You are on page 1of 9

Control No.

: __________

SLK for Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9

Ikaapat na Markahan, Ikatlo at Ika-apat na Linggo

I. Mga Pauna

Kakayahan 1. Natutukoy ang mga hakbang sa pagbuo ng Personal na


(Learning Pahayag ng Misyon sa Buhay. EsP9PK-IVc-14.2
Competency)
Layunin 1. Natutukoy ang mga hakbang sa pagbuo ng Personal na
(Objective) Pahayag ng Misyon sa Buhay.
2. Nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng Personal na
Pahayag ng Misyon sa Buhay

Paksa Personal na Misyon sa Buhay


(Topic/Subject
Matter)
Teksbuk Edukasyon sa Pagpapakatao 9: Modyul para sa Mag-
aaral
Pgs. 232-241
Mga Kagamitan Papel
Mga Copyright FEP Printing Corporation Department of Education-
Instructional Materials Council Secretariat
Ang kabuuang Gawain 1: 40 puntos
puntos Pagsusuri: 60 puntos
Kabuuang Puntos: 100 puntos
Petsa ______________, 2021

II. Mapa ng Nilalaman

Mga Hakbang sa
Pagbuo na Personal na
Pahayag ng Misyon sa
Buhay

Alamin ang
Alamin ang Alamin ang Magsasagawa
Kahalagahan
Direksiyon sa Mga Gabay sa ng Pansariling
sa Misyon ng
buhay pagpapasiya pagtataya
Buhay

1
III. Mga Nilalaman

Mga Hakbang sa Pagbuo ng Saan baa ko


Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay patungo?

Naranasan mo na bang pumunta sa isang


lugar na hindi mo alam ang tamang daan ng iyong
pupuntahan? Paano kaya kung ikaw ay magkamali?
Paano kung ikaw ay maligaw? Ano kaya ang
maaaring mangyari sa yo?
Sa modyul na ito, matuklasan mo ang
kahalagahan ng pagiging tugma ng iyong mga personal na salik sa mga
pangangailangan ng pipiliin mo. Ang pagtutugmang ito ay isang tulong sa
pagkakaroon mo ng makabuluhang buhay na makatutulong sa pagiging produktibo
mo at pakikibahagi sa pagpapaunlad.
Bakit mahalagang makabuo ka ng Personal na Misyon sa Buhay?

Alamin ang Direksiyon sa Buhay


Alam mo ba ang direksiyon na tinatahak mo sa buhay? Naitanong mo na ba sa
iyong sarili kung saan ka patungo? Tingnan mo ang larawan sa itaas. Sa iyong
palagay, alam ba ng taong iyan ang tamang direksiyon na kaniyang tatahakin? Paano
kaya kung siya ay magkamali at maligaw sa ninanais niyang puntahan? Ano kaya ang
maaaring niyang hantungan?
Mahalagang sigurado ang tao sa landas na kaniyang tinatahak. Ito ang susi
na makatutulong sa kaniyang na makamit ang kaniyang layunin sa buhay. Balikan
natin ang iyong napag-aralan noong ikaw ay nasa Baitang 7 pa lamang, tinalakay
ninyo ang tungkol sa tamang pagpapasya. Ito ay mahalaga sa pagkakaroon ng
makabuluhang buhay at ganap na pagkatao. Kaya sa tuwing nagpapasya,
kinakailangang pag-isipan ito nang makailang ulit upang maging sigurado at hindi
maligaw. Ito ay dapat na makabubuti sa sarili, sa kapuwa at sa lipunan

