ang mga makabuluhang tanong tungkol sa buhay.
_____ 19. Madali para sa akn ang lumutas ng mga suliranin.
_____ 20. Nakikipag-ugnayan ako sa aking mga kaibigan sa pamamagitan ng sulat, e-mail,
texting (cellphone), telepono at mga social network sites.
6
_____ 21. Nasisiyahan akong gumamit ng ibat’t ibang uri ng pamamaraang pansining.
_____ 22. Madali para sa akin ang sumunod sa wastong galaw.
_____ 23. Gusto ko ang mga larong panlabas (outdoor games).
_____ 24. Higit na marami akong natutuhan sa pangkatang pag-aaral.
_____ 25. Ang pagiging patas (fair) ay mahalaga para sa akin.
_____ 26. Ang klasipikasyon o pag-uuri ay naktutulong upang maunawaan ko ang mga
bagong datos.
_____ 27. Mahalaga sa akin ang relihiyon.
_____ 28. Madali akong mainis sa mga taong burara.
_____ 29. Ang mga word puzzles ay nakalilibang.
_____ 30. Nag-eenjoy ako sa lahat ng uri ng mga entertainment media.
_____ 31. Nasisiyahan ako sa paglikha ng musika.
_____ 32. Hilig ko ang pagsasayaw.
_____ 33. Mas natututo ako kung may kahalagahan sa akin ang asignatura.
_____ 34. Madalas akong maging pinuno ng pangkat sa aming mga magkakaibigan o
magkakaklase.
_____ 35. Nasisiyahan ako sa paggawa sa hardin.
_____ 36. Nasisiyahan akong magmasid ng mga likhang-sining.
_____ 37. Madali sa akin ang paglutas ng mga suliranin.
_____ 38. Ang pagsulat ay nakatutulong sa akin upang matandaan at maintindihan ang
itinuturo ng guro.
_____ 39. Ang mga tsart, graphs, at mga talahanayan ay nakatutulong sa akin upang
maunawaan at maipaliwanag ang mga datos.
_____ 40. Nasisiyahan ako sa mga tula.
_____ 41. Natatandaan ko ang mga bagay kapag nilalagyan ko ito ng ritmo.
_____ 42. Para sa akin, ang pagpapakita at pagpaparanas ay mas mainam kaysa sa
pagpapaliwanag lamang.
_____ 43. Mahalaga sa akin ang parehas.
_____ 44. Mas mahalaga sa akin ang pakikipag-ugnayan kaysa sa pag-iisip.
_____ 45. Mahalaga sa akin ang paninilay at pagpapahinga.

Ngayon, ilipat mo ang iyong mga sagot sa angkop na kahon sa ibaba.


Intelligences Item Total
Logical/Mathematical 1 10 19 28 37

Verbal/Linguistic 2 11 20 29 38

Visual/Spatial 3 12 21 30 39
7
Musical/Rhythmic 4 13 22 31 40

Bodily/Kinesthetic 5 14 23 32 41

Intrapersonal 6 15 24 33 42

Interpersonal 7 16 25 34 43

Naturalist 8 17 26 35 44

Existentialist 9 18 27 36 45

Pagkatapos, kunin ang kabuuang bilang ng iyong sagot sa bawat hanay at bilugan
ang pinakamataas na nakakuha.
Halimbawa:
Logical Mathematical: 2 + 3 + 4 + 2 + 1 = 13

Ikalawang Bahagi (Hilig)


Panuto: Ang sumusunod ay nagpapakita ng iba’t ibang hilig. Alin sa mga ito ang gustong-
gusto mong gawin? I-tsek ang bawat hanay na nagtataglay ng iyong gustong gawain. Gawin
ito sa kuwaderno o sa malinis na papel.
R I A S E C
1. Mga gawaing may kaugnayan sa mga sasakyan
2. Paglalaro ng puzzle
3. Paggawa ng gawain mag-isa
4. Paggawa ng gawain kasama ang iba
5. Mangarap at magplano
6. Isaayos ang gamit at ilagay sa lalagyanan ang mga ito.
7. Magkumpuni ng mga kung ano-anong bagay
8. Magbasa ng mga babasahing may kaugnayan sa sining
9. Gawin ang isang bagay ayon sa tamang pamamaraan
10. Iniimpluwensyahan at himukin ang ibang tao
11. Gumawa ng eksperimento o pag-aaral
12. Tinuturuan at sinasanay ang ibang tao
13. Tulungan ang ibang tao sa kanilang problema
14. Mag-alaga ng hayop
15. Magtrabaho ng higit sa walong oras
16. Magbenta ng iba’t ibang bagay
17. Malikhaing pagsusulat
18. Gawaing may kaugnayan sa Agham
19. Magluto
20. Iniisip kung ao ang pwedeng magyari sa isang bagay
21. Nakikinig at inuunawa ang bawat panuto
8
22. Tumutugtog at umaawit
23. Mamasyal sa iba’t ibang lugar
24. Mag-isip ng pagkakakitaan
25. Umarte sa teatro
26. Gawaing ginagamitan ng mga tools
27. Gawaing may kaugnayan sa bilang o numero
28. Pag-usapan ang iba’t ibang isyu
29. Magsaayos ng mga dokumento
30. Manguna o mamuno
31. Gawaing panlabas (outdoor activities)
32. Gawaing pang-opisina
33. gawaing pang-matematika
34. Tulungan ang nangangailangan
35. Gumuhit
36. Magtalumpati
Kabuuang Iskor

Pagkatapos gawin ang sumusunod:


1. Bilangin ang mga tsek sa bawat hanay
2. Ilipat ang nakuhang bilang ayon sa pagkakasunod nito sa talahanayan sa itaas at
bilugan ang pinakamataas na nakakuha.
Halimbawa:
R I A S E C
5 4 2 7 2 2

*S -SOCIAL

Ikatlong Bahagi (Kasanayan)


Panuto: Ang tseklist sa ibaba ay isang pamamaraan ng pagsusuri sa iyog mga kasanayan.
Mahalagang maunawaan mo na ang pagsagot ng tapat sa pagsusuring ito ay higit na
makapagbibigay gabay sa iyo. Gawin ito sa iyong kuwaderno o sa isang malinis na papel.

Tseklist ng mga Kasanayan


(Personal Skills Checklist)
Kasanayan Kayang Kailangang
(Skills) gawin paunlarin
1. Pangunguna sa mga gawaing pampaaralan o
pampapamayanan
2. Pakikisalamuha sa iba’t ibang tao
3. Pagtuturo sa kabataan
4. Nakikilahok sa mga gawaing may kinalaman sa
pagtulong sa mga nangangailangan
5. Pagsasaliksik sa mga isyu sa lipunan

9
6. Pagpaplano ng mga gawain
7. Pagbibigay at pagwawasto ng pagsusulit
8. Pag-aanalisa ng mga dokumento
9. Pag-oorganisa ng mga datos
10. Pagkukumpuni ng mga sirang gamit
11. Pagmamaneho
12. Paggamit ng mga makina at iba pang mga kagamitang
pang-kunstruksiyon
13. Pagbuo ng mga gusali at iba pang istraktura
14. Pagsasaayos at pagsisinop ng mga gamit sa bodega,
warehouse, at iba pa
15. Pagtutuos (computation)
16. Pag-eeksperimento sa siyentipikong pamamaraan
17. Pagpapaunlad ng mga inobasyon at makabagong
pamamaraan ng pagsasaliksik
18. Pagtuklas ng mga makabagong teknolohiya
19. Pagbibigay kahulugan sa mga pag-aaral at
eksperimento
20. Pagpapaliwanag sa pagkakaugnay-ugnay ng mga
bagay o pangyayari.

Kayang Kailangang
Gawin Paunlarin
1-5 Kasanayan sa Pakikiharap sa Tao (People Skills) ______ ______
6-10 Kasanayan sa mga Datos (Data Skills) ______ ______
11-15 Kasanayan sa mga Bagay-bagay (Thing Skills) ______ ______
16-20 Kasanayan sa mga Ideya at Solusyon (Idea Skills) ______ ______

Mahalagang Tanong:
Bakit mahalaga ang pagtuklas at pagpapaunlad ng mga angking talento, o hilig at
kasanayan? Ipaliwanag.

Suriin

Panuto: Sa talahanayan, isulat ang naging resulta ng iyong pagsusuri noong nasa Baitang 7
ka at ngayong nasa Baitang 9 ka na. Gawin ito sa iyong kuwaderno o sa malinis na papel
Mga Pansariling Resulta ng Pagsusuri Noong Resulta ng Pagsusuri
Salik nasa Baitang 7 Ako Ngayong nasa baitang 9 Ako
1. Talento
2. Hilig
3. Kasanayan

10
Mahalagang Tanong:
Ano ang epekto ng hilig, kasanayan at talento sa pagpili ng kurso o track sa senior
high school o maging sa pagpili ng trabaho sa hinaharap?

Pagyamanin

Panuto: Gumuhit ng simbolo na naglalarawan sa iyong talento, hilig at kasanayan. Gawin


ito sa short bond paper. Pagkatapos ilagay sa likod ng bond paper ang pagpapaliwanag
kung bakit iyon ang sumisimbolo sa iyong talent, hilig at kasanayan, isa hanggang tatlong
pangungusap. Upang masiguro at maganda ang gagawing simbolo sundin ang rubriks
na nasa ibaba.

