You are on page 1of 10

Ikaapat na Markahan – Modyul 11

Misyon ng Buhay Mo, Pasya Mo!

Ikaapat na Markahan – Modyul 11
Misyon ng Buhay Mo, Pasya Mo!

Paunang Salita

Araw-araw ay gumagawa tayo ng mga pagpapasiya. Pag gising sa umaga, nag-iisip at

nagpapasiya tayo tungkol sa mga kinakailangang gawin sa maghapon, mga mumunting bagay na
kinakaila-ngan din ang pasiya tulad ng kung ano ang uunahing gawin sa araw na ito. Subalit may mga
malaki at mahalagang bagay na dapat pagpasiyahan, lalo't batay ito sa itinakdang mithiin, kung saan
nakasalalay ang maganda at masaganang kinabukasan.

Kasanayang Pampagkatuto

 Naisasagawa ang pagbuo ng personal na pahayag ng misyon sa buhay batay sa mga hakbang sa
mabuting pagpapasiya.

Tiyak na Layunin

 nakapagtala ng mga plano ng pagsasabuhay ng sariling pahayag ng misyon sa buhay;

 nakapagpaliwanag ng malinaw sa mabuting pagpapasyang napili;
 nakapagbubuo ng personal na pahayag ng misyon sa buhay batay sa mga hakbang ng mabuting
pagpapasiya.

Paunang Pagtataya

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot at bilugan
ito.

1. Ang labis na kahirapan ang maaaring maging hadlang upang mapanatili o mas mapataas ang dignidad
ng isang bata at maisabuhay ang mga halaga. Ang pahayag ay:

A. Tama, dahil ang kahirapan ang dahilan upang mabawasan ang tiwala ng isang bata sa kanyang sarili
B. Tama, dahil sa kahirapan ay nababawasan ang panahon ng mga magulang upang batayan at paunlarin
ang halaga ng kanilang mga anak
C. Mali, dahil maging ang labis na karangyaan ay maaari ring maging hadlang upang maisabuhay ng isang
bata ang mga halaga
D. Mali, dahil lahat ng mahirap ay nais na maging mabuting mamamayan ng lipunan at anak ng Diyos

2. Ang lahat ng kilos ng tao ay bunga ng proseso ng pagpapasiya. Ibig sabihin nito na:
A. Ang lahat ng kilos natin ay dumadaan sa isang mahabang proseso.
B. Ang lahat ng kilos natin ay ginagamitan ng proseso ng mabuting pagpapasiya.
C. Ang lahat ng ating kilos ay nababatay sa ating isip at kilos-loob.
D. Kailangang pinag-iisipang mabuti ang lahat ng ating kilos o ginagawa.

3. Paano maikukumpara sa chess ang proseso ng pagpapas

A. Mahirap laruin ang chess dahil ginagamitan din ito ng pag-iisip.
B. Kinakailangan ito ng panahon upang laruin.
C. Pinag-aaralan munang mabuti ang bawat galaw upang maging batayan ng gagawing tira.
D. Kailangang isaalang-alang dito ang iyong mga pagpapahalaga.

4. Ano ang kahulugan ng bokasyon?

A. Ang bokasyon ay higit sa trabaho o propesyon o negosyo
Ikaapat na Markahan – Modyul 11
Misyon ng Buhay Mo, Pasya Mo!

B. Ang bokasyon ay kalagayan o gawain na naayon sa plano ng Diyos sa atin

C. a at b
D. Ito ay tumutukoy sa mga gawaing hindi nangangailangan ng kapalit na sweldo o pasahod.

5. Ang higher good ay tumutukoy sa:

A. Kagandahang loob sa bawa’t isa
B. Kabutihang panlahat
C. Ikabubuti ng mas nakararami
D. Ikabubuti ng mga mahal sa buhay

6. Alin ang HINDI hakbang sa pagbuo ng Personal na pahayag ng misyon sa buhay?

A. suriin ang iyong ugali
B. tukuyin ang iyong pinapahalagahan
C. tipunin ang impormasyon
D. kilalanin ang iyong kaibigan