Mga Gabay sa Pagpapasiya


Sa pagpapasya, kailangan mo ng gabay. Tulad ng isang bulag, lubos siyang
mahihirapan sa paglalakad kung walang tungkod na gagabay sa kaniya. Ito ang
nagsisilbing kasangkapan niya upang marating niya ang kaniyang nais puntahan.
Gayundin ang tao, kailangan niya ng gabay sa pagpapasya upang hindi siya
magkamali; nang sa gayon, magkaroon ng tamang direksiyon sa pagkamit ng mga
layunin. Bakit nga ba mahalaga na magkaroon ng direksiyon ang buhay ng tao? Una,
sa iyong paglalakbay sa buhay mo ngayon, ikaw ay nasa kritikal na yugto ng buhay.
Anuman ang piliin mong tahakin ay makaaapekto sa iyong buhay sa hinaharap. Kung
2
kaya’t mahalagang maging mapanuri at sigurado sa iyong gagawin na mga
pagpapasya. Ikalawa, kung hindi ka magpapasya ngayon para sa iyong kinabukasan,
gagawin ito ng iba para sa iyo halimbawa ng iyong magulang, kaibigan, o ng media.
Kung kaya’t dapat na maging malinaw sa iyo ang iyong TUNGUHIN sapagkat kung
hindi, magiging mabilis para sa iyo na basta na lamang sumunod sa idinidikta ng iba
sa mga bagay na iyong gagawin.
Tunay na mahalaga ang pagkakaroon ng malinaw na tunguhin sa buhay.
Marahil tinatanong mo ang iyong sarili sa ngayon kung paano mo ito gagawin o
sisimulan. Alam ko na pamilyar ka na dito sapagkat natalakay na ito ng iyong guro sa
ikaapat na bahagi ng iyong modyul noong nasa Baitang 7 ka pa lamang. Naalala mo
pa ba ng tawag dito? Ito ay ang Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay (Personal
Mission Statement).
Ano nga ba ang kahulugan ng Personal na Misyon sa Buhay? Ito ay katulad
ng isang personal na Kredo o isang motto na nagsasalaysay kung paano mo ninanais
na dumaloy ang iyong buhay. Ito ay magiging batayan mo sa iyong gagawin na mga
pagpapasya sa araw-araw. Isang magandang paraan ito upang higit mong makilala
ang iyong sarili at kung saan ka patutungo. Nagsisilbi itong simula ng matatag na
pundasyon sa pagkakaroon mo ng sariling kamalayan at mataas na pagpapahalaga
sa iyong mga layunin sa buhay. Hindi madali ang
paglikha nito, dahil nangangailangan ito ng panahon,
inspirasyon at pagbabalik-tanaw.
Ayon kay Stephen Covey sa kaniyang aklat na
Seven Habits of Highly Effective People “Begin with the
end in mind”. Nararapat na ngayon pa lamang ay
malinaw na sa iyong isip ang isang malaking larawan
kung ano ang nais mong mangyari sa iyong buhay.
Mahalagang kilalanin mong mabuti ang iyong sarili at
suriin ang iyong katangian, pagpapahalaga at layunin. Mag-isip ng nais mong
mangyari sa hinaharap at magpasya sa direksiyon na iyong tatahakin sa iyong buhay
upang matiyak na ang bawat hakbang ay patungo sa mabuti at tamang direksiyon.
Ayon din kay Covey, ang paggawa ng personal na misyon ay nararapat na iugnay sa
pag-uugali at paniniwala sa buhay.

Magsasagawa ng Pansariling pagtataya


Sa paglikha ng Personal na Misyon sa Buhay, makatutulong na magkaroon ka
ng pansariling pagtataya o personal assesment sa iyong kasalukuyang buhay. Ang
resulta nito ay magiging kapaki-pakinabang sa iyong mapanagutang pasya at kilos.
Narito ang mga dapat mong isaalang-alang sa pansariling pagtataya.
1. Suriin ang iyong ugali at katangian. Simulan mo ang paggawa ng iyong
personal na misyon sa pamamagitan ng pagtatala ng iyong mga ugali at mga
katangian. Ang pangunahin mong katangian ang magpapakilala sa iyo kung
sino ka, paano ka naapektuhan ng mundo na iyong ginagalawan, ano ang
mahalaga sa iyo at paano ka kumikilos para sa iyong gagawin na pagpapasya.