Rubric sa Pagguhit ng Simbolo


Kraytirya Di – Pangkaraniwan Kahanga – hanga Katanggap – Pagtatangka
tanggap
4 3 2 1
Paksa Angkop na angkop May kaugnayan May maliit na Walang
at eksakto ang sa paksa kaugnayan kaugnayan
kaugnayan sa
paksa
Pagkamalikhain Gumamit ng Gumamit ng kulay Makulay subalit Hindi makulay
maraming kulay at at iilang hindi tiyak ang
kagamitan na may kagamitan na kaugnayan
kaugnayan sa may kaugnayan
paksa sa paksa
Takdang Oras Nakapagsumite sa Nakapagsumite Nakapagsumite Higit sa isang
mas maaga sa sa tamang oras ngunit huli sa linggo ang
itinakdang oras itinakdang oras kahulihan
Kalidad ng Makapukaw interes Makatawag Pansinin ngunit Di - pansinin,
ginawa at tumitimo sa pansin di makapukaw di -
isipan isipan makapukaw ng
interes at
isipan
Kalinisan Maganda, malinis Malinis Ginawa ng Inapura ang
at kahanga-hanga apurahan ngunit paggawa at
ang pagkagawa di-marumi marumi

Tayahin

Panuto: Upang lubos na maunawaan ang ating aralin, Ibigay ang pagkakaiba ng Talento,
Hilig at Kasanayan. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno o sa isang malinis na papel.
Talento Hilig Kasanayan

11
Sanggunian:
Most Essential Learning Competencies, Edukasyon sa Pagpapakatao Curriculum Guide
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 9 Learners Material, Department of Education, 2017
Alternative Delivery Mode Unang Edisyon, 2020

Inihanda ni: Isinumite kay:

TRIXIE S. GARCIA EDGARDO S. NUNAG


Teacher I - Sapang Bato National High School EPSvr 1 – EsP

12
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
SARILING LINANGANG MODYUL
Modyul 2: Mga Pansariling Salik, Lokal at Global na Demand sa Pagpili
ng Track o Kurso sa Senior High School

Pangalan: _______________________________________ Q4W2


Seksiyon: _______________________________________ Petsa: __________

Isaisip

Panimula (Batayang Konsepto)

Maraming mga bagay ang gumugulo sa isip natin lalo na sa


mga pagkakataon na kailangan nating mamili at gumawa ng
mahalagang pagpapasiya. Ikaw, kung gagawa ka kaya ng
pagpapasiya sa kurso o track na gusto mong kunin sa Senior High
School, ano kaya ito? Ano kaya ang iyong isasaalang-alang?
Magiging madali kaya para sa iyo ang gagawing pagpili?
Sa paggawa ng pagpapasiya napakahalaga ng oras o panahon. Maglaan ng sapat na
oras o panahon sa pag-iisip bago mamili, dahil ito ang tutulong sa iyong makita
ang kabuuan at ang iba’t-ibang anggulo ng sitwasyon. Mas malaki ang
panahon at oras sa pag-iisip ng solusyon, mas malaki rin ang pagkakataon na
maging tugma at angkop ito sa mga bagay na pinili o ninais. Makatutulong din
ang paghingi ng payo sa mga nakatatanda o indibidwal na may sapat na kaalaman sa kurso
o track na gustong tahakin, ang kanilang payo o ideya ay iyong magagamit upang masuri kung
tugma ba ito sa iyong nais o gusto.
Maliban sa mga ito, mahalagang suriin mo mismo ang mga pansariling salik na
mayroon ka na siguradong makatutulong sa iyong gagawing pagpipili.
Pinag-aralan mo na ang mga ito at alam ko pamilyar ka sa mga ito, ang
gagawin natin ay pagbabalik-aral na lang at pagtataya kung may nabago o
nadagdag ba? Naalala mo pa ba ang mga ito? Tama, ito ang Talento,
Kasanayan, Hilig, Pagpapahalaga at Mithiin. Ang mga ito ay mga pansariling
salik na maaaring magpadali sa iyo sa gagawing pagpili o paggawa ng pagpapasiya sa kurso
o track na pipiliin sa Senior High School na tugma sa lokal at global na demand. Balikan natin
ang mga ito.

13
Talento. May nagbago ba? Ano ba ang mga talento na mayroon ka
na karaniwang mong nagagamit lalo na sa pagsasagawa ng mga
gawaing may kagalingan at madaling naisasakatuparan? Tandaan
mo na ang talento ay isang pambihirang biyaya at likas na
kakayahang taglay ng tao na kaniyang isinasagawa ng may kahusayan at kasiyahan.

Kasanayan (Skills). Upang matukoy at makilala ang mga kasanayan sa isang bagay,
kailangang ikaw ay may hilig o interes, mga tiyak na potensiyal at malawak na kaalaman. May
tiyak ka na bang kasanayan na iyong magagamit sa pagtukoy ng track o kurso? Ang iyong
kasanayan ay maaaring isa sa sumusunod:
a. Kasanayan sa pakikiharap sa mga tao
b. Kasanayan sa mga datos
c. Kasanayan sa mga bagay-bagay
d. Kasanayan sa mga ideya’t solusyon
Mainam na ngayon pa lamang ay matiyak mo nang maaga ang iyong mga kasanayan
nang sa gayon ay makatulong ito nang malaki sa iyong gagawing pagpili.

Hilig. Nasasalamin ito sa mga paboritong gawain na nagpapasaya sa iyo dahil gusto mo at
buo ang iyong puso na ibigay ang lahat ng makakaya nang hindi
nakakaramdam ng pagod o pagkabagot. Sa mga bagay na
kinahihiligang gawin hindi mo pansin na humahaba ang oras sa
pagsasagawa ng mga ito at hindi mo namamalyan ito ay unti-unti mo
na palang natatapos. Kung magagawa mo sa ngayon na ituon ang
pansin sa mga tiyak mong hilig, sigurado ako mas madali para sa iyo ang pagpili ng iyong
nais na kurso o track.

Pagpapahalaga. Anong mga katangian ang mayroon ka na karaniwang ginagamit mo upang


maging madali ang mga bagay na iyong ginagawa?
Kasipagan, katatagan ng loob, pagiging positibo sa mga
bagay-bagay, pagiging masigasig at mapanuri ay ilan lamang
sa mga pagpapahalagang alam ko na taglay mo. Maliban sa
mga ito ano-ano pa kayang mga pagpapahalaga ang taglay mo? Ang mga pagpapahalaga
na mayroon ka ang siyang magsisilbi mong pagganyak o motibasyon upang maisakatuparan
ang gawain na may kaugnayan sa kurso o track na iyong pipiliin. Maraming indibidwal ang
naging matagumpay sa mga pagpapasiyang kanilang isinakatuparan dahil sa mga taglay na
pagpapahalaga.

14
Mithiin. Walang indibidwal na nagtagumpay nang walang nakikitang
hinaharap o gustong marating sa buhay. May pangarap ka sa buhay,
sigurado yan. Upang maisakabuhay ang mga pangarap kailangan
may mithiin kang gustong maisakatuparan. Ito ang susi sa iyong
tagumpay.

Sigurado ako may kasanayan, kinahihiligan, talento, pagpapahalaga at mithiin ka sa


buhay na gustong mong mangyari. Ang mga ito ay mga salik na dapat bigyang pansin,
makatutulong kung ang mga ito ay iyong pauunlarin.

Sa puntong ito, tignan naman natin kung anong mga track


at mga kaugnay na kurso ang pwede mong piliin, kasama na ang
mga trabahong indemand sa bansa o maging sa buong mundo na
maaari mong pasukin ayon sa Kagawaran ng Edukasyon at sa
mga search engine.

Track-Academic: STEM (Science, Technology, Engineering at Mathematics)


SCIENCE
Mga kaugnay na kurso: Pharmacy, Radiology Technology, Medical Technology,
Atmospheric Science and Environmental Science, Pathology, Agricultural Science and
Fishery, Animal Science
TECHNOLOGY
Mga kaugnay na kurso: Information Technology and Computer Studies, Multi-Media,
Animation, Programming, Computer Science and Information System Management
ENGINEERING
Mga kaugnay na kurso: Mechanical, Electronics, Communication, Metallurgical,
Computer, Biomedical, Chemical, Geodetic, Electrical, Meteorological, Mining and
Geological Engineering
MATHEMATICS
Mga kaugnay na kurso:
BS Mathematics, Physics at Statistics
Track-Academic: ABM (Accountancy, Business and Management)
ACCOUNTANCY
Mga kaugnay na kurso:
Accountancy, Accounting Technology and Bookeeping
BUSINESS
Mga kaugnay na kurso: Business Management, Banking and Financial Services, Business
Information Technology, Entrepreneurship

15
MANAGEMENT
Mga kaugnay na kurso: Management Sciences, Advertising and Public Relations, Hotel
Restaurant Management, Tourism Management, Real Estate Management, and Office
Administration
Track-Academic: GAS (General Academic Strand)
Mga kaugnay na kurso: Education major in Math, Science, Physics, Chemistry, Reading,
English, Educational Media/Technology and Special Education (SPED), Music, Physical
Education and Health
Track-Academic: HUMSS (Humanities and Social Sciences)
HUMANITIES
Mga kaugnay na kurso: Philosophy, Literature, Liberal and Fine Arts
SOCIAL SCIENCES
Mga kaugnay na kurso: Communication, Psychology, Social Work, Criminology,
Sociology, Antropology, Political Science, and Law
HUMANITIES
Mga kaugnay na kurso: Philosophy, Literature, Liberal and Fine Arts
Track-Academic: Isports
Mga kaugnay na kurso: Bachelor of Sports Science
Track-Academic: Arts and Design
Mga kaugnay na kurso: Bachelor of Multi Media Arts, Fine Arts and Music
Track-TVL: Technical, Vocational and Livelihood
Mga kaugnay na kurso: Auto Gas Mechanic, Auto Diesel Mechanic, Auto Electrical
Mechanic, Basic Baking, Basic Computer, Basic Cosmetology, Basic Drafting, Basic
Dressmaking, Basic Electronics, Basic Tailoring, High Speed Sewing, Building Wiring
Installation, Computer Repair, Domestic Ref and Aircon Repair, Food Processing,
International Cuisine, Shielded Metal Arc Welding (SMAW), Practical Nursing,
Housekeeping, Care Giving, Basic Carpentry
Key Employment Generators: HOTEL and RESTAURANT
Mga kaugnay na trabaho: Front Office Agent/Attendant, Baker, Food Server and Handler,
Food and Beverage, Service Attendant, Waiter, Bartender, Room Attendant, Other
Housekeeping Services, Reservations Officer and other Frontline Occupation, Tour
Guides, Commissary Cook, Pastry Cook, Hot-Kitchen Cook, and Pantry Worker/ Cold-
Kitchen
Key Employment Generators: CYBERSERVICES
Mga kaugnay na trabaho: Accountant (Back Office Processing), HR Outsourcing Specialist
(Back Office Processing), Call Center Agent, Medical Transcription Editor, Medical
Transcription, Software Development, Computer Programmers, Software Developer,
IT/Information Technology (MIS Developer, Platform Engineer), Specialist (Learning
Solution, System and Technical Support), Animation Artist, Clean-Up Artist, In-between
Artist/In-betweener, Clean-Up Art Checker, In-between Checker, Animation Checker, Web
Designer, Multimedia Artist, Library builder , Layout artist and 2D digital animator