7. Ayon kay Stephen Covey, nagkakaroon lamang ang misyon natin sa buhay ng kapangayarihan kung:
A. kinikilala niya ang kaniyang tungkulin sa kapuwa.
B. nagagampanan nang may balanse ang tungkulin sa pamilya, trabaho, komunidad at iba pang dapat
gampanan.
C. nagagamit sa pang araw-araw
D. nakikilala ng tao ang kanyang katangian at kakayahan

8. Ayon kay Fr. Jerry Orbos ang tunay na misyon ay ang paglilingkod sa Diyos at kapuwa. Ano ang
maibibigay nito sa tao sa oras na isinagawa niya ito?
A. kapayapaan C. kaligayahan
B. kaligtasan D. kabutihan

9. Bakit mahalaga na magkaroon ng tamang direksiyon ang isang tao?

A. upang siya ay hindi maligaw B. upang matanaw niya ang hinaharap
C. upang mayroon siyang gabay D. upang magkaroon siya ng kasiyahan

10. Ang Personal na Misyon sa Buhay ay maaring mabago o mapalitan.

A. Tama, sapagkat araw-araw ay mayroong nababago sa tao.
B. Mali, sapagkat mawawala ang tuon ng pahayag kung ito ay babaguhin o papalitan.
C. Tama, sapagkat patuloy na nagbabago ang tao sa konteksto ng mga sitwasyon sa buhay.
D. Mali, sapagkat ito na ang iyong saligan sa buhay. Maaring magkaroon ng problema kung ito ay
babaguhin pa.

Mapa ng Aralin

Personal na Misyon sa Buhay

Mga Hakbang sa Pagbuo ng Personal na

Pahayag ng Misyon sa Buhay

Nagkakaroon ng kapangyarihan ang

misyon natin sa buhay
Ikaapat na Markahan – Modyul 11
Misyon ng Buhay Mo, Pasya Mo!

Ang mapang sa itaas ay nagpapakita ng kabuuan paksa sa araling ito.

Mga Nilalaman

Pagganyak

Sa bawat araw ay nagpapasya ang tao hindi ba? Ikaw, paano ka nagpapasya? Sa iyong palagay, nakatuon
ba ang iyong pasiya sa tamang direksiyong iyong pupuntahan? Mayroon ka bang saligang ginagamit
upang maging maayos at tama ang iyong gagawin?

Gawain 1: “Pasya ng Buhay ko!”

Panuto:Magbigay ng tatlong (3) sitwasyon kung saan nagsagawa ka ng pagpapasiya. Isulat ito sa kolum na
nasa ibaba. Punan ang mga kasunod na kolum ayon sa impormasyong hinihingi ng mga ito.

Tatlong sitwasyon na Pasiyang nabuo ko Mabuting naidulot Hindi mabuting naidulot

kinailangan kong
magpasiya

Sagutin ang mga tanong:

1.Ano ang natuklasan mo sa iyong sarili batay sa mga pagpapasiyang ginawa mo?

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

2. Bakit mahalaga na nagpapasiya nang tama? Ipaliwanag

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

3. Mayroon ba itong magiging epekto sa iyong buhay sa hinaharap? Ipaliwanag

Ikaapat na Markahan – Modyul 11
Misyon ng Buhay Mo, Pasya Mo!

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

Explore: “Basahin at Unawain”

Personal na Misyon sa Buhay

Ito ay katulad ng isang personal na kredo o isang motto na nagsasalaysay kung paano mo
ninanais na dumaloy ang iyong buhay.Ito ay magiging batayan mo sa iyong gagawin na mga pagpapasya
sa araw-araw. Isang magandang paraan ito upang higit mong makilala ang iyong sarili at kung saan ka
patungo. Nagsisilbi itong simula ng matatag na pundasyon sa pagkakaroon mo ng sariling kamalayan at
mataas na pagpapahalaga sa iyong layunin sa buhay.Hindi madali ang paglikha nito, dahil nangangailngan
ito ng panahon, inspirasyon at pagbabalik-tanaw.