3
2. Tukuyin ang iyong mga pinahahalagahan. Kailangang maging maliwanag sa
iyo kung saan nakabatay ang iyong mga pagpapahalaga. Kung saan nakatuon
ang iyong lakas, oras at panahon. Ang iyong mga pinahahalagahan ang
magiging pundasyon mo sa pagbuo ng personal na misyon sa buhay.

3. Tipunin ang mga impormasyon. Sa iyong mga impormasyon na naitala, laging


isaisip na ang layunin ng paggawa ng personal na misyon sa buhay ay
mayroong malaking magagawa sa kabuuan ng iyong pagkatao. Ito ang
magbibigay sa iyo ng tamang direksiyon sa landas na iyong tatahakin. Ang
pagsulat ng personal na misyon sa buhay ay hindi madalian o nabubuo lamang
sa ilang oras. Ito ay kailangan mong pagnilayan, paglaanan ng sapat na
oras/panahon at bigyan mo ng buong sarili sa iyong ginagawa. Sa oras na ito
ay mabuo mo, ito ang magiging saligan ng iyong buhay. Magkakaroon ka ng
pagbabago sapagkat ang lahat ng iyong gagawin o iisipin ay nakabatay na dito.

Kahalagahan sa Misyon ng Buhay


Sa pagbuo ng personal na misyon sa buhay, ito dapat ay nakatuon sa kung
ano ang nais mo na mangyari sa mga taglay mong katangian at kung paano
makakamit ang tagumpay gamit ito. Ayon kay Stephen Covey, upang makabuo ng
mabuting personal na misyon sa buhay, mabuti na ito ay magsimula na alamin ng tao
ang sentro ng kaniyang buhay.

Halimbawa: Diyos, pamilya, kaibigan, komunidad, atpb. Ito ay dahil ang sentro
ng buhay mo ang magbibigay sa iyo ng seguridad, paggabay, karunungan at
kapangyarihan.
Ang personal na misyon sa buhay ng tao ay maaaring mabago o mapalitan
sapagkat patuloy na nagbabago ang tao sa konteksto ng mga sitwasyon na
nangyayari sa kaniyang buhay. Ngunit magkagayon man, ito pa rin ang magsisilbing
saligan sa pagtahak niya sa tamang landas ng kaniyang buhay. Sabi nga sa isang
kataga, “All of us are creators of our own destiny”. Ibig sabihin, tayo ang lilikha ng ating
patutunguhan. Napakaganda hindi ba? Kaya pag-isipan mong mabuti, sapagkat
anuman ang iyong hahantungan, iyan ay bunga ng iyong mga naging pagpapasya sa
iyong buhay.

Sa pagbuo mo ng personal na misyon sa buhay dapat na masasagot nito ang


mga katanungang:

1. Ano ang layunin ko sa buhay?


2. Ano-ano ang aking mga pagpapahalaga?
3. Ano ang nais kong marating?
4. Sino ang mga tao na maari kong makasama at maging kaagapay sa aking
buhay?

4
Ayon kay Stephen Covey, nagkakaroon ng kapangyarihan ang misyon natin sa
buhay kung ito ay:
1. Mayroong koneksyon sa kaloob-looban ng sarili upang mailabas ang
kahulugan niya bilang isang tao
2. Nagagamit at naibabahagi nang tama at mabuti at may kahusayan ang sarili
bilang natatanging nilikha
3. Nagagampanan nang may balanse ang tungkulin sa pamilya, trabaho,
komunidad at sa iba pang dapat gampanan
4. Isinulat upang magsilbing inspirasyon, hindi upang ipagyabang sa iba

Kung ang isang tao ay mayroong personal na misyon sa buhay, mas malaki
ang posibilidad na magiging mapanagutan siya upang makapagbahagi sa pagkamit
ng kabutihang panlahat. Makatutulong ito upang makita mo ang halaga ng iyong pag-
iral sa mundo na ikaw bilang tao ay mayroong misyon na dapat gampanan sa iyong
buhay. Anuman ito ay dapat mong pagnilayan at ihanda ang iyong sarili kung paano
mo ito sisimulan at gagawin. Mula dito, kailangang maging malinaw sa iyo ang iyong
pag-iral: ikaw ay mayroong misyon na dapat gampanan.