Key Employment Generators: OVERSEAS EMPLOYMENT


Mga kaugnay na trabaho: Domestic Helpers and Related Workers, Production and Related
Workers, Nurses (anesthetic, critical care/ICU, pediatric, scrub, and cardiac), Caregivers,

16
Plumbers, Pipe-fitters and Related Workers, Cooks and Related Workers, Wiremen,
Electrical, and Related Workers
Key Employment Generators: AGRIBUSINESS
Mga kaugnay na trabaho: Animal Husbandry, Agricultural Economist, Aqua-culturist,
Coconut Farmer, Entomologist (Plant), Farmer (Fruit, Vegetable and Root Crops),
Fisherman, Horticulturist, Plant Mechanic, Rice Thresher Operator-Mechanic,
Veterinarian, Pathologist, Food Processor/Food Technician, and Fishery Technologist
Key Employment Generators: HEALTH WELLNESS and MEDICAL TOURISM
Mga kaugnay na trabaho: Nurse, Herbologist, Optician, Optometrist, Doctor, Physical
Therapist, Pharmacist, Medical Technologist, Laboratory Technician, Physician/Surgeon,
Spa/Massage Therapist and Masseur
Key Employment Generators: MANUFACTURING
Mga kaugnay na trabaho: Electrical Technicians, Finance and Accounting Managers, Food
Technologist, Machine Operators, Sewers, Chemist, Electrical Engineer, Industrial
Engineer, IT Specialist, Machinist, Mechanical Engineers, Mechanical Technicians, and
Chemical Engineer

Key Employment Generators: OWNERSHIP DWELLINGS,


REAL/RETIREMENT ESTATE
Mga kaugnay na trabaho: Building Manager, Construction Manager, Construction Worker,
Foreman, Mason, Welder, Real Estate Agents/Brokers, Marketer, Civil Engineer,
Mechanical Engineer, Surveyor and Architect
Key Employment Generators: CONSTRUCTION
Mga kaugnay na trabaho: Fabricator, Pipe Fitter, Welder, Civil Engineer, Electrical
Engineer, Design and Structural Engineer, Planning and Contract Engineer
Key Employment Generators: MINING
Mga kaugnay na trabaho: Mining Engineer, Geodetic Engineer, Metallurgical Engineer,
Mining & Metallurgical Technician, Welders, Flame-Cutters, and Related Workers,
Laborers, General Workers, and Related Workers, Char workers, Cleaners, and Related
Workers
Key Employment Generators: TRANSPORT and LOGISTICS
Mga kaugnay na trabaho: Checker, Maintenance Mechanics, Stewardess, Gantry
Operator, Ground Engineer, Heavy Equipment Operator, Long Haul Driver, Pilot,
Transport and Logistics, Machinery Operator, Aircraft Mechanic and other related skills
Key Employment Generators: WHOLESALE and RETAIL
Mga kaugnay na trabaho: Cashier, Merchandiser/Buyer, Salesman or Saleslady and
Promodizer
Key Employment Generators: EMERGING INDUSTRIES
DIVERSIFIED/STRATEGIC FARMING and FISHING
Mga kaugnay na trabaho: Fisherman, Aqua-culturist, Horticulturist, Farmer (root crops,
fruit and vegetable: upland and lowland)

17
Key Employment Generators: CREATIVE INDUSTRIES
Mga kaugnay na trabaho: Broadcast Engineer, Video Editor, Video Graphic Artist
(Animators), Visual Artist Designer, 3D modelers, 3D Artist, 3D Animators, and Flash
Animators
Key Employment Generators: POWER UTILITY
Mga kaugnay na trabaho: Electrical Control Operator, Equipment Operator, Electrical
Technician and Mechanical Technician
Key Employment Generators: RENEWABLE ENERGY
Mga kaugnay na trabaho: Checker, Loader, Electrical Engineer, Mechanical Engineer, and
Quality Control Engineer

Gabay ang mga kaalamang iyong nabasa at ang mga gawaing iyong isasagawa sa
kagamitang pampagkatuto na ito sigurado ako na hindi ka magkakamali sa pagpili ng kurso
o track na iyong tatahakin sa Senior High School na tugma sa lokal at global na demand.

Alamin
Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahan na iyong:
• napagninilayan ang mga mahahalagang hakbang na ginawa upang mapaunlad
ang kaniyang talento at kakayahan ayon sa kaniyang hilig, mithiin, lokal at
global na demand. (EsP9PK-IVa-13.2)

Tuklasin

Gawain 1
Panuto:
(a) Gawing gabay ang sumusunod na mga tanong sa gagawing pagbabalik tanaw:
▪ Anong mga karaniwang gawain ang gusto mong ginagawa?
▪ Ang mga gawain bang ito ay nagdudulot ng kasiyahan sa iyo? Bakit
▪ May kaugnayan ba ang mga gawaing ito sa iyong hilig, talento at kakayahan?
▪ Tugma ba ang mga gawaing ito sa iyong mithiin sa buhay?
▪ Anong kurso ang sa palagay mo ang puwede mong kunin na may kaugnayan sa
trabaho o gawain na lagi mong ginagawa?
▪ Sa anong larangan ba ito puwedeng ihanay, akademiko, sining, palakasan
teknikal-bokasyonal?

(b) Pumikit sandali habang nagbabalik-tanaw at isipin ang mga gawain sa tahanan, paaralan,
at lipunan.

18
Gawain 2
Panuto: Batay sa ginawang pagbabalik-tanaw, punan ang hinihingi ng sumusunod na
talahanayan at sagutin ang mahalagang tanong pagkatapos. Gawin ito sa iyong kuwaderno
o kaya sa isang malinis na papel.

pangangailangang lokal
at global kasalukuyan?
sa iyong hilig, talent, at

Tugma ba ito sa iyong


May kaugnayan ba ito
Nagdudulot ba ito ng
Kursong Sa anong

Naaayon ba ito sa
kasiyahan sa iyo?

mithiin sa buhay?
Gustong larangan ba ito

kakayahan?
Kunin ayon puwedeng ihanay?
sa iyong
gawain o trabaho

Hilig,
Karaniwang

Talento
at
Kakayahan

Bokasyonal
Akademiko

Palakasan

Teknikal-
Sining at
Hindi

Hindi

Hindi

Hindi
Oo

Oo

Oo

Oo
Hal.:
Inaayos ✓ ✓ ✓ ✓ ✓
ang mga Basic
sirang Carpentry
gamit sa
bahay.

Mahalagang Tanong:

Ano ang masasabi mo sa naging resulta ng iyong gawain? Ipaliwanag.

Suriin

Panuto: Suriin ang sumusunod, alin sa mga ito ang maaaring mabisang hakbang upang
mapaunlad ang mga pansariling salik na iyong gagamitin sa pagpili ng track o kurso sa Senior
High School. Isulat ang titik ng iyong sagot sa iyong kuwaderno o sa isang malinis na papel
at sagutin ang mahalagang tanong pagkatapos.
A. Magbasa ng mga aklat o manood ng mga video/s na may kaugnayan sa mga
kasanayang gustong paunlarin.
B. Sundin ang kursong napili ng magulang para sa iyo.
C. Subukan ang mga kasanayan sa mga simpleng bagay, humingi ng gabay sa
nakatatanda na may sapat na kaalaman sa isasakatuparang gawain kung
kinakailangan.
19
D. Piliin ang kursong pinili ng mga kaibigan para may makatulong sa mga gawain pang-
paaralan kung sakali.
E. Piliin ang paaralang may sikat na pangalan.
F. Paunlarin ang mga hilig at talento sa pamamaraang nakatutulong ito sa sarili at maging
sa kapwa.
G. Magkaroon ng pagsusuri ng interes at mga hilig.
H. Patuloy na kilalanin ang sarili at tukuyin ang mga pagpapahalagang kailangang
linangin.
I. Isalang-alang ang mga kagamitang pampaaralan na una ng ginamit ng mga
nakatatandang kapatid.
J. Itala ang mga kailangang isaalang-alang sa mga pagpapasiyang kailangang isagawa.
K. Alamin ang mga paaralan nagbibigay ng scholarship na maaaring makatulong upang
maipagpatuloy mo ang iyong pag-aaral.
L. Magtakda ng mga simpleng mithiin.
M. Piliin ang mga paaralang nasa lungsod.
N. Gumawa ng mga listahan ng mga gawain na kailangang bigyang prayoridad na may
kaugnayan sa mithiin at pangarap na gustong isakatuparan.
O. Isapuso na mangyayari ang lahat sa tulong at gabay ng mga taong nakapaligid sa iyo
at ng Maykapal.

Mahalagang Tanong:
Alin sa mga nabanggit ang tugma sa mga posibleng hakbang na iyong isasabuhay?
Paano mo ito isasagawa? Ipaliwanag.