Mga Hakbang sa Pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay

➢ Suriin ang iyong ugali at katangian -Simulan mo ang paggawa ng iyong personal na misyon sa
pamamagitan ng pagtatala ng iyong ugali at katangian.

➢ Tukuyin ang iyong mga pinapahalagahan -Kailangang maging maliwanag kung saan nakabatay
ang Pinapahalagahan -Kung saan nakatuon ang iyong lakas oras at panahon

➢ Tipunin ang mga impormasyon -Sa impormasyon na iyong makukuha laging isaisip na ang
layunin ng paggawa ng personal na misyon sa buhay ay mayroong malaking magagawa sa kabubuan ng
iyong pagkatao.

“All of us are creators of our own destiny” Ayon kay S.Convey, nagkakaroon ng kapangyarihan
ang misyon natin sa buhay kung ito ay;

1.Mayroong koneksyon sa kaloob-looban ng sarili upang mailabas ang kahulugan niya bilang isang
tao.

2.Nagagamit at naibabahagi nang tama at mabuti at may kahusayan ang sarili bilang natatanging
nilikha.

3.Nagagampanan nang may balanse ang tungkulin sa pamilya, trabaho, komunidad at sa iba pang
dapat gampanan. Isinulat upang magsilbing inspirasyon, hindi upang ipagyabang sa iba.

Misyon/Bokasyon Propesyon

Ang misyon ay ang hangarin ng isang tao sa buhay Trabaho na ginagawa ng tao upang siya ay
na magdadala sa kanya tungo sa kaganapan. Ang mabuhay. Ito ang resulta ng kaniyang pinag-aralan
bokasyon ay galling sa salitang Latin na “vocatio” o matagal ng ginagawa at naging eksperto na siya
ibig sabihin ay “calling “ o tawag Mas kawili-wili ang dito. Ito ay maaating gusto niya o hindi ngunit
paggawa para sa tao, mas lalo siyang nasisiyahan kailangan niyang gawin sapagkat ito ang
sapagkat nagagamit niya ang kaniyang mga talento pinagkukunan niya ng kaniyang ikabubuhay. At
at hilig sa kanyang ginagawa. Hindi niya dahil ikabubuhay lamang nakatuon ng kaniyang
nararamdaman ang pagkabagot. paggawa hindi siya nagkakaroon ng ganap na
kasiyahan.
Ikaapat na Markahan – Modyul 11
Misyon ng Buhay Mo, Pasya Mo!

Mula sa misyon, mararamdaman ang tunay na kaligayahan. Wika ng ani Fr.Jerry Orbos: ang pangunahing
sangkap para sa tunay na kaligayahan ng tao ay magkaroon ng misyon. Aniya, ang misyon ay hindi
lamang para kumite ng pera, maging mayaman o maging kilala o tanyag. Ang tunay na misyon ay ang
MAGLINGKOD. Ang paglilingkod sa Diyos at sa kapwa ang magbibigay sa tao ng tunay na kaligayahan.

Explain: “Isaisip”

Gawain 2: “Plano ng Buhay ko”

Panuto: Punan ang mga kasunod na kolum ayon sa impormasyong hinihingi ng mga ito. Plano ng
Pagsasabuhay ng Aking Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay.

Ang aking mga papel sa buhay Mga gawain sa bawat papel Panahon para sa bawat gawain

❖ Pagsisimba ❖ Tuwing linggo

Pananampalataya sa Diyos ❖ Pagpapanalangin ❖ Araw-araw
❖ Pagsali sa mga Gawain sa ❖ Sabado at Linggo
simbahan at organisasyon

Masipag na mag-aaral

Mabuting anak

Gawain 3: “Misyon ko buuhin ko!

Panuto: Sagutin ang tanong.Sa iyong palagay, makakatulong ba ang pagbuo mo ng personal na pahayag
ng misyon sa buhay upang maging malinaw sa iyo ang mabuting pagpapasiya na iyong pipiliin? Paano?
Ipaliwanag. Gawing gabay ang rubriks sa ibaba.
___________________________________________________________________________

Rubriks sa Pagmamarka

Pamantayan 5 puntos 3 puntos 2 puntos

Paglalahad ng impormasyon

Gramatika

Pagkakasulat ng mga impormasyon

Kabuuan

COMMITMENT= Meets or even exceeds expectations with passion and dedication.

