You are on page 1of 2

- Ayon kay John Holland, may anim na kategorya ang hilig ng

Modyul 13 tao.
MGA PANSARILING SALIK SA PAGPILI NG (Jobs/Careers/Work environments)
TRACK O KURSONG AKADEMIK, TEKNIKAL- 1. Realistic
2. Investigative
BOKASYONAL, SINING AT DISENYO, AT
3. Artistic
ISPORTS 4. Social
5. Enterprising
Pagsusuring Pansarili (Self-assessment) 6. Conventional
• Ito ang unang hakbang sa pagplaplano sa iyong kukuning
kurso. • Pagpapahalaga (Values)
• Binubuo ito ng pagtingin at pag-unawa sa iyong sarili. – Ito ay tumutukoy sa mga bagay na ating binigiyang halaga.
• Maari itong gamiting batayan upang malaman kung ikaw ay Ang mga ipinamamalas na pagsisikap na abutin ang mga
nasa tama at angkop na kurso o trabaho. ninanais sa buhay at makapaglingkod nang may pagmamahal sa
• Mahalagang maglaan ng oras sa pag-iisip bago mamili dahil bayan bilang pakikibahagi sa pag-unlad ng ating ekonomiya.
ito ang tutulong sa iyong makita ang kabuuan at ang iba’t ibang
angulo ng sitwasyon. Mas maraming kaalaman sa mga bagay at • Mithiin (Goals)
sitwasyon mas malinaw itong makikita. – Ito ang pagkakaroon ng matibay na personal na pahayag ng
• Ayon kay Jürgen Habermas, tayo ay nilikha upang misyon sa buhay. Kung ngayon palang ay matutuhan mong
makipagkapwa at makibahagi sa buhay-sa- mundo (lifeworld), bumuo ng iyong personal na misyon sa buhay, hindi malabong
at ito ay nabubuo sa pagkomunikasyon ng kaniyang mga kasapi. makamit mo ang iyong mithiin sa buhay at sa iyong hinaharap.
• Nahuhubog lamang ng tao ang kaniyang pagkakakilanlan sa
pakikibahagi sa kaniyang pakikipag-ugnayan sa kapwa. Layunin ng Pagpili ng tamang track o kurso
• Good life for me for us in community. sa Senior High School
1. Pagkakaroon ng makabuluhang hanapbuhay.
PANSARILING SALIK SA PAGPILI NG TAMANG 2. Taglayin ang katangian ng isang produktibong manggagawa
KARERA 3. Masiguro ang pagiging produktibo sa iyong mga gawain.
• Talento (Talents)
- ito ay isang pambihirang biyaya at likas na kakayahang Pagbubuod:
kailangang tuklasin dahil ito ang magsisilbi mong batayan sa • Ang pagsusuri sa epekto ng panlabas at pansariling salik ay
pagpili ng tamang track o kurso. makapagbibigay ng tamang pasya upang maging produktibong
-Talino o Talento na nagmula sa Teorya “Multilpe mamamayan. Mahalaga sa kukunin mong hanapbuhay o
Intelligences” negosyo sa hinaharap ay maibabalik mo sa Diyos kung ano ang
ni Dr. Howard Gardner (1983) meron ka bilang tao.
1. Visual / Spatial
2. Verbal/ Linguistic
3. Mathematical / Logical
4. Bodily / Kinesthetic
5. Musical / Rhythmic
6. Intrapersonal
7. Interpersonal
8. Existential

• Kasanayan (Skills)
– Ang mga kasanayan ay mga bagay kung saan tayo mahusay o MODYUL 14
mahilig. PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
–Ito ay madalas na iniuugnay sa salitang abilidad, kakayahan
(competency) o kahusayan (proficiency). • Kailangan mong magpasya at pumili para sa iyong sarili kung ano
a. Kasanayan sa Pakikiharap sa mga Tao (People Skills) ang nais mong kuning track o kurso.
b. Kasanayan sa mga Datos (Data Skills) • Ang unang hakbang sa pagplaplano sa iyong kukuning kurso ay ang
c. Kasanayan sa mga Bagay-bagay (Things Skills) Pagsusuring Pansarili (Self- assessment).
d. Kasanayan sa mga Ideya at Solusyon (Idea Skills) • Nahuhubog lamang ng tao ang kaniyang pagkakakilanlan sa
pakikibahagi sa kaniyang pakikipag-ugnayan sa kapwa.
• Ang pansariling salik sa pagpili ng tamang karera ay ang Talento,
Hilig, Kasanayan, Pagpapahalaga at Mithiin.

• Alam mo ba ang direksyon na tinatahak mo sa buhay? Naitanong mo


na ba sa iyong sarili kung saan ka patungo?