Pagyamanin
Panuto: Maliban sa mga naitalang hakbang ng pagpapaunlad ng mga pansariling salik sa
nakaraang gawain, magtala ng tatlo o higit pang mga simpleng hakbang ang pwedeng gawin
at anong kilos ang iyong isasagawa upang ito ay maisakatuparan daan upang makagawa ng
tamang pagpapasiya sa pagpili ng track o kurso sa Senior High School na tugma sa local at
maging global na demand sa kasalukuyan. Gawin ito sa iyong kuwaderno o sa isang malinis
na papel. Gawing gabay ang talahanayan sa ibaba.
Mga simpleng hakbang na maaring gawin Paraan ng pagsasabuhay o pagkilos

20
Tayahin

Panuto: Tayo ay gagamit ng tinatawag na 3-2-1. Maglagay ng tatlong (3) bagay na mas lalo
mong naintindihan matapos gawin ang mga gawain. Isulat ang dalawang (2) kaalaman o
leksyon na iyong napulot na maaring magamit sa personal na buhay. At isang (1) katanungan
na nais mo pang malaman sa hinaharap. Gawin ito sa iyong kuwaderno o sa isang malinis na
papel.

Sanggunian:
Most Essential Learning Competencies, Edukasyon sa Pagpapakatao Curriculum Guide
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 9 Learners Material, Department of Education, 2017
Alternative Delivery Mode Unang Edisyon, 2020

Isinumite ni:

BENEDICK DANIEL O. YUMUL


Head Teacher III - Angeles City National Trade School

Isinumite kay:

EDGARDO S. NUNAG
EPSvr 1 – EsP

21
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
SARILING LINANGANG MODYUL
Modyul 3: Kahalagahan ng Pagpili ng Tugmang Track o Kursong
Akademik, Teknikal-Bokasyonal, Sining at Disenyo, at Isports
Pangalan: _______________________________________Q4W3
Seksiyon: _______________________________________Petsa: _____________

Isaisip
Panimula (Batayang Konsepto)
“Para kanino ka bumabangon?” Marahil pamilyar ka sa mga katagang ito. Kung
sasagutin mo ang katanungan na ito, tiyak na mapapaisip ka ng malalim. Ikaw ba ay
bumabangon para sa iyong sarili, pamilya, o ibang tao?
Sa nakaraang linggo, nakilala mo ang mga pagbabago sa iyong talento, kakayahan at
hilig (mula Baitang 7) at naiugnay ang mga ito sa pipiliing kursong o track sa Senior High
School. Napagnilayan mo rin ang mga mahahalagang hakbang na ginawa mo upang
mapaunlad ang iyong talento at kakayahan ayon sa iyong hilig, mithiin, lokal at global na
demand. Sa modyul na ito, ating tatalakayin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng tugma na
personal na salik sa napiling kursong akademiko, teknikal-bokasyonal, sining at isports o
negosyo na nagiging daan upang magkaroon ng makabuluhang hanapbuhay o negosyo at
matiyak ang pagiging produktibo at pakikibahagi sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng ating
bansa.
Likas sa tao ang maging masaya. Ngunit mayroong iba ang hindi nasisiyahan sa
kanilang mga buhay at isa sa dahilang ito ay dahil sa kanilang napiling kursong akademiko,
teknikal-bokasyonal, sining at isports o negosyo. Napakaraming
aspeto sa ating buhay ang kailangan nating isipin bago gumawa
ng pagpapasiya tulad ng ating magiging dahilan ng pagbangon sa
hinaharap. Kaya naman, mahalagang malaman na nararapat
lamang na maging tugma ang ating mga personal na salik sa ating
pipiliing kursong akademiko, teknikal-bokasyonal, sining at isports
o negosyo. Narito ang mga dahilan kung bakit mahalaga o
kailangang tugma ang mga pansariling salik sa pagpili ng track o
kurso sa Senior High School:

22
• Kung tugma ang iyong pansariling salik sa mga pangangailangan sa napiling kurso,
mas madali mong maisasagawa, matututunan at maiintindihan ang mga bagay-bagay
na may kaugnayan sa pinag-aaralang kurso.
• Mas madali mong mapagtatagumpayan ang mga hamon sa iyong buhay dahil gusto
mo ang iyong ginagawa at dahil dito madali para sa iyo ang humanap ng solusyon at
mga posibleng paraan upang malampasan kung anoman ang maaaring maging
balakid.
• Mas madali mong maibabahagi sa iba ang iyong mga natutunan dahil alam mo sa
iyong sarili na iyon ay makatutulong din sa iba.

Kung magagawa mong pumili ng tamang track o kurso na nakabatay sa iyong pansariling
salik, makakamit mo ang sumusunod:
Una, ang pagkakaroon ng makabuluhang buhay. Dito, hindi lamang makatutulong na
maiangat ang antas ng iyong buhay dahil sa magandang kita o sahod na kalakip nito kundi
ang halaga ng pagkamit ng iyong kaganapan mula sa kasiyahang nakukuha at
pagpapahalaga sa iyong paggawa. Mas lalo mong naibibigay ang iyong kahusayan dahil ang
talento, kasanayan, at interes ang iyong puhunan.
Pangalawa, tataglayin mo ang katangian ng isang produktibong manggagawa. Ang
produktibong manggagawa ay masasabing isang asset ng isang kompanya o institusyong na
kinabibilangan. Katulong siya sa pagpapaunlad ng mga programa at adhikain ng kaniyang
pinagtatrabahuhan tungo sa sama-samang paggawa.
Pangatlo, kung masisiguro ang pagiging produktibo sa iyong mga gawain, ikaw rin ay
nakikibahagi sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa. Naipamamalas ito sa pamamagitan
ng tamang pamamahala ng oras upang matapos ang gawain, pagpapasa ng mga proyekto o
takdang-araw, paggamit ng teknolohiya para sa mabilis na produksiyon at maayos na
pakikitungo sa iba at naaabot mo ang iyong itinakdang layunin.

Kung ang isang mag-aaral na katulad mo ay may paghahanda sa hinaharap, hindi


malayo na taglayin mo ang mga kahanga-hangang gawi na ito at maging bahagi ka ng
lumalaking bilang ng mga magagaling na manggagawa ng ating bansa.

Alamin
Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:
• napatutunayan na ang pagiging tugma ng mga personal na salik sa mga
pangangailangan (requirements) sa napiling kursong akademiko, teknikal-

23
bokasyonal, sining at isports o negosyo ay daan upang magkaroon ng
makabuluhang hanapbuhay o negosyo at matiyak ang pagiging produktibo at
pakikibahagi sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa. (EsP9PK-IVb-13.3)

Tuklasin
Panuto: Pag-aralan ang mga larawan, punan ang kahon sa ilalim nito ng bituin () kung ito
ay nagpapakita ng pagkakaroon ng makabuluhang hanapbuhay o negosyo, tsek (✓) kung
pagiging produktibo, o bilog (O) kung ito ay nakikibahagi sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng
bansa at sagutin ang mahalagang tanong pagkatapos. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno
o sa malinis na papel.

Mahalagang tanong:
Alin sa mga larawan ang tugma sa kursong iyong kukunin sa Senior High School?
Paano mo kaya ito isasakatuparan?

Suriin

Panuto: Suriin ang sumusunod na sitwasyon. Tukuyin kung ano ang pangunahing problema
sa sitwasyon at kung ano ang posibleng solusyon dito at sagutin ang mahalagang tanong

24
pagkatapos ng gawain. Gawin ito sa iyong kuwaderno o sa isang malis na papel. Gawing
gabay ang halimbawa sa ibaba.
Halimbawa:

“Ang Pangarap ni Nena”


Bata pa lamang si Nena ay pangarap na niyang maging isang guro. Ngunit ang
kaniyang ama ay isang doktor kaya ang nais niya para kay Nena ang maging katulad niya.
Ngayon na papasok na si Nena sa kolehiyo, siya ay nalilito sa kaniyang magiging
desisyon.

Para sa akin, maaaring magtungo si Nena sa isang Guidance Advocate upang humingi
ng tulong o payo patungkol sa kaniyang desisyon na gagawin. Mahalagang maging bukas
din ang kaisipan ni Nena at ang kaniyang ama upang maikumpara ang bawat propesyon
kung ano ang nababagay para kay sa kaniya.

Sitwasyon 1

“Ang Pagkakamali ni Alice”


Si Alice ay labing limang taon nang nagtatrabaho bilang isang nars sa ibang
bansa. Sa kaniyang mga nababalitaan, siya ay lubhang nagsisisi dahil hindi niya
nagawang maglingkod sa sariling bansa ngayong lubos na kailangan siya dito at ubos na
ang kaniyang lakas dahil sa pagtanda. Nais nang umuwi ni Alice at siya ay nag-iisip ng
ibang paraan upang mapaglingkuran ang kaniyang bansa.

Sitwasyon 2

“Kahirapan”
Laki sa hirap ang panganay sa apat na magkakapatid na si Jun kaya naman
walang kakayahan ang kaniyang ama at ina na mapag-aral siya. Ang kaniyang ama ay
isang tagapulot ng basura at ang kaniyang ina ay housewife. Ngunit, kahit siya ay laki sa
hirap, may nag-uudyok sa kaniya na balang araw iaangat niya ang kaniyang pamilya sa
kahirapan at pag- aralin ang kaniyang mga nakababatang kapatid.

Sitwasyon 3

“Ang Isport ni Romeo”


Bata pa lamang si Romeo ay nakitaan na siya ng kakayahan o potensyal ng coach
sa paglalaro ng basketbol. Inalukan siya na mag training upang maging atleta at iskolar
sa kaniyang paaralan. Ngunit, siya ay nagdadalawang isip na baka makaligtaan niya ang
kaniyang pag-aaral at maaaring bumaba ang kaniyang mga grado.

Mahalagang tanong:
May mga sitwasyon ba sa iyong buhay ang maaari mong maihalintulad sa mga
sitwasyong iyong sinuri? Ano ang ginawa mong hakbang upang mapagtagumpayan ito?

25
Pagyamanin / Isagawa

Panuto: Dugtungan ang mga salitang nasa ibaba upang mabuo ang kaisipan na tugma
sa iyong mga minimithing buhay sa hinaharap at sagutin ang mahalagang tanong
pagkatapos ng gawain. Gawin ito sa iyong kuwaderno o sa malinis na papel.