IV. Gawain
Petsa: _____________________ Iskor: _________
Panuto: Pansariling pagtataya:
Pagganap
Isipin mo na ikaw ay magdiriwang ng iyong ika – 50 na kaarawan. Marami kang
inimbitahan na bisita. Sa bahagi ng programa ay nasorpresa ka sapagkat ang mga
kakilala, kapamilya at kaibigan mo na naroon ay magbibigay pala sa iyo ng isang
parangal o tribute. Isaisa silang magsasalita tungkol sa iyo.

Ano kaya ang maaalala nila na ginawa mo?


Ano kaya ang sasabihin nila tungkol sa iyo?
Ano-ano kayang mga katangian ang maalala nila sa iyo?
Ano ang gusto mong sabihin Ano ang gusto mong
Mga Magsasalita na Mabuti mong ugali at sabihin na Hindi Mabuti
katangian mong ugali at katangian

a. Pamilya

b. Kaibigan

c. Kamag-aral

a. Kapit-bahay

5
V. Pagsusuri
Petsa: _____________________ Iskor: _________
Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong. Bilugan ang pinakatamang sagot.
Panuto: Panato: Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem at piliin ang titik ng
pinakatamang sagot. Isulat ito sa iyong kwaderno.

1) Paano kaya kung ikaw ay magkamali at maligaw sa ninanais mong puntahan? Ano
kaya ang maaaring mong hantungan? Kaya mahalagang sigurado ka sa landas na
iyong tatahakin dahil,

a. Ito ang susi na makatutulong sa’yo na makamit ang iyong layunin sa buhay.
b. Ito ang susi na makatutulong sa’yo na makamit ang iyong kapahamakan sa buhay.
c. Ito ang susi na makapayayaman sa’yong buhay.
d. Ito ang susi na makabibigay kasiyahan sa’yong buhay.

2) Sa pagpapasya, kailangan mo ng tamang __________. Tulad ng isang bulag, lubos


kang mahihirapan sa paglalakad kung walang tungkod na gagabay sa’yo.

a. Misyon c. Propesyon
b. Bokasyon d. Gabay

3) Ito ay magiging batayan mo sa iyong gagawin na mga pagpapasya sa araw-araw.

a. Personal na Misyon sa Buhay c. Propesyon


b. Kayamanan sa Buhay d. Gabay

4) Sa paglikha ng Personal na Misyon sa Buhay, makatutulong na magkaroon ka ng?

a. Kaibigan sa Buhay c. Propesyon


b. Kayamanan sa Buhay d. pansariling pagtataya

5) Ito ang mga dapat mong isaalang-alang sa pansariling pagtataya, maliban sa:

a. Suriin ang iyong ugali at katangian.


b. Tukuyin ang iyong mga pinahahalagahan.
c. Tipunin ang mga impormasyon.
d. makikipag-inuman sa mga estambay

6) Alin sa mga sumusunod ang hindi kahulugan ng Personal na Misyon sa Buhay?

a. Ito ang batayan ng tao sa kaniyang pagpapasya.


b. Ito ay katulad ng isang personal na Kredo o motto na nagsasalaysay ng nais mong
mangyari sa iyong buhay.
c. Isang magandang paraan ito upang higit na makilala ang sarili.
d. Ito ay gawain tungo sa paglilingko sa kapuwa.