Ikaapat na Markahan – Modyul 11
Misyon ng Buhay Mo, Pasya Mo!

Extend: “Isagawa”

Gawain 4: “Pangarap ko!”

Panuto::Bumuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay batay sa mga hakbang ng mabuting
pagpapasiya. Isulat ito sa malinis na bondpaper at gumamit ng pangkulay at dekorasyon. Gawing gabay
ang rubriks sa ibaba.Narito ang halimbawa sa ibaba.

Ang aking Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay: Bilang isang guro na may pangarap na
maging isang huwaran sa aking mga mag-aaral. Sisikapin kong maging modelo upang mas lalo silang
magsumikap sa buhay. Tutulungan ko silang hubugin ang kanilang mga talento at isipan upang ito’y
maging sandata nila sa pagkamit ng kanilang mga mithiin sa buhay. Gagabayan ko sila sa tamang
pagpapasya hindi lamang para sa sarili kundi pati narin sa ikabubuti ng iba. Hinding-hindi kakalimutan ang
Panginoong Diyos na siyang sandigan sa lahat ng oras. Sa pamamagitan ng pagpapatibay ng kanilang
pananampalataya at tiwala sa sarili na kayang abutin ang pangarap sa kabila ng mga hamong
kakaharapin.

Misyon sa buhay ni Julie Faye B. Ywayan

Dawa-Dawa National High School

Rubriks sa Pagmamarka

Pamantayan 5 puntos 3 puntos 2 puntos

Paglalahad ng impormasyon

Gramatika

Pagkakasulat ng mga impormasyon

Kabuuan
Ikaapat na Markahan – Modyul 11
Misyon ng Buhay Mo, Pasya Mo!

Evaluate

Gawain: 5
Panuto: Base sa sariling mong karanasan sa buhay, isalaysay ang mga plano mo pagkatapos mong mag
kolehiyo

Pagbubuod

 Personal na Misyon sa Buhay. Ito ay katulad ng isang personal na kredo o isang motto na
nagsasalaysay kung paano mo ninanais na dumaloy ang iyong buhay..
 Mga Hakbang sa Pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay

➢ Suriin ang iyong ugali at katangian -Simulan mo ang paggawa ng iyong personal na misyon sa
pamamagitan ng pagtatala ng iyong ugali at katangian.

➢ Tukuyin ang iyong mga pinapahalagahan -Kailangang maging maliwanag kung saan nakabatay ang
Pinapahalagahan -Kung saan nakatuon ang iyong lakas oras at panahon

➢ Tipunin ang mga impormasyon -Sa impormasyon na iyong makukuha laging isaisip na ang layunin ng
paggawa ng personal na misyon sa buhay ay mayroong malaking magagawa sa kabubuan ng iyong
pagkatao.

 Ayon kay S.Convey, nagkakaroon ng kapangyarihan ang misyon natin sa buhay kung ito ay;
 Mayroong koneksyon sa kaloob-looban ng sarili upang mailabas ang kahulugan niya bilang isang tao.
 Nagagamit at naibabahagi nang tama at mabuti at may kahusayan ang sarili bilang natatanging
nilikha.
 Nagagampanan nang may balanse ang tungkulin sa pamilya, trabaho, komunidad at sa iba pang dapat
gampanan.
Ikaapat na Markahan – Modyul 11
Misyon ng Buhay Mo, Pasya Mo!

Huling Pagtataya

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot at bilugan
ito.

1. Ayon kay Fr. Jerry Orbos ang tunay na misyon ay ang paglilingkod sa Diyos at kapuwa. Ano ang
maibibigay nito sa tao sa oras na isinagawa niya ito?