Balang araw, gusto kong maging ____________________________________________


______________________________________________________________________
dahil _________________________________________________________________
______________________________________________________________________
Ngunit ________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Ang maaari kong gawin upang maging makabuluhan ang aking mapipiling kurso ay
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Ang gagawin ko upang makatulong sa pag-unlad ng aking bansa ay


______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Mahalagang Tanong:
Bakit mahalagang maging tugma ang mga pansariling salik sa mga pangangailangan
sa mapipiling kursong akademiko, teknikal-bokasyonal, sining at isports o negosyo?

Tayahin

Panuto: Tayo ay gagamit ng tinatawag na 3-2-1. Maglagay ng tatlong (3) bagay na mas lalo
mong naintindihan matapos gawin ang mga gawain. Isulat ang dalawang (2) kaalaman o
leksyon na iyong napulot na maaaring magamit sa personal na buhay. At isang (1) katanungan
na nais mo pang malaman sa hinaharap. Gawin ito sa iyong kuwaderno o sa isang malinis na
papel.

26
Sanggunian:
Most Essential Learning Competencies, Edukasyon sa Pagpapakatao Curriculum Guide
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 9 Learners Material, Department of Education, 2017
Alternative Delivery Mode Unang Edisyon, 2020

Isinumite ni:

DENZEL LYLE M. BAUTISTA


Teacher I - Claro M. Recto ICT High School

Isinumite kay:

EDGARDO S. NUNAG
EPSvr 1 – EsP

27
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
SARILING LINANGANG MODYUL
Modyul 4: Mga Hakbang na Isasakatuparan sa Paghahandang
Gagawin Upang Makamit ang Piniling Kursong Akademiko
Teknikal-Bokasyonal, Sining at Palakasan o Negosyo

Pangalan: _______________________________________Q4W4
Seksiyon: _______________________________________Petsa: _____________

Isaisip
Panimula (Batayang Konsepto)
“It always starts with a dream”
Libre ang mangarap. Sa iyong pagtahak tungo dito, tiyak
ay hindi ito magiging madali. Marami kang landas na tatahakin
na masusubok ang iyong kasipagan at tiyaga. Mahalagang
maunawaan mo na walang bagay sa mundo ang hindi
pinaghihirapan.
Sa nakaraang linggo, iyong napatunayan na ang
pagiging tugma ng mga personal na salik sa mga pangangailangan (requirements) sa napiling
kursong akademiko, teknikal-bokasyonal, sining at isports o negosyo ay daan upang
magkaroon ng makabuluhang hanapbuhay o negosyo at matiyak ang pagiging produktibo at
pakikibahagi sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa.
Sa modyul na ito, iyong matutukoy ang mga
paghahandang gagawin upang makamit ang piniling
kursong akademiko, teknikal-bokasyonal, sining at
palakasan o negosyo. Malalaman mo ang mga
hakbang kung paano umpisahan ang pagtahak sa
iyong pangarap at ano-ano ang mga kakailanganin
dito. Ang sumusunod ay makatutulong sa iyo.
1. Magkaroon ng pagsusuri ng sarili. Maaring
balikan ang mga nakaraang aralin upang
matiyak ang gusto mong kurso na magiging daan sa katuparan ng iyong pangarap.
2. Suriin ang mga hilig, kasanayan at kakayahan kung tugma ito sa mga pamamaraang
naimbento ng mga eksperto. Maaari mong gamitin muli ang Multiple Inteligence Survey
at RIASEC Test sa nakaraang aralin.
28
3. Suriin kung kaya ba ito sa aspetong pisikal, sikolohil, emosyonal at maging sa pinansyal.
4. Gumawa ng plano ng pagsasagawa.
5. Itala ang mga maaaring mga maging hamon at ang mga posibleng hakbang upang
mapagtagumpayan ang mga hamon ito.
6. Magbasa at gumawa ng pananaliksik kung kinakailangan.
7. Humingi ng gabay sa iyong mga magulang o mga indibidwal
na maaaring makatulong sa mithiing gusto mong
isakatuparan, sila ang magsisilbing guide at manual mo dahil
sa mga karanasan at kaalaman mayroon sila. Tandaan
walang bayad ang pagtatanong.
8. Maghinay-hinay sa pagsasagawa ng pagpapasiya at kilos.
Hindi kailangan ang mabilisan gawin ito sa pamamaraang
maingat at ayon sa kung ano ang dapat at kailangan. Ang mga birtud at pagpapahalaga
moral na iyong taglay at dapat laging isinasaalang-alang.
9. Kapag nag-aalinlangan sa kung ano ang isasagawang pagpapasiya o kilos, bumalik at
pag-aralan muli ang sitwasyon.
10. Hingin ang gabay ng Panginoon sa bawat kilos o pagpapasiyang isasagawa.

Sigurado ako kung ang mga nabanggit na hakbang ay iyong isasa-


alang-alang, hindi ka magkakamali at tiyak ang tagumpay ay makakamit
sa kursong iyong kukunin o maging sa trabahong pipiliin.

Alamin
Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:
• natutukoy ang kaniyang mga paghahandang gagawin upang makamit ang
piniling kursong akademiko, teknikal-bokasyonal, sining at palakasan o
negosyo (hal., pagkuha ng impormasyon at pag-unawa sa mga tracks sa
Senior High School). EsP9PK-IVb-13.4

29
Tuklasin
Panuto: Ating balikan ang kategoryang natalakay na may akronim na “RIASEC” o Realistic,
Investigative, Artistic, Social, Enterprising, at Conventional ng sikolohistang si John Holland.
Ang heksagon na nakalarawan sa ibaba ay nagpapakita ng anim na pangunahing interes at
katangian ng mga tao/grupo sa bawat interes na ito. Ang anim na interes na ito ay
magkakaugnay batay sa kanilang pagkakasunod-sunod at sa mga katapat nito ay ang mga
magkakasalungat na katangian ng bawat interes. Kulayan ang mga bahagi ng heksagon ayon
sa tindi ng iyong interes, pumili lamang ng tatlo. Sagutin ang mahalagang tanong pagkatapos
ng gawain. Gawin ito sa iyong kuwaderno o sa isang malinis na papel.

Kabuuan ng mga Grupo

R I
Grupo ng mga taong
talentadong Grupo ng mga
pangmekaniko, nais taong nais
ng mga bagay, magmasid, matuto,
makina, tools, mag-imbestiga,
halaman o mga magsuri, at lumutas
hayop, o mga ng mga problema
gawaing outdoor

Grupo ng mga
Grupo ng mga taong taong masining
mahilig sa mga datos,

C A
makabago, o may
may abilidad sa mga likas na galing sa
numero, nais ay mga mga gawaing
bagay na detalyado at ginagamit ang
nakalatag ang mga imahinasyon o
direksyon pagkamalikhain

Grupo ng mga taong nais Grupo ng mga taong nais


gumawa ng kasama ang gumawa kasama ang iba-
iba-magpaliwanag, mang-impluwensiya,
magbigay-alam, tumulong, manghikayat, manguna, o
maialam, gumamot, o maging lider ng isang
anumang kasanayan organisayon na may iisang
gamit ang salita tunguhin

E S

30
Paggawa ng Aking
Heksagon ng mga Hilig

Mahalagang Tanong:
Ano ang iyong naging obserbasyon sa paggawa mo ng heksagon ng mga hilig?

Suriin

Panuto: Punan ang tsart sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong sa loob ng mga kahon.
Isulat ang iyong sagot sa iyong kuwaderno o sa isang malinis na papel.
Ano-ano ang konsepto at Ano ang aking pagkaunawa Ano-ano ang hakbang na
kaalaman na pumukaw sa at reyalisasyon sa bawat aking gagawin upang
akin? konsepto at kaalaman na mailapat ko ang mga pang-
ito? unawa at reyalisasyong ito
sa aking buhay?

31
Pagyamanin / Isagawa
Panuto: Gumawa ng sariling “Force Field Analysis”, gawing gabay ang
nasa ibaba. Gawin ito sa iyong kuwaderno o sa isang malinis na papel.

Ngayon, Ikaw naman.

32
Tayahin

Panuto: Tayo ay gagamit ng tinatawag na 3-2-1. Maglagay ng tatlong (3) bagay na mas lalo
mong naintindihan matapos gawin ang mga gawain. Isulat ang dalawang (2) kaalaman o
leksyon na iyong napulot na maaring magamit sa personal na buhay. At isang (1) katanungan
na nais mo pang malaman sa hinaharap. Gawin ito sa iyong kuwaderno o sa isang malinis na
papel.

Sanggunian:
Most Essential Learning Competencies, Edukasyon sa Pagpapakatao Curriculum Guide
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 9 Learners Material, Department of Education, 2017
Alternative Delivery Mode Unang Edisyon, 2020

Isinumite ni:

DENZEL LYLE M. BAUTISTA


Teacher I - Claro M. Recto ICT High School

Isinumite kay:

EDGARDO S. NUNAG
EPSvr 1 – EsP

33
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
SARILING LINANGANG MODYUL
Modyul 5: Kahalagahan ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
Pangalan: _______________________________________Q4W5
Seksiyon: _______________________________________Petsa: _____________

Isaisip
Panimula (Batayang Konsepto)
Mahalagang sigurado ang tao sa landas na kaniyang
tinatahak. Ito ang susi na makatutulong sa kaniya upang makamit
ang layunin niya sa buhay. Sa mga nakaraang modyul na iyong
pinag-aralan lagi mong nababasa ang salitang gabay at plano.
Paano nga ba ang tamang paggawa ng plano at anong gabay ang maaaring makatulong
upang maabot ang iyong mga pangarap at mithiin sa buhay?
Ang pinakapangunahing sagot sa tanong na nabanggit ay ang paggawa ng PPMB o
Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay. Ang paggawa ng plano sa mga pangarap at mithiin
na gusto mong isakatupran ay nagsisimula sa paggawa ng mga maliwanag na hakbang,
tunguhin at bagay na isasakatuparan. Ito rin ang pinakamabisang gabay maliban sa
presensiya ng mga taong iyong pinagkakatiwalaan.
Ang Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay (PPMB)
ay katulad ng isang personal na kredo o isang motto na
nagsasalaysay kung paano mo ninanais na dumaloy ang iyong
buhay. Ito ay magiging batayan mo sa iyong gagawin na mga pagpapasiya sa araw-araw.
Isang magandang paraan ito upang higit mong makilala ang iyong sarili at kung saan ka
patutungo. Nagsisilbi itong simula ng matatag na pundasyon sa pagkakaroon mo ng sariling
kamalayan at mataas na pagpapahalaga sa iyong mga layunin sa buhay. Hindi madali ang
paglikha nito, dahil nangangailangan ito ng panahon, inspirasyon, at pagbabalik-tanaw.
Ayon kay Stephen Covey sa kaniyang aklat na Seven Habits of Highly Effective
People, “begin with the end in mind.” Nararapat na ngayon pa lamang ay malinaw na sa iyong
isip ang isang malaking larawan kung ano ang nais mong mangyari sa iyong buhay.
Mahalagang kilalanin mong mabuti ang iyong sarili at suriin ang iyong katangian,
pagpapahalaga, at layunin. Mag-isip ng nais mong mangyari sa hinaharap at magpasiya sa
direksiyon na iyong tatahakin sa iyong buhay upang makatiyak na ang bawat hakbang ay
34
patungo sa mabuti at tamang direksiyon. Ayon din kay Covey, ang pagbuo ng Personal na
Pahayag ng Misyon sa Buhay ay nararapat na iugnay sa pag-uugali at paniniwala sa buhay.