6
7) Ang Personal na Misyon sa Buhay ay maaaring mabago o palitan.

a. Tama, sapagkat araw-araw ay mayroong nababago sa tao.


b. Mali, sapagkat mawawala ang tuon ng pahayag kung ito ay babaguhin o papalitan.
c. Tama, sapagkat patuloy na nagbabago ang tao sa konteksto ng mga sitwasyon sa
buhay.
d. Mali, sapagkat ito na ang iyong saligan sa buhay. Maaring magkaroon ng problema
kung ito ay babaguhin pa.

8) Ayon kay Stephen Covey, nagkakaroon lamang ang misyon natin sa buhay ng
kapangyarihan kung:

a. nagagamit sa araw-araw ng mayroong pagpapahalaga.


b. nakikilala ng tao ang kaniyang kakayahan at katangian.
c. nagagampanan nang balanse ang tungkulin sa pamilya, trabaho at komunidad.
d. kinikilala niya ang kaniyang tungkulin sa kaniyang kapuwa.

9) Ito ay ang hangarin ng isang tao sa buhay na magdadala sa kaniya tungo sa kaganapan.

a. Misyon b. bokasyon c. Propesyon d. Tamang Direksiyon

10) Ang ibig sabihin nito ay calling o tawag.

a. Bokasyon b. Misyon c. Tamang Direksiyon d. Propesyon

11) Saan dapat makabubuti ang isasagawang pagpapasya?

a. Sarili, simbahan at lipunan c. Paaralan, kapuwa at lipunan


b. Kapuwa, lipunan, at paaralan d. Sarili, kapuwa at lipunan

12) Ang mga sumusunod ay pansariling pagtataya sa paglikha ng Personal na Misyon sa


Buhay maliban sa:

a. Suriin ang iyong ugali at katangian c. Tukuyin ang mga pinahahalagahan


b. Sukatin ang mga kakayahan d. Tipunin ang mga impormasyon

13) Bakit mahalaga magkaroon ng tamang direksiyon ang isang tao.

a. Upang siya ay hindi maligaw c. Upang mayroon siyang gabay


b. Upang matanaw niya ang hinaharap d. Upang magkaroon ng kasiyahan

14) Laging isaisip na ang layunin ng paggawa ng personal na misyon sa buhay ay


mayroong malaking magagawa sa kabuuan ng iyong _________.

a. Misyon b. pagkatao c. Propesyon d. Tamang Direksiyon

15) “All of us are creators of our own destiny”. Ibig sabihin, tayo ang lilikha ng ating
patutunguhan.

a. Misyon b. lilikha c. Propesyon d. Tamang Direksiyon

7
VI. Susi sa Pagwawasto

VII. Mga Sanggunian:

Mga Sanggunian:
Rick Warren, The Purpose of Driven Life
Carol Adrienne, The Purpose of Your Experiential Guide
Experiential Guide Stephen Covey, Seven Habits of Highly Effective People
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 9 Learner’s Material

Websites:
http://www.e-turo.org/?q=node/1129
http://www.wikihow.com/Write-a-Personal-Mission-Statement
https://www.stephencovey.com/mission-statements.php
www.wikihow.com/write-aPersonalMissionsatatement
www./evoleague.com/articles/career-advice/personal-mission-statement-three-easy-
stepsdefining-creating

Prepared by:
Name : Jupiter Q. Rubinos, M.Ed.
School : Jaclupan National High School, Division of Talisay City Cebu
Contact No.: 09273296923/jupiter.rubinos@deped.gov.ph

8
VIII. Talaan ng Feedback

PARENTS’/GUARDIANS’ FEEDBACK
LEARNER’S FEEDBACK
---------------------------------------------------------
------------------------------------- ---------------------------------------------------------
------------------------------------- ---------------------------------------------------------
------------------------------------- ---------------------------------------------------------
------------------------------------- -------------------------------------------
------------

IX. Answer Sheet


Control No: _______________
Name: __________________________________ Year & Sec: ____________
Contact No:____________________
School: ____________________________ Teacher: ________________________

You might also like