You are on page 1of 1

PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY

MISYON SA BUHAY
 Mahalagang sigurado ang tao sa landas na kaniyang tinatahak. Ito ang susi na makatutulong sa kanya upang makamit
ang kaniyang mga layunin sa buhay.
 Ito ay mahalaga sa pagkakaroon ng makabuluhang buhay at ganap na pagkatao.
 Sa tuwing magpapasiya, kinakailangang pag-isipan ito ng mabuti upang sigurado at hindi maligaw.
 Ito ay dapat na makabubuti sa sarili, kapwa at lipunan.

PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY (PPMB)


 Isang personal na kredo o motto na nagsasalaysay kung paano mo ninanais na dumaloy ang iyong buhay.
 Nagsisilbi itong simula ng matatag na pundasyon sa pagkakaroon ng sariling kamalayan at mataas na pagpapahalaga
sa iyong layunin sa buhay.
 Ayon kay Stephen Covey sa kaniyang aklat na Seven Habits of Highly Effective people “begin with the end in mind”.
Nararapat na ngayon pa lamang ay malinaw na sa iyong isip ang isang malaking larawan kung ano ang nais mong
mangyari sa iyong buhay.
 Ang paggawa ng personal na misyon ay nararapat na iugnay sa pag-uugali at paniniwala sa buhay.
 Sa paglikha ng Personal na Misyon sa Buhay, makatutulong na magkaroon ka ng pansariling pagtataya o personal
assesment sa iyong kasalukuyang buhay.
 Ang resulta nito ay magiging kapaki- pakinabang sa iyong mapanagutang pasiya at kilos.
 Narito ang mga dapat mong isaalang- alang sa pansariling pagtataya:
1. Suriin ang iyong ugali at katangian.
 Simulan mo ang paggawa ng iyong personal na misyon sa buhay sa pamamagitan ng pagtatala ng iyong
mga ugali at mga katangian.
 Ang pangunahin mong katangian ang magpapakilala sa iyo kung sino ka, paano ka naaapektuhan ng
mundo na iyong ginagalawan, ano ang mahalaga sa iyo at paano ka kumikilos para sa iyong gagawin na
pagpapasiya.
2. Tukuyin ang iyong mga pinapahalagaan.
 Kailangang maging maliwanag sa iyo kung saan nakabatay ang iyong mga pagpapahalaga. Kung saan
nakatuon ang iyong lakas, oras at panahon.
 Ang iyong mga pinahahalagahan ang magiging pundasyon mo sa pagbuo ng personal na misyon sa
buhay.
3. Tipunin ang mga impormasyon.
 Sa iyong mga impormasyon na naitala, lagging isaisip na ang layunin ng paggawa ng personal na misyon
sa buhay ay mayroong malaking magagawa sa kabuuan ng iyong pagkatao. Ito ang magbibigay sa iyo ng
tamang direksiyon sa landas na iyong tatahakin.
“All of us our creators of our own destiny”
 Ibig sabihin, tayo ay lilikha ng ating patutunguhan. Anuman ang iyong hahantungan ay bunga ng iyong
mga naging pagpapasiya sa iyong buhay.
 Ang PPMB ay maaaring mabago o mapalitan sapagkat patuloy na nagbabago ang tao sa konteksto ng
mga sitwasyon na nagyayari sa kaniyang buhay.
ANO ANG MISYON?
 Ang misyon ay ang hangarin ng isang tao sa buhay na magdadala sa kaniya tungo sa kaganapan.
 Ang bawat tao ay tinatawag ng Diyos na gampanan ang misyon na ipinagkaloob Niya sa atin.
PAGKAKAIBA NG PROPESYON SA BOKASYON
 Propesyon- ito ay trabaho na ginagawa ng tao upang siya ay mabuhay.
 Bokasyon- ito ay hindi na lamang simpleng trabaho kundi isang misyon. Dito nagkakaroon ang tao ng tunay na
pananagutan sapagkat naibabahagi niya ang kaniyang sarili at kumikilos siya para sa kabutihang panlahat.

Ang tunay na misyon ay ang MAGLINGKOD.


Ang paglilingkod sa Diyos at sa kapwa ang magbibigay sa tao ng tunay na kaligayahan.
- Fr. Jerry Orbos

You might also like