Alamin
Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:
• nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng Personal na Pahayag ng Misyon sa
Buhay (PPMB). (EsP9PK-IVc-14.1)

Tuklasin

Panuto: Pag-aralan ang PPMB ni Chit, mula sa simpleng mag-aaral na tulad mo ay naging
isang ganap na inhinyero at ngayon ag nagsisilbi bilang Pari. Tukuyin kung ano ang mithiin
niya sa buhay at ang mga hakbang na kaniyang ginawa upang ito ay maisakatuparan.

“Balang araw ay nais kong maging isang inhinyero at instrument sa pagpapahayag ng


pagmamahal ng Diyos at pagpapalaganap ng Kaniyang mga Salita at karunungan sa
lahat, lalo na sa kabataan, maliit na bata, at mga tinedyer sa pamamagitan ng pag-aaral
nang mabuti, pagsasaliksik, at pag-alaala sa walang hanggang pagmamahal ng Diyos sa
lahat ng aking ginagawa.”

Mahalagang Tanong:

Ano kaya ang naging papel ng PPMB ni Chit sa kaniyang buhay upang magtagumpay?

Suriin

Panuto: Balikan ang mga sitwasyon sa buhay na kung saan kinailangan mong gumawa ng
pagpapasiya (magtala ng limang sitwasyon). Ano ang naging basehan o gabay sa ginawang
pagpaapsiya at pagkilos? Paano ito nakatulong sa sitwasyong kinakaharap? Sagutin ang
mahalagang tanong pagkatapos. Gawin ito sa iyong kuwaderno o sa isang malinis na papel.
Gawing gabay ang talahanayan sa ibaba sa pagsagot.

Sitwasyon sa buhay na Naging basehan o gabay sa Paano ito nakatulong sa


kinailangan mong gumawa ng ginawang pagpapasiya at sitwasyong kinakaharap?
pagpapasiya pagkilos

35
Mahalagang Tanong:
Mahalaga ba sa isang tao ang pagkakaroon ng gabay sa kaniyang pagpaapsiya at
pagkilos sa buhay? Ipaliwanag.

Pagyamanin / Isagawa

Panuto: (a) Mula sa nakaraang gawain (Suriin) gumawa ng Linya ng Buhay o Life Line.
(b) Isulat ang mga ginawang pagpapasiya sa mga sitwasyon na naranasan mo sa iyong
buhay. Gawing gabay ang halimbawa sa ibaba. (c) Sagutin ang mahalagang tanong. Gawin
ito sa iyong Kuwaderno o sa isang malinis na papel.

Ikaw naman…

Mahalagang Tanong:
Mula sa iyong ginawa, masasabi mo bang tinatahak mo ang tamang direksiyon na
iyong nais mangyari sa iyong buhay? Paano makatutulong sa isang tao ang pagkakaroon niya
ng gabay o pattern sa kaniyang buhay? Ipaliwanag.

Tayahin
Panuto: Tayo ay gagamit ng tinatawag na 3-2-1. Maglagay ng tatlong (3) bagay na mas lalo
mong naintindihan matapos gawin ang mga gawain. Isulat ang dalawang (2) kaalaman o
leksyon na iyong napulot na maaaring magamit sa personal na buhay. At isang (1) katanungan
na nais mo pang malaman sa hinaharap. Gawin ito sa sagutang papel.

36
Sanggunian:
Most Essential Learning Competencies, Edukasyon sa Pagpapakatao Curriculum Guide
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 9 Learners Material, Department of Education, 2017
Alternative Delivery Mode Unang Edisyon, 2020

Inihanda ni:

ALVEEN A. MALLARI
Teacher III - Claro M. Recto Information and Communication Technology High School

Isinumite kay:

EDGARDO S. NUNAG
EPSvr 1 – EsP

37
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
SARILING LINANGANG MODYUL
Modyul 6: Mga Hakbang sa Pagbuo ng PPMB
Pangalan: _______________________________________Q4W3
Seksiyon: _______________________________________Petsa: _____________

Isaisip
Panimula (Batayang Konsepto)
Sa nakaraang modyul, binigyang pansin kung ano ang
PPMB o Personal na Misyon sa Buhay, kung babalikan natin ito
ay katulad ng isang personal na kredo o isang motto na
nagsasalaysay kung paano mo ninanais na dumaloy ang iyong
buhay. Ito ay magiging batayan mo sa iyong gagawin na mga
pagpapasiya sa araw-araw. Isang magandang paraan ito upang
higit mong makilala ang iyong sarili at kung saan ka patutungo. Nagsisilbi itong simula ng
matatag na pundasyon sa pagkakaroon mo ng sariling kamalayan at mataas na
pagpapahalaga sa iyong mga layunin sa buhay. Hindi madali ang paglikha nito, dahil
nangangailangan ito ng panahon, inspirasyon at pagbabalik-tanaw. Paano nga ba ito
gagawin?
Sa pagbuo ng PPMB, dapat nasasagot nito ang mga katanungan na:
1. Ano ang layunin ko sa buhay?
2. Ano-ano ang aking mga pagpapahalaga?
3. Ano ang nais o gusto kong marating?
4. Sino ang mga tao na maaari kong makasama at maging
kaagapay sa aking buhay?

Maliban sa mga ito, dapat nakatuon din ito sa kung ano ang nais mong mangyari sa mga
taglay mong katangian at kung paano makakamit ang tagumpay gamit ang mga ito. Ayon kay
Stephen Covey, upang makabuo ka ng mabuting PPMB, magsimulang tukuyin ang sentro ng
iyong buhay – halimbawa: Diyos, pamilya, kaibigan, pamayanan. Dahil ang sentro ng buhay
mo ang magbibigay sa iyo ng seguridad, paggabay, karunungan at kapangyarihan.

Ang sumusunod ay mga simpleng hakbang sa pagbuo ng PPMB:


1. Suriin ang iyong ugali at katangian. Simulan mo ang paggawa ng
iyong personal na misyon sa pamamagitan ng pagtatala ng iyong mga
ugali at mga katangian. Ang pangunahin mong katangian ang
38
magpapakilala sa iyo kung sino ka, paano ka naapektuhan ng mundo na iyong
ginagalawan, ano ang mahalaga sa iyo at paano ka kumikilos para sa iyong gagawin
na pagpapasiya.
2. Tukuyin ang iyong mga pinahahalagahan. Kailangang maging
maliwanag sa iyo kung saan nakabatay ang iyong mga
pagpapahalaga. Kung saan nakatuon ang iyong lakas, oras at
panahon. Ang iyong mga pinahahalagahan ang magiging
pundasyon mo sa pagbuo ng personal na misyon sa buhay.
3. Tipunin ang mga impormasyon. Sa iyong impormasyon na naitala,
laging isaisip na ang iyong layunin ng personal na pahayag sa buhay
ay may malaking magagawa sa kabuuan ng iyong pagkatao. Ito ang
magbibigay sa iyo ng tamang direksiyon sa landas na iyong
tatahakin.

Ang personal na misyon sa buhay ng tao ay maaaring mabago o mapalitan sapagkat


patuloy na nagbabago ang tao sa konteksto ng mga sitwasyon na nangyayari sa kaniyang
buhay. Ngunit magkagayon man, ito pa rin ang magsisilbing saligan sa pagtahak niya sa
tamang landas ng kaniyang buhay. Sabi nga sa isang kataga, “All of
us are creators of our own destiny”. Ibig sabihin, tayo ang lilikha ng
ating patutunguhan. Napakaganda hindi ba? Kaya pag-isipan mong
mabuti, sapagkat anoman ang iyong hahantungan, iyan ay bunga ng
iyong mga naging pagpapasiya sa iyong buhay.

Alamin
Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:
• natutukoy ang mga hakbang sa pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon
sa Buhay. (EsP9PKIVc-14.2)

39
Tuklasin

Panuto: Upang lubusang makilala ang sarili at malaman ang direksyong tatahakin, punan ang
mga hinihingi sa bawat simbolo at sagutin ang mahalagang tanong pagkatapos. Isulat ang
iyong sagot sa iyong kuwaderno o sa isang malinis na papel.ito sa iyong sagutang papel.

Ano ang Ano-ano Sino-sino


layunin ko ang aking ang
sa buhay? Ano ang pinahahala- maaari
nais kong gahan? kong
marating? maging
gabay sa
buhay?

Mahalagang Tanong:

Bakit mahalagang malaman ang direksyon ng buhay ng tao? Ano ang maaari mong gawin
upang lubusan mong makilala ang sarili at malaman ang direksyong tatahakin?