Misyon sa Buhay
• Mahalagang sigurado ang tao sa landas na kaniyang tinatahak. Ito ang
susi na makatutulong sa kanya upang makamit ang kaniyang mga
layunin sa buhay.
• Hilig (Interest) • Ito ay mahalaga sa pagkakaroon ng makabuluhang buhay at ganap na
– Nasasalamin ito sa mga paboritong gawain na nagpapasaya sa pagkatao.
iyo dahil gusto mo at buo ang iyong puso.
• Sa tuwing magpapasiya, kinakailangang pag- isipan ito ng mabuti Pagkakaiba ng Propesyon sa Bokasyon
upang sigurado at hindi maligaw. • Ang PROPESYON ay trabaho na ginagawa ng tao upang siya ay
• Ito ay dapat na makabubuti sa sarili, kapwa at lipunan. mabuhay.
• Ang BOKASYON ay salitang Latin na “vocatio”, ibig sabihin ay
Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay (PPMB) “calling” o tawag.
• Isang personal na kredo o motto na nagsasalaysay kung paano mo Mula dito ay hindi na lamang simpleng trabaho kundi isang misyon.
ninanais na dumaloy ang iyong buhay. Dito nagkakaroon ang tao ng tunay na pananagutan sapagkat
• Nagsisilbi itong simula ng matatag na pundasyon sa pagkakaroon ng naibabahagi niya ang kaniyang sarili at kumikilos siya para sa
sariling kamalayan at mataas na pagpapahalaga sa iyong layunin sa kabutihang panlahat.
buhay.
• Ayon kay Stephen Covey sa kaniyang aklat na Seven Habits of SMART
Highly Effective People “Begin with the end in mind”. Nararapat na Specific (Tiyak) – ispisipiko at sigurado
ngayon pa lamang ay malinaw na sa iyong isip ang isang malaking Measurable (Nasusukat) – tugma sa kakayanan
larawan kung ano ang nais mong mangyari sa iyong buhay. Attainable (Naaabot) – kayang abutin at gawin
• Ang paggawa ng personal na misyon ay nararapat na iugnay sa pag- Relevant (Angkop) – angkop na makatugon sa pangangailangan ng
uugali at paniniwala sa buhay. kapwa
• Sa paglikha ng Personal na Misyon sa Buhay, makatutulong na Time Bound (Nasusukat ng Panahon) - takdang panahon
magkaroon ka ng pansariling pagtataya o personal assesment sa iyong
kasalukuyang buhay. Pagbubuod:
• Ang resulta nito ay magiging kapaki- pakinabang sa iyong • Napakahalaga para sa isang kabataan na bumuo ng personal na
mapanagutang pasya at kilos. pahayag ng misyon sa buhay (PPMB). Ito ang makapagbibigay ng
direksiyon patungo sa iyong bokasyon.
Pansariling Pagtataya sa paglikha ng • Ang tunay na misyon ay ang MAGLINGKOD. Ang paglilingkod sa
Personal na Misyon sa buhay: Diyos at sa kapwa ang magbibigay sa tao ng tunay na kaligayahan - Fr.
1. Suriin ang iyong ugali at katangian. Jerry Orbos.
• Simulan mo ang paggawa ng iyong personal na misyon sa
pamamagitan ng pagtatala ng iyong mga ugali at mga katangian.
• Ang pangunahin mong katangian ang magpapakilala sa iyo kung sino
ka, paano ka naapektuhan ng mundo na iyong ginagalawan, ano ang
mahalaga sa iyo at paano ka kumikilos para sa iyong gagawin na
pagpapasya.

2. Tukuyin ang iyong mga pinahahalagahan.


• Kailangang maging maliwanag sa iyo kung saan nakabatay ang
iyong mga pagpapahalaga. Kung saan nakatuon ang iyong lakas, oras
at panahon.
• Ang iyong mga pinahahalagahan ang magiging pundasyon mo sa
pagbuo ng personal na misyon sa buhay.

3. Tipunin ang mga impormasyon.


• Sa iyong mga impormasyon na naitala, laging isaisip na ang layunin
ng paggawa ng personal na misyon sa buhay ay mayroong malaking
magagawa sa kabuuan ng iyong pagkatao. Ito ang magbibigay sa iyo
ng tamang direksiyon sa landas na iyong tatahakin.

“All of us are creators of our own destiny”


• Ibig sabihin, tayo ang lilikha ng ating patutunguhan. Anuman ang
iyong hahantungan ay bunga ng iyong mga naging pagpapasya sa
iyong buhay.
• Ang PPMB ay maaaring mabago o mapalitan sapagkat patuloy na
nagbabago ang tao sa konteksto ng mga sitwasyon na nangyayari sa
kaniyang buhay

Stephen Covey – “Nagkakarron ng kapangyarihan ang misyon sa


buhay kung… “
1. Mayroong kaugnayan sa kaloob-looban ng sarili upang mailabas ang
kahulugan niya bilang isang tao.
2. Nagagamit at naibabahagi nang tama at may kahusayan bilang
pagpapahayag ng ating pagka-bukodtangi.
3. Nagagampanan nang may balance ang mga tungkulin sa pamilya,
trabaho, pamayanan, atbp.
4. Isinulat upang magsilbing inspirasyon, hindi upang ipagyabang sa
iba.

Ano ang Misyon?


• Ang MISYON ay ang hangarin ng isang tao sa buhay na magdadala
sa kaniya tungo sa kaganapan.
• Ang bawat tao ay tinawag ng Diyos na gampanan ang misyon na
ipinagkaloob Niya sa atin.

You might also like