A. kapayapaan B. kaligtasan C. kaligayahan D. kabutihan

2. Bakit mahalaga na magkaroon ng tamang direksiyon ang isang tao?

A. upang siya ay hindi maligaw B. upang matanaw niya ang hinaharap

C. upang mayroon siyang gabay D. upang magkaroon siya ng kasiyahan

3. Ang Personal na Misyon sa Buhay ay maaring mabago o mapalitan.

A. Tama, sapagkat araw-araw ay mayroong nababago sa tao.

B. Mali, sapagkat mawawala ang tuon ng pahayag kung ito ay babaguhin o papalitan.
C. Tama, sapagkat patuloy na nagbabago ang tao sa konteksto ng mga sitwasyon sa buhay.
D. Mali, sapagkat ito na ang iyong saligan sa buhay. Maaring magkaroon ng problema kung ito ay
babaguhin pa.

4. Ang labis na kahirapan ang maaaring maging hadlang upang mapanatili o mas mapataas ang dignidad
ng isang bata at maisabuhay ang mga halaga. Ang pahayag ay:

A. Tama, dahil ang kahirapan ang dahilan upang mabawasan ang tiwala ng isang bata sa kanyang sarili
B. Tama, dahil sa kahirapan ay nababawasan ang panahon ng mga magulang upang batayan at paunlarin
ang halaga ng kanilang mga anak
C. Mali, dahil maging ang labis na karangyaan ay maaari ring maging hadlang upang maisabuhay ng isang
bata ang mga halaga
D. Mali, dahil lahat ng mahirap ay nais na maging mabuting mamamayan ng lipunan at anak ng Diyos

5. Ang lahat ng kilos ng tao ay bunga ng proseso ng pagpapasiya. Ibig sabihin nito na:

A. Ang lahat ng kilos natin ay dumadaan sa isang mahabang proseso.

B. Ang lahat ng kilos natin ay ginagamitan ng proseso ng mabuting pagpapasiya.
C. Ang lahat ng ating kilos ay nababatay sa ating isip at kilos-loob.
D. Kailangang pinag-iisipang mabuti ang lahat ng ating kilos o ginagawa.

6. Paano maikukumpara sa chess ang proseso ng pagpapasya?

A. Mahirap laruin ang chess dahil ginagamitan din ito ng pag-iisip.

B. Kinakailangan ito ng panahon upang laruin.

C. Pinag-aaralan munang mabuti ang bawat galaw upang maging batayan ng gagawing tira.

D.Kailangang isaalang-alang dito ang iyong mga pagpapahalaga.

7. Ano ang kahulugan ng bokasyon?

A. Ang bokasyon ay higit sa trabaho o propesyon o negosyo

B. Ang bokasyon ay kalagayan o gawain na naayon sa plano ng Diyos sa atin
C. a at b
D. Ito ay tumutukoy sa mga gawaing hindi nangangailangan ng kapalit na sweldo o pasahod.

8. Ang higher good ay tumutukoy sa:

Ikaapat na Markahan – Modyul 11
Misyon ng Buhay Mo, Pasya Mo!

A. Kagandahang loob sa bawa’t isa

B. Kabutihang panlahat
C. Ikabubuti ng mas nakararami
D. Ikabubuti ng mga mahal sa buhay

9. Alin ang HINDI hakbang sa pagbuo ng Personal na pahayag ng misyon sa buhay?

A. suriin ang iyong ugali B. tukuyin ang iyong pinapahalagahan

C. tipunin ang impormasyon D. kilalanin ang iyong kaibigan 12

10. Ayon kay Stephen Covey, nagkakaroon lamang ang misyon natin sa buhay ng kapangayarihan kung:

A. kinikilala niya ang kaniyang tungkulin sa kapuwa.

B. nagagampanan nang may balanse ang tungkulin sa pamilya, trabaho, komunidad at iba pang dapat
gampanan.
C. nagagamit sa pang araw-araw
D. nakikilala ng tao ang kanyang katangian at kakayahan

Talasanggunian

 Edukasyon sa Pagpapakatao 7 Kagamitan ng Mag-aaral pahina 97-120 Slideshare

 Covey, Sean; “Habit 2: Begin with the End in Mind”; The 7 Habits of Highly Effective Teens; (1998):
105-130
 Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Modyul para sa Mag-aaral pahina 232-247

You might also like