Suriin

Panuto: Suriin ang mga larawan sa ibaba: Tukuyin kung anong hakbang ito sa pagbuo ng
Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay o PPMB at sagutin ang mahalagang tanong
pagkatapos. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno o sa isang malinis na papel.

1. 2. 3.

Mga Gabay na Tanong:


Alin sa mga hakbang na ito ang dapat mo pang bigyang pansin at dapat mo pang
kilalanin sa iyong paglalakbay sa buhay?
40
Pagyamanin / Isagawa

Panuto: Subukang gumawa ng PPMB o personal na kredo gamit ang mga kaalamang
napag-aralan sa modyul na ito. Gawin ito sa isang malinis na papel o sa short bond paper.
Gawing gabay ang rubriks sa ibaba.

Rubriks sa Paggawa ng PPMB o Personal na Kredo


Kraytirya 5 4 3 1-2
Nilalaman Malinaw na Naging malinaw Hindi gaanong Hindi naging
malinaw ang ang mensahe ng malinaw ang malinaw mensahe
mensahe ng PPMB o kredo mensahe ng PPMB ng PPMB o kredo
PPMB o kredo o kredo.
Organisasyon Buo ang May kaisahan at Konsistent, may Hindi ganap ang
kaisipan may sapat na kaisahan, kulang sa pagkakabuo,
konsistent, at detalye at detalye at hindi kulang ang detalye
kumpleto ang malinaw gaanong malinaw at di-malinaw
detalye
Kaangkupan sa Angkop na Angkop sa Hindi gaanong Hindi angkop sa
Paksa angkop sa paksa angkop sa paksa paksa
paksa

Tayahin
Panuto: Punan ang mga hinihingi sa bawat kahon. Gawin ito sa iyong kuwaderno o sa isang
malinis na papel.
Natutunan sa kahalagahan ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay o PPMB

Tatlong hakbang na dapat bigyang pansin sa pagbuo mo ng iyong PPMB

Paano mo maisasabuhay ang iyong natutunan?

41
Sanggunian:
Most Essential Learning Competencies, Edukasyon sa Pagpapakatao Curriculum Guide
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 9 Learners Material, Department of Education, 2017
Alternative Delivery Mode Unang Edisyon, 2020

Inihanda ni:

LADY MAAN O. GALANG


Teacher II - Angeles City National Trade School

Isinumite kay:

EDGARDO S. NUNAG
EPSvr 1 – EsP

42
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
SARILING LINANGANG MODYUL
Modyul 7: Ang Aking PPMB Tungo sa Kabutihang Panglahat
Pangalan: _______________________________________Q2W7
Seksiyon: _______________________________________Petsa: _____________

Isaisip
Panimula (Batayang Konsepto)
Sa iyong palagay, alam kaya ng katulad mong kabataan aang
tamang direksyon na kaniyang tatahakin? Ano kaya ang maaaring
mangyari kung maligaw at magkamali siya sa ninanais niyang
puntahan? Ano kaya ang posibleng maaari niyang kahantungan?
Mahalagang matiyak ng tao sa landas na kaniyang tinatahak
sapagkat ito ang susi na makatutulong sa kaniya upang makamit ang kaniyang layunin sa
buhay. Iyong napag- aralan noong ikaw ay nasa ikapitong baitang ang tungkol sa tamang
pagpapasiya. Ito ay mahalaga sa pagkakaroon ng makabuluhang buhay at ganap na
pagkatao. Kaya sa tuwing magpapasiya, kinakailangang pag-isipan ito ng makailang ulit
upang maging sigurado at hindi maligaw. Ito ay dapat makabubuti sa sarili, sa kapwa at sa
lipunan.
Tulad ng isang bulag na nangangailangan ng tungkod sa paglalakad upang marating
niya ang nais puntahan, tuwing magpapasiya ay kailangan mo rin ng gabay, napag-aralan mo
ito sa nakaraang aralin. Ito ay upang magkaroon ng tamang direksyon sa pagkamit mo ng
iyong mga layunin. Bakit nga ba mahalaga na magkaroon ng direksyon ang buhay ng tao?

Una, sa iyong paglalakbay sa ngayon, ikaw ay nasa kritikal na yugto ng buhay. Ang iyong
mga pipiliing pasiya ay makaaapekto sa iyong buhay sa hinaharap. Kung kaya’t mahalaga na
maging mapanuri at sigurado ka sa iyong mga gagawing pagpapasiya.

Ikalawa, kung hindi ka magpapasiya ngayon para sa iyong kinabukasan, gagawin ito ng iba
para sa iyo halimbawa ng iyong magulang, kaibigan o ng media. Kinakailangan na malinaw
ang iyong mga TUNGUHIN sapagkat kung hindi, magiging mabilis para sa iyo na basta na
lamang sumunod sa idinidikta ng iba sa mga bagay na iyong gagawin.

Tunay na mahalaga ang pagkakaroon ng malinaw na tunguhin sa buhay. Marahil ay


tinatanong mo ngayon ang iyong sarili kung paano mo ito sisimulan. Alam kong pamilyar sa

43
iyo ang konseptong ito dahil ito ay iyong napag-aralan sa ikaapat na bahagi ng iyong modyul
sa ikapitong baitang at maging sa mga nakaraang modyul. Naalala mo pa ba ang tawag dito?

Sa aklat na Seven Habits of Succesful People ni Stephen Covey, binanggit niya na


dapat ngayon pa lamang ay mayroon ka ng malinaw na larawan kung ano ang nais mong
mangyari sa iyong buhay o sa Ingles, “Begin with the end in mind.” Ang pagkilala at pagsuri
sa sariling katangian, pagpapahalaga at layunin ay mahalaga. Mabuti rin na isaisip ang nais
mong patunguhan sa hinaharap at magpasiya sa direksyon na iyong tatahakin upang matiyak
ang bawat hakbang patungo sa tama at mabuting direksyon. Ayon pa rin kay Covey, ang
paggawa ng personal na misyon ay nararapat na iugnay sa pag uugali at paniniwala sa buhay.

Makatutulong sa paglikha ng Personal na Misyon sa Buhay ang pansariling pagtataya


o personal assessment sa kasalukuyang buhay. Muli, narito ang mga dapat mong isaalang-
alang sa pansariling pagtataya:
1. Suriin ang iyong ugali at katangian.
2. Tukuyin ang iyong mga pinahahalagahan.
3. Tipunin ang mga impormasyon.
Ang pagsulat ng Personal na Misyon sa Buhay ay hindi madalian sapagkat ito ay
kailangan mong pagnilayan, paglaanan ng sapat na oras o panahon at bigyan mo ng buong
sarili sa paggawa. Sa oras na mabuo mo ito, ito ang magiging saligan ng iyong buhay.
Magkakaroon ka ng pagbabago sapagkat lahat ng iyong gagawin o iisipin ay nakabatay na
dito.
Kailangang alamin ng tao ang sentro ng kaniyang buhay upang masimulan ang
paggawa ng Personal na Pahayg ng Misyon sa Buhay. Halimbawa ng mga ito ay ang Diyos,
pamilya, komunidad at iba pa.
Ayon kay Stephen Covey, nagkakaroon ng kapangyarihan ang misyon natin sa buhay
kung ito ay:
▪ Mayroong koneksyon sa kaloob-looban ng sarili upang mailabas niya ang kahulugan
bilang isang tao.
▪ Nagagamit at naibabahagi ng tama, mabuti at may kahusayan ang sarili bilang
natatanging nilikha.
▪ Nagagampanan ng may balanse ang tungkulin sa pamilya, trabaho, komunidad at sa
iba pang dapat gampanan.
▪ Isinulat upang maging inspirasyon, hindi upang ipagyabang sa iba.

44
Kung ang isang tao ay mayroong Personal na Misyon sa Buhay, mas malaki ang
posibilidad na magiging mapanagutan siya upang makapagbahagi sa pagkamit ng kabutihang
panlahat.
Upang mas lalo mong mapahalagahan ang pagsulat ng Personal na Pahayag ng
Misyon sa Buhay, gawin ang mga gawain nakapaloob sa kagamitang pagkatuto na ito upang
matulungan kang makamit ang iyong hinahangad.

Alamin
Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:
• nahihinuha na ang Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay ay dapat na
nagsasalamin ng kaniyang pagiging natatanging nilalang na nagpapasiya at
kumikilos nang mapanagutan tungo sa kabutihang panlahat. (EsP9PK-IVd-14.3)

Tuklasin

Panuto: Magtala sa ibaba ng limang sitwasyon kung saan nagsagawa ka ng pagpapasiya.


Isulat sa kolum sa ibaba kung paano mo ito isinagawa, ano ang mabuting naidulot nito at hindi
mabuting naidulot nito sa iyo. Gawin ito sa iyong kuwaderno o sa isang malinis na papel.
Gawing gabay ang talahanayan sa ibaba at sagutin ang mahalagang tanong pagkatapos.

Sitwasyon sa aking Paano isinagawa ang Hindi


Mabuting
buhay pagpapasiya? Mabuting
Naidulot
Naidulot
Halimbawa: Araw ng Isinaisip ko ang aking Ako ay nakapag- Wala.
pagsusulit bukas ngunit pangarap na aral para sa
inimbitahan ako ng makapagtapos ng pag- pagsusulit at
aking kaibigan na aaral at ang maaring nakakuha ng
pumunta sa computer maging epekto ng hindi ko mataas na marka.
shop upang maglibang. pag-aaral ng leksyon.

Mahalagang Tanong:
Ano ang maaaring epekto sa iyong magiging buhay sa hinaharap ang mga gagawing
pagpapasiya sa kasalukuyan? Ipaliwanag.

45
Suriin

Panuto: Isipin mo na ikaw ay magdiriwang ng iyong kaarawan at marami kang imbitadong


bisita. Bahagi ng programa na ginawa ng emcee ang pagtawag sa iyong mga kakilala,
kaibigan at kapamilya upang magbigay ng mensahe para sa iyo. Sa mga kolum sa ibaba,
isulat kung ano ang gusto mong marinig na mensahe mula sa iyong pamilya, kaibigan, kamag-
aralal at kapitbahay. Gawin ito sa iyong kuwaderno o sa isang malinis na papel. Gawing gabay
ang talahanayan sa ibaba at sagutin ang mahalagang tanong pagkatapos.

Mga Magsasalita Ano ang gusto mong sabihin nila sa iyo?

Mahalagang Tanong:

Ano ang iyong mga naging batayan sa pagsulat ng mga mensaheng nais mong
marinig? Ano ang kaugnayan ng mga mensaheng iyong isinulat sa direksyong nais mong
tahakin para sa iyong buhay?

Pagyamanin / Isagawa

Panuto: Gumawa ng isang graphic organizer na nagpapakita ng kahalagahan ng


paggawa ng Personal na Pahayag ng Misyon sa buhay upang magkaroon ng tamang
direksyon sa nais mong makamit sa hinaharap. Iguhit ang graphic organizer sa isang oslo
paper o bond paper.

Halimbawa ng isang graphic organizer.

46
Rubrik sa Paggawa ng Graphic Organizer

Kraytirya 5 4 3 1-2
Nilalaman at Lubhang maayos Naging maayos Hindi gaanong Hindi naging
Presentasyon at malinis ang at malinis ang maayos at malinis maayos at malinis
pagkaguhit ng pagkaguhit ng ang pagkaguhit ng ang pagkaguhit
graphic graphic graphic organizer. ng graphic
organizer. organizer. organizer.
Organisasyon Buo ang kaisipan May kaisahan at Konsistent, may Hindi ganap ang
konsistent, at may sapat na kaisahan, kulang pagkakabuo,
kumpleto ang detalye at sa detalye at hindi kulang ang
detalye ng malinaw ang gaanong malinaw detalye at di-
graphic graphic ang graphic malinaw ang
organizer. organizer. organizer. graphic organizer.
Kaangkupan Angkop na Angkop ang Hindi gaanong Hindi angkop ang
sa Paksa angkop ang graphic angkop ang graphic organizer
graphic organizer organizer sa graphic organizer sa paksang
sa paksang paksang sa paksang natalakay.
natalakay. natalakay. natalakay.

Tayahin
Panuto: Tayo ay gagamit ng tinatawag na 3-2-1. Maglagay ng tatlong (3) bagay na mas lalo
mong naintindihan matapos gawin ang mga gawain. Isulat ang dalawang (2) kaalaman o
leksyon na iyong napulot na maaaring magamit sa personal na buhay. At isang (1) katanungan
na nais mo pang malaman sa hinaharap. Gawin ito sa iyong kuwaderno o sa isang malinis na
papel.

Sanggunian:
Most Essential Learning Competencies, Edukasyon sa Pagpapakatao Curriculum Guide
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 9 Learners Material, Department of Education, 2017
Alternative Delivery Mode Unang Edisyon, 2020

Inihanda ni: Isinumite kay:

HAZEL S. SANTOS EDGARDO S. NUNAG


Teacher I - Angeles City National Trade School EPSvr 1 – EsP

47
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
SARILING LINANGANG MODYUL
Modyul 8: Ang Aking Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
Pangalan: _______________________________________Q2W8
Seksiyon: _______________________________________Petsa: _____________

Isaisip
Panimula (Batayang Konsepto)
Sa mga nakaraang modyul ay napag-aralan mo ang kahulugan, kahalagahan ng
Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay o PPMB at ang mga hakbang sa pagbuo nito.
Ngayon naman, pag-aaralan natin ang pagbuo nito. Sa paggawa ng Personal na Pahayag ng
Misyon sa Buhay kailangang isaalang-alang lahat ng mga kaalamang napag-aralan sa mga
nakaraang modyul at kraytiryang SMART na ang ibig sabihin ay Specific, Measurable,
Attainable, Relevant at Time bound. Ang mga ito ang magsisilbing gabay upang matagumpay
na makabuo ng sarili mong PPMB.

Upang ikaw ay lubos na magabayan sa pagbuo ng iyong PPMB, pag-aralan ang halimbawang
ginawa ng isang mag-aaral na tulad mo.

“Balang araw ay nais kong maging isang inhinyero at instrument sa


pagpapahayag ng pagmamahal ng Diyos at pagpapalaganap ng
Kaniyang mga Salita at karunungan sa lahat, lalo na sa kabataan,
maliit na bata, at mga tinedyer sa pamamagitan ng pag-aaral nang
Mabuti, pagsasaliksik, at pag-alaala sa walang hanggang
pagmamahal ng Diyos sa lahat ng aking ginagawa.”

Mula sa halimbawang ito, tignan natin ang matrix na ginawa at mga elementong
nakapaloob dito upang mas maging konkreto at malinaw ang pagsasabuhay nito.

Elemento Hakbang na Gagawin Takdang Oras/Panahon


Pag-aaral nang mabuti • Pagbabalik-aral sa mga • 2 oras araw-araw
nagdaang aralin
• Regular nap ag-aaral ng
mga asignatura
Pagsasagawa ng • Pananaliksik sa mga • Isang beses sa linggo
pananaliksik problema na kinakaharap
ng lipunan
48
• Pananaliksik tungkol sa
mga bagay na
makapup[ukaw ng
atensiyon sa kabataan,
maliliit na bata at mga
tinedyer
Pag-alaala sa Diyos • Panalangin • Araw-araw
• Pagdalo sa Banal sa • Tuwing linggo
Misa • Sabado at Linggo
• Pagsali sa mga Gawain
sa simbahan at
organisasyon

Ang lahat ng kailangang malaman kung paano gumawa


ng PPMB ay nasa iyo na. Idagdag pa dito ang mga gawain na
iyong isasagawa na nakapaloob sa kagamitang pampagkatuto
na ito na magsisilbing gabay upang makabuo ka ng sarili mong
PPMB. Nakasisiguro ako madali na ito para sa iyo at handa ka
na para dito. Masayang pagkatuto.

Alamin
Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:
• nakapagbubuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay. (EsP9PK-IVc-14.1)

Tuklasin

Panuto: (a) Isulat sa bilohaba sa ibaba ang mithiin mo sa buhay, (b) Pagkatapos, iguhit sa
loob ng screen ng telebisyon ang nakikita mo sa sarili kapag nakamit mo ang mithiing iyong
itinakda. Gawin ito sa iyong kuwaderno o sa malinis na papel at sagutin ang mahalagang
tanong pagkatapos.

49
Mahalagang Tanong:

Kung ikaw ang manonood, ano ang gusto mong makita sa screen ng telebisyon?
Tugma ma ba ito sa iyong sagot at iginuhit? Ipaliwanag.

Suriin

Balikan ang PPMB o kredo na ipinagawa sa iyo sa Modyul 6, pag-aralan ito at suriin
kung ano-anong elemento ang nakapaloob dito, paano ito gagawin at ang takdang panahon
kung kalian ito isasagawa. Gawin ito sa iyong kuwaderno o sa malinis na papel at sagutin ang
mahalagang tanong pagkatapos. Gawing gabay ang talahanayan sa ibaba.

Ang PPMB na iyong ginawa sa Modyul 6:

Elemento Hakbang na Gagawin Takdang Oras/Panahon

Mahalagang Tanong:

Tugma ba ang iyong ginawa sa inaasahang nilalaman ng PPMB ng isang mag-aaral


na tulad mo? Ipaliwanag.

Pagyamanin / Isagawa

Panuto: (a) Bumuo ng sarili mong PPMB, (b) ito ay dapat tugma sa kraytiryang SMART, (c)
Gumawa ng talahanayan o Matrix upang maging tiyak ang bawat element nito, (d) maging
malikhain sa pagbuo nito (e) gawin ito sa isang oslo paper o bond paper. Gawing gabay ang
rubriks sa ibaba.

Kraytirya 5 4 3 1-2
Nagtataglay ng Ang nagawang Ang nagawang Ang nagawang Ang nagawang
SMART ang PPMB ay PPMB ay nagtaglay PPMB ay PPMB ay hindi
nabuong PPMB nagtaglay ng ng SMART sa halos nagtaglay ng nagtaglay ng
SMART sa lahat lahat ng mga SMART iilang SMART sa lahat
ng mga pahayag mga elemento ng mga
pahayag elemento
Nakagawa ng Ang ginawang Ang ginawang Ang ginawang Ang ginawang
talahanayan o talahanayan ay talahanayan ay talahanayan ay talahanayan ay
matrix upang nagpakita ng nagpakita ng nagpakita ng hindi nagpakita

50
maging tiyak katiyakan sa katiyakan sa halos katiyakan sa ng katiyakan sa
ang bawat lahat ng lahat ng elemento iilang mga lahat ng
elemento nito elemento elemento elemento
Naging Lubos na Naging malikhain sa Hindi gaanong Walang
malikhain sa nagpamalas ng paghahanda naging malikhain ipinamalas na
paggawa nito pagkamalikhain sa paghahanda pagkamalikhain
gamit ang iba’t- sa paghahanda sa paghahanda
ibang resources

Tayahin
Panuto: Tayo ay gagamit ng tinatawag na 3-2-1. Maglagay ng tatlong (3) bagay na mas lalo
mong naintindihan matapos gawin ang mga gawain. Isulat ang dalawang (2) kaalaman o
leksyon na iyong napulot na maaaring magamit sa personal na buhay. At isang (1) katanungan
na nais mo pang malaman sa hinaharap. Gawin ito sa iyong kuwaderno o sa isang malinis na
papel.

Sanggunian:
Most Essential Learning Competencies, Edukasyon sa Pagpapakatao Curriculum Guide
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 9 Learners Material, Department of Education, 2017
Alternative Delivery Mode Unang Edisyon, 2020

Inihanda ni: Isinumite kay:

RICHARD N. LAXAMANA EDGARDO S. NUNAG


Teacher III - Angeles City National Trade School EPSvr 1 – EsP

Susi sa Pagwawasto

Modyul 2 - Suriin:

1. A 2. C 3. F 4. G 5. H
6. J 7. K 8. L 9. N 10. O

51

You might also like